Homepage/Capturing The Billionaire's Heart/
Chapter 23: In His Arms
Bahagya akong ngumiti nang magtama ang mata namin ng babaeng anak ng kausap ngayon ni Phoenix. Iwas ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kanina pa siya, ah? Hindi pa siya nakaka-upo ang sama sama na ng tingin sa akin!
At tuluyan ko nang hindi napigilang mapabuga ng hangin nang irapan niya ako. Ganito ba talaga sila? Si Celyn pa lang, eh. Pero tingin ko depende naman ata 'yon sa pagpapalaki. Sila Jadaza naman ay hindi ganito kung umasta.
Sayang, gandang ganda pa naman ako sa babaeng nasa harapan ko. Maganda nga, redflag naman sa ugali.
Nang ibaling ko ang atensyon ko kila Phoenix ay tila wala silang pakialam sa paligid at may sariling mundo. Tuloy ang pinag-uusapan nila at may kanya-kanya silang hawak na kopya ng pinag-uusapan.
Wala naman akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Noon pa man ay wala na akong interes sa business.
Itinukod ko ang siko ko sa lamesa at doon pinaglaruan ang pagkain na nasa harapan ko. This is boring. Buti sana kung may pinapagawa si Phoenix, 'di ba? Pero wala naman. Sa ilang linggo kong pagsama sa kan'ya wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa tabi niya. Sana ay inutusan man lang niya ako.
I pouted as I watched people passed by.
Nasa isang cafe kami ngayon para sa meeting ni Phoenix. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng meeting na hindi sa opisina niya.
At talagang pinanindigan ni Phoenix ang pagpapatuloy sa akin sa hotel nila. Maski siya ay doon na rin tumutuloy. Kapalit ng pagpapatira niya sa akin ang siyang pagsama ko sa lahat ng pupuntahan niya.
Mabuti na lang at gano'n ang naging sitwasyon. Para kahit papaano ay nababayaran ko rin ang mga nagawa niya sa akin, 'no.
Nang magtama ang mga mata namin ni Phoenix ay agad kong inayos ang tindig ko. Siya pa naman 'yung tipong pinuputol ang meeting o kaya naman ay agad na tinatapos kapag nakikitang nabuburyo na ako.
Binalik niya ang atensyon niya sa kausap niya at ako naman ay kinuha ko na lang ang cellphone ko. Nang buksan ko iyon ay unang tumambad sa akin ang convo namin ni Celyn kaninang umaga.
Ang sabi niya ay gusto akong kitain ni Papa ngayong linggo, na hindi ko naman sinagot. Ano sila sinuswerte?
Gano'n lang, parang walang nangyari?
Ayoko na, ayoko nang bumalik do'n. Kung pwede lang sana ay ayoko na sanang makita pang muli ang mga pagmumukha nilang tatlo.
Ilang linggo na akong nasa puder ni Phoenix, at ni isang beses wala akong narinig sa kanila. At nitong nakaraan lang ay kumalat ang ilan sa mga litrato namin ni Phoenix na magkasama.
Maybe that's the reason why they contacted me. Sabagay, magaling lang naman sila kapag may kailangan.
Hanggang sa matapos ang pag-uusap nila ay tulala lang ako at walang imik na nasa gilid ni Phoenix.
"Are you alright?" Tumango ako sa tanong ni Phoenix. Nakaalis na ang kausap niya kanina ngunit nanatili naman kami sa aming upuan.
Ang mga pinagkainan ay nalinisan na at naghanda na si Phoenix sa panibago niyang meeting.
Kung ganito ang gagawin ko maghapon tiyak mabuburyo lang ako sa trabaho ko. Hanga lang ako na nagagawa niyang tumagal sa trabaho niya.
Dumating ang pangalawang ka-meeting ni Phoenix, at nanatili naman akong tahimik sa gilid nila.
Kumpara sa nauna ay mas naging mabilis ito. Nasa gilid lang ako at tila nakikiramdam sa nangyayari. Nag-aantay ng sasabihin ni Phoenix. Anumang ipag-utos niya tiyak na susundin ko, na imposible naman. Hindi niya naman ako inuutusan, eh.
Nang makaalis ang kan'yang kausap ay lumabas na rin kami sa cafe.
Pansin ko lang sa bawat minuto na lumilipas ay talagang lumilingon siya.
"We're going to a party this week, do you have a dress to wear?" Nilingon ko ang katabi ko.
Patuloy kaming naglalakad papunta sa sasakyan niya. Halos wala ng tao dahil papalubog na rin ang araw.
Party? Party na naman? Noong nakaraan na niyaya ako ni Phoenix sa isang party hindi ako sumama. Ang kapal ko naman kapag hindi ako sumama ngayon?
Pero, ang boring kaya ng mga party na pinupuntahan niya! Tsaka ayoko ng feeling. Nakakasakal. Tila pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa lugar na hindi naman dapat sa akin.
Sayang at wala si Dim sa bansa, wala rin akong ibang pagkakaabalahan.
"Wala," simpleng sagot ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
"Kailan ba yung party? I mean, the exact day," tanong ko pa nang makasakay kami sa sasakyan niya.
"Tomorrow."
Napakurap ako at binigyan siya ng masamang tingin. Hindi niya ako ginantihan at tinitigan niya lang ako habang may kinocontact sa cellphone niya. Natahimik naman ako nang makita iyon.
Ang galing talaga, sasabihan ako kung kailan bukas na ang party. Paano naman ako makakapaghanda no'n?!
"Hello...I already made a reservation for tonight..."
Umirap ako at inihilig na lang ang ulo ko sa bintana ng sasakyan para kahit papaano ay hindi ko marinig ang usapan nila.
Sa ilang linggong pagsama sama ko sa kaniya ay doon ko lang mapagtanto kung gaano karami ang ginagawa nila. Sa isang araw ay tambak ang mga meeting. Kung hindi naman meeting ay paper works naman. Minsan nasa opisina lang siya, pumipirma ng mga papeles at gumagawa ng kung anong presentation. Kung minsan ay pumupunta rin siya sa mga hotel nila para siya mismo ang mag-check ng nangyayari ro'n.
Ayos na talaga ako sa kusina na nagluluto ng orders.
'Yon nga lang, wala naman akong mapapasukan. Ang kapal ko kung hihingian ko ng pabor si Phoenix na ipasok ako sa isang hotel nila bilang isang chef. Tsaka, ayoko namang matanggap sa isang trabaho ng dahil lang sa kan'ya. Malamang kapag inutos niya, tatanggapin agad ako at posible pa akong makakuha ng mataas na posisyon. Ayoko no'n.
Sobra sobra na ang nagawa niya sa akin. Sa ilang linggo na 'yon siya ang nag-aasikaso sa lahat ng kailangan ko.
"We'll go to mall tomorrow morning to buy your clothes. For now let's have our dinner," pagpapaalam niya sa akin nang matapos na ang tawag niya sa telepono.
Tumango ako ngunit hindi na nagsalita. Ano namang sasabihin ko? Alangan namang kumontra pa ako, ako na nga bibilhan ng damit?
Kagaya nga ng gusto niyang mangyari ay dumaan muna kami sa isang restaurant bago umuwi sa hotel.
"Ang gastos gastos mo talaga, 'no?" Tanong ko habang pinapanood na ilapag sa lamesa namin ang pagkain.
Anong bang trip niya at kung makapag-order ng pagkain ay sobra sobra. Akala mo talaga mauubos naming dalawa 'yon. Palagi na lang, kapag lumalabas kami at kumakain ay ganito parati ang ginagawa niya. Sayang lang sa pera.
"Hindi naman natin 'to mauubos," dugtong ko pa. Ang mahal mahal na nga ng pagkain sa restaurant na 'to.
"That's fine. After we eat you can leave it there."
Pinanliitan ko siya ng mata bago tanggapin ang aking pagkatalo. Ano pa nga ba? Hindi naman ako ang magbabayad ng pagkain namin.
Simula nang manatili ako sa puder ni Phoenix ay wala akong ginagastos na kahit ano. That's why I want to pay him for everything. Bago man lang ako bumalik kila Papa, gusto ko siyang bayaran.
Alam kong wala akong mababayad, pero handa naman ako ibigay ang lahat ng mayro'n akong ipon.
Hindi naman na kami nagtagal pa at agad na rin kaming bumalik sa hotel. Ganito lang naman ang nangyayari sa araw-araw kong pagsama sa kanya. Pupuntang meeting, kakain, at uuwi na.
Pero nakakapagod din kaya! Simula umaga nasa trabaho ka, uuwi na lang kapag gabi. Gano'n lang ba ang ginagawa nila? Para ano? Magpayaman? Ang boring naman ng buhay nila kung gano'n.
Nauna na akong umakyat at siya naman ay may kinausap pa sa front desk. Nang buksan ko naman ang pinto sa suite ko ay agad na tumambad sa akin ang halos kumikintab sa linis na kwarto.
Kung hindi talaga 'to nililinis panigurado magmumukhang basura ang kwartong ito sa akin. Kapag umuuwi kami ni Phoenix ay diretso tulog ako dahil sa pagod.
Nang pumasok ako sa bathroom ay wala na rin ang madudumi kong damit. Ang sapin sa kama ay bago na at maayos na nakalagay doon. Ngunit napansin kong walang refill iyong mga ginagamit ko sa banyo.
"I'll just put it there," salubong ni Phoenix nang sundan niya ako sa banyo. Tanging pagngiti lang ang nagawa ko habang pinapanood siya. Ayon naman pala, may taga hatid.
Nakasuot pa rin siya ng suit niya habang may mga dalang nakatupi na twalya at mga sabon at shampoo pangligo.
"Pinakuha ko ang mga damit mo kanina para labhan," imporma niya habang inaayos sa lagayan ang mga twalya.
Humilig ako sa pintuan ng banyo at pinanood siya sa ginagawa niya. Ang sunod niyang inayos ay ang lalagyanan ng shampoo at ng sabon. Mula sa kinatatayuan ko ay harap na harap ko ang malapad niyang likuran. Kahit na may agwat kaming dalawa ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya na mukhang kaninang umaga niya pa nilagay.
He doesn't need to do this, seriously. What he's doing is too much. Kaya ko naman ang sarili ko, 'no. Takot ko na lang na isumbat niya sa akin lahat ng mga nagawa niya. At kung magyari man 'yon ay paniguradong wala akong pambayad.
"Phoenix," mahina kong tawag. Nilingon niya lamang ako nang matapos siya sa ginagawa niya. Lumakad siya papalapit sa akin at tumayo sa tapat ko.
Nakatingala ako at titig na titig sa mga mata niya, tila nalulunod.
"Babayaran talaga kita kapag nakabalik na ako! Sobra sobra na 'yang ginagawa mo, huh!" Pilit kong tinataasan ang boses ko sa pabirong paraan para lang pagtakpan ang kahihiyan na nararamdaman.
Sa lahat ng taong tutulong sa akin si Phoenix ang pinaka hindi ko inaasahan. Maybe he just pity me? Pwede rin namang may usapan sila ni Papa at ginagawa niya lang lahat ng ito dahil do'n. Maraming pwedeng dahilan kung bakit niya 'to ginagawa, lalo na at nakilala ko siyang bilang isang mayabang na lalaki.
Wala nga siyang pake sa mga taong nasa paligid niya, anong kinaibahan ko ro'n?
"There's no need—"
"Trip ko lang, ba't ba?" Tinalikuran ko na siya bago niya pa ako masagot. It's really hard to argue with him if I'm staring to his eyes, huh?
"As if you can pay me?" Tanong niya at tanging pagkibit lang ng balikat ang ginawa ko.
Ay, wala. Hindi na talaga mababago ang pagiging mayabang nito. Tumahimik na lang ako dahil alam kong talo na ako. Wala naman akong pera at halata namang hindi ko kayang bayaran lahat ng ginawa niya sa akin.
Kumuha ako ng damit sa maleta ko at nang makakuha roon ay agad akong nagtungo sa banyo.
Nang madaanan ko si Phoenix ay inirapan ko pa siya dahilan para bahagya siyang tumawa. Kaya bago pa man siya makabawi ay agad ko na siyang pinagsarhan ng pinto sa banyo.
"I'll leave you here. Just go to my suite when you need something." Narinig ko ang yabag niya bago ang tunog ng pagsara ng pintuan.
I pouted my lips as I started to wash myself.
Naging mabilis ako sa pagligo para sana makapagpahinga na agad ako, pero nang mahiga ako sa kama ay ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa rin ako makatulog.
I groaned trying to shut my eyes.
Kung kailan naman kailangan kong gumising nang maaga bukas, oh!
Tila hindi ako mapakali sa kinahihigaan ko. Kada segundong lumilipas ay hindi ko mapigilang hindi igalaw ang katawan ko. Sarado ang kurtina at lahat ng ilaw. Malakas din ang aircon at balot na balot ako sa kumot, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maramdaman ang antok.
Malakas akong napabuntong hininga nang hindi ko na kayanin ang iritang nararamdaman. Tumayo ako at agad na kinuha ang cellphone at nagtipa ro'n.
Bahala na, hindi naman siguro magagalit si Phoenix nito. Bakit siya rin naman, ah? Minsan nangbubulabog sa kwarto ko para magpasama bumili ng kung anong makakain sa labas!
To: Phoenix Guevarra
Are you still awake?
Mas lalo namang nagising ang diwa ko nang mag-reply ito. Wow, gising pa. Nang makita ang oras ay mas lalo akong napataas ng kilay. Kadalasan ay tulog na siya ng ganitong oras, eh.
From: Phoenix Guevarra
Yes. Do you need something?
Inayos ko ang sarili ko at walang pagdadalawang isip na tumayo at binulabog ang kan'yang suite.
Agad na tumambad sa akin si Phoenix na naka-upo sa kaniyang kama habang nagtitipa sa laptop. Ang lahat ng kan'yang ilaw ay bukas kaya halos mabulag ako sa liwanag nito.
Buti na lang talaga at may sobra siyang keycard sa suite niya. Kung wala 'yon hindi ako makakabulabog dito.
Binigyan niya ako ng mapagtanong na tingin na agad ko namang nginitian. "I can't sleep."
Nang makita ang sarili ko sa isang salamin na nadaanan ko ay halos hindi ko mapigilang mapangiti. Para akong nawawalang bata. Magulo ang buhok at sabog sabog. Suot suot ko rin ang ternong pajama silk na binigay sa akin ni Phoenix noong nakaraan. Malay ko ba kasing sobrang lamig pala rito na hindi kakayanin ng mga damit kong halos makita na ang kaluluwa ko.
Naglakad ako papalapit sa kan'ya at nang makarating sa kama ay hinayaan ko ang sarili kong bumagsak doon. Malamig ang kama niya na agad naman bumalot sa katawan ko. Halos kalahati lang ng katawan ko ang nasa kama, habang ang paa ko naman ay nanatiling nakapatong sa tiles.
"Hindi ka makatulog kaya nandito ka para hindi rin ako patulugin?" I pouted as I heard his question. Hindi niya nakita ang ekspresyon ko dahil nakadapa ako sa kama.
Grabe naman, pero totoo naman. In short nandito lang ako para mambulabog.
I groaned. "Hindi ka pa naman natutulog, ah?"
Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako makatulog. Minsan pagkahiga ko pa lang sa kama ay tulog na tulog na agad ako.
"Sa ginagawa mo mas lalo lang nagigising 'yang diwa mo," rinig kong sabi niya na hindi ko pinansin at mas lalo ko pang isiniksik sa kama niya ang mukha ko. Ano namang gagawin ko, eh hindi nga ako makatulog.
Ilang minuto akong tumagal sa gano'ng pwesto bago ko maramdaman ang pagkamanhid ng paa ko. Nang silipin ko siya ay halos hindi niya pa rin inaalis ang mga mata niya sa laptop.
Feel ko kapag may nangyari sa laptop niya magwawala talaga siya. Noon pa man ay halos bitbit niya na ito saan man siya magpunta.
Imbis na guluhin ay umayos ako ng higa at gamit ang mga kamay ay tinakpan ko ang mata ko at pumikit.
Wala naman ata akong puso kong guguluhin ko siya sa ginagawa niya? Panigurado para 'yon sa trabaho. Buti nga hindi pa naiinis 'yan sa akin, eh. Lagi pa naman akong pumupunta sa suite niya para lang manggulo.
Tila nabibingi ako sa katahimikan nang maging tumahimik ako. Walang ibang naririnig kundi ang pagtitipa niya at ang ugong galing sa aircon. Kaunting galaw ko lang ay rinig na rinig na agad.
Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman ko ang paggalaw ng kama, at narinig ko ang yabag ng mga paa ni Phoenix. Ngunit hindi ko siya sinilip at nanatiling pikit ang mga mata ko.
"I'll go outside, do you want to come?" Mabilis kong tinanggal ang braso kong nakaharang sa mga mata ko.
Nang makita ang orasan ay binigyan ko siya ng mapagtanong na tingin.
It's already 2:35 in the morning. Sinong may sabing hindi ako sasama? Kahit anong oras go na go ako, 'no. Nang makitang nag-aayos na siya ay agad akong bumangon. Dali dali akong pumunta sa mga gamit niya at agad na naghalungkat doon. Nang makita ang hinahanap ay mabilis kong sinuot ang jacket niya.
Pumunta ako sa salamin at doon nag-ayos ng sarili. Ilang minuto pa ang lumipas ay tumabi siya sa akin at hinintay akong matapos. Mahaba ang jacket sa akin ni Phoenix, ngunit hindi naman pangit tingnan.
Nang balingan ko si Phoenix nang atensyon ay nakita ko kung paano niya ako hinintay. Titig na titig siya sa akin ngunit walang bakas ng pagkainip. Nakasuot lang siya ng jogging pants na kakasuot niya lang at isang simpleng t-shirt. Parang kanina naka boxer lang 'to, ah.
"Tara na! Pahiram nito, ah? Wala akong jacket na nadala, eh." Nakangisi kong sinalubong ang mga mata niya habang siya naman ay tila kinukwestyon lahat ng mga pinanggagawa ko.
"May magagawa pa ba ako, ngayong suot mo na?" Tanong niya na mas ikinahalakhak ko. Nauna akong lumabas habang siya naman ay sumusunod lang sa likuran ko.
"Gising na gising talaga ang diwa mo, ha," bulong niya nang makarating kami sa elevator. Sinamaan ko siya ng tingin. Maybe it's because of the chocolate dessert I ate before we went home.
Grabe pa naman ang epekto sa akin ng mga tsokolate, nagigising ang diwa ko at tila nagkakaro'n ako ng energy.
Nanahimik naman kami ni Phoenix nang bumukas ang pintuan ng elevator. Tumambad sa amin ang isang grupo ng mga lalaki.
Hindi pa man sila nakakapasok ay nalanghap ko na ang amoy ng alak na nanggagaling sa kanila. At nang pumasok sila ang kanilang paglalakad ay pasuray-suray. I flinched when my arms touched the other man skin. Aatras pa sana ako para ipagsiksikan ang sarili ko kay Phoenix ngunit napatigil ako sa kinatatayuan at tuluyang kumalma nang maramdaman ko ang paghapit sa akin ni Phoenix at ang pagpulupot ng kaniyang braso sa bewang ko.
Magulo ang mga nakasabay namin. Ngunit halata naman na galing din sila sa mayamang pamilya dahil sa paraan ng pananamit nila.
Kahit na mabilis lang ang paggalaw ng elevator ay tila naging mabagal iyon dahil sa aming sitwasyon. Pagbukas na pagbukas pa lang ng elevator ay agad na akong hinila ni Phoenix papalabas.
Ito lang ang ayaw ko kay Phoenix, eh. Tahimik nga siya, mabilis naman makiramdam sa paligid at agad na nalalaman ang nangyayari.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa main entrance ng hotel ay agad kaming sinalubong ng hangin. Ang ilang hibla ng buhok ko ay tinangay ng hangin na hindi ko naman pinansin. Hindi na kami nagsasakyan dahil malapit lang naman ito.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang buong lugar. Hindi ko inaakalang maganda pala ang syudad kapag gabi. Kung umaga ang tanging nadadatnan ko lang ay mga taong tila nagmamadali at may hinahabol na kung ano.
Ngunit ngayon, ito ang unang pagkakataon na nakita kong payapa ang lugar na ito.
Wala na gaanong tao at mga sasakyan sa kalsada. Ang tanging makikita na lamang ay mga nagtataasang gusali at ang ilaw na nanggagaling dito ang siyang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi.
Hindi ko alam kung bakit ano namamangha, siguro ay ito ang unang beses kong nakita ang lugar na ito na halos walang taong madadatnan.
Nag-umpisa na kaming maglakad ay hindi ko naman inalis ang pagkakahawak ko sa braso ni Phoenix.
It's really empty. Marahil ang iba ay natatakot at nalulungkot sa mga lugar na ganito, ngunit nang makita ko kung gaano katahimik ang kalsada ay nakaramdam ako ng tuwa at pagkapayapa.
Habang naglalakad ay hindi ko na napansing nasa gitna na pala kami ng kalsada dumadaan. mabagal ang hakbang na ginagawa namin at hindi ko mapigilang mapatingala. Mula sa pwesto namin ay kitang kita ang iilang bituin. Tahimik na rin at ang tanging maririnig ay ang tunog na nanggagaling sa punong nasa paligid at ang tunog ng mga yapak namin.
Hindi naman nagtagal ay agad kaming nakarating sa malapit na coffee shop. May iilang tao at karamihan ay tutok na tutok sa kanilang mga ginagawa. Kahit pala ganitong oras may mga gumagawa pa rin? Kung ang iba ay payapang natutulog may iilan pa rin pala na kumakayod sa kanilang buhay kapag madaling araw.
"Do you want to order something?" Tanong ni Phoenix.
Umiling ako. "I don't drink coffee." Tumango naman ito at iniwan ako sa lamesa para mag-order. At dahil walang tao, naging mabilis ang pag-serve rito. Hindi na rin naman kami nagtagal at agad na pumunta sa katabing fast food restaurant.
Kumpara sa coffee shop tila mas buhay ang diwa dito. Gising na gising ang mga tao at tila naghahanda na sa panibagong araw.
"Akala ko kinakain mo lang mga pangmayamang pagkain," bulong ko kay Phoenix habang naghihintay kami sa pila. Nagsalubong ang mga kilay niya ngunit hindi niya ako sinagot.
Wow ha, kung makatingin siya akala mo pagod na pagod na siya sa mga pinanggagawa ko sa buhay.
"Nahiya ka pa ubusin mo na yung nasa menu," I said sarcastically. Paano ba naman, ilang plastic ang inabot sa amin. Kung titingnan nga ay alam kong hindi na namin 'yon mauubos. Lalo na si Phoenix, eh halos hindi naman siya gaano kumakain, eh.
Napansin ko lang, kapag kumakain kami ay tila hinihintay niya ako at tila nag-aabang kung may kailangan ba siyang ubusin sa aking pagkain. Nasanay ako na ipakain sa kan'ya ang mga tira kong pagkain.
"Why? Do you want to add more?" Tanong niya at binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin.
Kaya bago pa man siya makakilos sa pwesto niya ay agad ko na siyang hinila papalabas do'n. Kaya nang naglalakad kami papauwi sa hotel ay puro sermon ang ginawa ko sa kan'ya.
Nagsasayang lang naman kasi siya ng pagkain, eh. Tapos dahilan niya baka hindi ko magustuhan ang pagkain at para may ibang pagpipilian? Ang dami naman ng choices niya apat na iba ibang putahe?!
Binigyan ko siya ng makahulugang tingin bago sumalampak sa sofa niya at nanood ng T.V. Habang siya naman ay bumalik sa ginagawa niya.
Kaunti lang ang kinain ko kaya agad akong natapos sa pagkain at mas tutok ako sa pinapanood ko.
Sa sobrang tutok ko sa pinapanood ay hindi ko namalayang unti-unti na pala akong hinahatak ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (34)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Tingnan Lahat