ILUMINA (POV) Sa pag hinto ng aming karwahe ay siya ding hudyat ng aming pagbaba dito. Sa pagbaba ko sa karwahe, malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. "Ate Ilumina, kailangan mo itago ng mabuti ang iyong presensiya. Baka tayo'y makatagpo ng kagulohan." Babala sa akin ni Dimple, tinanguan ko na lamang siya bilang tugon. "Clover! Nais kong alalayan mo si Dimple." Utos ko dito. "Pero paano ka?" Nag aalalang tanong nito sa akin, tipid na ngumiti ako sa kanya. "Wala ka bang tiwala sa aking kakayahan? At isa pa ako ang itinakda, tungkulin Kong protektahan kayo." Sagot ko dito, kahit nag aalinlangan pa siya, ay sinunod nya lamang ang aking utos. Isang boses ang aming narinig sa may hindi kalayuang direksyon. "Mukhang alam na nila na may mga panauhin sila." Seryosong wika ni Dimple sa amin. Sinundan namin ang direksyon Kong saan may narinig kaming napaka-gandang tinig, at sa pag hinto ng aming mga paa. Bumungad sa amin ang napaka-laking kaharian na napapalibutan ng katubigan. Bumaling ang atensiyon ko kay Dimple, naramdaman niya naman siguro na sa kanya ako nakatingin, kaya binalingan ako neto ng pansin. "Hindi kaba makikilala ng pinuno ng mga sirena?" Tanong ko dito umiiling-iling ito bago sumagot. "Hindi! Dahil hindi nya pa nakikita ang ganitong anyo ko." Sagot nya sakin. Bigla kaming may narinig na ingay ng trumpeta at dahan-dahang pag bukas ng tubig na pintuan sa aming harapan. "Wow" rinig Kong wika ni Clover sa aking tabi. "I can't deny it that, their door way is so cool." Komento ni Dimple gamit ang salitang ingles na hindi ko naman naintindihan. Hahakbang na sana kami nang biglang may napaka-gandang boses ulit kaming narinig, pero kakaiba ito sa kanina boses. Dahil dala nito ang malakas na kapangyarihan. "Mukhang ang reyna ng mga sirena ang sasalubong sa atin, huh." Medyo pilyong wika ni Dimple Nakita ko din ang pa-simpleng pag siko ni Dimple kay Clover. "Stop looking at her boobs, pervert." Rinig Kong sabi niya. ~Upon one summer's morning, I carefully did stray Down by the Walls of Wapping, where I met a sailor gay Conversing with a bouncing lass, who seemed to be in pain Saying William, when you go, I fear you will never return again~ Natigilan ako dahil sa aking narinig, bakit alam niya ang awiting yun? Ang alam ko, yan ang laging kinakanta ni ina sa tuwing siya'y nangungulila sa aking ama at kapatid, yan din ang inaawit niya sa akin, kapag ako'y hindi makatulog ng mahimbing. ~My heart is pierced by Cupid I disdain all glittering gold There is nothing can console me But my jolly sailor bold - His hair it hangs in ringlets, his eyes as black as coal My happiness attend him wherever he may go From Tower Hill to Blackwall, I'll wander, weep and moan All for my jolly sailor, until he sails home~ "A BROKEN SONG?" medyong takang tanong ni Dimple sa kanyang sarili, siya'ng nag salita muli. "I never heard her singing that's song? Is she broken hearted or what?" Dagdag na tanong niya pa. "Pst bata tumahimik ka muna." Sabat ni Clover sa kanya, inikotan lang siya ng mata ni Dimple at hindi na siya pinansin. ~My heart is pierced by Cupid I disdain all glittering gold There is nothing can console me But my jolly sailor bold Pag papatuloy niya sa kanyang napaka-gandang awitin, tatanungin ko sana si Dimple Kong anong ngalan ng reyna ng mga sirena, pero hindi ko na natuloy pa. Nang siya'y umawit muli. My name it is Maria, a merchant's daughter fair And I have left my parents and three thousand pounds a year Come all you pretty fair maids, whoever you may be Who love a jolly sailor that ploughs the raging sea While up aloft in storm, from me his absence mourn And firmly pray, arrive the day, he's never more to roam~ Maria nga ba ang kanyang pangalan? "Kong nag tatanong ka sa kanyang ngalan, Maria Alena ang kanyang ngalan, siya ang pumalit sa dating reyna ng mga sirena." Sagot ni Dimple sa aking katanungan. Sandali, nababasa niya ba ang aking isipan? Narinig ko ang mahinang pag tawa niya sa akin. ~My heart is pierced by Cupid I disdain all glittering gold There is nothing can console me But my jolly sailor bold~ "Hindi ko nababasa ang iyong isipan, dyosa ng propesiya. Nakikita ko lamang ito sa nagtatanong mong mga mata at reaksyon." Dagdag niya pa. ~My heart is pierced by Cupid I disdain all glittering gold There is nothing can console me But my jolly sailor bold~ Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang awitin siya'y nag pakita sa aming harap at ngumiti ng matamis. Tinitigan ko ng mabuti ang reyna ng mga sirena, parang may pag kakatulad sila ni ina, o baka sadyang na mi-miss ko lang ang aking ina. Kaya parang naalala ko siya sa reynang kaharap ko ngayon. "Maligayang pag-dating sa kaharian ng Mermaid-landa" Malambing na bati nya sa amin. Sabay sabay kaming tatlong yumuko dito upang mag bigay galang sa kanya. "My pleasure to meet you, queen Maria." Wika ni Dimple gamit ang salitang ingles. "Ganon din kami, kamahalan." Wika naman ni Clover. "Hali kayo at pumasok sa aming munting kaharian." Yaya ng reyna sa amin. Kaya dahan-dahan kaming sumunod sa kanya papasok sa kanyang kaharian. Habang nag lalakad kami ay nalilibot ko ang aking tingin sa paligid. Hindi ko maipag-kakaila ang kagandahang taglay ng mga sirena't sireno dito, at lalo na ang kagandahan ng buong lugar. Pero bakit ganito? Bakit parang may kirot sa aking puso habang pinagmamasdan ko,ang reyna Maria? Bakit nakikita ko sa likod ng kanyang mata ang pangungulila at kalungkotan? Dyosa ng kalangitan, nais Kong tulungan nyo ako sa unang misyon ko, misyon tuklasin ang buong pagkatao ni Reyna Maria. Hindi ko alam aking dyosa ng kalangitan ang gagawin ko, pero bakit ganito? Bakit ganito ang binubulong ng aking isipan? Para bang may bahaging parte din ako sa kanyang buhay. May parte nga ba sa aking nakaraan si Reyna Maria? Bakit nakikita ko si Ina sa kanya? Bakit? Huminto kami sa isang malaking pintuan na alam ko'y daanan tungo sa pinakaloob ng kaharian. "Maraming salamat sa inyong pag Bisita sa aming munting tahanan, kahit na tayo'y humaharap sa malaking kaguluhan. Hayaan niyo at pagli-lingkuran kayo ng aking mga tauhan, hali na kayo at pumasok." Wika ng reyna at binigyan kami ng matamis na ngiti. At dahan dahan-dahang bumukas ang malaking gintong pintuan at bumulaga sa amin ang kagandahan ng loob nito. Nilibot ko ulit ang aking paningin sa bawat sulok ng palasyo. Hanggang sa napako ang aking tingin sa mga larawan na naka-dikit sa malaking haligi nito. Bigla na lamang ako natigilan sa isang larawan, larawan ng isang maganda babae na naka-ngiti. Mga ngiting pamilyar sa akin, matang katulad ng mga ko at higit sa lahat isang pamilyar na kwentas na laging suot-suot niya. Gulong-gulo ang aking isipan bakit may ganito dito? Bakit may larawan ang aking ina sa kahariang ito?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Nice story
07/09/2023
0Ken
01/11/2024
0ang ganda ng kwento
22/10/2024
0Tingnan Lahat