Homepage/One Hundred Billion Pesos Baby/
Chapter 102
Masaya siya… Hindi, mas tamang sabihin na matagal niyang ipinagdasal na muli silang magkita at makasama nang matagal si Kenneth. Sa tuwing nagbabakasyon siya sa South Korea, palagi itong abala sa trabaho at pag-aaral nito. Halos hindi sila nagkikita, maliban na lang kung magpupuyat siya kakahintay sa binata. Night classes ang kinuha nito dahil halos gawin nang full time ni Kenneth ang trabaho nito. Gusto raw kasi nitong makaipon kaagad para sa pamilya nito – lalo na para sa Mama nito. Pagkatapos ng tatlong taon, nangyari ang kagustuhan ng binata na makauwi na sa South Korea ang nanay nito.
Sa kabilang banda, ayaw niyang maramdaman na napag-iiwanan siya kaya kung ano-anong online courses para madagdagan ang kaalaman niya. Gusto sana niyang maging businesswoman, iyon ang orihinal niyang pangarap dahil gusto niyang yumaman. Pero noong minsan na mag-isa siya sa kaniyang silid, nakita na lang niya ang kanyang sarili na nagtitipa ng mga letra sa laptop niya. Humahabi ng maikling kwento tungkol sa isang nagsasalitang teddy bear na nakipag-kaibigan sa isang bata na salat sa yaman. Doon niya napagtanto ang gusto niya!
Noon, puno lang ng mga ‘what if’ ang utak niya. Alam ni Eclaire na walang malaking pera sa pagsusulat. At kung gusto niyang makatulong sa pamilya niya, kailangan niyang kalimutan ang ‘hobby’ nya simula pagkabata – pagbabasa ng mga maiiksing kwento para sa mga batang gaya niya. Pero iba na ngayon… Nakuha na niya ang pribelehiyo na kinaiinggitan ng karamihan, ang kalayaang piliin ang pangarap kaysa sa pag-iipon ng pera. At kung gusto niyang makuha ang ‘approval’ ng kanyang mga kapamilya, kailangan niyang ipakita na may mararating siya kagaya ni Marion.
“Hindi mo na kailangan sabihin ang kung ano-ano… Naiintindihan kita…” makahulugang sambit ni Kenneth.
Nagsimulang mangilid ang patak ng luha sa sulok ng kaniyang mga mata. Para siyang bata na bahagyang hinila ang dulo ng shirt nito. Pakiramdam ng dalaga, sasabog ang dibdib niya kung sasabihin nito na huwag na silang magkita.
“Ibig mo bang sabihin… Ayaw mo na sakin?”
“Ha? Sira ka ba? Sinong may sabi sayong papakawalan kita?” Nakakunot na rin ang noo ni Kenneth, tila hindi nito nasusundan ang byahe ng imahinasyon ni Eclaire. “Ngayon ko lang naisip na nakakahiya ang ginawa ko… Mabait ang mga magulang mo sakin pero nakalimutan ko ang pinakaimportanteng bagay. Kailangan kong patunayan sa kanila na deserve ko na pormal na humarap sayo at sa kanila… Hindi bilang kaibigan at dating kaklase mo noong high school, kundi bilang lalaki na gustong manligaw sayo.”
“I-Ibig mong sabihin –”
Pinutol ng binata ang nais niyang sabihin. “Liligawan kita… Pero magpapaalam muna ako sa mga magulang mo, sa pamilya niyo. Gusto kong makita nilang seryoso ako sayo… Ewan ko… Hindi rin ako sigurado… Pero ‘yon ang natutunan ko sa ibang teleserye –"
“Thank you, Kenneth! Thank you!” Hindi napigilan ni Eclaire ang kanyang sarili. Sinugod na niya ito upang yakapin sa leeg. Gusto niyang tumili sa saya pinigilan niya lang… Baka magmukha siyang kinakatay na biik sa paningin nito dahil sa tinis ng kanyang boses. “Wala nang bawian iyan, a!”
“Oo naman. Kaya ikaw…” Banayad na hinaplos ni Kenneth ang buhok ni Eclaire, may kaunting lambing din ang tinig nito habang bumubulong sa kanyang kanang tenga. “Huwag mong kakalimutan na kahit anong mangyari, kahit saang panig pa ko ng mundo… Ikaw lang ang gusto ko.”
** * * *
“Sa wakas, makakapagpahinga na rin,” hindi napigilang ibulalas ni Peterson. Idinikit nito ang likod sa dantayan ng upuan. “Mabuti naman at ilang taon na lang ang hihintayin niyong mag-asawa bago maka-graduate si Eclaire.”
“Dad, huwag mong kakalimutan ang ipinangako mo, ha. Sabi mo –”
“Oo na… Oo na… Sabi ko nga sayo, gusto ko lang na magkaroon siya ng ‘safety net’ kapag nagkataon. Alam mo naman sa bansang ito… Naka-depende ang lahat sa kung saan ka naka-graduate at kung ano ang kurso mo. Ayoko lang na dumating ang panahon na may marinig siyang hindi maganda tungkol dyan. Pero kapag nakatapos na siya ng business management, ayos lang sakin kung gusto niyang ituloy ang mga pangarap niya.”
Tumingin si Seojun kay Marion, nagtatanong ang mga mata nito. “Paano… si Ethan? Napanood ko na ito, e. Palaging napupunta sa anak na lalaki ang mabigat na responsibilidad na pagpapatakbo ng kumpanya ng mga magulang niya pagdating ng araw, di ba? Pipilitin niyo ba siya na gawin ang mga gusto niyo?”
Nagkatinginan ang mag-amang Marion at Peterson, kapwa nagsimulang tumawa ang dalawa. Napa-hampas pa si Marion sa hita niya. “Ano ka ba? Tigilan mo nga ‘yong panonood ng mga Pinoy teleserye, hon. Nakakaloka ka…”
“B-Bakit? Hindi ba ganun iyon?”
“Hijo… Seojun…” Napailing-iling si Peterson. “Kung iniisip mong gagawin ko sa kanya ang ginawa ko kay Marion, huwag kang mag-alala. Hindi naman ako ganoon ka-tigas para gawin iyon sa apo ko. Isa pa… Special case lang itong anak ko na si Marion. Wala siyang interes sa negosyo noong umpisa. Pero napatunayan niya kung gaano siya kagaling pagdating sa decision-making. Unfortunately, mas madalas ngayon na siya pa ang nauunang makaalam ng mga bagong impormasyon kesa sakin.”
Sa business, literal na dekorasyon lang sa pader ang diploma. Wala pa ring tatalo sa generational wealth at kakayahan ng isang tao para magpalago ng negosyo. Iyon ang ipinaliwanag ni Marion sa kaniyang asawa upang mapanatag ito. Ayaw din naman ni Marion at Peterson na isipin ni Ethan na hindi na nito kailangang mag-effort sa buhay. Gusto ng mga ito na si Ethan mismo ang magpakita ng interes sa negosyo.
Pagkatapos ng usaping iyon, nanahimik silang tatlo sa loob ng sasakyan. Kasalukuyan silang nagbabyahe pabalik ng mansyon. Dahil sa pagod, nakatulog ang limang taong bata sa kandungan ng ama nito kaya pinili ng tatlong nakakatanda ang manahimik pansamantala. Nabasag lamang ang katahimikang iyon nang maisipan ni Marion na tanggalin ang sapatos niyang may mataas na takong. Sa kaka-inat niya, tumama sa leeg ng kaniyang asawa ang siko niya.
“Aray ko!” Nagulat si Seojun at napahawak sa leeg nito. Lumulutang na sa alapaap ang utak nito dahil sa magkahalong pagod at puyat nang magising ito dahil sa nangyari.
“Sorry… Sorry… Sorry na agad…” Nag-peace sign pa si Marion upang magpa-cute sa asawa.
“Hindi ko naman sinasadya.”
“Umayos ka nga Marion. Baka mamaya, biglang magising si Ethan…” saway ni Peterson sa kaniya.
“Oo na po… Pasensya na talaga…” Dahan-dahang inilagay ni Marion ang sapatos sa gilid nito at hinayaan ang paa na nakasalampak sa carpet ng sasakyan.
“Matulog ka na lang din dyan para matahimik na –” Biglang nalukot ang mukha ni Peterson habang nakahawak sa tiyan nito.
Kaagad na naalarma si Marion sa biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. “Dad! Okay ka lang ba? Anong masakit sayo?”
“Pumunta na tayo ng ospital. Ngayon na!” utos ni Seojun.
Tumango ang driver nila, bago sinimulang pabilisin ang pagtakbo ng sasakyan. Dahil sa biglang kumosyon, nagising si Ethan. Pupungas-pungas ito nang maramdaman ang biglang paggalaw ng ama nito. “What’s happening?”
“I… I’m fine –” Muling kumirot ang tiyan ni Peterson. Halos ibaon nito ang mga kamay sa ibabaw na parte ng tiyan nito. “Kumalma kayo.”
“Dad naman! Paano kami kakalma? Okay naman kayo tapos biglang sumakit ang tiyan niyo. Nagpa-check up na ba kayo? Di ba sabi ko sa inyo, gawin niyong every six months ang routine check up niyo. Baka mamaya, may sakit na kayo na hindi niyo alam.”
“Hon, kumalma ka… Natatakot ang bata…” Bahagyang hinila ni Seojun ang manggas ng suot ng asawa upang mapansin siya nito. “Tingnan mo itong anak mo, parang iiyak na dahil nakikita kang natataranta.”
Ibinaling naman nila Peterson at Marion ang kanilang tingin kay Ethan. Nagtatanong ang mga mata nito, halatang walang naiintindihan sa pinag-uusapan nila. “Lolo… Are you okay?”
Nagsisimula nang magkaroon ng butil-butil na pawis sa noo si Peterson, “O-of course, hijo…”
Marahang pinisil ng matanda ang pisngi ng apo nito. “Lolo will be okay… For you…”
“Five minutes na lang po, makakarating na tayo sa **** Medical Center, Maam,” anunsiyo ng driver.
Tumawag si Seojun sa kakilala nito sa ospital na iyon para ipaalam ang kanilang pagdating. Si Marion, hinawakan muna ang bunsong anak na pilit pinapakalma ang lolo nito. Magkahawak ng kamay ang mag-lolo, habang pilit na ngumingiti si Peterson sa harap ng pamilya nito. Mataas ang tensyon sa loob ng sasakyan kaya naman wala nang gustong magsalita pa, para na rin hindi kabahan ang bata.
Pagkarating nila sa ospital, inilagay si Peterson sa stretcher ay dinala sa loob ng emergency room. Nag-iinarte pa ito na nagiging overreacting lang si Marion, na baka may nakain lang ito na hindi maganda kaya sumakit ang tiyan. Ayaw patalo ni Marion kaya pinagawa nito ang mga laboratory tests na kailangan para malaman kung ano ba talaga ang sakit ng ama nito.
“Marion, kalma… Naii-stress na rin si EJ sa ipinapakita mo,” bulong ni Seojun. “Nandito na tayo sa ospital. Siguradong malalaman nila kung ano ang sakit ng Daddy mo.”
“He’s right, hija… Magagaling ang mga doktor dito at mapagkakatiwalaan din sila kaya pwede ka nang makahinga nang maluwag. I’m sure, everything will be fine.”
“Dapat lang! Because you’re barely 62 years old, Dad! Limang taon pa lang itong apo mo kaya dapat lang na maging healthy ka para makita mo siyang lumaki. Saka alam mo naman na I’m just…” Madiin ang pag-padyak ng paa ni Marion kaya tumunog nang malakas ang takong ng sapatos niya. “Hindi ko matatanggap kung mawawala ka nang ganun lang…”
Kahit hindi na niya masyadong nakikita at nakakasama nang personal ang dati niyang pamilya, palagi pa rin niyang naiisip ang mga ito. Hindi lang niya basta madalaw nang madalas ang mga ito dahil ayaw niyang isipin ng Daddy niya na ayaw niya sa poder nito. Sa ilang taon nilang pagsasama sa iisang bahay, nakita niya kung gaano kalungkot ang buhay ng Daddy niya kaya pinili niya paboran ito kaysa sa mga nagpalaki sa kanya. Mabuti na lang at naiintindihan siya ng mga Reyes niya kaya hindi na rin siya masyadong pinaghahanapan ng mga ito.
“Gabi na… Ang mabuti pa, umuwi na muna kayo Seojun. Kailangan nang matulog ni Ethan.” Napansin niyang namumungay na ang mga mata ng bata, halatang nilalabanan lang ng mga ito ang antok.
“Sige. Pero babalik kami mamayang umaga para makapagdala ng mga gamit nyo rito. Siguradong mag-aalala ang mga tao sa mansyon kung walang uuwi satin at magsasabi ng balita,” pag-sang ayon nito. Mukhang naramdaman ng kaniyang asawa na gusto niyang makausap nang personal ang Daddy niya kaya binigyan sila nito ng space.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
we are up
24/10/2025
0nice
20/10/2025
0it's so beautiful and fantastic
04/04/2025
0Tingnan Lahat