PART 9 KABANATA 8

ILUMINA (POV)
Nandito kami ngayon sa lilim ng isang malaking puno para magpahinga. Siguro bukas na lang kami magpapatuloy sa aming paglalakbay.
“Ilumina, nagugutom ka ba?” tanong sa akin ni Clover. Umiling lang ako bilang sagot.
“Pag nagutom ka, sabihin mo lang ha,” dagdag pa niya. Hays, ang kulit talaga.
“Oo na,” natatawang sagot ko. Kinuha ko ang punyal na nakatago sa tagiliran ko at sinuri ito.
“Marunong ka bang gumamit niyan?” tanong muli ni Clover habang nakatitig din sa punyal.
“Hindi masyado... pero may paraan ako kung paano ito gamitin,” sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay, tapos tinanong ulit.
“At anong paraan naman 'yan?”
Ngumiti lang ako at ibinalik ang punyal sa tagiliran ko.
“Basta, malalaman mo rin 'yan sa tamang panahon,” sagot ko, sabay hikab.
“Sige na, inaantok na ako. Tulog na ako, Clover.” Paalam ko. Pero bago ako tuluyang makatulog, may pahabol pa siya—
“Sleep tight, my goddess. Happy birthday.”
---
Kinabukasan...
Ang liwanag ng araw ang gumising sa akin. Napapikit pa ako dahil sobrang silaw! Diretso sa mukha ko ang tama ng araw.
Bumangon ako, nag-inat, at tumingin sa pwesto ni Clover—pero laking gulat ko na wala siya ro’n!
“Hala! Saan na naman napunta ‘yon?”
“Clover!” tawag ko, pero wala. Ang sumagot lang sa akin ay isang puting paru-paro na lumilipad sa tabi ko.
“Clover!” ulit kong sigaw, pero kahit anino niya, wala. Hindi ko maramdaman ang presensya niya.
Wala na akong choice kundi gamitin ang kapangyarihan ko.
“Aking kapangyarihan, ituro mo sa akin kung nasaan ang aking kaibigan,” sambit ko. Lumiwanag ang aking mga palad at may balintataw na lumitaw.
Doon ko nakita si Clover—nakagapos ang kamay at paa, at nakakulong sa isang selda.
Hays. Ano na naman bang kalokohan ‘to?
Nag-ready na ako sa pag-alis.
“Tara na, kaibigang paru-paro. Iligtas natin ang pasaway na Clover,” sabi ko habang umiiling.
---
- FAIRYLANDA -
CLOVER (POV)
Sh*t, ang kukulit ng mga bruhang diwata na ‘to! Bakit ba ayaw nila akong pakawalan? Hindi naman ako spy gaya ng sinasabi nila!
Kasalanan ko bang kumuha ako ng prutas para kay Ilumina? Eh gutom siya!
Pag nakawala ako rito, pagbubuhul-buhulin ko talaga ‘tong mga spoiled brat fairies na ‘to!
Siguro gising na si Ilumina ngayon. At kapag nalaman niya ‘to... lagot kayo.
Sh*t. Kailangan ko nang makaalis.
Ginamit ko ang kakayahan kong mag-anyong kuneho. Sa wakas, nakawala rin ako sa lubid.
Pero bago ako makatakas, may narinig akong pamilyar na boses. Lumapit ako at—
Ilumina.
---
ILUMINA (POV)
Dumating ako sa lungga ng mga diwata para iligtas si Clover.
Hakbang pa lang ako nang biglang humarang ang mga maliliit na nilalang.
“Isa ka rin bang ispya ng kadiliman?” seryosong tanong nila. Umiling ako.
“Kung gano’n, ano ang pakay mo sa aming teritoryo?”
Nilunok ko muna ang kaba ko bago sumagot.
“Narito ako para kunin ang aking kaibigan na nahuli niyo kanina. Humihingi ako ng paumanhin sa kanyang nagawa.”
May sasabihin pa sana ang diwata nang biglang dumating ang presensya ng isang kakaiba.
“Ang mahal na lider!” sigaw ng isa.
Dumating ang isang batang babae, may hawak na kuneho. Alam kong si Clover 'yon.
Napansin kong mas malaki siya kaysa sa ibang diwata. Kung di mo siya kilala, iisiping normal lang siyang bata.
Lumapit siya sa akin at iniabot si Clover.
“Pasensiya na sa mga kasama ko, kaibigang manglalakbay,” sabi niya nang pormal.
Yumuko ako bilang paggalang bago sumagot, “Ako rin po ay humihingi ng paumanhin sa aming paglabag.”
Ngumiti siya.
“Bilang kabayaran, nais ko kayong imbitahan sa isang munting salo-salo.”
Naalala ko ang babala ng Dyosa ng Propesiya:
> “Celestina, mag-ingat ka sa mga nilalang na tila kaibigan pero may itinatagong lihim.”
Pero nararamdaman ko ang kabutihan niya.
---
SALO-SALO MOMENTS
“OMG, he's so handsome, Ate Pretty!” sigaw ng pinuno ng mga diwata. Pero kanina lang, super seryoso siya. Ngayon, parang fangirl.
“Shut up, brat,” mataray na sabi ni Clover na tao na ulit ang anyo.
Kumakain lang ako, di ako makasali sa usapan kasi ingles ang gamit nila.
Hay... matalino naman ako, pero bakit sa ingles hindi ko gets?
“Hays! Why you so torpe, Kuya Clover?” inis na sigaw ng lider. Nabigla si Clover at nabulunan sa kinakain.
Torpe? Ano ‘yon?
“Just—ugh! Tumahimik kang batang fairy ka!” saway ni Clover. Ngumisi lang ang diwata at tumingin sa akin.
“Ate Ilumina, crush ka daw ni Kuya Clover!” sabat niya.
Napakunot ang noo ko. “Crush?”
Magpapaliwanag na sana siya pero tinakpan ni Clover ang bibig niya.
“Matalik na kaibigan ang ibig sabihin ng crush, Ilumina,” paliwanag niya. Tumango ako.
“Tama ka! Crush ako ni Clover at I love you too ko naman siya!” masaya kong sagot.
“The f*ck?!” usal ng diwata, habang nakanganga. Gano’n din si Clover.
May mali ba akong nasabi?
Bigla na lang tumayo si Dimple, tinuro-turo si Clover.
“Youuuuuu SOOOOO WALANG HIYA KA KUYA CLOVER!!!”
Pumatong pa siya sa mesa.
“Ate Ilumina! Pwede ba akong sumama sa inyo?” tanong niya na parang bata. Tumingin ako kay Clover—umiling siya.
“Sige na po! Habang naglalakbay tayo, tuturuan kita mag-English. Para di ka malinlang ng iba!” may diin pa siya sa huling salita sabay masamang tingin kay Clover.
Tumingin ako sa kanya. Wala naman sigurong masama, ramdam ko ang kabutihan niya.
Tumango ako. Kumikislap ang mga mata niya sa saya. Lumingon siya kay Clover na naka-nguso lang.
Inilabas niya ang dila niya—inaasar si Clover.
“Yehey! Thank you, pretty ate! I promise to teach you English!” sabi niya in English... kaya wala akong naintindihan. 
Hay... mahaba-haba na naman ang lalakbayin namin. Pero may bago kaming kasama.
“Ano nga pala ang pangalan mo, Pinuno ng mga Diwata?”
Ngumiti siya.
“Ako po si Dimple. Dimple Ramos.”
“Tsk. Dimple? Panget ng pangalan mo,” bulong ni Clover.
“Pake mo ba?! Mas baduy ang pangalan mo—CLOVER!” ganting sagot ni Dimple.
At ayun na nga. Bardagulan ever after.
Sila lang, wag nyo akong idamay. 😤

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Rochelle Mondin

    Nice story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Ken Salinay

    Ken

    01/11/2024

      0
  • avatar
    Arvin Pamfilo

    ang ganda ng kwento

    22/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata