Homepage/Capturing The Billionaire's Heart/
Chapter 32: His Actions
Kasabay nang paghari ng katahimikan ang siyang pagbuhos ng ulan. Nakasandal pa rin ang akin ulo sa salamin ng bintana, at pinanood ko kung paano unti-unting mabasa ang kalsada na dinadaanan namin.
Matapos ng pag uusap namin ay hindi na siya nagsalita at gano'n din ako.
Bahala siya, 'no. Wala naman akong sasabihin. Pero kapag nililingon ko siya ay hindi nakakatakas sa akin ang pagpipigil niyang ngiti. Kanina pa rin ang panay pag-iling niya!
Hindi pa nagtagal ay unti-unti nang nagdidilim. Mula sa aming pwesto ay kitang kita ang paglubog ng araw. Mas dumami na rin ang nakakasabayan naming sasakyan, at unti-unti na ring sumisikip sa highway.
Mabuti na lang at nakarating na kami sa pupuntahan namin. Napansin ko kasing mas lalo pang lumakas ang ulan pagpasok na pagpasok namin sa hotel nila.
Tingnan mo na, hindi ko nga alam na sa hotel pala kami pupunta. Akala ko naman ay may basta dadaanan lang kami para kuhain 'yung documents.
"I'll just get the documents. Wait me on the lobby," paalala ni Phoenix nang makasakay kami sa elevator. Tumango ako, at nang makarating sa lobby ang elevator ay bumaba na ako. Habang siya naman ay naiwan dito, at nagpunta sa ibang floor.
Pinanood kong magsara ang elevator at nang tuluyan na itong magsara ay doon lang ako umalis.
Wala namang iba sa hotel na ito. Kagayang kagaya lang din ito ng mga hotels nila na napuntahan ko na, modernong moderno.
Ngunit nang pumunta kami rito ay napansin kong nasa bandang looban ito. Liblib ang lugar na dinaanan namin at maraming puno. Kung hindi dahil sa ilaw ng hotel ay hindi ko agad ito makikita. Kahit nasa malayuan ay kitang kita ito dahil sa liwanag at taas na taglay.
Marami ang tao, at sa bawat paghakbang ko ay may nalalagpasan akong naglalakad din.
Mabuti na lang at maayos ang damit ko. Ang pangit naman tingnan na mukha akong gusgusin sa mga lugar na ganito.
Nang may makitang upuan ay agad akong umupo rito. Ang iilan na empleyadong napapadaan ay bahagyang napapatingin sa akin.
What? May problema ba sila?
Iniangat ko ang ulo ko ng tuluyan nang lumapit ang isang empleyado na panay ang sulyap sa akin.
"Good evening po, ma'am. If you need anything feel free to ask us po. As Mr. Phoenix commanded us to take care of your needs po."
Napakurap ako habang pinagmamasdan siya. Kaya naman pala panay ang tingin nila sa akin!
Binigyan ko siya ng hilaw na ngiti bago tumango. "Sure."
Ngunit kahit na nakaalis na ang babae na kumausap sa akin ay panay pa rin ang sulyap sa akin ng iba. Animoy tinitimbang ang bawat galaw ko.
Mabuti na lang at hindi nagtagal si Phoenix, at agad akong napatayo nang makita siyang naglalakad papalapit sa akin.
Nakakahiya! Hindi niya naman kailangan sabihin 'yon sa mga nagtatrabaho rito. Wala naman akong kailangan, at kung mayroon man ay paniguradong titiisin ko na lang hanggang sa makauwi kami!
"Uwi na tayo?" Mahina kong tanong sa kan'ya nang magkalapit kami.
Nakita ko sa kan'yang kamay ang isang envelope. That's probably the documents his parents talking about.
Pero ang layo naman masyado ng pinagkuhanan niyan? Ilang oras din ang byahe namin, ah?
"We can't leave by now. Masyadong malakas ang ulan at gabi na rin." Tinaasan ko siya ng kilay at pinanood sa pagkakalikot ng kan'yang cellphone.
"Huh? Paanong we can't leave? Saan tayo?" Nang sasagutin niya na ako ay biglang nag-ring ang cellphone niya na agad naman niyang sinagot.
"Yes, I know, Mom...Sure..."
I pouted as I stepped backward to gave him privacy.
Kapag umuwi ako baka pagalitan na naman ako ni Papa. Hindi nga niya alam na nandito ata ako. Si Celyn naman ang alam lang ay hinatid ko lang ang laptop ni Phoenix.
Habang lumalalim ang gabi ay siya ring pagdami ng mga tao sa hotel. Habang kausap ni Phoenix ang magulang niya ay pinapabood ko kung paano nagsisipasukan ang mga tao.
Hindi ko alam kung talaga bang sikat lang ang hotel na 'to kung kaya't maraming tao, o dahil lang sa masamang panahon at pagabi na rin.
Mas lalong naging abala ang mga empleyado, ang ilan ay kanya-kanyang dampot ng mop para punasan ang sahig na nababasa dahil sa pagpasok ng mga tao.
"Alliesha," tawag sa akin ni Phoenix dahilan para muli akong lumapit sa kan'ya.
"We're staying here tonight, it was also suggested by my mom. Ilang oras ang byahe natin at madulas ang kalsada. We can't risk it."
Pagtango lang ang aking nasagot. Mukhang wala na rin naman akong magagawa, eh. He's right. Delikado pa kung ipipilit naming umuwi sa ganitong lagay. Lalo na at hindi pa rin tumitila ang ulan. Mamaya ay maaksidente pa kami.
Wala akong kahit anong dala ngayon. Cellphone nga ay wala, damit pa kaya?
Mayamaya pa ay may lumapit kay Phoenix, na seryoso niya namang kinausap. Naka uniporme rin ito, kagaya ng ilan sa mga empleyadong nakita ko kanina.
Hays, na-miss ko na tuloy magtrabaho. Nakakamiss magsuot ng uniporme, ano. At higit sa lahat nakaka-miss magkaro'n ng sweldo.
Bago umalis sa harap namin ang baba ay may tinawag itong ibang empleyado, na agad namang sumunod sa kan'ya.
"I already informed your family that your with me," imporma ni Phoenix dahilan para muling matuon ko ang atensyon sa kan'ya.
Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang mangyari ang gusto niyang mangyari. Para sa aming dalawa rin naman 'to, para hindi kami maaksidente, 'no!
Ngunit 'yon na lamang ang laking gulat ko nang dalhin niya ako sa kwarto na pagtutulugan ko.
"Dito ka rin matutulog?!" I hysterically asked. Nang lingunin niya ako ay agad ko siyang binigyan ng ngiti para itago ang gulat na nararamdaman.
Malay ko bang iisang kwarto lang ang gagamitin naming dalawa? Unang pagkikita pa lang naman namin, 'ano! Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagbalik ko!
"What? Dati naman ay sa iisang kama lang tayo natutulog kung minsan?" My lips parted as I accepted my defeat.
Oo nga naman! Pero nahihiya pa rin ako sa kan'ya, ano! Pero kung magpipilit ako ng panibagong kwarto ay baka sabihin niyang iniiwasan ko siya. Kung dati nga ay ako ang nag pipilit na tumabi sa kan'ya!
"Should I prepare another room for me, then—" Nanlaki ang mga mata ko at sinalubong ang mga mapanuri niyang tingin at agad siyang pinigilan.
"H-hindi na 'no! We're fine here!" Bahagyang tumaas ang tono ko kaya agad akong ngumiti.
Kapag ginawa niya 'yon ay lalo niya talagang iisipin na iwas na ako sa kan'ya, ano!
Tumango naman ito at ipinagpatuloy na ang ginagawang pag aayos sa gamit. Ngumuso ako bago napagpasyahang libutin ang kabuuan ng lugar.
Maaliwalas ang buong kwarto, at tila buhay na buhay kung pagmamasdan. Mula rin sa kama ay kitang kita ang mga puno, at hindi sa kalayuan ay ang syudad, dahil sa glass window.
"Here's your clothes." Inabot sa akin ni Phoenix ang paper bag na dala ng isang lalaki kanina. Kinuha ko ito at madaling naligo.
Nagpadala lang ng pagkain si Phoenix sa kwarto, para sa aming dalawa.
Everything went smooth. Lahat ng inuutos niya ay sinusunod, kung kaya't asikasong asikaso kaming dalawa. At syempre dahil kasama ko siya ay komportableng komportable rin ako. Lahat ng kailangan ko ay binibigay niya sa akin, kahit na hindi ko naman hiningi.
Mabilis namang lumipas ang oras matapos naming kumain, at siguro dahil sa pagod ay agad din akong nakatulog nang makahiga ako sa kama.
Nagising ako na unang bumungad sa akin ay ang isang malakas na kulog at agad namang sumunod dito ang mga naglalakihang kidlat.
I can see everything from where I am. I groaned, feeling the coldness around the room.
Kumpara noong pagkarating namin sa hotel, ngayon ay mas malalaki na ang patak ng ulan dahilan para mas maging malakas ang tunog nito. Mula sa glass window ay kitang kita ko ang pagpatak ng mga ito.
Nag-fog na rin ang ilang bahagi ng bintana dahil na rin siguro sa lamig at sa panahon ngayon.
Nang muling magpakita ang isang kidlat ay mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa comforter.
"Phoenix," I mumbled as I tried covering myself with comforter. Nakailang tawag pa ako sa kan'ya bago siya tuluyang magising.
"Hmm?"
"Hinaan mo 'yung aircon, please," paos kong utos sa kanya. Agad naman niyang kinuha ang remote nito at hininaan.
Ang pwesto ko ngayon ay nakatalikod sa bintana at sa kan'ya ako nakaharap. Marami man ang nakapalibot sa katawan kong comforter, pero tila wala itong palag sa lamig.
Nang isiksik ko ang katawan ko sa pwesto ni Phoenix ay naramdaman ko ang braso niya sa bandang uluhan ko. Marahan niya rin akong hinila papunta sa kanyang dibdib.
"Come here, love," bulong niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayapos sa katawan ko. Hindi na ako nagreklamo dahil nang maramdaman ko ang init ng katawan niya ay nakaramdam ako ng pagkapayapa.
Hinayaan kong nasa ganoong posisyon kami hanggang sa tuluyan na akong makabalik sa pagkakatulog.
Muli na naman akong nagising nang maramdaman ang marahan na paghaplos sa aking buhok, hindi ko pa man minumulat ang mga mata ko ay nakakarinig na ako ng boses na tila may kausap.
Kumpara kaninang madaling araw, mas nakakaya naman na ng katawan ko ang lamig sa kwarto.
Sobrang lamig ba naman kasi no'ng aircon! Akala mo magyeyelo ka na, eh. Mabuti na lang talaga at pajama ang binigay sa akin na damit ni Phoenix.
Bahagya akong gumalaw bago tuluyang imulat ang mga mata ko. At ang unang bumungad sa akin ay matang nakamasid ni Phoenix.
He gave me a smile. "Good morning," he mouthed. Ngayon ko lang din napansin na may kausap siya sa telepono.
Hindi pa agad ako nakasagot sa kan'ya dahil tila hindi pa nag poproseso sa utak ko kung sa nasaan ako.
Patay ang mga ilaw sa loob ang kwarto, at tanging nagbibigay ng liwanag sa loob ay ang liwanag na nanggagaling sa bintana.
"We'll have a breakfast downstairs, love. Ready yourself."
Nakaupo siya sa kama habang ako naman ay nakahiga sa tabi niya. Panay pa rin ang paghaplos niya sa aking buhok, at malamang paniguradong kanina niya pa ako pinapanood na matulog!
Napatulala ako sa kan'ya, ngunit alam ko sa loob loob ko na hindi pa tinatanggap ng utak ko ang sa mga sinasabi niya. Nang bumalik siya sa kan'yang kausap sa telepono agad kong tinabunan ang mukha ko ng comforter at mas lalong sumiksik sa parte niya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, na hindi ko naman pinansin.
Bahala siya r'yan, panigurado ang aga aga pa naman!
Muli kong pinikit ang mga mata ko at hinayaan ang sarili na gawin ang gusto, hindi alintana ang mga sinabi ni Phoenix.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (34)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Tingnan Lahat