logo text

PART 15 KABANATA 14

ILUMINA (POV)
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Puting kisame ang bumungad agad sa akin. Kaya nilibot ko ang aking paningin.
Ano bang nangyari?
Ah tama! Nakipag-laban pala ako sa masamang mangkukulam na gustong kunin ang mahiwagang Instrumento. Pero sa huling pagkaka-alala ko ay natalo ko ito.
Babangon na sana ako ng may mga brasong pumigil sa akin, Kaya nilingon ko ito.
"Clover" mahinang tawag ko sa pangalan nya.
"Mag pahinga ka muna, sabi ng manggagamot ay kailangan mo muna ipahinga ang iyong katawan." Paliwanag niya sa akin.
"Maayos na ako" sagot ko dito at nag laho sa kanyang harap.
Dinala ako ng aking kapangyarihan sa harap ng silid ng reyna Maria.
Kamusta na kaya siya? Kakatok na sana ako ng bigla na naman ito nabuksan ng mag isa.
"Pumasok ka, hija." Rinig Kong utos ng reyna kaya humakbang na ako papasok sa loob at sinara ang pinto nito.
"Magandang gabi po, mahal na reyna. " Magalang Kong bati dito.
"Salamat hija, Salamat sa pag ligtas mo sa aming lahat." Hinging pasasalamat niya'ng wika sa akin.
"Kamusta ang pakiramdam mo hija?" Tanong niya pa.
"Maayos na po" sagot ko dito na naka-ngiti.
"Kayo po? Kamusta ang pakiramdam nyo?" Magalang na tanong ko dito.
"Maayos na din ang lagay ko, hija." Sagot sa akin ng reyna habang naka-ngiti sa akin.
Lumapit ako sa kanya at yinakap siya ng mahigpit. Kita ko ang gulat na reaksyon ng reyna sa aking naging kilos, pero  hindi kalaunan ay gumanti na din siya ng yakap sa akin.
"Maraming salamat po mahal na Reyna." Mahinang bulong ko dito. Humiwalay na ako sa kanya at tahimik na nilisan ang silid.
Sa tamang panahon, tiya Maria mag kikita din kayo ni Ina at sa tamang panahon sisiguradohin Kong ikaw ang pinaka-masayang nilalang sa mundo. Pangako yan!
-
Tahimik kaming nag lalakad palabas ng palasyo ng bigla basagin ni Reyna Maria ang katahimikang namamagitan sa aming apat.
"Salamat sa inyong pag bisita, lalo kana Ilumina. Maraming salamat sa iyong pinakita'ng katapangan." Wika ng reyna sa amin, ngumiti ako sa kanya at niyakap siya sa huling pag kakataon.
"Maraming salamat din po at hanggang sa muli nating pag kikita kamahalan." Huling sambit ko at sumunod na sa aking mga kasamahan papasok sa aming karwahe.
Umandar na ang karwaheng sinasakyan namin, nakita ko ang pag kaway ng reyna kaya kumaway din kaming dalawa ni Dimple bilang pamama-alam dito.
Hanggang sa muli, tiya Maria.
ASHANTI (POV)
I heard the news na sinugod daw ng isang masamang mangkukulam ang Mermaid-landa, tutungo na sana kami ngayon nila kuya para alamin ang kalagayan nila. Pero ang sabi-sabi ay naagapan naman nila kaagad ito.
Mermaid-landa, Fairy-landa and Avantia was our best allied of our pack, kaya kargo de konsensya namin ang kanilang kaligtasan.
Kong nag tatanong kayo, kung bakit wala ang Vampirios kingdom sa akin nabanggit, because Vampirios is our rivals.
Kaya nga sobrang ingat namin ni Blake sa bawat galaw namin eh, kase once na malaman nila na may ka ugnayan kami ni Blake sa isa't isa.
Siguradong tapos ang love story namin at hindi ko hahayaang mangyari yun.
Cause I fight for him, no matter what happened.
ILUMINA (POV)
Pansin ko ang pagiging tahimik ni Dimple, simula noong kami ay nanatili sa palasyo ni tiya Maria.
May problema ba siya? Bakit ang tahimik niya? Masamang ba pakiramdam niya?
"Dimple" mahinang tawag ko sa kanya, lumingon naman siya sa akin at puno ng pag tataka ang mababakas sa kanyang maamong mukha.
"May problema kaba?" Takang tanong ko dito. Tanging pag iling lang ang naging sagot niya sa akin.
Pero kahit hindi niya sabihin ay alam Kong may problema siya. Problema sa akin! Dahil napapansin ko ang pag Iwas-iwas niya lagi sa akin.
May nagawa ba ako sa kanya?
"Dim--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng putulin niya ito.
"Nais ko muna ng katahimikan, dyosa ng propesiya " Malamig niyang sabi, kaya tumango na lamang ako at tinuon ang aking atensiyon sa labas ng karwahe.
Kung ano man ang problema ni Dimple tungkol sa akin, sana naman ay maayos namin ito, hindi kase ako sana'y na maging kaaway o katampuhan ang aking kaibigan.
"Dimple lalabas lang muna ako ah" paalam ko dito at nilisan ang karwahe.
Lumabas ako para makahinga siya ng maluwag, para kaseng hindi na siya huminga ng dahil sa akin eh.
"Ilumina bakit ka lumabas?" Tanong sa akin ni Clover pagka-kita niya pa lang sa akin.
"Ah wala gusto ko lang mag pahangin." Palusot ko dito na bumenta naman yata sa kanya.
Umupo ako katabi ni Clover at pinagmasdan ang mga punong nadadaanan namin.
"Clover" tawag ko dito
"Uhm" maiksing sagot niya pero sa harap pa rin ang kanyang atensiyon.
"Ah wala." Sabi ko na lang at tinuon ang atensiyon sa harap.
Paano ko ba sasabihin? Pansin ko kase yung pa simpleng sulyap-sulyap ni Clover kay Dimple minsan, at pansin ko din ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Dimple tuwing nilalambing ako ni Clover o kinakausap.
Hindi ko naman sila pwedeng unahan eh, kaya mag hihintay na lang ako kong kailan sila bukas.
Mahalaga sa akin ang mga kaibigan ko, ayoko makita silang nasasaktan ng dahil sakin. Kaya habang maaga pa kailangan ko na agad marisulba para hindi na lumalala pa.
"Talaga bang ayos ka lang, Ilumina?" Takang tanong ulit ni Clover sa akin kaya tumango na lang ako bilang tugon dito.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako ayos diba? Baka mas Lalo pa yun mag alala sa akin..
Habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid ay meron akong naramdamang presensiya para bang may nakamasid sa amin.
Hindi ko alam Kong anong uri siya ng nilalang pero kahit hindi ko siya makita, nararamdaman ko naman ang kanyang presensiya.
Magaling siguro siya sa larong taguan, at mukhang malakas siya, dahil hindi man lang siya naramdaman nila Clover at Dimple.
Hays ito na naman yata kami at mapapa-laban na naman muli.
Hays bakit ang hirap mong abutin aking mahal? Kamusta kana? Nag hihintay kaba sa aking pag dating?
Sana naman wala kang  kapiling na iba sa iyong kandungan aking mahal, dahil hindi ko alam  Kong makakaya Kong makita kang may kasamang iba sa iyong tabi, mahal ko.
Sa ngayon aalisin muna kita sa aking isipan, nais ko lamang pag handaan ang aming pag haharap mamaya. 
Kung sino ka man, humanda kana!

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Rochelle Mondin

    Nice story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Ken Salinay

    Ken

    01/11/2024

      0
  • avatar
    Arvin Pamfilo

    ang ganda ng kwento

    22/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata