Homepage/Capturing The Billionaire's Heart/
Chapter 30: Destiny
Malakas akong napabuga ng hininga, kasabay ng pag-irap ng mga mata ko. Binigyan ko ng mapaturing tingin si Celyn.
"Sige na kasi, Alliesha! It's just a simple task!"
What the actual fuck? Matapos nila akong ikulong ng ilang linggo, ngayon uutusan nila ako? Wow lang, ah.
Muli ko siyang inirapan bago padabog na tumayo sa kinauupuan ko. Hindi pa man ako nakakarating sa kwarto ko ay narinig kong tumili si Celyn kasabay nang pag-ring ng telepono niya.
"Oh my God, Alliesha! Sige na kasi! You're so maarte talaga! Hindi naman mahirap ang ipapagawa sa'yo!" She said hysterically. Nanlalaki ang mga mata niya habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa cellphone niya.
Nananahimik na ako sa buhay ko, guguluhin na naman ako. Ang galing lang talaga, ano? Kapag may kailangan sila ang dali dali nila akong lapitan.
"Hello, Tita? Yes po, papunta na po siya. I'm really sorry po talaga. Alam niyo naman 'tong si Alliesha, nag-iinarte pa."
Nanliit ang mga mata ko at napilitang mapalapit sa kan'ya. At talagang sisiraan niya pa ako sa mga magulang ni Phoenix?
Paano ba naman, umagang umaga ang bungad sa akin ay ganito? Gusto nila akong pumunta sa penthouse ni Phoenix para kuhanin ang laptop nito, na naiwan niya. Wala silang ibang uutusan dahil hindi nila pinagkakatiwalaan ang mga 'yon, lalo na't may mga mahahalagang files ang laptop niya.
At ito namang si Celyn, gustong magluto ako para dalhin kay Phoenix at sabihin na siya ang nagluto no'n.
Wala pa naman akong balak na makipagkita na kay Phoenix, ano. Nakakatakot pa man din 'yon minsan.
"Ano ba 'yan, Alliesha! Kung kanina mo pa kasi ako sinunod dapat ando'n ka na!" Sumbat niya nang mababa ang tawag.
Bakit, hindi ba siya marunong magluto? Akala ko ba ay nag-aaral siya? Tsaka hindi pa naman ako pumapayag na kunin ang laptop ni Phoenix, ah?
Padabog ko siyang tinalikuran at tinanggap na ang tadhana ko. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at agad nang lumabas. Ginagawa ko naman na ang lahat para iwasan sila, ah? Bakit sila pa 'tong lapit nang lapit? Nananadya ba talaga ang tadhana?
Nang makalabas ako sa bahay ay walang gana akong sumakay sa sasakyan na binigay ni Papa. Lupaypay ang mga kamay ko at ang paghakbang ko ay tamad na tamad. Maski ang damit ko ay hindi ko gaano pinagtuunan ng pansin. I'm wearing a gray tweed skirt partnered with a black long sleeve turtle neck, while my foot wear is just a black boots. Kanina ay ayos naman na ako sa simpleng t-shirt at pants, kung hindi lang ako pinilit ni Celyn na magpalit ay hindi ko sana suot ang mga 'to ngayon.
Tss, talagang kinuha nila lahat ng gamit ko, ano? Ang sasakyan ko ay hindi na nila binalik, at hindi na ako aasa na makikita ko pa ulit 'yon. Panigurado ngayon ay sira na 'yon o kaya naman ay natapon na. Ang cellphone at wallet ko nga ay hindi na nabalik, eh.
Buti naman at naisipan nilang palitan ang sasakyan ko? Toyota nga lang, pero may reklamo pa ba ako ro'n?
Pinaharurot ko ang sasakyan ko. At para makadating doon nang mabilis ay sa pasikot sikot na daan ako dumaan, imbis sa high way. Ang traffic kaya ro'n. Ang gusto ko na ang talaga sa mga oras na ito ay ang umuwi at muling magkulong sa kwarto. Kung hindi naman nila ako pipilitin hindi naman ako lalabas, ano.
Hindi pa man ako nakakarating sa patutunguhan ko ay nalulula na ako sa mga building na dinadaanan ko. Sobrang tataas at tila makabagong makabago ang mga disenyo.
"Good morning po, ma'am. Tumawag na po sa akin si Ma'am Phoebe kaya naihanda ko na po ang kailangan niyo," salubong sa akin ng isang matandang ginang. Ito siguro ang kasambahay ni Phoenix?
Ngumiti ako at marahan na pumasok sa loob ng penthouse. Wala sa sarili akong napakagat sa labi ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar.
Bakit pa ba ako magugulat? No'ng nasa labas pa lang ako ng building halata naman na ganito ang loob. Akala mo sumisigaw sa karangyaan, eh! Malaki ang loob at ang pagkakaayos ng mga gamit ay malinis. Panigurado ay mahal ang mga 'to!
Bahagya akong gumilid kung saan wala gaanong gamit habang hinihintay ang ginang kanina.
"Kayo po ba si Ma'am Alliesha?" Tumango naman ako at muling bumalik sa pagkakayuko.
Akala ko ba ay nakapagdesisyon na ako? Nakapagdesisyon na susugal para kay Phoenix, pero nang makita ko 'tong penthouse niya ay parang nakakapagdalawang isip. Wala pa akong ginagawa ay tila nanliliit na ako habang nasa loob ng penthouse niya.
Iniling ko ang ulo ko. Hindi naman ito ang habol ko sa kan'ya, pero panigurado ay madadamay 'to. Pero ano namang pakialam ko. Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin, basta alam ko sa sarili ko na wala akong intensyon sa kayamanan nila.
"Oh, heto hija." Inangat ko ang ulo ko kasabay noon ang pag abot sa akin ng laptop ni Phoenix. "Pasensya na, ah. Nasa meeting na kasi silang lahat at wala ng pwedeng kumuha niyan. Ito pala ang address." Nanliit ang mga mata ko nang mabasa ang address kung saan ko ihahatid ang laptop.
Napahilot ako sa sintido ko ngunit nagawa kong ngumiti bago magpaalam.
Ano ba 'tong pinasok ko! Akala ko naman kasi sa kompanya lang ni Phoenix ihahatid, ano! Malay ko bang sa kompanya pala ng mga magulang niya?
Panay ang pagsinghap ko nang makapasok ako sa elevator at patuloy kong inuuntog ang sarili.
Ako na lang din talaga ang gumagawa ng sarili kong problema, ano? Alam ko namang nakapagdesisyon na ako, pero duh, hindi ako ready sa mga mangyayari ngayon, ano!
"Uh... Are you okay, miss?" Napatigil ako sa ginagawa at doon ang napagtanto na nasa tamang palapag na pala ako.
Tumikhim ako bago umayos sa pagkakatayo. Nang magtama ang mga mata namin ng lalaki ay doon lang ako nakaramdam ng hiya. Nginitian ko siya bago mabilis na naglakad papalabas.
Bahala na talaga. Wala naman akong magagawa kahit na magreklamo ako rito. Ah, basta iaabot ko lang 'to mamaya at uuwi na agad ako!
"Sorry po ma'am, pero ang bilin po sa amin ay papasukin ka po sa conference room." Halos gusto ko na lamang matawa sa sarili ko nang makarating ako sa kompanya nila.
At heto ako ngayon pilit na inaabot sa sekretarya ng Guevarra ang laptop. I awkwardly smiled. Marami ang nakatingin sa aming dalawa lalong lalo na noong napadaan kami sa mga cubicle area ng office.
"Marami bang tao?" Tanong ko kahit na pilit ko pa ring inaabot ang laptop.
"Medyo po ma'am, lalo na po at kasama po sa meeting ang ibang mga branches sa ibang lugar. Pero ang mga Guevarra lang naman po ang halos nand'yan, ang iba po ay puro empleyado na po. Sasamahan ko naman po kayo pagpasok niyo po." Ngumiti pa ito sa akin na akala mo ay pinapalubag ang loob.
Hihilahin niya pa sana ako muli ngunit muli akong napaatras nang marinig ang malakas na kalabog galing sa loob. "Hindi ka naman siguro matatanggal sa trabaho kapag ikaw ang nag-abot nito, ano?" Nakangiwi kong tanong habang dahan dahan na nilalapag ang laptop sa lamesa. Muntik ko pa itong mabitawan nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Phoenix!
Mahinang tumawa ang sekretarya at itinulak pabalik sa akin ang laptop. Kahit na tumatawa siya ay halata rito ang panginginig no'n. "Huwag naman po kayong gan'yan, ma'am. Ayaw ko naman pong m-masigawan do'n." Mas lalo akong napangiwi.
So, gusto niya ako ang sisigawan do'n?! Panigurado masisigawan ako ro'n lalo na't ilang oras nang hinihintay 'tong laptop!
"Ma'am, pareho po tayong mapapagalitan kapag hindi niyo pa po hinatid 'yan sa loob." Nilibot ko ang paningin ko sa ibang empleyado. Lahat sila ay tahimik at mukhang nakikinig lang. Ngunit ang kanilang mga galaw ay pigil na pigil at tila takot din na madamay sa galit ni Phoenix.
Malakas akong bumuntong hininga at muling pinulot ang laptop. Inipon ko ang lahat ng tapang ko at ipinagsawalang bahala ang takot. Kung sana ay hindi ko pinakinggan si Celyn kanina e 'di dapat ay wala ako rito.
"Tara na nga! As if na may magagawa pa ako!" pinal kong sabi na nagpaliwanag naman sa mukha noong sekretarya. Pasalamat siya mabait ako!
Kumatok na siya sa pintuan at agad na pumunta kay Phoenix. May binulong siya rito na mas lalong nagpagalit kay Phoenix. "Na saan na? Faster! Kanina ko pa 'yan hinihintay!" Napaatras ang sekretarya at nang salubungin niya ako ng tingin ay kitang kita ko ang takot sa mga mata nito. Ang lahat ng nasa loob ay natahimik at karamihan sa mga ito ay nakayuko na rin.
Binasa ko ang labi ko. Ang takot ko kanina ay napalitan ng pagkairita. Wow, siya na nga ang tinutulungan siya pa 'tong galit? Nang sumenyas ang sekretarya sa akin ay tinanggal ko ang lahat ng emosyon sa mukha ko. Inayos ko ang postura ko bago ako tuluyang pumasok.
Maayos nga ang postura ko hindi ko rin naman kayang titigan si Phoenix sa mga mata niya! Sa bawat segundong tumatagal ay unti-unting nawawala ang lahat ng inipon kong tapang. Ang mga mata ng lahat ay na sa akin, at kaunti na lang ay alam kong bibigay na ang tuhod ko sa panginginig.
Lumapit ako sa harap niya na hindi man lang siya tinitingnan at punong puno ng pag-iingat na inilapag ang laptop sa harapan niya.
"I'm sorry, na traffic ako." At sa mga oras na ito ay talagang gusto ko nang saktan ang sarili ko. Oh, nasaan ang tapang ko kanina?! Akala ko ba nawala na ang takot ko at napalitan ng irita?!
Gustong gusto kong isumbat sa kan'ya na kung sana ay hindi niya nakalimutan, wala ako ngayon sa harap niya! Siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Dapat kasi ay hindi niya kinakalimutan ang mga importanteng bagay!
Pero kahit gaano ko kagustong isumbat 'yon sa kan'ya ay hindi ko magawa. Sino ba naman ako. Baka ay mas lalo pa 'tong magalit kapag ginawa ko 'yon.
"Alliesha..." Nang marinig ang boses niya ay doon na ako tuluyang naubos. Tila nanghina ako nang muli iyong marinig. "Hmm?" paos kong tanong pabalik kasabay nang paglingon ko sa kan'ya. Sa sobrang lapit niya sa akin ay rinig na rinig ko ang mga hininga na pinapakawalan niya.
"What are you doing here?" Nagkibit balikat ako at muling nag-iwas ng tingin, umaasa na matatago noon ang katotohanang sobrang bilis ng paghuhurumento ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba ito o ano, eh. Kung kanina na gustong gusto kong umalis, ngayon ay sobrang bagal ng mga galaw ko.
Ayaw niya ba akong narito?
"Nautusan lang ako na dalhin 'yung laptop mo." Tipid akong ngumiti bago siya tuluyang talikuran. Tutok na tutok siya sa akin at alam ko na kung hindi pa ako umalis ay tuluyan nang maaabala ang meeting nila.
Tumigil ako sa harapan ng mag-asawang Guevarra. "Mauuna na po ako." Ngunit agad silang umiling sa akin. "Matatapos na rin kami, hintayin mo na lang kami sa lobby. Let's have some lunch!" magiliw na pagsasalita ni Tita Phoebe. Hindi na ako nakatanggi dahil halos lahat ng mga mata ng nasa meeting ay nasa amin. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti bago tuluyang lumabas.
Tulala ako nang makalabas ako, hindi sigurado sa mga nangyari. Muli na lamang akong nabalik sa reyalidad nang maramdaman ang paghampas sa braso ko. "Sabi sa'yo, ma'am, eh! Sus, si Sir Phoenix sisigawan ka? Imposible 'yon, ma'am!"
"Natigilan pa nga sa'yo, ma'am, eh!" Tuloy lang ako sa paglalakad habang siya naman ay nakahawak sa braso ko at unti-unti na ring napapasunod sa akin. Hindi ko rin namamalayan na napapangiti na lang din ako ng kusa.
Nang makarating ako sa lobby ay hindi ako iniwan noong sekretarya ng mga Guevarra. Nagkwento pa siya at kinausap niya ako hanggang sa matapos ang meeting. Nalaman ko na matagal na siyang empleyado sa kompanya ng mga Guevarra.
"Oh siya, paano ba ma'am, mauuna na ako." Ngumiti ako sa kan'ya at pinanood na maglakad papalayo sa akin. Ang ilan na galing sa meeting ay napapatingin sa akin nang madaanan ako. Natauhan na lamang ako nang may maramdamang nakatayo rin sa gilid ko.
Mula paa hanggang ulo ay tiningnan ko si Phoenix. Nakabusangot ito at ano mang oras ay tila magwawala sa kinatatayuan niya.
"We need to talk later, Alliesha. My parents are waiting for us." Inirapan ko siya at bahagyang ngumuso, pilit na tinatago ang kabang nararamdaman. Dahil sa tangkad niya ay nakatingala na ako habang pinagmamasdan siya.
"What? Wala naman tayong pag-uusapan, ah?" Nangunot ang noo niya at nakita ko kung paano niya hinilot ang sintido niya.
"Really?" Ang tono niya ay tila may pang-aasar, ngunit madidiin ang salita na lumalabas sa kan'yang bibig.
"We'll see about that later. Now we should go to the restaurant first." Mauuna na sana akong maglakad nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. Wala akong nagawa kung 'di ang sumunod sa kan'ya. Ngunit ang tingin ko ay nanatili sa kan'ya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (34)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Tingnan Lahat