Homepage/Capturing The Billionaire's Heart/
Chapter 33: Love
Napahilamos ako ng palad ko sa mukha ko nang mapagtantong hindi nga pala kami kakain sa kung saan lang!
Sinamaan ko ng tingin si Phoenix nang makitang pinapanood niya ako.
Paano ba naman ay naka pajama pa rin ako hanggang ngayon na kakain na kami ng breakfast. Kasalanan ko naman, pero malay ko bang ganito ang makakasabay naming kumain?! Maka naka dress, suit and tie! Ta's kami ito lang naka pantulog pa.
He chuckled. "Pareho lang naman tayong nakapantulog pa, ah? And besides there's not a problem if we wear this for breakfast, ah?" Pang-aasar niya pa.
Well, sa kan'ya kasi bagay naman! Hindi halatang bagong gising. Fit na fit pa sa katawan niya 'yung white t-shirt niya, kaya nadadala niya talaga kahit na naka-pajama rin siya!
Ano mukhang bruha na kakatayo lang sa higaan kahit na nagsuklay naman ako. Ang luwag luwag pa ng damit sa akin.
Mang-aasar pa sana ulit siya pero dumating na ang mga pagkain namin. Natigilan ako nang sunod-sunod na dumating ang mga waiter para ibaba ang mga pagkain namin.
My lips parted as our table slowly became full of foods.
Hindi pa ako nasanay, si Phoenix nga pala ang kasama ko.
"Let's eat, love," tawag atensyon sa akin ni Phoenix nang hindi ko galawin ang mga pagkain sa harapan ko.
Siya mismo ang naglalagay ng mga pagkain sa plato ko.
Isa pa 'yan! Simula nang makarating kami rito ay panay love na ang tawag niya. Ngunit hindi ko na siya pinuna roon.
Pinanood ko siyang matapos maglagay ng pagkain sa plato ko bago ako tuluyang kumain.
Habang kumakain ay hindi ko mapigilang ikutin ng tingin ang kabuuan ng lugar. Bawat parte ata ng restaurant area ay may mga chandeliers, eh. Hindi rin ito gaya ng iba nilang hotel na buffet type. Kaya mismong si Phoenix ang nag-order ng mga pagkain na nasa harapan namin.
"Akala mo talaga ang lakas mo kumain, 'no?" Puna ko sa kan'ya nang halos hindi niya galawin ang pagkain niya at pinagdiskitahan lang din ang kape.
Nagkibit balikat ito bago ituon ang atensyon sa akin. "I order those foods for you to eat, love."
Napairap ako sa kan'ya bago ipagpatuloy ang pagkain.
Mayamaya pa ay muling napunta ang usapan namin kay Celyn. Ikinuwento ko kung ako ang nangyari sa ilang linggo kong nasa bahay, na nakakulong. Hanggang sa muling bumalik ang usapan noong gabi na lasing siya.
"Ang hirap hirap mo kaya iuwi! You kept hugging me ang whispering some words that I can't understand! Nagpresinta pa nga 'yung kaibigan mo na iuwi tayo, 'no. Of course I did not let him. Kaya naman kita iuwi—" Unti unting humina ang boses ko hanggang sa tuluyan na akong tumahimik nang mapansin ko ang isang babae sa hindi kalayuan.
Kanina pa siya nagpapapansin kay Phoenix, at panay ang titig sa table namin. Habang si Phoenix naman ay tahimik sa gilid ko, ako lang naman ang maingay.
I bit my lips as the woman look at me to my toe from my head. Nakataas din ang kilay nito sa akin, at kapag dumadapo ang tingin ni Phoenix sa babae ay bigla itong ngumingiti na matamis.
Hindi ko rin naman kayang bastang iwasan lang siya dahil nasa harapan lang namin siya at kitang kita ang mga tingin niya!
"Go on, love. I'm listening." Dahil sa pagtawag sa akin ni Phoenix ay muli akong nabalik sa reyalidad, at muli kong ipinagpatuloy ang sinasabi ko kanina.
Hindi ko na muling pinansin ang babae at itinuon na lamang ang atensyon sa lalaking nasa harapan ko. Panigurado ay kung ano ano na naman ang iniisip no'n sa akin, sa paraan pa lang ng pagtingin niya, eh.
Hindi naman na kami nagtagal, at agad na rin kaming umakyat matapos naming kumain.
"Bakit ka ba kasi naglasing no'n? Malala pa no'n mag-isa ka lang. Akala ko naman ay kasama mo ang mga kaibigan mo no'n!" Pagtatanong ko habang naglalakad kami sa hallway patungo sa kwarto namin.
Tahimik at kaming dalawa lang ang nasa hallway, kaya bawat galaw namin ay agad na naglilikha ng ingay. Habang ang boses ko naman ay nag e-echo
Hindi agad sumagot si Phoenix kaya napatingin na ako sa kan'ya. Namumula ang tenga niya. Agad namang nangunot ang noo ko at bahagya ko siyang nilapitan.
Titig na titig ako sa kan'ya, at mukhang hindi niya na natagalan ang mga titig ko at napilitan nang sumagot.
"Coz, I'm jealous as fuck. Hindi mo sinabi na ang kikitain mo pala ay 'yung chef sa restaurant na kinainan natin. Nagawa mo akong ipagtabuyan pauwi para lang do'n. He's not that even handsome."
Ang pamumula ng tenga niya ay umabot hanggang sa mukha niya. Hindi man lang niya ako tinitingnan at nakatuon sa lapag ang mga mata niya. Napangise ako, ngunit hindi ko na siya inasar pa.
Hanggang sa makarating kami sa kwarto namin ay hindi natanggal ang mga ngiti sa labi ko.
Sa lahat ng pagseselosan niya ay si Dim pa talaga? Talaga lang, ha? Sa tinagal tagal na naming magkasama ni Dim hindi man lang pumasok sa isip ko na siya ang magiging katuluyan ko, 'no. Tsaka mukhang may jowa na nga 'yon, eh. Lalong hindi naman kami pwedeng pagsamahin no'n. Panigurado puro sermon lang ang mangyayari.
Nang dumating na ang mga pinabili ni Phoenix na damit ay agad naman na akong mag-asikaso. Hindi na ako nagtagal sa cr dahil alam kong hinahabol din namin ang oras. Panigurado ay may pasok siya ngayon, lalo na at kagabi pa sana kami nakauwi.
Walang emosyon kong pinagmamasdan ang sarili ko sa malaking salamin habang hinihintay si Phoenix na matapos sa pagligo.
Mabuti na lang talaga at maayos ayos na ang panahon ngayon kumpara kagabi.
Simpleng denim pants lang ito at itim na blouse.
Pagtapos ni Phoenix mag-ayos ay agad na rin kaming umalis. Ang lahat ng empleyado sa hotel ay halos ihatid kami sa aming sasakyan.
"What's this?" Tukoy ko sa paper bag na nasa kandungan ko. Kanina nang sumakay kami sa sasakyan niya ay agad niya itong inabot sa akin at sinabing hawakan na muna, ngunit hindi niya naman ito binawi nang muli.
"You said they took away everything from you? Use that phone whenever you need to contact me." Hindi ako sumagot at napatitig lang sa paper bag, hindi man lang nag abalang galawin at tingnan ang loob.
Hindi ko magawang magpasalamat sa kan'ya dahil hindi pa rin ako kumbinsido na tanggapin ito. Oo, kailangan ko, pero hindi ko naman ata kailangan umabot sa ganitong punto. Pero as if naman na papayag si Phoenix na hindi ko tanggapin 'to?
Paper bag pa lang, mukhang mahal na. Knowing Phoenix, paniguradong pinaka latest ang binili niya.
Nang halos ilang minuto na kaming nasa kalsada ay tuluyan na kaming natahimik.
Kitang kita sa bintana ang mga puno, hanggang sa lumipas ang ilang minuto na naging oras at tuluyan nang napalitan ng nagtataasang mga gusali ang mga puno na natatanaw.
"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko nang mapansing bahagyang bumabagal ang pagpapatakbo niya sa sasakyan.
"Let's grab some foods, I'm hungry." Tinaasan ko siya ng kilay habang pinapasok niya ang kotse sa drive thru.
"Agad?!" Kakatapos lang namin kumain kanina, ah? Ilang oras pa lang ang lumipas matapos naming bumyahe.
Nagkibit balikat ito at hindi na ako pinansin.
Nakanguso ako habang pinapakinggan siyang banggitin ang lahat ng order niya. Kaya nang lumingon siya sa akin ay bahagya akong nagulat sa pagtama ng mga mata namin.
"Do you want anything, love?" Pag-iling lang ang naging sagot ko sa kan'ya. Paanong mag-oorder pa ako, e halos lahat ata na-order niya na.
Nang makuha namin ang order ay agad niya iyong binuksan. At dahil nagmamaneho siya ay agad kong kinuha ang natirang mga pagkain na nakalagay pa sa paper bag. Pinanood ko siyang lagyan ng straw ang inumin niya bago humigop dito.
"Sigurado kang ayaw mong kumain sa loob? Mahihirapan ka kumain sa kotse," tanong ko habang pinapanood pa rin siya.
"Nah," tanging sagot niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay.
Nang maayos niya ang mga pagkain niya ay doon na siya nagsimulang magmaneho.
Nakanguso lamang ako habang pinapanood siyang hirap na kumain. Sinabi ko na kasing mahihirapan nga siya, eh.
"Stop staring at me, instead put some foods in my mouth, love." Ngumuso pa siya para ituro ang hawak ko.
Nakabuga naman ako ng hangin ng marinig siya at hindi makapaniwalang sumunod sa gusto niya.
Kumuha ako ng fries at marahan na isinubo iyon sa kan'ya. Kapag nauubos naman ang kinakain niya ay agad ko siyang sinusubuan ng panibago.
Dahil maaga pa at wala gaanong tao sa kalsada kung kaya't hindi niya talaga mabitawan ang manibela. Hindi man lang kami napapahinto dahil wala namang traffic.
"Here," sabi ko at inilapit sa bibig niya ang straw ng coke. Habang umiinom siya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hawiin ang ilang hibla ng buhok niya na humaharang sa mukha.
Hanggang sa makarating kami sa kompanya ng mga magulang niya ay gano'n ang ayos namin dahil hindi pa rin siya tapos kumain.
Ang bagal niya namang kumain? Sinasadya niya ba 'to?
Nang maparada niya na ang sasakyan ay agad ko ng niligpit ang iilang kalat mula sa pinagkainan naming dalawa.
"I'll wait you here. Hindi na ako sasama sa taas," paalam ko na tinanguan niya naman.
Nakakahiya pa naman lalo na ay grabe tumingin ang mga empleyado nila sa akin.
Pinanood ko siyang makalayo sa sasakyan hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang mga nangyari kahapon. Sayang lang ang kaba ko, hindi naman pala malala ang mangyayari. Hindi ko nga inaasahan na magiging ganito ang pakikitungo niya muli sa akin. Tila walang nangyari at mas naging maingat pa siya pagdating sa akin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (34)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Tingnan Lahat