Chapter 25: Just Us

Halos mapairap ako nang muling makita ang video ng ginawa ni Phoenix sa party. Kitang kita sa video ang pagpipigil ni Phoenix bago niya tuluyang nasuntok si Angelo. Pinasadahan ko ng tingin si Phoenix na naka-upo sa tabi ko, abalang abala sa ginagawa. 
Tama nga ako, talagang kumalat ang nangyari ro'n. Everyone gone wild after they saw how Phoenix punched Angelo. But here he is, sitting pretty in my suite. Akala mo walang pakialam sa nangyari, eh. Pero sa bagay, wala naman talaga siyang pakialam. Ni hindi nga niya nababanggit ang nangyari sa party. 
Ilang araw matapos ang nangyari ay nanahimik kaming dalawa ni Phoenix sa hotel. Hindi kami lumalabas at maski ang trabaho niya ay ginagawa niya na rin sa hotel. Madalas din siyang nasa suite ko. Imbis na sa suite niya gawin ang trabaho niya ay dito siya gumagawa. 
"Hindi ka na babalik sa opisina mo?" Takang tanong ko habang pinagmamasdan siya. Kalong niya ang laptop niya habang ako naman ay nakahiga sa gilid niya. Yumuko siya sa akin habang ako naman ay nakatingala sa kan'ya.
Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko maski ang maliliit na detalye ng kan'yang mukha.
"Not yet. Let them calm down first, before we go back there. Masyadong magulo, we can't risk it. Lalo na't marami ang bumabatikos sa mga Grande ngayon." I pouted as I continued scrolling. 
All of our devices are all muted. Ang mga magulang niya ay walang tigil ang pagtawag sa kan'ya, maski si Papa ay gano'n din sa akin. 
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Dim. Ang huli kong nabalitaan sa kan'ya ay pumunta siya sa ibang bansa. Talagang nagpapayaman na talaga siya, huh? The last time we talked he told me that he wanted to start a business.
Mabuti na lang din na wala siyang alam sa nangyayari. Knowing Dimitri, he would immediately go back here in Philippines. 
Delikado rin ang sitwasyon. Dahil sa nangyari ay ginamit ng mga taong may galit sa Grande ang pangyayari para mas lalo silang siraan. Kumalat ang mga madudumi nilang gawain sa likod ng tanyag at ng maganda nilang pangalan.
Hindi ko naman alam kung totoo ang mga iyon, kaya nanahimik na lamang ako. Maski si Phoenix ay tila iniiwasang mabanggit ang mga Grande. 
I'm starting to get bored here. Alam ko naman ang sitwasyon at wala akong karapatang mabored, pero kasalanan ko ba? Halos linggo na ang lumipas simula ng huling langhap ko sa hangin. Umirap na lamang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. 
Kinabukasan ay pagulong-gulong ako sa kama habang hinihintay na matapos maligo si Phoenix. Hindi naman siya nagtagal at agad ding natapos. I pouted. "Do you need something?" salubong niyang tanong. Nakasuot na siya ng damit at ang kan'yang buhok ay pinapatuyo niya pa.
Wow, ha! Akala niya naman lagi ko siyang pupuntahan kapag may kailangan ako. Kapag lumalapit talaga ako 'yan ang una niyang isasalubong sa akin. 
"I'm bored, baka naman may ma-s-suggest ka naman d'yan na pwedeng gawin? It's almost a week since we've been here. Walang labas labas o ano." Mapaglaro ang pagkakasabi ko nito at tila inaasar lang siya. 
Tinitigan niya lang ako at tila tinitimbang ang emosyon at ekspresyon ko. Ang hilig hilig niya talaga sa gano'n. Hindi niya ba alam na nakakailang?
"Then let's go out," walang hirap niyang sabi na nagpanganga sa akin. Nakakunot ang noo ko at pinanlakihan siya ng mga mata.
Seryoso ba siya? Ang dali niya naman palang kausap? 
Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya ay hindi pa rin ako makapaniwala. Nakakunot ang noo ko at tila kinukwestyon siya. Mamaya naman ay magbago ang isip nito?
"Jesus Christ, Alliesha! Will you stop giving me a suspicious look?!" He finally burst out when he entered the car. Inirapan ko siya bago hawiin ang buhok ko.
"Hindi kasi ako makapaniwala! 'Yon na 'yon? Akala ko kailangan ka pang awayin at pilitin, ang dali mo namang kausap? First time 'yan, ah!" Ginulo niya ang buhok niya bago pagtuunan ng atensyon ang daan. 
Sayang, gusto ko pa naman ng away.
Ngumiwi ako bago ayusin ang upo at ang damit kong bahagyang tumaas. Tanging white lace crop top at denim pants ang suot ko. Masyado akong nagmamadali sa pagbihis para makahanap pa ng mas magandang damit. 
'Yon na lang ang sama ng tingin ko sa kan'ya nang makarating kami sa mall. Walang ni isang costumer ang makikita sa mall maliban sa amin. Pagkapasok pa lang namin ay agad na humilera ang mga body guard sa likod namin at tahimik na sumunod. Maski ang mga staff sa mall ay nakahilera rin ng pila at sabay sabay na bumabati sa amin.
"What? I thought you want to go out?" tanong niya. Hindi nakatakas sa akin ang mapaglaro niyang mga ngisi. 
Ano, trippings siya, ah?
"Gusto nga! Pero sinabi ko bang gusto kong solohin 'yung mall?" I answered with sarcastic tone.
Kaya naman pala nananahimik siya kanina, may binabalak naman pala. Binati kami ng isang lalaki, kagaya ni Phoenix ay magarbo ang mga suot nito at maraming alahas sa katawan. Umirap ako at hinayaan silang dalawa na mag-usap. 
"Ikaw na ang bahala rito, Guevarra," paalam nito at tinapik pa ang balikat ni Phoenix. Dumapo ang tingin nito sa akin ngunit agad na binawi. 
Nang tuluyan na itong maka-alis ay naramdaman ko ang paghila sa akin ni Phoenix. Hindi na ako nagreklamo pa. 
Bahagya kaming humihinto kapag may nagugustuhan si Phoenix. Tinuturo niya lamang iyon sa mga staff at agad naman na nilang inaasikaso 'yon. 
Ganito pala sila mag-shopping 'no? Kung ano ano lang ang tinuturo ni Phoenix, eh. Hindi man lang tinitingnan ang price, hindi rin nagdadalawang isip kung anong kulay ang gustong bilhin kasi kung may magustuhang kulay ay pareho niyang binibili. 
"Ang dami mo ng mga jacket at sweater, ah?" tanong ko nang mapansin na mas nagtagal kami sa section na 'to. Pinanuod ko kung paano ihanda ng staff ang mga sweater na tinuro ni Phoenix.
"Ubos na, hiniram mo na lahat," tamad niyang sagot. Ang kamay niya ay nanatiling nasa kamay ko. 
"Eh, bakit hindi na lang ako 'yung bilhan mo?" 'Di ba! Para hindi na ako manghiram. Tsaka anong ubos na? Binabalik ko naman, ah? 'Yon nga lang ay hinihiram ko ulit, hehe.
"Kung bibilhan kita e 'di hindi ka na nanghiram sa akin?" Pinal niyang sagot bago ako muling dalhin sa kung saan.
Baliw ba siya? That's the point why he should buy me. Malamang kapag binilhan niya ako hindi na ako manghihiram— wait! Don't tell me kaya hindi niya ako bibilhan kasi gusto niyang nanghihiram ako sa kanya? 
Bahala nga siya kung anong trip niya. 
Sa lahat ng dinadaanan namin ay hindi niya nakakalimutang tanungin ako kung may gusto ba akong bilhin. Malamang agad akong humihindi. Wala naman akong pera. Makita pa lang na halos pang-isang linggo ko na ang presyo ng isang damit dito, ekis na agad, 'no. 
"My parents will be back next week, and they want to have a dinner with us and with your family," panimula niya nang sa wakas ay matapos na siya sa pamimili. I smiled as we walked.
"'Yon ay kung ayos lang sa'yo. Pero kung hindi naman, pwede tayong h'wag pumunta—"
"That's fine, nabanggit na rin naman nila na gusto nila akong makita," putol ko bago pa siya maka-isip ng kung ano. Kapag may gusto pa naman 'to ay gagawan niya talaga ng paraan para mangyari.
Ang mga Guevarra naman ang may gusto no'n, kaya hindi ko talaga matatanggihan. Ngunit kung kay Papa 'yon ideya ay hindi talaga ako pupunta. Nakakahiya na rin sa mag-asawang Guevarra kung hindi ako sisipot do'n, at talagang idadamay ko pa si Phoenix sa hindi pagpunta. 
Nang matapos kaming mamili ay nag-ikot ikot lang kami sa mall. Malaki ito at may garden pa sa labas. Hanggang sa ako na lang mismo ang nagyayang umuwi no'ng mapagod ako. 
Hindi na talaga mababago sa isip ko na sobrang sayang kasama ni Phoenix. Kung papapiliin man ako kung sino ang isasama ko sa isang bakasyon ay siya na talaga ang isasama ko. Ni hindi man lang ako nabagot habang kausap siya. Lahat ng sinasabi ko ay talagang may opinyon siya para ro'n. Ngunit pansin ko lang na kapag tumatahimik ako ay agad niya akong nililingon at tila nakikiramdam.
Tinanaw ko si Phoenix habang abala siyang nagmamaneho. Tutok na tutok siya rito kaya 'yon na lamang ang gulat ko nang lumingon siya sa akin. 
"Are you tired? We'll have our dinner first before we head to our suite." Dahil sa gulat ay hindi ko maiwasang mapatulala. Tanging pagtango ang sinagot ko bago nag-iwas tingin.
He's really caring, huh? I bit my lips when I realized something. Nasasanay na ako, at alam kong masama na ito. Masyado na akong nasasanay sa presensya niya. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko hanggang sa tuluyan kaming makarating sa hotel. 
Kagaya sa mall ay kami lamang din ang tao sa restaurant side ng hotel. Talagang pinapasadya niyang umiwas kami sa mga tao. Ang mga bodyguard na kasama namin ay nakasunod pa rin at umalis na lamang noong dumating ang aming mga pagkain. 
"Alliesha?" Tawag niya. Sinulyapan ko siya at muling ipinagpatuloy ang pagkain. 
"Can I ask something? I didn't mean to interfere but it's really bothering me since a weeks ago."
Tinigil ko ang pagkain ko at itinuon ang buong atensyon sa kaniya. Walang emosyon na makikita sa mga mukha niya maliban sa kagustuhang makakuha ng sagot sa akin. Naramdaman ko na rin ang tensyon sa pagitan namin at ang bigat ng hangin na tila nakikisabay sa mga nangyayari. 
"Why did you run away from your house? I know it's too personal but I really want an answer from you. Noong nakita kitang nagtatrabaho at pilit na pinagkakasya ang pera mo ay hindi ko 'yon pinansin. Pero ngayon? Lumayas ka, at sinabi mo sa akin na wala kang pera, how come? Galing ka sa mayamang pamilya, and here you are, barely surviving. Are your family giving you a hard time?"
I bit my lips. Ito na nga ba ang sinasabi ko. I mean, I expected this. Halata naman, eh. Hindi ako kilala ng iba at tagong tago ako, isa pa ay nagpapakahirap ako sa pera na dapat ay hindi. 
"No, they're not." Ngumiti ako bago ipagpatuloy. "Hindi ko kasi ginagalaw ang pera nila. That's not mine. Gusto kong tumayo sa sarili ko. Hindi naman pwedeng aasa lang ako kay Papa. I'm old enough to manage my own life. Tsaka, Celyn and I had a fight... again. Kaya 'yon, lumayas ako." 
Mas lalo ko pa siyang binigyan ng matamis na ngiti para mahikayat na totoo ang sinasabi ko. Tumango lamang ito ngunit tulala pa rin siya nang ipagpatuloy ko ang pagkain, tila nag-iisip ng malalim. 
"If something happens, you can contact me. You trusted me, right?" Tumango ako rito at doon ko lang nakita ang pagkalma niya. 
Pinagkakatiwalaan ko sila at alam kong gano'n din sila sa akin. Pero mukhang ako pa ang sisira sa tiwala na ibibigay nila sa akin.
Hindi ko alam kung ganito pa rin ang magiging pakikitungo niya sa akin pagkatapos ng gagawin ko. Pero gagawin ko lang naman 'yon para sa ikakapayapa ng lahat. Hindi ko sila kayang nakawan ng pera kaya ako na lamang ang lalayo. I just need time. I'm just waiting for my mom to wake up before I leave them.

Komento sa Aklat (34)

  • avatar
    GozonLiezel

    i love the story❤💚

    05/05/2022

      0
  • avatar
    Adrian Dalit Gajutan

    it's a great story

    12/07/2024

      0
  • avatar
    Arnold Galendez

    The best

    16/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata