Chapter 28: Falling

Hindi ko alam kung paano kami nakalabas sa kwarto na 'yon, dahil sa bilis ng mga pangyayari. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na papalabas sa bar, habang siya ay nakahawak sa mga kamay ko. 
Nang makarating kami sa maraming tao ay hinawakan ko ang braso niya at agad niya namang hinilig ang ulo niya sa balikat ko. I heard him groaned. 
Ang ilan ay napapatingin sa amin, ngunit dahil sa nangyari kanina ay hindi na sila nagtangka pang lumapit. Habang ang iba naman ay masama ang tingin sa akin, karamihan ay mga babae.
Akala ata nila ay ginusto ko 'to. Baka kung itutuloy ko ang plano ni Papa na pakasalan si Phoenix ay i-bash na ako ng mga babae niya. 
"Alliesha, baby, where are we going? hmm?" tanong ni Phoenix at tila naiinip nang maglakad. Mas hinigpitan ko ang hawak sa braso niya dahil kaunting maling galaw niya lang ay pwede kaming bumagsak dalawa. 
Hindi ko naman siya kaya, 'no!
"You need help with him young lady?" Napatigil ako at pinagmasdan ang lalaking naglalakad papalapit sa aming dalawa. Siya rin 'yong kanina, iyong may-ari ng bar na 'to.
"Uh... H-hindi na. I think I can handle him." I gave him a smile. Si Phoenix naman ay nakapikit at panay bulong sa tainga ko, na hindi ko naman pinapansin dahil mas pinagtutuunan ko ng atensyon ang lalaking nasa harapan ko.
"You think?" He laughed. "Well, good luck on that." 
Ngumiti pa lalo ako bago ito umalis. Mabuti na lamang at hindi na siya nagpumilit pa. Buti pa 'yon, hindi mapilit. Dahil sa paglapit ng lalaking 'yon sa amin ay mas madali kaming nakalabas sa bar, dahil ang mga bouncer sa loob ng bar ay hinatid kami hanggang sa labasan.
"But I want to hug you!" Sigaw ni Phoenix nang iupo ko siya sa passenger seat. Hindi ko naman mapigilan ang pag-irap nang ayaw niyang tanggalin ang pagkakahawak sa akin.
Ahh, so ganito talaga siya malasing, ano? So, sa ibang babae ang clingy niya rin kapag nalalasing? 
Hindi ako nagsalita kung 'di ay tinitigan ko lamang siya. Nakasandal ang ulo niya sa upuan, ngunit ang mga paa ay nasa labas pa rin, kaya hindi ko masara ang pintuan. He gritted his teeth, as he pouted. Nakakunot ang noo niya habang nakapikit. 
I already know it. Based on his actions and words towards me. Ibang iba 'yon kumpara sa unang pagkikita namin. At noong napansin ko 'yon ay alam kong delikado na. He's getting attached to me day by day, as we spend time together. Halata naman na, nagmamaang-maangan lang ako. Takot sa mga maaaring mangyari.
Pero hindi lang naman siya. Alam ko sa sarili ko na napapalapit na ako sa kan'ya. Malala pa ro'n ay natututo na akong dumepende sa kan'ya, na hindi naman dapat. Nasasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko, at alam ko sa sarili ko ayaw ko man aminin ay tila hindi buo ang araw ko kung hindi ko siya nakikita. Parang may kulang kapag hindi ko siya naaasar. 
Pero ang tanong, Is it worth it to risk for him?
Agad kong iniling ang ulo ko dahil sa mga iniisip. Huwag muna, kulang pa pero malapit na ay bibigay na ako sa kan'ya.
"Sige ka, hindi tayo makakauwi na dalawa sa ginagawa mo. I'll leave you if you wont let go," pananakot ko. Tutal tingin niya naman ay nasa panaginip lang kami, bakit hindi ko sakyan ang trip niya?
Hihilahin ko na sana ang kamay ko sa kan'ya pero mabilis siya at agad niya akong nahila papalapit sa kan'ya. Sobrang bilis ng mga pangyayari, naabutan ko na lamang ang sarili ko na nakadukwang sa katawan niya. Ang mga labi ko ay nakadikit sa labi niya. Natulala ako, at natauhan na lamang nang bawiin niya ang kan'yang labi sa akin.
"I'll let you go, but promise me you'll never leave me," paos niyang sabi. Nakamulat ang mata niya at titig na titig sa akin.
I cleared my throat as I nodded. Tumango rin ito at tuluyan nang binitawan ang kamay ko. Bumuntong hininga ako bago hawakan ang mga binti niya at pilit na pinasok sa loob ng sasakyan. Mabuti na lang din at hindi na siya nangulit hanggang sa tuluyan kaming maka-alis.
Mabilis ang pagpapatakbo ko, at gustong gusto ko na siyang iuwi. Sino ba namang hindi gugustuhing makahiga sa malambot na kama, 'di ba?
"Phoenix," tawag ko sa kan'ya nang mapansing gising ito at mukhang natauhan na kumpara kanina. Nakahawak siya sa ulo niya habang nakatingin sa akin.
"Hmm?"
"Do you like me?" I asked out of nowhere. I need to decide. Bago ko 'yon magawa ay kailangan kong malinawan sa nararamdaman niya. 
Lasing man siya, ngunit alam kong ang mga lalabas na salita sa bibig niya ay pawang katotohanan lamang. He does not have control to his body and mind right now, alcohol takes his body. Kung anong iniisip niya ay tiyak 'yon talaga 'yon. Imposibleng ma-filter niya pa ang mga salitang lalabas sa bibig niya.
"Yeah. And who knows how deep I'll fall for you?" I gripped tightly the steering wheel.
Nanlamig ang buong katawan ko at tila nabingi ako sa paligid ko. Ang tanging naririnig ko ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Pero alam ko sa sarili ko na ang mga nararamdaman ko ay dala ng positibong emosyon. Tutok pa rin ang mga mata ko sa daan ngunit unti-unting bumabagal ang sasakyan namin.
Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat ay kinakabahan na ako at natatakot sa pwedeng mangyari, pero bakit nagawa ko pang matuwa nang marinig ang sagot niya sa akin.
Iniling ko ang ulo ko at muling binilisan ang sasakyan. I should focus. 
"Sus, dala lang 'yan ng kalasingan! Baka nga sa lahat ng babae mo ay sinasabi mo 'yan kapag lasing ka!" Pinilit kong tumawa nang sa gano'n ay matabunan ang pagkanginig ng boses ko. 
Hindi naman na kami nagtagal at agad na ring nakarating sa hotel. 
"Behave, Phoenix," I hissed when we entered the elevator from the parking area. Wala na, natamaan na nga talaga siya ng alak. Sa mga pagkakataon na naglalapit kaming dalawa ay agad siyang nagnanakaw ng halik sa akin! 
Masama ang tingin na ibinaling ko sa kan'ya. Ang mapaglarong mga ngiti niya ay hindi nakatakas sa akin. 
Bahagya akong umurong sa gilid na bahagi ng elevator nang may pumasok na ibang guest. Si Phoenix ay nasa likuran ko at nakayakap sa akin, habang ang ulo niya naman ay nakapatong sa balikat ko.
"I really like you, Alliesha. No, I think I'm falling in love with you..." Nagtaasan ang balahibo ko nang maramdaman ang hininga niya sa leeg ko. Mas lalo pang humigpit ang yapos niya sa akin nang may dumagdag pang tao sa elevator. Wala naman akong nagawa kundi isiksik ang sarili ko sa katawan niya.
Hindi ko siya pinansin, takot na marinig kami ng iba naming kasama sa elevator. 
Hindi naman na ako naghirap na dalhin pa siya sa suite niya dahil talagang nagpapahila lang siya sa akin. Kaya siguro sa akin ibinilin 'to ni Von, eh. Alam niyang susunod sa akin si Phoenix.
Tinali ko muna ang buhok ko at nagpalit ng pangbahay bago ko daluhan si Phoenix sa kama. He groaned when I lifted his arms. 
"You can't sleep like that, Phoenix. Amoy alak ka!" Pero hindi siya sumunod at nanatili lang na nakahiga. I pinched the bridge of my nose before I turned to him. "Sige ka! Hindi kita tatabihan kapag amoy alak ka!" 
Smile arose from my lips as I saw him stood up. Walang kahirap-hirap. Imbis na ako pa ang humila sa kan'ya sa banyo ay siya pa ang naghila sa akin papunta ro'n. Pagewang-gewang kaming dalawa at tanging pag-alalay lang ang magawa ko sa kan'ya.
"Is it bad? Do I really smell awful?" sunod sunod niyang tanong. Hindi naman ako sumagot at hinanda lang ang mga gagamitin niya. 
Hindi naman talaga. Hindi matapang ang amoy ng alak na ininom niya, at mas lamang kong naaamoy ang pabango niyang kumapit na sa kan'ya. Kung nababahuan pala ako sa kan'ya edi dapat hindi ko hinayaan na halikhalikan niya ako. 
"Here," sabi ko at inabot sa kan'ya ang toothbrush. He can't take a shower. Hindi ko naman siya kayang alalayan na kapag nakahubad siya, ano! Mas mabuting punasan na lamang siya. 
Inabot niya iyon at mabuti na lamang ay hindi na siya nag-inarte. Nakapikit ang mga mata niya habang nag-t-toothbrush. Nakasandal din siya sa pader, kaya malaya akong nakakagalaw sa tabi niya. Hindi ko siya kinailangang alalayan. 
Mula sa salamin ay pinagmamasdan ko siya. Ganito siguro ang mangyayari sa araw-araw namin kapag tuluyan kaming nagsama, ano?
Sa ilang linggo kong kasama siya sa hotel ay wala namang nangyayari sa buhay namin. Payapa lang kaming dalawa at kontento sa mga ginagawa namin. Kumakain, nanonood at gumagala. I liked that kind of peace. Pero alam kong panandalian lang 'yon. Pakiramdam ko hinding hindi ko makakamit ang kapayapaan na gusto ko hangga't malapit ako kay Papa.
Phoenix will probably leave me after he knows what my father plans. 
"Are you really worth the risk?" mahinang tanong ko kay Phoenix, na alam kong hindi niya naman narinig. Lasing din siya, kaya baka hindi niya rin maalala ang mga sasabihin ko. 
"Phoenix, what if I tell you that I'm also falling for you?" tanong ko nang makitang tapos na siya. Hinayaan ko siyang magmumog bago lumapit sa kan'ya. 
"Hmm? Then, we can start a family. We can be together." Tanging pagngiti ang naisagot ko. Isa isa kong kinalas ang butones ng damit niya. Wala naman siyang reklamo roon at hinayaan lang ako. 
I wish I can do that. Gusto ko mang naisin 'yon pero may dumi ang magiging relasyon naming dalawa. Sa oras na pumayag akong pakasalan siya ay pruweba lang 'yon na pumayag ako sa plano ni Papa. 
Pero wala naman talaga akong pakialam sa pera ni Phoenix. It is given that he's rich, but the hell I care to that? Mas gugustuhin ko na nga lang na sana magkapantay lang kami. Ano na lamang ang iisipin niya sa akin kapag nalaman niya ang plano ni Papa? Problema pa ro'n ay kapag maghiganti pa siya sa akin. 
Hindi normal si Phoenix, at may kapangyarihan siya ano man ang naisin niyang gawin. Kung magtatanim man siya ng galit sa akin ay kawawa ako. Ang hirap naman ng sitwasyon ko, hinahabol na nga ako nila Papa, tapos hahabulin pa ako ng mga Guevarra?
"But you can do that with everyone. There's a lot of girls out there," tuloy ko pa nang tuluyan ko nang matanggal ang suot niyang polo. Maski ang pantalon niya ay tinanggal ko at tanging boxer ang iniwan sa kan'ya. 
Kinuha ko ang bimpo na binasa ko kanina.
Isa rin sa kinatatakot ko 'yon. Baka sa oras na hayaan kong dumepende ako sa kan'ya ay bigla naman siyang aalis? Marami ang mas nakakalamang sa akin, at pwedeng pwede niyang gawin doon ang gusto niyang gawin sa akin. 
"No! I don't like them!" Napahagikhik ako nang muli siyang nag-astang bata.
Marahan kong pinunasan ang katawan niya at mukha gamit ang basang bimpo. Nang matapos kami ay sinuotan ko lang siya ng isang t-shirt at hinila na siya sa kama. Pabagsak naman siyang nahiga, ngunit dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko ay nasama rin ako.
"Don't leave me please, hmm?" bulong niya sa akin at mas sumiksik pa sa katawan ko. 
Nakatalikod ako sa kan'ya habang siya naman ay todo yakap sa akin mula sa likuran. Ang init ng katawan niya ay damang-dama ko, kaya parang nawawalan ng kwenta ang lamig na nanggagaling sa aircon.
Wala naman akong balak na umalis. Isa pa, mukha ba akong makaka-alis sa yakap niya? Ang higpit higpit at kung tatanggalin ko man ay mahihirapan ako. 
Kaya wala na akong nagawa at hinayaan ko na lamang ang sarili ko na makatulog sa mga bisig niya. Pagod na ako, hindi lamang pagod sa katawan, kundi pagod sa kakaisip. 
Nagising na lamang ako nang dahil sa lamig na nararamdaman. Nang maalala na nasa kwarto ako ni Phoenix ay agad kong minulat ang mga mata ko, at agad na naging alerto sa paligid. Bumungad sa akin ang madilim niyang kwarto, at nang lumingon ako ay natagpuan ko siyang nasa gilid ko pa rin. 
I pouted. Dumukwang ako papalapit sa mukha niya bago siya halikan sa labi. 
This is the only way I think I need. Kailangan kong mapalayo sa kan'ya. I need to sort out all of my feelings. Mamaya ay naguguluhan lang pala ako, mamaya ay nararamdaman ko lang pala ang mga 'yon dahil nand'yan siya sa tabi ko. 
Maingat akong lumabas sa suite niya at pumunta sa aking suite. Isa isa kong nilagay sa maleta ang gamit ko, at nang maayos ko na 'yon ay bumaba ako sa kusina ng hotel. 
"Ano po 'yon, ma'am?" Salubong sa akin ng isang chef. I smiled at her. "Uhm, I'm from Mr. Phoenix Guevarra suite. May I request for his breakfast? Around 8:00 A.M sana." Ngumiti ako para sana hikayatin pa siya, pero hindi naman na ata kailangan.
Ang isang manager na nakita akong pumasok sa kusina ay tumango lang sa babae na chef, mukhang nakilala ako. Dapat lang, baka kung hindi ako nakilala nito ay magkakagulo na naman. Aalis na nga lang ako, magkakagulo pa. 
Habang pabalik sa suite ni Phoenix ay sobrang bagal ng mga kilos ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko, pero para sa akin din naman 'to at sa kan'ya. Aalis ako, pero babalik din ako kapag naayos ko na at nalinaw ang nararamdaman ko. Hindi naman ako susugal na hindi sigurado sa nararamdaman ko. 
Isa pa ang paglayo sa kan'ya ay pwede ring makatulong sa sarili niya mismo. Mamaya ay may iba pala siyang nagugustuhan? Nasabi niya lang na ako ang gusto niya kasi ako ang malapit.
Sobrang bagal ng kilos ko nang makarating ako nang tuluyan sa suite niya. Tila ayaw na ayaw mawalay sa kan'ya. Kung wala naman na talaga akong nararamdaman ay itutuloy ko ang plano ko—ang plano ko kay Papa. Ang maleta na dala ko ay iniwan ko banda sa pintuan para hindi na ako mahirapan pa mamaya. 
I left my key card on his side table with a note. 
I smiled as I watched him sleep so peacefully. Dahil sa alak na rin siguro kung kaya hindi siya nagising. Ang pagpapaalam at ang pagpapasalamat ko ay sinulat ko na sa papel. Hindi ko siya kayang harapin ng harapan. Nahihiya ako, at baka tumakbo pa ako pabalik sa kan'ya. Minsan ay traydor pa man din ang puso ko, lalo na sa mga taong napalapit na ako. 
Bumuntong hininga ako bago tahakin ang daan papalabas. Sumalubong sa akin ang walang laman na hallway. Bahala na, iisipin ko na lamang na para rin ito sa aming dalawa. Mahirap sumugal na hindi kami sigurado sa mga nararamdaman namin.

Komento sa Aklat (34)

  • avatar
    GozonLiezel

    i love the story❤💚

    05/05/2022

      0
  • avatar
    Adrian Dalit Gajutan

    it's a great story

    12/07/2024

      0
  • avatar
    Arnold Galendez

    The best

    16/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata