A/N: Try niyo mag soundtrip ng speechless sa part na... nag-aaway ang witch at si Ilumina. ILUMINA (POV) Hindi ko akalaing na sa aming pag baba ni Clover ay may mga bago akong matutuklasan, kaibigan na makikilala at taong parte ng aking buhay. Sa tulong ng dyosa ng kalangitan, naging malinaw ang lahat sa akin. Magaan akong ngumiti kay tiya Maria habang hindi pa rin nawawala ang gulat niya'ng reaksyon. Salamat sa libo-libong punyal na inilabas ko, para protektahan si tiya Maria at ang mga instrumento. Hindi ko akalain na ang punyal na ini-regalo sa akin ng dyosa ng kalangitan, ay aking magagamit bilang isang napaka-lakas na sandata laban sa kasamaan. "Paano mo nagawa yan?" Takang tanong ng reyna Maria. "Mahabang kwento po" Magalang na sagot ko at hinarap ang mangkululam. "Tsk, sino ka naman babae ka!?" Inis na tanong ng mangkululam sa akin, isang naka-kalokong ngisi lamang ang iginanti ko sa kanya, kaya mas lalo siya'ng nainis. Bigla na lang siya'ng may binato na itim na itim na mahika patungo sa direksyon namin. Kaya mas lalo ko pang pinarami ang nag liliwanag kong punyal, at mas binuhos ko ang ibang enerhiya ko para mas maging malakas pa ito. Nagulat kami ng nawala sa aming harapan ang mangkululam at mas lalo kaming nagulat ng tamaan niya ang ginawang harang ni tiya Maria na proteksiyon para sa mga instrumento. Dahil doon medyo nawalan ako ng kontrol dito, at nag laho lahat ang mga punyal at tumilapon sa malayo ang totoong punyal. Inangat kami ng mangkukulam sa lupa gamit ang kapangyarihan niya at tumilapon kami palabas ng silid. Medyo nahilo ako dahil sa nangyari, pero mabilis akong tumayo at nilapitan si tiya Maria na hinang-hina na. "Mahal na reyna." Tawag ko dito pero kahit nang-hihina na ay binigyan nya ako ng magaan na ngiti, bago itinuon ang tingin sa silid ng mga instrumento. "A..ang mga instrumento. " hinang hina niyang bigkas biglang dumating sila Clover at Dimple kaya hinabilin ko muna sa kanila si Tiya Maria. "Sasamahan kita, Ilumina. " wika ni Clover na may pag-aalala, ngumiti ako sa kanya at umiling-iling. "Hindi na, mas kailangan ka ni Dimple" wika ko dito at nag laho na sa harap niya. Nag-teleport ako sa harap ng babaeng mangkukulam, at hinanda ang aking sarili sa aming magiging laban. Dyosa ng kalangitan at mahal Kong ina, gabayan nyo po sana ako. "Matapang ka, babae. Saang grupo ka kabilang? Nais muna bang mamatay ng maaga? Sabagay mas maganda Kong tatapusin ko muna ang buhay mo, bago ko lisanin ang lugar na ito dala ang mga instrumento." Mayabang na wika niya at binigyan ako ng nakakalokong at masakit sa pandinig na halakhak. Ngisi lang ang ginanti ko sa kanya kaya biglang nag laho ang halakhak niya at napalitan ito ng pag ka Inis. Bigla na lang siya sumugod sa akin kaya mabilis akong umiwas sa kanya at pinatamaan siya gamit ang kapangyarihan ko. Kaya medyo napalayo siya sa mga instrumento, kaya dali dali Kong kinuha ang isa sa mga instrumento at lumayo ng kaunti sa kanya. "IBALIK MO SA AKIN YAN, HANGAL KA! PAPATAYIN KITA!" gigil nyang wika sa akin. Tinignan ko kong ano ang instrumentong nakuha ko. Isang mahiwagang gitara! Bigla na lamang bumalik ang alaala ko mula sa nakaraan. "Darating ang panahon aking Ilumina, na ang iyong tinig ang siya'ng magiging malakas mong sandata." Paulit-ulit ko naririnig sa aking isipan, ang palaging paalala sa akin ni ina noong ako'y musmos pa lamang. Tama ang aking tinig! Tinig ang panlaban ko sa kanya! Simula pagka-bata ay tinuro na sa akin ni ina, na mahalin ko ang musika kaya hanggang sa lumaki ako ay dala-dala ko ang kanyang paalala. Hindi ko alam o ma-intindihan Kong bakit ako'y hirap maka-intindi ng ingles pero sa tuwing ako'y aawit para akong bihasa dito. At ngayon ito na ang pagkakataon Ko para makita ang pakinabang ko bilang isang itinakdang babae sa propesiya. Mabagal Kong pina-tunog ang mahihiwagang sinulod na naka-konekta sa gitara, at namangha na lamang ako sa inilalabas nitong kapangyarihan. "Anong ginagawa mo babae? inutil ka!" Inis na inis na wika ng mangkululam sa akin ngunit hindi ko siya pinansin dahil mas tinuon ko ang atensiyon ko sa mahiwagang Instrumentong hawak ko. ~Here comes a wave Meant to wash me away A tide that is taking me under Swallowing sand Left with nothing to say My voice drowned out in the thunder~ Sinimulan Kong umawit habang unti unti Kong hinahakbang ang aking mga paa patungo sa direksyon na mangkukulam na umaatras na ngayon. ~But I won't cry And I won't start to crumble Whenever they try To shut me or cut me down I won't be silenced You can't keep me quiet Won't tremble when you try it All I know is I won't go speechless~ Kita ko ang pag takip niya sa dalawang tenga niya habang naatras papalayo sa akin. ~'Cause I'll breathe When they try to suffocate me Don't you underestimate me 'Cause I know that I won't go speechless~ "TUMIGIL KANA! MAMATAY KANA!" Malakas na sigaw niya , pero Ipinag-patuloy ko pa rin ang aking ginagawang pag awit. ~Written in stone Every rule, every word Centuries old and unbending Stay in your place Better seen and not heard But now that story is ending ~'Cause I I cannot start to crumble So come on and try Try to shut me and cut me down I won't be silenced You can't keep me quiet Won't tremble when you try it All I know is I won't go speechless Speechless Let the storm in I cannot be broken No, I won't live unspoken 'Cause I know that I won't go speechless~ Bigla siya'ng may binatong itim na mahika patungo sa akin pero balewala lamang ito dahil sinakop din ng aking liwanag ang itim nyang mahika. ~Try to lock me in this cage I won't just lay me down and die I will take these broken wings And watch me burn across the sky Hear the echoes saying I Won't be silenced Though you want to see me tremble when you try it All I know is I won't go speechless Speechless 'Cause I'll breathe When they try to suffocate me Don't you underestimate me 'Cause I know that I won't go speechless All I know is I won't go speechless Speechless~ "AHHHHHHHHHH!" Malakas na sigaw niya at siya'ng nag laho kasama ang itim niyang mahika. Nanghihina akong umupo sa tabi ng mga instrumento dahil sa pagod. Hays pero nag pasasalamat pa rin ako sa dyosa ng kalangitan dahil ginabayan niya ako at kay ina dahil itinuro niya sa akin kong paano gamiting sandata ang aking tinig. Hindi ko namalayan na unti-unti ko na palang pinipikit ang aking mga mata. Masaya ako kase kahit paano may napatunayan na din ako, bilang isang itinakda.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Nice story
07/09/2023
0Ken
01/11/2024
0ang ganda ng kwento
22/10/2024
0Tingnan Lahat