Homepage/Capturing The Billionaire's Heart/
Chapter 29: I Fucked Up
"What the fuck are you doing, Alliesha?!" Malakas na sigaw ni Dim ang nagpagising sa diwa ko.
Umaalon ang paningin ko at kaunti na lang ay tuluyan na akong malalasing.
"Kahapon ka pa naglalasing r'yan, ah?" Umirap na lamang ako at isinalin sa baso ko ang panibagong inumin. Napatingin ako sa bintana at doon ko lang napansin na papasikat na naman ang panibagong araw.
Time and days are fast these past few days. Nakaupo lang naman ako, magugulat ako gabi na naman.
Hindi ko pa man naiinom ang isinalin ay agad na iyong binawi sa akin ni Dim. Inirapan ko siya at pinanood kung paano ilayo sa akin ang mga alak.
Noong umalis ako sa puder ni Phoenix ay kay Dim ako nanatili. Wala naman na akong pagpipilian pa. Baka kung hindi pa ako manatili sa bahay ni Dim ay sa kalsada talaga ako pupulutin.
Isang linggo ako walang labas labas sa unit niya, kung mayroon man ay para lamang bumili ng mga pangangailangan ko.
"Ayos ka naman no'ng nakaraan, ah? Bakit bigla kang nagtatago ngayon?" Nagkibit balikat ako at hinayaan ang ulo na sumandal sa upuan.
"I fucked up, really bad!" Anas ko at pinagpapadyak pa ang mga paa. Umaalon na ang paningin ko, pero hindi 'yon ang problema ko ngayon. Ihinilamos ko ang palad ko sa mukha ko.
Kahit anong gawin ko ay tila hindi ko mabura bura sa isip ko si Phoenix, pilitin ko mang utusan ang puso ko ay hindi ko magawa.
I tried everything just to forget him, but nothing happened. Tila ang ginawa kong paglayo sa kan'ya ay siya pang naging apoy na nagpasiklab sa puso ko at sa nararamdaman nito. Ang mga tinatago kong nararamdaman habang nasa puder ako ni Phoenix ay tila nagsilabasan ngayon.
I groaned as I kept stomping my feet.
"Ano ba?! Kung gan'yan lang ang gagawin mo sa unit ko papaalisin talaga kita!" Tumigil ako sa pagpapadyak at hinayaang sumubsob ang ulo ko sa lamesa. I sighed.
I really fucked up. Paano ko magagawa ang plano ko kung ganoon ang epekto sa akin ni Phoenix? Walang oras na hindi ko siya inisip, paano pa kapag iniwan ko na talaga siya?
"Ano ba kasing nangyayari sa'yo?" Bago pa man madagdagan ni Dim ang sasabihin niya ay sinalubong ko na siya ng aking mga mata.
Nang magtama ang aming mga mata ay doon na ako tuluyang bumigay. Hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman ko. Nanlabo ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha at napanguso ako.
"Tingin ko hindi na ako makakaalis sa problema ko. I fucked up. I fell in love with Phoenix!" Ihinilamos ko ang palad ko sa mukha ko at hindi na siya hinintay pang magsalita at agad na iniwasan ang kan'yang tingin.
Binalot kami ng katahimikan at nang hindi siya gumalaw sa pwesto niya ay sumilip ako sa kan'ya.
I saw him smirking.
Wow, sabi na nga ba. Aasarin na naman ako nito dahil sa mga desisyon ko sa buhay. Sino ba namang hindi? Lalo na kung ano ano lang ang pinanggagawa ko. Ako lang din naman ang nagdadala sa sarili ko sa kapahamakan.
Pero kasalanan ko ba na mahulog kay Phoenix? Iniwasan ko naman na mangyari 'yon. Kaya nga lagi kong iniisip na kahit kailan ay hinding hindi ako magiging isa sa mga babae niya. Pero ano ako ngayon? Mukhang tadhana nga talaga na mapabilang ako ro'n.
Kasalanan din naman ni Phoenix! Tama, may kasalanan din naman siya rito! Kung sana sinungitan niya lang ako 'di ba? Kung sana sinamaan niya ang pakikitungo sa akin e 'di sana hindi ako nahulog sa kan'ya ngayon! Sa ibang babae naman ang sama sama ng ugali niya, ah! Dumagdag pa ang mga sinabi niya no'ng lasing siya!
Iniling ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip. How funny I am to think things like that. Ang sabihin ko ay hindi ko lang talaga matanggap.
"Halata naman, buti umamin ka?" I sarcastically laughed when I heard Dim. Wow, gano'n ba kahalata?
"Kaya, aalis na ako. Bahala sila sa buhay nila! Ayaw ko na!" Tumayo ako at kukunin na sana ang gamit ko nang mapahinto dahil sa matatalim na tingin ni Dim.
"How 'bout your mom? You'll gonna leave her just to run away to your problems?" Umirap ako at hindi na siya nilingon. Nang makarating sa kama ay pabagsak kong ihiniga ang sarili ko.
Oo nga pala.
"Aalis na ako, Alliesha!" Hindi ako sumagot at mas sininubsob na lamang ang mukha sa unan.
Kailan ka ba kasi magigising, ma?
Dahil na rin siguro sa pagod ay tuluyan na akong nakatulog. Nagising na lamang ako ng gabi. Pumasok ako sa banyo at mabilis na naligo. Nang makapagbihis ako ay mababagal ang mga galaw ko at tila takot na takot harapin ang totoong mundo.
"You will run away from him? Perro magiging masaya ka ba?" Tumingala ako at sinalubong ng tingin si Dim, na kakauwi lang.
Nagkibit balikat ako at nag-iwas tingin. "Tingin mo may oras pa ako para r'yan? Ang kailangan ko ang isipin ay kung paano kami makakaalis ni Mama sa puder ni Papa. Hindi mahalaga kung magiging masaya ako o hindi."
'Yon naman talaga ang totoo. Alangan anong gawin ko? Umamin kay Phoenix na gusto ko siya? Ni hindi nga ako sigurado kung gusto niya rin ako. Paano kung hindi? Edi sayang lang ang ginawa ko?
Masikip ang dibdib ko at mabibigat ang pinapakawalan kong hininga. Tila naiipit ako at hindi alam ang gagawin. Sa lahat ng pakiramdam ay ito ang pinaka ayaw ko.
"Just for this time Alliesha, express your feelings. Pero desisyon mo naman 'yan." Nang marinig ang pagsara ng pintuan sa banyo ay doon ko lang tuluyang napakalma ang sarili ko.
How can I do that? I have my direction but at the same time I'm lost. May plano na ako at alam ko ang gagawin ko, pero sa oras na bumigay ako sa nararamdaman ko ay tiyak mawawalan ako ng direksyon at mas lalo akong maliligaw.
"Bwiset naman!" I said frustratedly. Padabog akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko at walang sabing lumabas.
Mabibigat ang paghakbang na ginagawa ko habang pababa ako ng parking lot. At nang makita ang pinahiram na sasakyan ni Dim ay agad akong sumakay at pinaharurot ito.
Hindi ko na alam. Pero ang isang bagay lang na pumasok sa utak ko ay ang pumunta kay Mama. 'Yan naman ang lagi kong ginagawa kapag may problema ako, ang tumakbo sa kan'ya.
Gabi na kaya wala gaanong tao sa ospital. Madali akong nakapasok sa loob at agad kong hinanap ang kwarto ni Mama.
Tunog ng mga makina ang unang sumalubong sa akin. Ngumiti ako nang madatnan si Mama, na nakahiga sa hospital bed.
"Hi, ma! Sorry, ngayon lang ulit ako nakapunta." Napakamot pa ako ng ulo habang tahimik na umupo sa gilid niya. Kailangan kong manahimik dahil kaunting ingay lang ay tiyak na mahuhuli ako ng tauhan ni Papa sa labas.
"Gising ka na, ma. Hirap na hirap na ako, oh! Dati nakakaya ko naman kasi nand'yan ka sa tabi ko lagi," pabulong at nanghihina kong panimula.
Muli na namang nanlabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang mga luha. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na walang taong sumusuporta sa akin.
Hinawakan ko ang kamay ni Mama at marahan na hinaplos iyon. "Alam mo ma, tingin ko ay may nagugustuhan ako. Hindi ko alam dahil kung papapiliin naman talaga ay pipiliin ko na huwag siyang magustuhan."
'Yon ang totoo. Alam na alam niya 'yan noon pa man. Na kung magkakagusto man ako ay hindi sa isang lalaking nasa business industry. Magulo at madumi ang nangyayari based kay Papa. At ang paraan ko para maiwasan ang gulo na 'yon ay huwag magkagusto sa lalaking malapit sa industriya na 'yon.
"Sa totoo nga ay iniwan ko siya para sana makapag-isip, pero wala namang nangyari. Parang mas lalo nga akong hindi nakapag-isip, eh. Ewan ko, gulong gulo na ako, ma."
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisnge.
"Kung nandito ka lang sana ay hindi ako matatakot sa mga desisyon na gagawin ko, kasi alam ko kahit anong mangyari may mauuwian ako. Kahit na talikuran pa ako ng mundo, alam kong tatanggapin mo ako."
"Gustong gusto kong bigyan ng pagkakataon ang nararamdaman ko, pero kapag hindi umayon sa akin ang tadhana ay wala talagang mangyayari sa akin. Ma, tingin mo ba tama lang na tatakbuhan ko 'to? Na iiwas na lang ako? Pero masakit, pero hindi naman 'yon ang mahalaga."
Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero hindi naman ganito kagulo ang buhay ko noon. Nagagawa naming maging payapa ni Mama, at hindi pinapansin si Papa. Nagawa naming mamuhay dalawa simula nang makahanap ng iba si Papa. Kaya naman namin noon, pero ba't ngayon na mag-isa ako ay hindi ko magawa, kahit na para kay Mama lang din naman ito.
Ni hindi kami namomoblema sa pera.
Kung sana ay hindi ko lang siya hinayaan na pumunta sa mga Grande na mag-isa noong araw na 'yon, hindi sana siya naaksidente.
"Tingin mo matutuwa ang Mama mo na makita kang gan'yan? Nililimitahan mo ang sarili mo sa mga bagay na dumarating sa'yo." Nang marinig ang boses ay hindi na ako nag-atubiling lumingon pa, dahil alam na alam ko kung sino 'yon.
"If I do that I have to risked everything. Kung pumalpak ang mga mangyayari sa oras na bumigay ako sa nararamdaman ko ay walang matitira sa akin," sagot ko sa pinagkakatiwalaan na doktor ni Mama.
Ihinilig nito ang katawan sa pintuan. May hawak siyang tray na naglalaman ng mga gamot.
"Aren't you used to it? You've been risking everything ever since, Alliesha. Ngayon pa nga lang. Kung makita ka man ng mga tauhan ng tatay mo alam nating dalawa na hindi maganda ang mangyayari sa'yo. Lalo na't nabalitaan kong pinapahanap ka ng Papa mo." Ngumiti ako sa kan'ya para ipaalam na ayos lang ako.
Alam ko naman 'yon. Hindi ako pupunta rito nang walang plano. Pero ang plano ko lang naman ngayon kung mahuli man ako ay hahayaan ko lang. Wala na akong pakialam, basta makita ko lang si Mama.
Tanggap ko naman na, wala naman na akong ibang mapupuntahan maliban sa mga puder ni Papa. Nakakasakal man ngunit mas mabuti na 'yon kaysa sa nakakaabala ako sa ibang tao.
"Tingin niyo po ba may mapapala ako kapag sinubukan kong isugal ang lahat para sa lalaking 'yon?" malumanay ang boses ko at ano mang oras ay alam kong bibigay ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dr. Reyes.
Lumapit na siya at inumpisahan nang iturok ang mga gamot kay Mama.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Kung wala ka mang mapala, mag-umpisa ka ulit, pumili ka ulit ng bagong desisyon na gagawin mo hanggang sa may mapala ka."
"Kapag naabutan ka ng nanay mo na takot na takot gumawa ng desisyon o subukan ang isang bagay, magagalit talaga 'yon sa'yo."
Natigilan ako at tuluyan nang napatulala.
Hindi lang magagalit, lagot talaga ako ro'n!
Nang dumapo ang tingin ko kay Mama ay doon na tuluyang dumaosdos sa aking pisnge ang isang butil ng luha.
Tama, bakit ba ako natatakot ngayon? Dati naman ay hindi ako natatakot. Kung talikuran man ako ng lahat ngayon ay kay Mama pa rin ako babalik at uuwi gaya ng dati. Hindi pa man siya nagigising ay alam kong kahit anong mangyari ay tatanggapin niya ako kapag nagising na siya.
Ngumiti ako bago palisin ang mga luha ko. Ang kamay ni Mama ay dinala ko sa aking labi at marahan na dinampian ito ng halik.
"Sana lang talaga ay maging maganda ang papatunguhan ng desisyon ko." Ngumiti lang si Dr. Reyes sa akin bago ipagpatuloy ang ginagawa.
Mabilis akong nagpaalam sa kan'ya bago buksan ang pintuan. Ngunit nang lumabas ako sa pintuang iyon ay alam ko na ang patutunguhan ko.
Natigilan ako at napatulala. Ang mga body guard na nasa labas ay madaling nagsipagtayuan nang mabulabog sila dahil sa padabog kong pagbukas sa pintuan. Ang ilan ay galing pa sa pagkakatulog, habang ang ilan naman ay abala na gisingin ang kasama nila.
Hindi na ako gumalaw at hinayaan ko na lamang sila na bitbitin ako at hilahin palabas. Ang ilan ay natataranta at kanya kanyang tawag ang ginagawa. Narinig ko rin na alam na ni Papa na narito ako sa ospital.
I rolled my eyes as I realized na malapit na kami sa bahay.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa bahay ay malakas na sampal na ang dumapo sa aking pisnge. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakatulala. Sa mga oras na ito ay wala na akong pake ano mang gawin ni Papa. At least alam ko na ang gagawin ko. Bahala na kung anong mangyari, at least nag try ako.
"Tangina mo talagang bata ka! May usapan na tayo, ah! Bakit ngayon ka pa nag-inarte!" Hindi ako sumagot at nanatiling nakayuko. Nasa harapan ko silang tatlo. Ang ilan sa mga kasambahay ay nakikinood sa amin, habang ang body guard ni Papa ay mahigpit na nakahawak sa mga braso ko.
Tingin nila lalaban pa ako?
Muli na namang dumapo ang mga palad ni Papa sa pisnge ko dahilan para hindi ko na mapigilan ang pagngisi ko. Pinapakita lang nila sa akin na kayang kaya kong sirain ang plano nila ano mang oras kong gustuhin.
"Ikulong niyo 'yan sa kwarto! Huwag na huwag niyong papalabasin! Punyeta!" Pinal niyang sabi bago tumalikod sa akin. Hindi ko inangat ang ulo ko nang maramdaman ang paglapit ni Celyn. Pahablot niyang kinuha ang bag ko.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahilan para presahan nila akong dalhin sa kwarto ko. Nang maisara ang pintuan ay doon lang kumalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Mas lalo akong napangise nang maramdaman ang lahat ng sakit. Nangangalay ang aking mga braso dahil sa pagkakahawak nila at maski ang pisnge ko ay kulang na lang ay mamaga sa sakit. May sugat ang labi ko dahil sa pagsampal ni Papa, habang ang aking mga braso naman ay namumula sa higpit ng pagkakahawak nila.
Hays, kaya nga ako pumunta kay Mama para solusyunan 'yung sakit ko sa puso, pero nadagdagan naman.
Bahala na, ginusto ko naman 'to. Panindigan ko na lang.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (34)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Tingnan Lahat