logo text

Chapter 31: Worth Of The Risk

Nakakunot ang noo ni Phoenix habang pinagmamasdan akong sumakay sa sasakyan ko, kaya maski ako ay napakunot din ng noo.
Ano bang problema nito?
"What?" Hindi ko na mapigilang mapatanong. Habang binubuhay ko ang makina ng sasakyan ko ay tutok pa rin ang mga mata niya sa akin.
Naka upo na ako sa loob, tanging ang nakabukas na bintana na lang ang daan para makapag usap kaming dalawa. Habang siya naman ay nasa labas at tindig na tindig ang pagtayo.
Achievement na talaga ang maka alis ako rito na hindi niya napapansin ang panginginig ko. Akala ko nga talaga ay susumbatan niya na ako kanina, pero umakto siyang parang walang nangyari sa amin.
Bakit hindi ko na lang din gawin 'yon?
"I thought you bought a car last week?" Sinuri niya ang sasakyan ko habang nakakunot ang mga noo.
Nakipaglaban ako sa pagkunot ng noo niya nang marinig ang sinabi. Paanong makakabili ako ng kotse kung nakakulong ako sa bahay?
"Where the fuck is your Mercedes-Benz and Rolls-Royce?!"
Bahagya akong napatawa nang marinig ang mga hinahanap niya. 
"Anong tingin mo sa akin, mayaman? Sa'n naman ako kukuha ng pera para sa mamahaling mga sasakyan na 'yan! Sasagap ka na lang ng balita mali mali pa."
Sa lahat ng hahanapin niya sa akin 'yung mga mamahaling sasakyan na 'yon pa talaga? Imposible na bumili ako ng gano'n kamahal na sasakyan. Kung saan saan ba naman kasi 'to sumasagap ng chismis, eh.
"It notifies me whenever you use my cards," dagdag niya na nakapagpaliwanag sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bunganga. Oo nga pala! Nakalimutan kong ibalik 'yong cards niya!
Kung kanina ay iwas na iwas ang mga mata ko sa kan'ya, ngayon ay halos hindi ko na maitaas ang ulo ko. Siya naman ay pilit na hinuhuli ang mga mata ko. Hinilot ko ang sintido ko.
"Alliesha, you know I'm not mad about you spending my money. You don't need to hide it from me. You can use my cards whenever you want."
Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na buksan ang pinto ng kotse at marahan na lumabas doon, para harapin siya.
Ayaw kong isipin niya na gagastusin ko lang nang basta-basta ang pera niya, ano.
"That's the p-problem..." I bit my lips after I said it.
Naiimagine ko pa lang kung ano ang itsura naming dalawa ay nanliliit na ako. Nasa parking lot kami, ako ay nakayuko ang ulo habang siya naman ay nakayuko dahil tinitingnan ako. Sa laki ng agwat ng height namin sinong hindi manliliit, lalong lalo na't damang dama ko ang presensya niya.
"I d-don't have your cards."
Napangiwi ako at inaasahang magagalit siya sa akin.
Sino ba namang hindi? Milyon ang nawala sa cards niya at hinayaan niya lang 'yon dahil akala niya ay ako 'yon!
Tss, kaya naman pala may bagong mga sasakyan sa parking area sa bahay kanina! Marami akong nalagpasan na mga pangyayari kaya akala ko ay regalo na naman 'yon ni Papa kay Celyn!
"Huh?" Pinikit ko ang mata ko at napasandal sa sasakyan. Napakamot ako sa ulo ko bago salubungin ang mga tingin ni Phoenix.
Bahagya pa akong nanghina nang sa wakas ay nakita ko na ang mga mata niya nang diretso. I missed this feeling. The feeling whenever he's looking at me.
"Noong umuwi ako sa bahay ay kinuha lahat ng gamit ko sa'kin, kasama ro'n ang wallet, cellphone, kotse ko, at 'yung cards mo. If I'm not mistaken, si Celyn ang bumili ng mga nabanggit mo." I pouted when realization hits me.
Walang wala na ba talaga sila para gastusin 'yung pera ni Phoenix?
May utang pa nga ako kay Phoenix ngayon ay madadagdagan na naman?
Mas lalo pang namawis ang mga palad ko nang wala akong makitang emosyon sa mukha ni Phoenix. Blangko ang emosyon na binibigay niya sa akin, ngunit hindi malamig ang kan'yang mga tingin.
Galit ba siya o ano?
"I'm really sorry about that. Gustuhin ko mang akuin ang ginawa niya, pero hindi ko kaya. Wala naman akong pera para ibalik 'yung nagastos niya."
Kung hindi ko lang sana nakalimutan 'yon na ibalik. Paanong hindi ko makakalimutan, eh nakalimutan ko ngang may card ako ni Phoenix. Hindi ko naman kasi ginagalaw 'yon.
"Don't worry about it. It's not your fault, anyway. I'll handle it."
"Huh?" Ngayon ang buong atensyon ko ay nasa kan'ya na. Titig na titig ako sa mukha niya at abang na abang sa magiging reaksyon, ngunit wala akong napala. Napansin kong mabilis siyang nag-iwas ng tingin at sumilay sa kan'yang labi ang isang patagong ngiti.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Nagawa niya pa talagang ngumiti? Para saan? I expected him to be angry. Halos ilang milyon ang nawala sa bank account niya dahil lang sa akin.
"Let's talk about that later—" Bubuksan niya na sana ang pintuan ng sasakyan ko pero agad ko siyang pinigilan.
"Wait, you're not angry?! Woah, parang kanina lang simpleng bagay galit na galit ka na, ah!" Sumbat ko. He's strict and cruel towards his employees earlier.
Ang mga mata ko ay nanatiling naninimbang sa mga galaw niya.
"Do I still need to tell you this everytime—"
"Tell what?" Mapanghamon kong tanong.
Sino ba namang hindi? Kung ano ang nawalan ng ganoong pera ay baka sumugod na ako kay Celyn.
"That I can't get angry towards you." Naningkit ang mga mata ko ngunit nanatili akong nakatitig sa kan'ya. Natigilan ako sa kung paano niya ako kausapin. Tila humahaplos sa aking puso ang tono ng oananalita niya at tila inaalu ako nito.
Kung hindi niya pa ako inalalayan pumasok sa sasakyan ko ay hindi ako gagalaw sa kinatatayuan ko. Ngunit kahit na naka upo na ako ay nakadungaw pa rin ang aking ulo para lamang bigyan siya ng tingin. Umaasang babawiin ang sasabihin.
He can't get angry at me?! Why?
Tila bumalik ang mga ala-ala sa akin kung paano niya ako ituring sa mga lumipas na araw na magkasama kami.
Kung papaano niya ako hintayin na matapos kumain para lang magsabay kaming matapos. Kung paano niya ubusin ang mga pagkain na hindi ko na kayang ubusin. Kung papaano sia hindi nagalit sa akin lalo lalo na kapag kinukulit ko siya. At kung papaano niya ako alagaan noong may sakit ano noong wala akong matuluyan. He gave everything just for me to lived comfortably with him.
I bit my lips when I realized what my decision. I'll risk everything eith this man. Alam ko sa sarili ko na kaya kong isugal ang lahat para sa kan'ya, maliban na lamang kung siya mismo ang magtutulak sa akin palayo.
"I'll stay behind your car. Drive safely," pinal niyang sabi bago tumalikod sa akin.
Kagaya nang sinabi niya ay nanatili nga sa sa likuran ko hanggang sa makarating kami sa restaurant.
Magaan kasama ang pamilya ni Phoenix kung kaya't hindi ako nahirapan sa lunch. Just like their son, they'll offer me everything just for me to be comfortable.
Naging mabilis ang oras at halos hindi ko na ito namalayan. Kung hindi pa kami natapos kumain ay hindi ako mababalik sa realidad. Dahil doon ay akala ko ay makakauwi na ako nang payapa, ngunit mali ako.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa sasakyan ni Phoenix.
"May sasakyan naman ako, ah!" Pilit ko pa habang pinagmamasdan ang nadadaanan namin.
"Yes, but it's convenience if you ride with me. Malayo ang pupuntahan natin at mas makakampante akong nasa sasakyan kita."
Bumuntong hininga ako bago tanggapin ang pagkatalo. Wala nga akong nagawa kung 'di ang sumama, tingin ko mananalo pa ako rito sa lalaking ito?
Kung hindi lang talaga si Tita Phoebe ang nagpasama sa akin ay hindi naman ako sasama, ano. Hindi ko naman alam na ang layo pala ng pagkukuhanan ng documents na kailangan ng mga magulang ni Phoenix.
"Why did you left that night? I thought something happened. I almost call all of our security just to find you. Luckily your dad called me."
Napangiwi ako sa sinabi niya, ngunit nanatili ang mga mata ko sa kalsada. Nagpaalam naman ako, ah!
"Did I do something? Or did I said something—"
Bago pa man pumasok ang kung ano ano sa isip niya ay agad ko na siyang pinutol. Hindi naman 'yon ang dahilan ng pag-alis ko.
"Umalis ako para makapag-isip," diretsahan kong sagot. Mas isiniksik ko ang sarili ko sa upuan.
Bahala na, 'yon naman talaga ang dahilan. We don't need some sugarcoating words here. Mas lalo pang gugulo ang sitwasyon kapag nagpaligoy-ligoy ako.
"To think of what?" Sininandal ko ang ulo ko sa salamin ng bintana. Ang kaninang hinahanap ko na lamig ng boses niya ay narinig ko na rin.
Mula sa kinauupuan ko ay ramdam ko ang matatalim niyang tingin sa akin.
So, mas galit siya na iniwan ko siya? Pareho lang naman kaming nakinabang. Naliwanagan ako sa mga nararamdaman ko at umaasa akong gano'n din siya.
Fuck, I can't even forget him even if I'm drunk.
"You left me just to think—" Ngumuso ako at mas nag iwas ng tingin sa kan'ya.
"I left you to think if you're worth the risk," putol ko. Napansin kong unting-unting bumagal ang sasakyan namin, ngunit hindi ko siya nagawang tingnan.
Lahat ay nakataya rito. Maski ang sarili kong plano ay magugulo lang dahil sa nararamdaman ko sa lalaking 'to. At kung magkakagulo man ako lang ang kawawa sa dulo. Maging tapat na tayo rito, Phoenix can save himself. He has everything, while I don't. Hindi pa sigurado kung kakayanin ko ang sakit na dulot ng mga mangyayari.
Dahil sa totoo lang ay kumakapit na lang ako, pero sa loob ko ay durog na durog na ako. At maling desisyon ko, all of my emotions might collapse.
"If I'm worth the risk? Risk of what—"
Napasapo ako ng noo nang marinig ang tanong niya. Hindi ko alam kung alam niya ang nararamdaman ko o nag mamaang-maangan lang 'to!
Nakahinto na ang sasakyan namin sa gilid, at dahil sa pagkairitang nararamdaman ay nagawa ko na siyang sulyapan.
"Can't you see? Nasasanay na akong nandyan ka lagi. Nasasanay akong lagi mo akong sinasalo kapag nahihirapan ako. And right now I knew I fucked up because I'm fucking falling for you!" Nakapikit kong isinigaw sa kan'ya ang mga huling katagang lumabas sa bibig ko.
Hindi ko na siya muling sinulyapan at mas isiniksik na lamang ang sarili sa upuan. Nararamdaman ko ang init na nanggagaling sa pisnge ko, at ano mang oras ay baka hindi ko na mapigilan ang hiyang nararamdaman.
"Then, I'll fucking show you how I'm worth the risk." Napabuga ako ng hangin nang marinig ang naging tugon niya.
Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang mumunti niyang mga ngiti, bago ko naramdaman ang pag-usad ng sasakyan namin.
I pouted. Hindi niya alam na nakapag desisyon na ako, at 'yon ang isusugal ko ang lahat para sa kan'ya.

Komento sa Aklat (34)

  • avatar
    GozonLiezel

    i love the story❤💚

    05/05/2022

      0
  • avatar
    Adrian Dalit Gajutan

    it's a great story

    12/07/2024

      0
  • avatar
    Arnold Galendez

    The best

    16/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata