Chapter 100

      Naaamoy pa ni Eclaire ang cucumber and green tea scent deodorant na ginagamit ni Kenneth simula noong nasa middle school sila. Kahit hindi niya sabihin, nakaramdam siya ng kaginhawaan sa simpleng impormasyon na iyon. Matagal silang nagkahiwalay pero may mga bagay na nananatili pa ring kapareho ng pagkakatanda niya. Ganoon pa man, nandoon pa rin ang mga pisikal na pagbabago sa kanilang mga katawan kaya hindi niya maiwasang mahiya, matapos siya nitong bitawan mula sa yakap na iyon.
      “Kumusta ka na? Ang… ganda mo ngayon.” Bahagya pang ngumiti ang binata kaya naman lalong bumilis ang pintig ng kaniyang puso.
      “Palagi mo naman akong nakikita kapag nag-uusap tayo sa video call, ‘di ba? Bakit parang gulat na gulat ka pa?” biro niya.
      “Wala… Ngayon ko lang na-realize nang husto kung gaano ka ka-ganda.” Kahit wala siyang sinasabi, tinanggal ni Kenneth ang suot nitong jacket at ipinatong iyon sa mga balikat niya.
      “Naramdaman ko ‘yong backless mo… Kaya mas maganda na may harang iyan.”
      Hindi niya alam kung matatawa o maiinis siya sa sinabi nito pero trinaydor siya ng kaniyang mga labi. Sumilay ang matamis na ngiti mula rito, habang pilit na pinipigilan ang pagpapakita ng kilig na kaniyang nararamdaman. “Ano… Gusto mo bang sumama sa ‘kin sa party?”
      Umiling-iling ito. “Hindi pwede… Alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon, hindi ako pwedeng magpakita sa public, kahit sabihin pa na nasa ibang bansa ako. Lumaki ka sa Seoul kaya alam mo kung gaano sila ka-conservative.”
      Tama… Isang public figure ang kasama niya ngayon. Hindi na lang ito basta poging estudyante sa campus. May mga fans na ito. Iyon nga lang, kapag nalaman ng mga fans nito na pumunta ito sa isang party at uminom ng alak, malaking impact iyon sa image ni Kenneth. Sa Seoul, twenty years old ang edad ng isang tao para ituring na isang ‘adult’, hindi kagaya sa Pilipinas na disi-otso lang.
      “Gusto mo bang sumama sa ‘kin?” tanong nito.
      “Ha? Saan naman tayo pupunta? Saka nagpaalam ka man lang ba sa manager mo? Baka mamaya, kalbuhin ka no’n dahil bigla kang nawala.” Hinawakan ni Eclaire ang mga kamay nito. “Ayokong may masabi sila sa iyo…”
      “Ayos lang. Kahit batukan pa ko ni Sir Henry, basta makasama lang kita ngayon. Ayos ba?” Muli niyang narinig ang mapaglarong tono ng pananalita nito, “O! Ano? Mas gusto mo bang bumalik sa party niyo? O ililibot mo na lang ako sa Manila?”
      “Wait…” Kinuha muna niya ang kaniyang cellphone at nagsimulang magtipa ng mga letra. “Ite-text ko lang ang mga kaibigan ko. Sasabihin ko na magkita na lang kami bukas sa bahay.”
      Lumuwang ang ngiti ni Kenneth sa sinabi niya, tila lumulukso-lukso ang kaniyang puso dahil ngayon na lang niya ulit ito makakasama. “Saan mo gustong pumunta?”
      “Ewan ko… Kahit saan! Ang importante, kasama kita.” Gusto sana niyang sikuhin ito sa tiyan dahil masyadong cheezy ang mga linya nito pero pinigil niya ang kaniyang sarili. Pinapaalala niya sa utak niya na hindi iyon dapat ginagawa ng isang dalaga.
      “Tatawagan ko lang ang driver. Tapos… Ewan ko. Gusto mo bang kumain ng bulalo?” Gusto niyang tampalin ang kaniyang noo dahil kung ano-ano na ang nasasabi niya. “I mean… Baka gusto mo ng mainit na sabaw?”
       “B-Bu… Bulalo? Tama ba?” Muling hinawakan ni Kenneth ang kaniyang kamay na bumitaw mula rito. “Tara na ba?”
      Para silang mga bata, bumubungisngis pa habang naglalakad paalis ng kaniyang eskwelahan. Mga chikiting na tatakas at hindi nagpaalam sa kanilang mga magulang. Hindi na nila hinintay ang driver, pina-cancel na iyon ni Kenneth. Naisipan nilang mag-public transportation. Wala silang dala no’n bukod sa mga cellphone at wallet nila bago sila sumakay sa unang bus na dumaan sa bus stop.
      “Pumunta tayong Tagaytay…” bulong niya kay Kenneth. “Nakapunta na ko roon, pero ngayon lang ako nakasakay sa bus sa Pilipinas.”
      “A…” Tumango-tango ang binata. “Oo nga pala, nakalimutan ko kung gaano kayaman ang Mommy mo rito.”
      “Hoy!” Kinurot niya ito sa tagiliran dahil bigla siyang nakaramdam ng pagka-pikon. “Grabe ka naman. Ikaw nga, nararanasan mo na rin ‘yong masarap na buhay.”
      Unti-unting nawala ang malapad na ngiti mula sa gwapong mukha ni Kenneth. Mukhang tinamaan niya ang sensitibong parte ng buhay nito. “Alam mo naman na hindi lahat ng mayroon ako, para lang talaga sa akin.”
      Tama… Hindi magawang makaalis ni Kenneth sa modeling contract niya dahil marami itong kailangan isipin. Hindi pa ito tapos sa hinuhulugang bahay para sa nanay nito, bukod pa sa balak nito na pag-iipon para hindi na mamasukan bilang coffee barista ang nanay nito. Mas gusto ng binata na makapagbukas ng sariling coffee shop ang nanay nito pero wala pa rin silang puhunan hanggang ngayon. Nahihiya itong humingi sa tiyo nito dahil matagal din itong sumuporta sa pinansyal na pangangailangan ng mag-ina.
      “Sorry… Medyo… Nasanay na yata ako sa buhay kasama si Mom kaya nagiging taklesa na ko ngayon,” pag-amin niya.
      “Wala iyon. Okay nga iyan, e. Mukhang masaya ka na sa bago mong buhay.” Napansin ni Kenneth na bahagya na siyang nakakakuha ng atensyon mula sa mga pasahero sa kabilang upuan kaya muli nitong ibinalik ang suot na face mask. “Sorry, mukhang nakikilala nila ako.”
      Napasulyap si Eclaire sa mga nasa kabilang upuan. Nagbubulungan ang mga ito habang sumisilip-silip sa gawi nila kaya naintindihan niyang hindi kumportable ang pakiramdam ni Kenneth. Base sa itsura ng mga ito, mga trend sa korean pop culture ang sinusunod ng mga ito kaya naka-long sleeves kahit mainis sa Pilipinas. Iyon din ang naisip niyang dahilan kaya pamilyar ang mukha ni Kenneth sa mga ito.
      “Pasaway ka kasi! Sabi ko sa iyo, mag-kotse na lang tayo,” bulong niya, pero may halong paninisi sa kaniyang tinig. “Ang kulit mo kasi. Kapag nagka-problema ka sa trabaho mo, huwag kang iiyak-iyak sa ‘kin, okay?”
      “Oo na. Sorry na…” Sumandal na lang si Kenneth sa upuan nito. Bahagyang namumungay ang mga mata nito na tila inaantok na.
      “G-Gusto mo bang matulog muna sandali? Tutal matatagalan pa tayo, mahigit isang oras din ang byahe. Umidlip ka muna,” alok ni Eclaire.
      “Salamat… Medyo pagod na nga ako…” Sumandal si Kenneth sa balikat niya at inihilig ang ulo nito sa kaniyang ulo. Proud siya sa height niya na five feet six inches pero nagmukha pa rin siyang maliit sa apat na pulgadang pagitan nila ni Kenneth.
      Muli na naman tuloy niyang naamoy ang deodorant nito, ang bagay na gustong-gusto niyang amoy noon pero wala siyang balak na umamin. Nasanay na siya sa klima sa Pilipinas kaya nagpapasalamat siya dahil may jacket sa kaniyang mga balikat. Mukha namang balewala lang sa binata ang lamig, kahit malakas ang buga ng hangin mula sa airconditioner ng bus, hindi man lang tumataas ang balahibo nito sa braso.
      “Na-miss kita…” hindi niya mapigilang ibulong.
      Halos alas-dyes na ng gabi nang huminto ang bus sa restaurant kung saan siya ilang beses nakapunta, kasama ang family niya. Ginising lang niya si Kenneth noong malapit na silang bumaba kaya halatang inaantok pa ito, pupungas-pungas pa. Hawak niya ang kamay nito nang pumasok sila sa loob. Mabuti na lang at alas-onse pa magsasara ang mga ito kaya pinapasok pa sila sa loob. May iilang mga customers na naroon pa kaya hindi naman kakaiba kahit dumating sila ng ganoong oras.
      Dahil wala namang alam ang binata sa pagkaing Pinoy, siya na ang nag-order. Isang order ng beef bulalo at fried liempo ang kinuha niya, hindi mawawala ang kanin syempre. Dahil malalaki ang servings doon, naisipan nila na maghati na lang ng mga ulam dahil nanghihinayang naman siya kung hindi nila mauubos ang mga iyon. Ramdam na rin kasi niya ang gutom kaya wala na siyang pakialam sa salitang ‘diet.
      Nai-serve kaagad sa kanila ang liempo kaya iyon na muna ang ulam nila. Naisip niyang baka pinapainit pa ang sabaw kaya kailangan nilang maghintay ng kinse minutos para sa bulalo. Nagustuhan naman ng kasama niya ang ulam dahil ginawan niya ito ng sawsawan na may toyo, kalamansi at sili na kapareha ng liempo.
      “Hintayin mo lang yung in-order ko… Sigurado akong magugustuhan mo rin ang sabaw no’n,” pagmamalaki niya. Paborito niya ang lugar na iyon dahil lahat ng pagkain doon ay masasarap, kahit mga dessert.
      Inilagay ni Kenneth ang ilang hiwa ng karne sa plato niya. “Kumain ka rin nang kumain. Alam ko naman na hindi ka pa rin nakakakain kagaya ko, naririnig ko kaya ‘yong tiyan mo.”
      Bahagyang namula ang mukha ni Eclaire dahil sa sinabi nito. “Grabe ka naman! Sige na, kakain na talaga ako. Bahala ka na riyan.” Tinusok niya ang karne gamit ang tinidor bago isinubo iyon na tila gusto niyang sagpangin iyon nang buo.
      “Sorry… Na-miss ko lang na asarin ka. Alam mo kasi, noong nawala ka, nahirapan kaming mag-adjust ni Hae won…”
      Napahinto siya sa pagsubo. Iyon ang unang beses na narinig niyang binanggit nito ang tungkol doon. Nawala siya sa piling ng mga ito sa kalagitnaan ng middle school. Para kay Hae won na halos siya lang din ang kasama sa araw-araw, alam niyang nahirapan ito. Hindi nga lang siya kinakabahan dahil mas friendly naman si Hae won kaysa sa kaniya. Hindi ito magiging loner. Pero si Kenneth, mukhang si Hae won lang ang kaibigan nito sa eskwelahan.
      “Ikaw naman kasi… Sobrang choosy mong nilalang. Bakit hindi mo sinubukan na makipag-kaibigan sa mga dati nating kaklase?”
      “Mahirap… Lalo na at halos every weekend, sinasama ako ni Uncle Jang sa kung saan-saang shoots. Gusto ko kasing makaipon kaagad para mapauwi ko na si Mama sa South Korea that time. Habang tumatagal, halos hindi ko na rin nakakasama no’n si Hae won. Nagiging literal na bahay, eskwela, at trabaho na lang ako.”
      Tumango-tango siya. Alam niya ang mga iyon dahil palagi niya itong binibigyan ng advice. Hindi dapat makalimutan ni Kenneth ang pagiging ‘bata’ nito. Iyon ang dahilan kung bakit kinukulit niya itong bumili ng ice cream o kahit anong dessert para i-celebrate ang kahit na anong maliit na achievement nito. Minsan, nagiging study partners pa sila. Lalo na noong mga panahon na hindi na niya maintindihan ang sense ng pag-aaral niya ng algebra.
      Kinurot ni Kenneth ang pisngi niya nang mapansin nitong nakatulala na lang siya. “Pero okay lang, nandiyan ka naman kapag kailangan ko ng kausap.”
      Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Oo. Nandito ako… As your friend, ‘di ba?”
“Eclaire… Did you really think… I only see you as a friend?”

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    WilliamsKatt

    we are up

    24/10/2025

      0
  • avatar
    BeloJhon belo occeño

    nice

    20/10/2025

      0
  • avatar
    FajuraJoyce

    it's so beautiful and fantastic

    04/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata