Homepage/ANG BABAE SA PROPESIYA/
PART 18 KABANATA 17
A/N: sorry for the late update because I'm a busy person 👀
ILUMINA (POV)
Nilingon ko ang tahimik na Ashanti sa aking tabi at niyaya siya patungo sa loob. Sumunod naman ito sa akin.
Alam ko kung bakit itinanong sa akin ni Ashanti iyon, alam ko na gusto niya lamang na nasa mabuting kamay ang kanyang kapatid.
Nakakatuwa dahil napaka-swerte ni Lucas na mayroon siyang kapatid na kaya silang protektahan ng patago.
Sana ganoon din ako, sana magkita din kami ng aking kapatid.
"Mahal" tawag sa akin ng aking kabiyak kaya mabilis akong lumapit dito at humawak sa kanya dahil feeling ko ay ligtas ako sa mga bisig niya.
Nag paalam na samin si Ashanti na may patotunguhan pa siya kaya mabilis itong pinayagan ni Lucas.
"Gusto mo na ba mag pahinga?" Tanong niya sa akin habang inaamoy ang aking buhok.
Tumango na lamang ako dito dahil wala naman akong gagawin at isa pa hindi ko din mahagilap ang aking mga kaibigan.
Sabay kaming naglakad paakyat sa ikalawang palapag ng mansion habang masaya kong binabahagi ang aking mga karanasan sa kanya.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng pag kontento sa isang tao at si Lucas lamang ang magpaparamdam sa akin yun.
Huminto kami sa isang malaking gintong pintuan na alam ko na ito ang kanyang silid. Dahan dahan niya itong binuksan at bumungad sa akin ang maganda at maaliwalas na paligid.
"Wow" manghang sambit ko habang nililibot ang paningin sa paligid.
Puro makabagong kagamitan ang aking nakikita mas maganda ang kanyang silid kaysa sa aking silid sa tore at mukhang mamahalin ang mga gamit na nakadesinyo dito.
"Kung ano ang akin ay yun din ang sayo." Bulong niya sa akin na nagbigay sa akin ng kilabot.
Hinarap ko ito at binigyan ng matamis na ngiti bago tumakbong pumunta sa kanyang malaking kama.
Narinig ko pa ang kanyang mahinang pagtawa pero hindi ko na lamang ito pinansin hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Siguro dahil sa pagod ko kanina...
-
Nagising ako sa nakakasilaw na sinig ng araw na tumatama sa aking mukha kaya dahan dahan kong idinilat ang aking mata at inaantok na bumangon.
Huh? Asan si Lucas? Tanong ko sa aking isipan.
"Nandito ako sa opisina ko, mahal." Sabi ng isang tinig sa aking isipan kaya gulat ko naman itong hinanap kong saan saan.
Pero mayamaya pa ay may isa akong napagtanto.
Gosh nababasa pala ni Lucas ang aking isipan! Tili niya sa kanyang isip.
Nakarinig naman siya ng mahinang pagtawa sa kanyang isip kaya mas lalo siyang nahiya dito at mas gusto na lamang mag pakain sa lupa.
"Kakahiya." Mahinang wika niya at dumiretso sa loob ng banyo.
-
SHANARA (POV)
"Sigurado kaba dito?" Tanong ko ulit sa kanya, maliit siyang ngumiti bago hinaplos ang aking mukha.
"Yes at panahon na siguro para sabihin sa kanila." Sagot niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi tumango na lamang sa kanya.
Makikita ko na ulit ang pamilya ko kahit papaano ay na miss ko sila.
Sila kaya na miss din ba nila ako? Siguro hindi baka nga palayasin na nila ako.
I heard the news, Alpha Lucas already find his mate at masaya ako para sa kanya. Kaya ngayon ay ang akin naman ang aking haharapin.
"Magtiwala ka sa akin Shanara, hinding hindi kita pababayaan." Malambing na wika ng lalaking mahal ko,ngumiti ako dito ng matamis at niyakap siya ng mahigpit.
"I love you so much, honey. So please don't let me go, just love me harder. " He whisper at mabilis na sinakop ang aking labi ng kanyang mainit na halik.
Yeah! Hindi ako papayag na bitawan na lamang siya ng basta basta, dahil mahal na mahal ko siya.
Alam ko namam na dadating din ang time na magiging masaya din kami na magsasama at bubuo ng masayang pamilya.
Sana dumating ang araw na puro tawa at kapayapaan ang mamumuno sa mundong ito, at pag dumating ang araw na iyon.....iyon din ang araw na ipagsisigawan ko siya sa buong mundo.
Dahil ako si Shanara Leonandra Smith ang babaeng ipagsisigawan si Aldus Matteo Cresent na akin lamang, only mine.
-
SOMEONE (POV)
Isang ngisi ang nakaguhit sa pulang labi ng isang nilalang habang mariin na nakatitig sa kanyang bolang Kristal.....
"Magsaya kayo ngayon mga hampas lupang nilalang ng kalangitan, dahil sa pagsapit ng asul na buwan kayo ay babawian lahat ng buhay." Gigil at nakakakilabot na wika niya.
Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa aking ama, sisiguradohin ko lahat ng nilalang na kanyang prino-protektahan ay mamatay.
Lalo na ang kanyang nag iisang instrumento sa mundong ito....instrumento alam Kung gagamitin niya sa akin at sa aking mga alagad.
Tsk! Akala niya mauutakan niya ako.
Humanda ka sa akin dyosa ng kalangitan hindi lang ikaw at ang mga nilalang mo ang aking buburahin sa mundonv ito, kundi pati na rin ang iyong alas laban sa akin.
Ako ang mamumuno sa buong mundo ng mahika, na dapat ay para talaga sa akin noon kung hindi ka lang dakilang epal sa buhay ko.
Tumitig ulit ako sa mga nilalang na gustong gusto ko ng patayin ngayon pero hindi pa ito ang tamang oras. Bibigyan ko pa sila ng ilang araw at gabi.
'Sige magsaya kayong lahat dahil malay niyo iyan na ang panghuli.' Bulong ko sa aking sarii bago tumalikod dito.
Maghanda kana din itinakdang babae sisiguradohin Kong magkasama ko kayong ililibing ng dyosa ng kalangitan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nice story
07/09/2023
0Ken
01/11/2024
0ang ganda ng kwento
22/10/2024
0Tingnan Lahat