Chapter 9: His Girls

"Yes!" Tili ko. Sa wakas nakakuha na rin ako ng ticket. Hindi maalis sa aking labi ang mga ngisi habang kaharap ang laptop.
Ano na? Kanina pa ako sa harap ng laptop ko para lang sa ticket na gusto ni Dim. Tapos ngayon lang ako makakakuha ng ticket? I really didn't expect that it will be hard for me to find that ticket.
Sa dami-daming irerequest ito pa talaga? As if naman na nanonood siya ng ganito? Eh, ayaw niya nga sa maraming tao.
Hinawi ko ang kurtina ko, at sumalubong naman sa akin ang nagkukulay kahel na langit. Kaunting oras na lang ay lalamunin na rin ng kadiliman ang lugar. Binuksan ko ang bintana ko. Kasabay nang pagpasok ng malamig na hangin, ang siyang pagpatay ko sa  air conditioner ng aking kwarto.
Mabilis ang ginawa kong pag-asikaso sa sarili. Tanging isang simpleng trousers lang ang isinuot ko sa pambaba ko, at white t-shirt naman ang pang-itaas. 
Sasaglit lang naman ako, 'no. Tss, baka nga hindi na ako magpakita kay Phoenix. Ayaw na ayaw pa naman no'n na nasa opisina niya ako. Ako lang talaga 'tong malakas ang trip sa kan'ya.
Bago ako umalis ay kinuha ko ang isang paper bag na siyang pakay ko talaga. Sa sobrang dami ba naman ng binigay ng pamilyang Guevarra may muntik na tuloy akong ibalik.
Hindi nagtagal ang byahe ko papunta sa kumpanya niya. Habang naglalakad ako sa pasilyo ay may iilan akong nakakasalubong na papauwi na. At kapag tumitigil ang elevator sa iilang floor ng bawat department ay nakikita ko kung gaano nagmamadali ang ilan para matapos ang ginagawa.
Kaya ayokong magtrabaho sa ganito, eh. Hindi ko kakayanin. Mukhang nakakalunod ang paper works.
Habang tinatanaw ko ang opisina ni Phoenix ay unti-unting bumabagal ang paglalakad ko. Wala ang sekretarya niya, at hindi ko rin siya makita.
Kung sa'n sa'n talaga pumupunta 'yong lalaking 'yon! Kung nandito siya edi mas napabilis 'di ba.
Ang walang emosyon kong mukha ay napalitan ng pagtataka. I bit my lips before I entered with his office. Isang babae ang sumalubong sa akin na siyang naka-upo sa swivel chair ni Phoenix.
"Hello, si Mr. Guevarra po?" I politely asked as I walked slowly.
The woman raised her eyebrows to me. Hindi ko siya binigyan ng kung ano mang reaksyon na hindi niya magugustuhan.
Mahirap na, mamaya kung ano pa ang ganap ng babaeng, 'to. Mamaya dahil sa kagagawan ko ay makalikha ako ng problema.
"Nasa meeting," simpleng sagot nito. Naningkit ang mata ko habang pinapanood siyang maglagay ng kolorete sa mukha niya. Halos kuminang ang mukha dahil sa glitters na nasa make-up niya. 
Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas na ang pintuan, ngunit mas lalo lamang akong naguluhan nang makita ang isa pang babae.
Kagaya ng naunang babae, hapit na hapit din ang damit nito at ang mukha ay may kolorete.
"What a surprise to see you here?" salubong ng kakapasok lang. Mas lalo akong humalukipkip sa kinauupuan ko at ngumuso.
Sa kanilang dalawa ay mas masasabi kong mas palaban ang itsura ng kakarating lang na babae kaysa sa nadatnan ko.
"Bakit? Pagmamay-ari mo ba 'tong lugar na 'to?"
"Slut, aligid nang aligid kay Phoenix! I thought you're one of his ex-flings na?!" 
Nanlaki ang mga mata ko at ang ngisi sa aking labi ay unti-unting sumilay. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso, ngunit iba ito. Tila kapana-panabik ang mangyayari.
So, mga babae 'to ni Phoenix? Hmm, ganito naman pala ang tipo. Naglalakihang mga dibdib at puwet. At yung tipong may kurba talaga ang katawan at payat!  
Grabe, ganito pala siya pag-agawan. Iba talaga 'pag tinamaan ka. Ang gaganda ng mga babaeng nasa harapan ko tapos mag-aaway para lang sa isang lalaki na wala nga atang pake sa kanila?
Patuloy silang nagsagutan tungkol sa kung kanino nararapat si Phoenix habang ako ay prenteng nakaupo at tuwang-tuwang nanonood sa sagutan nila. Dahil sa kulob na opisina ni Phoenix ay rinig na rinig ang sagutan nila.
Habang sa mas tumagal ay mas lalo nang nilamon ng kanilang boses ang kabuuan ng lugar. Kanya-kanyang bato ng salita at depensa sa mga ito ang ginagawa ng dalawa.
"And you?! Who the fuck are you?!" Nang magtama ang mata ko sa kanila ay halos mahulog ako sa kinauupuan ko at tarantang napatayo. Ang ngiti sa aking labi ay nawala at pilit kong pinamukhang isa lamang akong inosente.
Inosente naman talaga ako! Madadamay pa wala sa oras, eh.
"Huh?" Tanging sagot ko at binigyan sila ng hilaw na ngisi habang pilit na humahanap ng madadahilan.
"Delivery g-girl lang ho ako rito," halos pasigaw kong pagdadahilan nang makaisip na ako ng dahilan. Ihinarap ko rin sa kanila ang paper bag na hawak ko.
Ang dami ko na ngang problema, ha. 'Wag na sila dumagdag. 
Ang akala ko ay susugurin pa nila ako, ngunit nagulat ako nang magpatuloy na naman sila sa kanilang pag-sasagutan. Na aakalaing nagdedebate. 
"M-mauuna na ho ako. Mukhang wala pa ho si Sir," paalam ko gamit ang mahinang boses at pilit na hindi nagpapapansin sa kanila.
Tahimik akong lumabas, at nang makalabas ako ay doon lang sumilay sa aking labi ang ngiting kanina ko pa pinipigilan. Tawang-tawa ako sa mga pinanggagawa ko.
Ano kayang feeling ni Phoenix na pinag-aagawan siya? Hays, gayang gaya talaga kay Celyn. Parehong pareho sila, Center of attention.
Papaliko na ako sa hallway nang makasalubong ko ang sekretarya ni Phoenix, at hindi pa nagtagal ay nasa harapan ko na rin siya. Napansin kong parang may hinahanap ang mga mata niya at nang magtama ang mata naming dalawa ay nakita ko kung paano ito nanlambot. Kabaliktaran sa nakakunot niyang noo.
"Hi! Uwi na ako,"masigla kong salubong sa kaniya.
Hinablot ko ang kamay niya at ako pa ang nagsara ng kamao niya mahawakan lang ang paper bag na iniabot ko nang sapilitan. "Pabalik kay Mrs. Guevarra." Sinadya kong tawagin si Tita sa ganong paraan para mas lalo siyang inisin.
Nilagpasan ko pa siya pero nang mapagtantong hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan niya para bigyan ako ng isang mapagtanong na mga tingin ay nilingon ko siya. Magulo ang buhok niya at ang kaniyang polo ay nakatupi na hanggang sa siko niya. Bukas din ang dalawang butones ng kaniyang polo.
Hmm, haggard na haggard sa trabaho, ha!
"Alam mo dapat magmadali ka na." I laughed. "Sira opisina mo mamaya 'pag hindi ka pa bumalik do'n ngayon." Mas lalo akong napatawa habang inaalala ang dalawa kanina.
Nagpatuloy na ako sa elevator. At kahit na marating ko ang sasakyan ko ay hindi pa rin naalis sa aking mga labi ang ngiti. Baliw na ba ako para ngumiti ng ganito?
Pero ibang iba ang nararamdaman ko ngayong araw kumpara sa mga nagdaang araw. Magaan na ang aking dibdib at tila nawala na ang nakadagan dito.
Kinabukasan ay ramdam ko ang kapayapaan sa bahay. Sinadya kong magising nang maaga para lang tunguhin ang kusina.
Umalis ang tatlo. Sa pagkakaalam ko ay may dadaluhan silang event sa Italy na magtatagal sila ng ilang linggo ro'n. Kaya pala walang maingay sa bahay, eh. Halos marinig ko na nga ang mga huni ng ibon paggising ko.
Inubos ko ang oras ko sa pagbebake ng isang maliit na cake na agad kong dinala sa kumpanya ni Phoenix. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa aking isip ba't ako nagbake sa kanya.
Ang lakas din naman ng loob ko na magbigay ng cake na galing sa takas lang. Simula no'ng kontrata namin ni papa ay hindi niya na ulit ako pinalapit sa kusina.
"May tao po loob?" nakangisi kong tanong sa sekretarya ni Phoenix habang mapaglarong sinisilip ang loob. 
Hindi ako naiirita sa mga babaeng pumupunta sa opisina niya at mas lalo akong natutuwa dahil magkakaron ako ng dahilan para mas lalo siyang asarin. 
"Mayroon po, ma'am. Kanina pa nga po pinapaalis ni Sir ayaw naman po makinig." Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa aking labi at walang sabing pumasok sa opisina niya nang hindi kumakatok.
"How many times I told you to leave already?! We're fucking done, woman!" Ang malakas na boses ni Phoenix ang unang sumalubong sa akin, dahilan para bahagya akong matulos sa kinatatayuan.
I bit my lips as I slowly sneaked in. 
This is his side that I don't want to experience. Mas ayos na ako sa mayabang niyang ugali, at least 'yon ay kalmado. Ilang beses ko pa lang nakikitang galit na galit si Phoenix at dahil iyon sa trabaho niya.
He's scary when his mad. You can see to his eyes that he's capable to do anything, just to make sure to get what he wants. Ibang iba ang mga salitang lumalabas sa bibig niya at ang kaniyang mata ay punong-puno ng karahasan na wala ni sino mang makakapigil.
"B-but-"
"You're just my past time, can't you get it? It's been a fucking years since I left you!" 
Nanahimik ako sa isang gilid at napanguso. 'Wag niya lang sana akong mapansin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin, at tila kulang na lang ay ingudngod ko siya sa laptop niya.
Tss, akala mo naman ay walang wala ng oras sa mundo para ubusin ang oras niya sa pagtatrabaho. Minsan ay hindi pa kumakain matapos lang ang trabaho.
Nang tapunan ko ng tingin ang babae ay mabilis na kirot ang dumaan sa aking dibdib. Nanginginig ang kan'yang balikat at ang make-up niya ay kalat na dahil sa luhang umaagos sa mga mata niya.
Tingin ko, ayos lang naman ang magmahal pero huwag naman sobra-sobra na wala nang matitira sa sarili mo. Lahat ng tao ay umaalis at hindi dapat tayo na e-expect na may mag-sstay, dahil wala naman talaga. Sa oras na umalis sila ay magiging walang wala ka, at sa huli ikaw pa ang kawawa.
"At ikaw ano na namang ginagawa mo rito?" I cleared my throat. Sayang, akala ko hindi niya ako napansin.
Lumapit ako kay Phoenix, at marahang binaba ang box ng cake. 
"Nagdedeliver lang ho, may sobra kasi sa binake ko kanina, sir," pang-aasar ko pa. Masamang tingin ang binaling niya sa akin at tila hindi agad nakasagot nang marinig ang sagot ko. 
Wow, may sobra? Talaga ba? Ni hindi nga ako nagbake para sa sarili ko dahil kulang sa ingredients.
"Bitch," rinig kong bulong ng babae na nasa gilid ko. Nagkibit balikat ako at iniwasan siya ng tingin. Ayokong makita ang mga tama niya. Naaawa ako sa kan'ya pero malaman na gano'n ang ugali niya? Ay, ewan na lang.
"Mauuna na ho ako, sa sunod niyo na lang po i-abot ang bayad. At may sasabihin din sana ako." Aalis na sana ako nang mabilis na umahon si Phoenix sa kaniyang pagkakaupo. Marahas siyang bumuntong hininga nang lagpasan niya ako.
Wow, ha! Gano'n na ba ako kaperwisyo sa buhay niya para pagbuntungan ako ng hininga?!
Mas lalong nawala ang emosyon ko nang buksan ni Phoenix ang pintuan, at saktong pagbukas niya ay ang pagpasok naman ng ilang gwardya. Hinawakan nila ang babae at buong pwersang inilabas. 
Tama nga si Dim. Ang gagawin ko kay Phoenix ay wala lang sa kaniya. Pinaglalaruan nga niya ang mga babae, eh. Walang pinagkaiba kay Papa, ang lalaking kinamumuhian ko. 
"Stay here, and let's talk like what you said." Bumalik siya sa upuan niya at agad na may dinial sa telepono.
"Don't let her enter the company again. She's invading my privacy. Masyado na rin siyang nakakaabala sa akin," sabi niya rito bago pa tuluyang ibaba ang telepono para harapin ako.
Bumuntong hininga ako at seryosong umupo sa upuang nasa harapan niya.
"Like what we see you have a power and money," panimula ko.
Ayoko mang gamitin at ipamukha sa kaniya 'yon dahil baka lumaki na naman ang ulo, pero baka sa susunod ay maging malala pa ang sitwasyon.
"Why? Do you need money?" he asked gently. Ang buong atensyon niya ay nasa akin, wala rin akong makitang emosyon sa kaniyang mukha. Pero iba ang naging dating ng tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o ano, eh.
"No, I'm just asking you because in the first place it's your fault anyway," balik ko sa kaniya. Sumandal siya sa upuan niya at tila nagulat sa tono ng pananalita ko. Nang makita ko ang pagkagulo niya sa kaniyang emosyon ay doon na ako nagsalita.
"Take down all the articles that contains rumors about me and Guevarra's. Ayokong magkaro'n ng issue kasama ka 'no, maski 'yung dalawa mo pang kaibigan. Mahirap na baka magulat ako sugurin na lang ako ng mga taong kulang na lang ay sambahin kayo," utos ko na may pagsusungit sa aking boses.
Pa'no ba naman simula no'ng party ay panay labas na ng mga article tungkol sa akin at sa kaniya. Ang malala nadadamay pa ang dalawa niyang kaibigan nang dahil sa akin.
Tumahimik siya at kinuha ang cellphone.
"Alright," tanging sabi niya habang patuloy pa rin sa pagtatype rito. Natahimik ako at pinanood siya. Kunot noo siyang nagtitipa sa cellphone at nang magtama ang aming mga mata nang balingan niya ako ng tingin ay agad akong umiwas.
"Tsaka, please lang. Sabihan mo naman ako kung may babaeng papunta sa opisina mo para hindi na ako pumunta. Alam mo, ako lang din ang nasstress sa buhay mo. Imagine madadamay pa ako sa gulo nila!" I whined.
I rolled my eyes to him.
"Ni hindi ko nga alam kung ano ang iaakto ko kapag kaharap ko sila-"
"Act like yourself. Do things where you are comfortable," putol niya sa akin.
"Tss, baka mamaya sa dami ng babae mo, girlfriend mo na pala yung kinakausap mo. Or kaya nililigawan. Makasira pa ako ng relasyon." Nang dahil sa sinabi ko ay bumalik ang atensyon niya sa akin.
"Don't worry, I'm not into relationship," sagot niya gamit ang mababa niyang tono.
I raised my eyebrows to him and didn't say anything. 'Yan, 'yan ang sinasabi ni Dim. Imposibleng mapaglaruan ko ang puso ng isang 'to. Binuksan niya ang butones ng kaniyang polo at supladong hinarap ang laptop niya.
Mas lalo tuloy akong mahihirapan sa ipapagawa ni Papa.
Hindi naman na ako nagtagal pa at agad na ring umalis. Mamaya ay maabutan na naman ako ng babae niya. Hindi ko inakalang ganito ang madadatnan ko kapag muli akong nagpakita pagkatapos ng sa party. Noong una naman ay walang mga babaeng pumupunta sa opisina niya, eh.
Napapansin ko ay madalas na rin akong pumunta sa opisina ni Phoenix simula nang umalis sila Papa. Ganito na ba ako ka-bored para gawin na lang 'yon?
Taas noo akong naglalakad papasok sa kumpanya ni Phoenix. Suot-suot ang isang dress na hapit sa aking katawan. Dim invited me to go bar. Sa pag-alis nila Papa ay hindi lilipas ang araw nang hindi ako nakapupunta sa kumpanya ni Phoenix. 
Gusto ko rin naman talagang pumunta, eh. Ayaw ko lang nang sapilitan.
Gulat akong napatingin nang bumukas ang elevator at tumambad sa akin si Phoenix na ayos na ayos sa kaniyang kasuotan, habang may babae na nakalingkis sa kaniyang braso.
Hindi ako nagsalita at kinuha na lang ang cellphone ko bago ngumuso roon. Gumilid din ako sa elevator para makapasok sila.
Huh, may bago na naman siyang kasama? Pansin ko lang talaga ang mga gusto niyang itsura ay 'yong mga palaban. Lahat ata ng nakikita kong babae niya ay mukhang mataray, eh. 
"Are you working here, miss?" tawag pansin sa akin ng babae. Pinasadahan niya ng tingin ang aking damit at nang makita niya na ito ay lumandas sa kaniyang mukha ang pagkadisgusto. Magsasalita na sana si Phoenix pero agad ko siyang inunahan.
Ano naman? Wala namang problema sa damit ko, ah? Alam kong maikli ang damit ko ngayon, pero hindi naman ako nagtatrabaho rito para sundin ang mga rules nila sa pananamit 'no.
"Uh, I'm just visiting someone." 
"In the CEO office? 15th floor is where the CEO stays," puna pa nito. Nang magtama ang mata namin ni Phoenix ay wala akong mabasang ekspresyon sa kaniya. 
Eh, ba't ba kasi maski 'yon ay pinapansin?
"Huh? I'm sorry, I didn't know. The receptionist told me that finance department is on that floor," turo ko sa 15th floor na nakapindot.
"It's on the 12th floor," biglang sabat ni Phoenix na nakapagpatahimik sa babae. Binigyan ko naman ng makahulugang tingin si Phoenix, na kanyang sinalubong ng matatalim na tingin.
I pressed the 12th floor.
"Babe, I want to go to Paris with you this week," rinig kong bulong ng babae kay Phoenix gamit ang maliit na boses nito. 
Wrong move ata na pumunta ako ngayon, ah? Malay ko ba kasing may babae na naman siya? No'ng punta ko no'ng nakaraan ay nagsiwalaan na ang mga babae niya, eh.
"I'm busy," supladong sagot nito.
I bit my lips trying to hide my smile. Nakalingkis ang babae sa braso niya at habang si Phoenix naman ay halos hindi man lang tapunan ito ng tingin. Napansin ko rin na panay ang hawi ni Phoenix sa kan'ya.
Nang makarating ako sa 12th floor ay taas noo naman akong naglakad do'n. Saktong-sakto at may basurahan pagkalabas ko, na agad ko namang tinapon ang bitbit kong tirang cupcake. 
Konti lang naman 'yon, at tira lang 'yon sa niluto ko kaninang umaga dahil bored ako.
Saktong pagtapon ko naman no'n ay ang pagsara ng pinto ng elevator kung saan ako galing. Naghintay ako ng ilang sandali bago sumakay sa isa pang elevator. May iilang tao rin ang napapatingin sa akin kapag dinadaanan nila ako.
Tss, hindi ako makapaniwalang nasa finance department ako. Ni wala akong balak pumunta rito. Pero kasya naman makigulo ako sa dalawa. Hindi na tuloy ako makatambay sa opisina ni Phoenix dahil pasulpot sulpot lang ang mga babae niya. Sa susunod talaga ay itetext ko na muna siya bago puntahan.
Nagtungo na ako pabalik sa parking lot at agad na tinungo ang bar na gaya ng pinag-usapan namin ni Dim. Umiling ako. Capturing the billionaire's heart is impossible thing to do. Sa ilang araw ko pabalik-balik sa kaniyang opisina ay nakita ko kung gaano siya ka walang pakealam sa taong nasa paligid niya.
Ilan na ang natanggal sa kumpanya niya nang dahil lang hindi masunod ang gusto niyang mangyari. Isa pa ang paghahabol sa kaniya ng mga babae, habang siya ay wala man lang pakialam. Kaya paano ko magagawa ang gustong gawin ni Papa, huh? 

Komento sa Aklat (34)

  • avatar
    GozonLiezel

    i love the story❤💚

    05/05/2022

      0
  • avatar
    Adrian Dalit Gajutan

    it's a great story

    12/07/2024

      0
  • avatar
    Arnold Galendez

    The best

    16/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata