logo text

PART 12 KABANATA 11

ILUMINA (POV)
Nandito ako sa silid na hinanda para lamang sa akin. Kaharap lang ng aking silid, ang silid nila Clover at Dimple.
Madaming gumugulo sa aking isipan, kong si ina nga ba ang babaeng nasa larawan o imahinasyon ko lamang ito?
Pero iba ang binubulong ng aking isipan. Kaya hindi na ako nag dalawang isip pa, kailangan ko ng kasagutan sa aking mga katanungan.
Alam Kong si Reyna Maria lamang ang makakasagot nito.
Inayos ko muna ang aking sarili bago ko nilisan ang aking silid. Alam ko na sa mga oras na ito ay natutulog na sila Clover at Dimple at ang iba pang tauhan ng palasyo maliban sa mga taga-bantay.
Ginamit ko ang aking kakayahan na mag hanap, upang hanapin Kong saan ang silid ng reyna Maria, at nang ito'y matontun ko ay wala akong sinayang na oras at nag laho patungo dito.
Nag-teleport ako sa harap ng pinto ng reyna, huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
Ngunit hindi pa lumalapat ang naka-kuyom Kong  palad sa pinto ng reyna, ay kusa na itong bumukas.
"Alam Kong maraming kang katanungan, kaya ka nag tungo dito, Kong ano man ang katungan iyan. Ating pag uusapan ng masinsinan sa loob ng aking silid, kaya hali ka hija." Wika ng reyna kaya dahan dahan akong humakbang papasok sa kanyang silid.
Sa pag tapak ko pa lang sa kanyang silid ay randam ko agad ang malungkot at mabigat na aura.
Ano itong nararamdaman ko? Bakit sumisikip na naman ang aking dibdib!? Bakit dyosa ng kalangitan?
Nakita kung nag tungo ang reyna sa kanyang veranda at pinagmasdan ang maliwanag na buwan sa kalangitan.
"Ano ang iyong mga katanungan, hija?" Mahinahong tanong nito. Napalunok muna siya bago sagutin ang reyna.
"Nais ko lang po sana malaman Kong sino po yung babae sa larawan, doon sa ibaba kanina." Magalang Kong sagot dito.
Huminga muna ng malalim ang reyna bago ito nag salita.
"Siya ang aking nakaka-tandang kapatid, siya si Celestial Minerva Hedalgo." Sagot sa kanya ng reyna. Muntik na siya'ng mawalan ng panimbang dahil sa narinig nya mula sa reyna.
Celestial Minerva Hedalgo ay siya ding pangalan ng kanyang mapagmahal na ina.
Bigla siya'ng hinarap ng reyna, na puno ng pag tataka ang mababakas sa mga mata nito.
Habang siya hindi pa rin makapaniwala. Hindi siya maaring mag kamali, Celestial Minerva din ang ngalan ng kanyang ina. Hindi naman pwedeng nag kataon lamang ito, diba? Kahit kinakabahan sa magiging sagot ulit nito, ay nag lakas loob ulit siya'ng mag tanong dito.
"Na..nasaan na p..po siya?" Medyo utal na tanong niya muli, mapait na ngumiti ang reyna sa kanya bago ito sumagot sa kanya.
"Hay mahabang kwento, pero isang araw may isang nilalang siya'ng inibig at dahil sa pagmamahal niya sa nilalang na iyon, ay iniwan niya sa akin ang kanyang tungkulin bilang reyna at sumama sa nilalang na iyon." Nakita ko ang pag tulo ng luha ng reyna habang siyang nag kwe-kwento.
"Pero kahit ganon, umaasa pa rin ako. Umaasa pa rin na siya'ng babalik dito. Kase....siya na lamang ang meron ako, siya na lamang." At siya'y umiyak sa kanyang palad, kaya lumapit na ako dito para siya'y damayan.
"Minsan hini-hiling ko na lang sa dyosa ng kalangitan na kunin niya na lamang ako. Kase pagod na pagod na ako, pagod na akong maging malungkot at nag iisa." Pag papatuloy niya sa kanyang kwento. Kaya mas lalo ko siya'ng niyakap ng mahigpit.
"Alam mo ba, Ilumina. Unang kita ko pa lamang sayo ay inakala Kong ikaw ang aking kapatid, kase sa tuwing ako'y tumitingin sayo ay parang nakikita ko siya." Wika niya habang umiiyak kaya mas lalo Ko itong inalo-alo.
"Tahan na po, mahal na reyna." Sambit ko pa.
"Umaasa ako na babalik siya dito, at alam ko sa kanyang pag babalik meron na akong mga pamangkin sa kanya. At sa kanyang pagbabalik buong puso ko siyang tatanggapin kasama ang kanyang mga supling." Hingal na wika nito, bakit ako nasasaktan?
Pa sekretong ginamit ko sa kanya ang aking mahika, kaya kita ko ang dahan-dahang pag pikit ng kanyang mga mata, dahil sa epekto ng aking kapangyarihan.
Hiniga ko siya ng maayos sa kanyang kama sa tulong ng aking mahika at siya'y tinabihan ko.
Dahan-dahan kong hina haplos-haplos ang kanyang malalambot na buhok.
"Paano kaya Kong sabihin Ko sayong ako ay ang isa sa pamangkin mo? Matutuwa ka po ba?" Tanong ko sa tulog na tulog Kong tiya Maria.
"Alam nyo po ba? Na sobrang saya ko ngayon. Kase sa lugar na ito, dito po kita natagpuan. Sobrang saya ko po na may isang kamag-anak pala ako dito. Sobrang swerte din po ni Ina sa inyo, kase meron siya'ng napakabait at sobrang mapagmahal na kapatid." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha, hinaplos ko ang kanyang makinis na mukha at nag salita muli.
"Pangako tiya Maria, na ako'y mag papakilala sayo ng pormal kasama ang aking kapatid, at sabay nating dalawin si ina sa tore." Naiiyak na sabi ko at hinalikan siya sa kanyang noo bago lisanin ang silid nito.
Ako'y nag tungo sa ibabaw ng bubong ng palasyo at umupo habang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan.
Mahal na dyosa bakit po ako nasasaktan para sa aking tiya Maria? Bakit kailangan siya pa ang masaktan, pwede po bang ako na lang po. Sumasakit po kase ang dibdib ko kapag nakikita siyang malungkot.
Paano ko ipagtatapat sa kanya ng dahil sa akin wala na si ina, ng dahil sa akin, ang kapatid niya'ng hinihintay ay wala na. Dahil sa akin!
Umiyak ako sa mga palad ko at tumingala ulit sa kalangitan.
Dyosa ng kalangitan nais Kong hilingi na tanggalin mo sa kalooban ng aking tiya ang lungkot, hapdi at sakit.
Kahit sa akin nyo na lang ibigay, hindi po ako mag rereklamo.
Mahal na dyosa ng kalangitan
CLOVER (POV)
I saw her na kakalabas lang sa silid ng reyna, pero bigla na lang siya'ng nag laho. Kaya hinanap ko siya sa labas ng palasyo pero wala siya doon.
Isa lang ang alam Kong pupuntahan niya sa tuwing gusto niya'ng mapag-isa.
Nag anyong ibon ako para mag tungo sa ibabaw ng palasyo at hindi nga ako nag kamali dahil nakita ko siya'ng umiiyak.
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib habang pinagmamasdan si Ilumina na umiiyak ng tahimik sa ibabaw ng tore sa ilalim ng maliwanag na buwan.
Why always her, goddess of the heaven? Why always my best friend?
SOMEONE (POV)
Kung saan ka masaya Clover, masaya na din ako. Kahit ang sakit-sakit na,ay magiging manhid ako para sayo.
Makita kang nasasaktan para sa kanya, para akong dinudurog.
But I am always here, even its hurt. I am fine, cause I am strong.
I silently crying here habang tanaw ang aking mate na niyayakap ang babaeng mahal na mahal niya.
Ako dapat yun, hindi siya. I don't need to fell regret or sad at all, cause I am still his mate.
At yan ang pinang-hahawakan ko....

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Rochelle Mondin

    Nice story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Ken Salinay

    Ken

    01/11/2024

      0
  • avatar
    Arvin Pamfilo

    ang ganda ng kwento

    22/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata