Chapter 15

Hindi pa siguro ako mababalik sa wisyo kung hindi pa siya nagsalita.
"Have a sit." He nonchalantly said while looking at his files.
Tumikhim muna ako bago ako humugot ng malalim na hininga para harapin siya.
He seems like he didn't recognize me. Or maybe hindi na talaga niya ako kilala. Ano ba naman kasi ang   dalawang linggo naming pagkakakilanlan sa isa't isa.
Hindi naman na iyon importante kung kilala niya pa ako. Kung ako lang ang magdedesisyon, gusto ko nang magback out kanina pa. But because of my pride at para kay Ash, hindi ko ginawa.
Kailangang kailangan ko ng trabaho para sa pamilya ko. Ayoko nang umasa sa kanila palagi lalo pa't buntis si Ate Alli.
Isa pa, baka mamaya isipin niya na apektado ako para sa wala. Na apektado ako dahil nakita ko ulit siya. Baka isipin niya na kaya ako nag walk out dahil hindi pa ako nakakamove on, pero para sa kanya wala lang ang salitang move on.
"So, Ashanna May Sevilla?" He acts like a real Cold tempered guy!
Pasikreto akong umirap sa hangin, "Opo," magalang kong sagot.
Kahit ilang beses kong pinapakalma ang nagwawala kong puso na ngayon ko na lang ulit naramdaman. Hindi talaga sila nagpapaawat sa pagtibok ng sobrang bilis at sobrang lakas.
"22 yrs old?"
Mukha ba akong sinungaling?! Nasa kanya na nga ang resume ko biodata, pero nagtatanong pa rin. Hindi na lang basahin yung resume ko para malaman niya. At para matapos na rin ang pag uusap na ito.
"Homeschooled graduate?" Tumango ako kahit na ang atensyon niya ay nakatungo sa resume ko.
"You have a daughter." I heard him whisper to himself. It's more like a statement of disapointment.
Tsk! Ayan ka na naman sa pag aasume mo! Hindi ka na ba talaga nadala dyan sa ASSUME? Dahil diyan kaya ka rin naloko at nasaktan, tsk!
"Do you have a boyfriend?" Halos manlaki ang mga mata kong tumitig sa lalaking nasa swivel chair at ngayon ay nakatingin na rin saakin. Wala ka man lang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya.
He changed a lot.
Halos mapatayo ako ngunit pinigilan ko lang. He's invading my personal life!
"As much as i remember, Sir," in Emphasize ko talaga ang Sir para ramdam niya, " i'm here for my interview, not for personal business."
Hindi pa nga ako nakakarecover sa sinabi niyang may anak na ako. Paano ba naman kasi napaka straight to the point, hindi pa nga nasasagot yung unang tanong, may kasunod na naman.
"What am i thinking.  May anak ka kaya panigurado may asawa ka na." He chuckles at pinatalikod pa saakin ang swivel chair na kinauupuan niya.
Naguguluhan na ako sa kanya! Baliw ba siya?! Tanong niya sagot niya.
To be honest, sobrang kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
O kung sasabihin ko pa ba? Kailangan pa ba niya malaman ang tungkol kay Ash?
Haysst! Bahala na si Hawkeye, sana mabulls eye.
Tsk, paano ako makapag aasawa kung mas lalong nadagdagan ang trust issue ko sa mg lalaki. Because of you!
Wala ngang boyfriend, asawa pa kaya?!
"Sir," i called his attention, humarap ulit siya at nagseryoso na, marahang tumikhim dahil siguro sa inasal niya.
"As i've said, it's not about my life were talking about. I am here for the interview." Marahan kong saad dito at kinuyom pa ang pagkakahawak ko sa palda ko dahil sa galit at inis sa pagtitimpi sa loob kasama siya.
Kung seryoso siya, pwes ako rin naman! Kailan ba ako nagloko? Siya lang naman itong manloloko, tsk!
Haysst! Humugot na naman.
He still in his poker face, " i am done interviewing you." Saad niya at nilalaro na ang isang fountain pen sa kamay niya.
Interview yun?
"Paanong interview yun?" Hindi ko na napigilan pa ang pagkairita sa boses ko at nangungunot na rin sa galit ang noo ko.
"Tatawagan ka na lang namin." Hindi niya ako tinapunan ng tingin at naglalaro pa rin sa kamay ng hawak na pen.
Umirap ako sa hangin.
Napangiti rin ako dahil sa sinabi ng Hanz na iyon.
Yes! Hindi ako makakapagtrabaho sa kompanya ng ugok na ito. Tsk! Gusto ko na rin lumayo pa sa kaniya, kanila. Ayoko ng gulo kung maaari.
Mabuti nga at hindi nila ako tinanggap, alam ko namang hindi nila ako tatawagan. Tsk style nila bulok. But it is a blessing in disguise dahil maiiwasan ko magkrus ang landas naming dalawa.
For 4 years, ang rami kong pinagdaanan ng dahil sa kanya. I know na masama ang manisi pero hindi ko mapigilan. Siya kasi ang puno't dulo ng lahat kung bakit ako nakaranas ng iba't ibang klaseng depression at problema.
But my greatest mistake is when Ash is born. Yun ang hinding hindi ko pinagsisihan.
"Yes!" Bulong ko at ngiting ngiti. Halos masapak ko pa ang hangin dahil sa tuwa na hindi ako tanggap.
Weird right?
"What?" Hanz brow furrowed.
Since it is the last time na makikita ko siya, might as well give him my all sweet smile.
I hate him very much! But i want to move on and move forward. Gusto ko na makalimutan ang nakaraan at magsimula ng bago.
Gusto ko na siyang makalimutan.
I give him my sweet smile na minsan ko lang ipamalas sa ibang tao.
"Wala po, sige po una na ako!" Nagwave pa ako at hinawakan na ang doorknob ng isang malaking pinto na pinasukan ko.
But before ako lumabas ay may pahabol pa siya na tanong, na mas lalong ikinainis ko sa kanya.
Mas may ihahate pa pala ako sa kanya. Akala ko kasi todo na ang pagkahate ko, but now? Nadagdagan ang hate ko para sa kanya.
"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, do you have a boyfriend?"
Hindi ko talaga maintindihan kung ano talaga ang pumapasok sa utak niya para mag iba palagi ng mood.
Cold turn into a serious turn into a chismosa, and now a person who acts like before, na parang kaya niya pa rin akong makuha sa pagngiti o sa pagpapakilig niyang mga linyahan.
Pumihit ako at tumingin sa mata niyang hazel brown, i see something in his eyes but i washed it away.
Ngumisi ako sa kanyang naghihintay talaga ng isasagot ko.
"Ano sa tingin mo?" Tumalikod na ako at humakbang na papalayo sa kompanya niya.
I will never going back in that building again! Never again!
.....
"Baby!" Niyakap ko kaagad si Ash ng umuwi ako sa bahay. Nadatnan ko siyang naglalaro ng barbie.
Tumitig saakin ang mata niyang kulay brown rin. Napangiti ako.
"Musta?" Tanong ng baby ko.
"Okay lang naman, tired." I said as a matter of fact.
Pagtapos kasi ng encounter namin ni Hanz, naghanap kaagad ako ng ibang mapag aaplyan. Kahit hindi na ganoong kalaking kompanya, basta kumikita.
"Usto mo masahe?" Kumalas na siya sa pagkakayakap ko at pumunta sa likod ko.
Nasa may sofa kami dito sa sala at nakakalat sa center table ang lahat ng laruan niya.
She started massaging my shoulders kaya naman napapapikit na lang ako dahil sa galing ng anak kong magmasahe.
Namana niya saakin.
"Mie, sino pa si Ate Shaira," tumigil siya sa pagmasahe sa balikat ko at pumunta na sa kandungan ko at umupo doon.
Bulol siya sa karamihan ng letter, like yung K niya is T, yung B niya is P.
Natigilan ako at inisip kung sino nga ba iyon.
Kilalang kilala ko na ang pangalang Shaira ngunit hindi ko iyon kilala. Sinasabi kasi nila na kapag daw natutulog ay nababanggit ko ang pangalang iyon.
Ewan ko ba ngunit paulit ulit ko iyong napapanaginipan simula ng mag one year old nga si Ash.
I don't know if its an ordinary dream, or part iyon ng memories ko?
Okay na ako 'eh! Masaya na ako sa simpleng buhay ko. I am contented dahil kasama ko si Ash. Ayoko na ng sakit sa ulo.
Kaya hindi ko na rin inabala pa ang sarili para makaalala. Siguro it's time for me to accept na hindi ko na talaga maalala ang nakaraan ko.
But it's okay, i got my Mommy, Ate Allison and my Baby Hanna Ash to complete my empty heart and mind.
"Hindi ko rin siya knows 'eh. But i promise you na kapag nakilala ko na kung sino si Tita Shaira na sinasabi mo, na ikaw unang makakaalam. Okay ba?" I gently ask her at inupo ko na siya sa tabi ko at sinuklay ng kamay ko ang buhok niyang hanggang balikat pa lang.
"Yehey! Promise po 'ha?" She showed me her pinky fingers at inabot ko naman iyon sign ng pangako ko.
"Yes, baby! Tulog na tayo, gabi na 'eh." Kinarga ko na si Baby Ash at pumunta na kami sa kwarto namin.
Namumungay na ang mata ng baby ko at sumandal na sa balikat ko ang ulo niya.
Matapos ko siyang ilagay sa kama at kinumutan ay pinagmasdan ko muna siya sandali.
Eversince palagi na siyang naghahanap ng tatay. Wala akong masagot sa kanya ng mga time na iyon, dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan talaga ang manloloko na iyon.
But now that he's already back? Kailangan ko na ba sabihin sa kanya ang tungkol kay Hanz?
Ewan ko kay Ash pero botong boto siya kay Liam na maging tatay niya. She also said na okay lang daw na hindi ko sabihin kung sino ang tatay niya, basta daw maging Daddy na lang daw niya si Liam at sagutin ko na daw.
Tsk! Paano ko sasagutin, 'eh wala namang tinatanong?! Hayst!
I know Liam for few years na, but what i felt is he's special to me, more than he knows it.
Okay! Please give me a sign na kailangan ko na sabihin ang totoo kay Hanz.
Kapag tinawagan ako ng kompanya niya, i will tell him already. Kahit ano pa ang pwedeng mangyari, magalit man siya. Atleast nasabi ko na anak niya si Ash.
But if hindi ako natanggap sa company niya, it means hindi ko na aaksayahin ang oras ko na sabihin pa sa kanya ang totoo.
Okay, deal!
I caressed my baby's fluffy cheeks. She looks like an american half. Hayst! Mestiza si Ash at mamula mula ang pisngi gayun din ang labi, mapupungay ang pilik mata kagaya ng kay- nevermind.
Humiga na rin ako sa kama at niyakap na ang pinakamamahal kong baby.
KINABUKASAN i prepare everthing para sa school ni Ash.
She is now a daycare student. Ito ang first day niya sa school kaya maski siya ay sobrang excited.
Nahawa na yata kasi siya sa pagiging taong bahay ko at madalang lang rin na lumabas.
"Baby, are you ready? Do you know how to count?" Lumuhod ako sa harap ng bata upang pantayan siya at inayos ang suot nitong uniform pangschool, inayos ko ang kwelyo.
"Opo," energetic na sagot nito na para bang handa na talaga sa panibagong yugto ng buhay niya. Ang pag aaral.
"Can i see?" Tumango siya
Bumilang siya ng 1 to 10 na may pahand gestures pa.
Ako ang maghahatid sa kanya sa school, dahil wala pa naman tumatawag saakin sa mga kompanyang naaplyan ko.
Ang dami kong inaplyan sana naman ay may tumawag kahit isa lang.
Nag aabang kami ng masasakyang tricycle ngunit isang kotse ang sumalubong sa harap namin.
Napahilot na lang ako sa sentido ko. Hayst! Palagi talaga siyang sumusulpot na lang.
"Oh? Liam? Bat ka andito?" Tanong ko na pinilit ngumiti sa kanya.
Palagi siyang bumibisita sa bahay bago siya pumupunta sa trabaho niya. He is a good guy at mahal na mahal niya si Ash na parang tunay niyang anak.
Pero kasi...
Minsan kasi naiirita lang ako dahil baka mawili na talaga si Ash kay Liam at hanap hanapin na siya nito. Pag nagkataon napakalaking utang na loob ang maibibigay ko kay Liam.
Ayokong nagkakautang sa kahit sino, pero kaibigan ko siya kaya siguro okay lang naman na maging super close sila ng anak ko.
"I heard na ngayon ang first day ni Baby Ash sa school. Gusto ko lang kayo ihatid at gusto ko rin makita si Baby Ash with her cute uniform outfit!" Kinarga niya si Ash at ito namang babae ay sobrang tuwa.
Napabusangot ako dahil panigurado mas magiging mag close pa sila once makapagtrabaho na ako.
"Hindi mo naman na kailangan," i chuckled lightly, "atsaka di'ba may trabaho ka pa? Baka malate ka?"
He smiled sweetly at me like his usual self, being humble and kind.
He tilted his head, "walang late late kung kayo naman ang priority ko." Nagulat ako sa binigkas niya.
Napagtanto niya ang sinabi niya kaya naglaho ang malaki niyang ngiti sa labi.
"I mean wala namang patients sa clinic ngayon, kaya kayo ang priority ko this morning." Tumango ako at pinagbuksan na niya ako ng passenger seat.
Medyo maasim na ang pagngiti niya at hindi na medyo nagsalita pa.
Nilagay niya si Ash sa backseat at pumasok na rin siya sa drivers seat.
"Bye, Ash! Susunduin kita mamaya 'ha? Hintayin mo ko dun sa may guardhouse. Behave at be a good girl 'okay?" Inayos ko muli ang itsura ng bata na nakapiggy tail at may cute na cute pang mga pink na hairpin na nakapalibot rin sa buhok niya.
Ngumiti siya saakin at tumango. Humalik siya sa pisngi ko at pumasok na sa loob ng classroom niya.
Wala na si Liam dahil pinilit ko na umalis na siya baka kasi nakakaabala na ako at nagpalusot rin akong may pupuntahan lang saglit para tigilan muna niya ako.
Naglakad lakad muna ako at nagpahinga sa may playground ng city. Umupo ako sa may swing at nagduyan duyan.
Habang nakatingin sa kawalan ay narinig kong nagring ang cellphone ko.
Kinuha ko ito sa loob ng pocket jeans ko at agad agad na sinagot.
"Hello?" Magalang kong tanong sa kabilang linya.
"You are hired. You can now work tomorrow immediately." Baritonong saad ng pamilyar na boses.
"Hanz?" Hindi ko napigilan ang malisosyo kong bibig na magtanong pa. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa sobrang kachismosa.
Mariin kong naipikit ang mata ko.
"You can call me, Sir Kairo or Mr.CEO" Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa malamig niyang boses.
Namulat ko ang mata ng ibaba na niya ang tawag.
So he really did change?!
Hanz Kairo Garcia, a Ceo of a big company. So very far from what i am and what i become.
Nahulog ang balikat ko sa pagkadismaya na makikita ko pa ang Hanz na sobrang sweet saakin kahit wala kaming label. Si Hanz na nagparamdam saakin na hindi lahat ay manloloko. Pero siya rin ang nagpaliwanag na totoong lahat ng lalaki ay hindi nagtitino o mas gustong magloko o maglaro.
What should i expect? A hug or a kiss from someone like him?
Puputi na lang siguro ang uwak pero hindi iyon mangyayari.
And wait, diba galit ako sa kanya? So why am i feeling this dissapointment because he changed? Haysst!
And ito na ba talaga ang tamang panahon para umamin sa kanya.
Binigyan na ako ng sign so maybe i must grabbed this chance to tell him, he have a daughter...

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    AnchetaShane

    quality

    12/11/2024

      0
  • avatar
    Hachigatsu Nijuu Hachi

    nice

    17/10/2024

      0
  • avatar
    JudgeArjay

    ang tagal nga po ehh wla akung magawa kaya pinalitan ko sayo na na na na na na ako sa room for your help me with that one I love the day I love the house I think we need at least one of yours is my tern naw I love you too I will be there in about a half hour and a half so sorry talaga jone sorry I missed your tern na na ako sa sampalok ehh wla na na na kita papansinin para Hindi movie with your time today for the day and I love you too I will be there in about a half hour and a half hour and a h

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata