Tulala ako habang nilalapag sa lamesa ko ang mga pagkain na inorder ni Phoenix. Hindi pa nagpapakita ang araw ay nambubulabog na agad si Phoenix. Mahapdi at mugto ang mata ko dahil wala pa akong tulog kakaiyak kagabi. Sino ba kasing matino ang pupunta ng gano'ng oras? Hindi man lang ako nakaligo bago siya babain. Ganitong oras tulog pa ako, pero si Phoenix mukhang mag-uumpisa na ng araw niya. Nang makaalis si Phoenix kagabi ay sobrang bigat ng pakiramdam ko, at tila nalulunod ako sa mga bagay na pumapasok sa utak ko. "Hindi ka bumaba kagabi para kumain?" Umiling ako bago ihilamos ang palad ko sa mukha ko. Mabuti na lang at hindi niya pinapansin ang mugto kong mata, pero kanina niya pa ako tinitingnan at halatang gustong gusto magtanong kung ano ang nangyari. Maaga siya nandito at naubos lang ang oras niya kakahintay na tuluyang magising ang diwa ko. Minsan ay nagsasalita siya ngunit wala akong maintindihan sa lahat ng nangyayari. "You eat your breakfast this early?!" Paos kong salubong sa kan'ya. Kinuha ko na ang kubyertos at namili na sa mga nakahain. Kapag siya talaga ang kasama ko laging puno ng pagkain ang lamesa. Akala mo talaga kumakain siya nang sobrang dami. "Sometimes," tanging sagot niya, dahil mas pinagtutuunan niya ng atensyon ang mga galaw ko. Paano ba namang hindi niya pagtutuonan ng atensyon niya ang mga galaw ko, kung ilang beses na ako bumangga sa kung saan saan kanina. Sinabihan niya naman akong pwede naman akong bumalik sa kwarto ko at matulog, pero hindi ako pumayag. Hindi ko siya iiwan, 'no. Kahit na inaantok ako ay pinipilit kong samahan siya. Siya nga nakapaglaan ng oras para pumunta rito nang ganito kaaga, tapos tutulugan ko lang siya? Talagang mahapdi lang ang mata ko at ramdam na ramdam ko na ang bigat ng mga talukap nito. Habang lumilipas ang minuto ay unti unti nang nagigising ang diwa ko. Kasabay naman no'n ang unti-unting pagsikat ng araw. Mula sa aming pwesto ay kita ito dahil sa malaking salamin. Kaunti pa lang ang tao ng ganitong oras at halos hindi lalagpas sa tatlo ang kasama namin sa restaurant ng hotel. Nang mapalingon ako kay Phoenix ay doon ko lang napagtanto na mukha akong kawawa sa harapan niya. Nakasuot na siya ng office attire niya, at maayos ang kaniyang buhok na tiyak kakaligo lang. Wala nga akong kasuklay-suklay bago man lang bumaba, eh! I reached for macaroni soup, na agad namang kinuha ni Phoenix para ilapit sa akin. "Ano oras ka babalik? Aantayin pa ba kita bago ako umalis—" "You're leaving? Where do you plan to go after you leave this hotel?" Putol niya at tila hindi sang-ayon sa mga desisyon na ginagawa ko. Sumubo ako sa kinakain ko bago siya pagtuunan ng atensyon. Nahiya naman ako sa kan'ya kumain, bakit kape at tinapay lang ang kinakain niya? Ang dami dami namang pagkain sa harap namin. Nilabanan ko ang mga mapagtanong niyang tingin dahil sa totoo lang ay wala naman akong matinong plano pag-alis ko rito. Wala rin akong mapupuntahan. Imposible na makahanap ako ng matutuluyan at mapapasukan dahil sa ginawa ni Papa. "Wala," sagot ko para tigilan niya ako. "Then, you're not leaving." Inirapan ko siya. "Desisyon ka talaga, eh 'no. Alangan namang umasa na lang ako sa'yo parati?" "And you think I'll let you leave without making sure that you have a secure plan?" Sa huli ay sumuko na lang din ako. Ano bang magagawa ko? Isa pa, wala naman talaga akong mapupuntahan. Kung wala lang talaga akong hiya sa kan'ya sinulit ko na 'tong hotel nila. "Your father..." Nag-angat ako ng tingin kay Phoenix nang marinig ko siyang magsalita. Punong puno ng pag-aalinlangan ang boses niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Kahit na mahina ang boses niya ay narinig ko agad siya dahil hindi naman gano'n kaingay sa pwesto namin. Tanging mga tunog lang galing sa kubyertos ang naririnig, at ang mahinang musika na tumutugtog. "Is he always like that? Ginagamit ang pera at kapangyarihan para wala kang mapuntahan at walang tumanggap sa'yo?" Tanging tango ang naging sagot ko. I want to play safe. Mahirap na at baka may masabi akong hindi maganda. Baka ako lang din ang maipit kapag ginamit ko ang bibig ko. Hindi naman na siya nagsalita, ngunit nakita ko kung paano niya kinuyom ang kamao niya. Mabilis kaming natapos sa pagkain, ihahatid niya pa sana ako sa kwarto ko ngunit pinigilan ko na siya. Ang sabi niya ay may flight siya kaya maaga siyang pumunta, at hindi niya alam kung kailan siya makakauwi. Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ko ay doon ko lang tuluyang naramdaman ang lahat ng pagod. Mahapdi pa rin ang mga mata ko kung kaya't pagkahiga na pagkahiga ko sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Mula sa higaan ko ay kita ang mga nagtataasang building. Kung ganito siguro kapayapa ang buhay ko ayos na 'to. Kahit anong buhay naman ayos ako, 'wag ko lang makasama si Papa. Siya lang naman ang panggulo sa buhay ko. Hindi ako bumangon at hinayaan ko ang sarili kong nakahiga lang, hanggang sa unti-unti nang bumaba ang araw ay hindi pa rin ako kumikilos sa hinihigaan ko. Ang cellphone ko ay kanina pa nag v-vibrate ngunit hindi ko iyon pinapansin. Wala akong gana sa lahat, gusto ko lang munang matahimik. Hanggang sa tuluyan nang dumilim. Madilim ang kalangitan at wala akong makita na kahit anong bituwin o buwan man lang. Tanging ilaw galing sa mga nagtataasang building ang nagbibigay liwanag sa gabi. Maski ang pagligo ko, tamad na tamad ako. Halos ilang oras akong nagtagal sa banyo bago lumabas. Kung hindi pa ako nagugutom ay hindi ako lalabas. Nahihiya rin naman akong tumawag sa frontdesk para lang sa pagkain ko. Dapat kasi hindi na lang ako nagpaiwan dito, eh. Hirap na hirap tuloy akong kumilos dahil nahihiya ako sa mga staff. Kung nandito lang sana si Phoenix, mas mapapadali ang buhay ko. I bit my lips before entering the buffet area. Napatingin ako sa damit ko. Simpleng t-shirt lang ito at leggings. Kumpara kanina ay marami na ang tao. Karamihan pa sa mga ito ay naka office attire, at mga magagarbong damit. It's a five star hotel what do I expect? Lalo na at totoong masarap ang pagkain nila rito. Namumuot sa lalamunan ko ang lasa nito. I'm a Chef, at nagawa kong mamangha sa pagkain nila kaya tiyak na masarap nga talaga 'to. Habang kumakain ay biglang pumasok sa isip ko ang pangalawang pagkikita namin ni Phoenix. Kaya niya naman pala ako nasabihan ng gano'n dahil totoo naman. I'm unprofessional, at mataas ang standard nila pagdating sa mga empleyado nila. Papatapos na ako nang makita si Phoenix papalapit sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay, na ginantihan niya rin naman ng masasamang tingin. Lakas talaga ng tama nito, 'no. "You're not answering my calls and messages?" Salubong niya at padabog na umupo sa harapan ko. Niluwagan niya ang suot niyang necktie, at tinupi ang manggas ng polo niya. Ang mga malapit sa amin ay napapalingon sa kan'ya. "Katamad," mapaglaro kong sagot sa kan'ya. I smiled innocently to tease him more. Nangunot ang noo niya kaya hindi ko mapigilang mapangisi. "Tinatamad kang kausapin ako?" "Hindi, tinatamad ako bumangon para kunin 'yung cellphone ko." Tumayo na ako at lumapit sa kan'ya bago pa man siya makapagsalita. Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya patayo. "Tara kuha tayo pagkain mo, kukuha rin ako desserts." Wala naman siyang reklamong sumunod sa akin. Mamaya kung saan na naman makarating ang usapan namin kapag hinayaan ko siyang magtanong nang magtanong. Hindi niya nga natanong ang tungkol sa mugto kong mata kanina, baka itanong naman ngayon. Ako ang may hawak ng plato niya kaya dinamihan ko ang lagay rito. Pansin ko hindi siya gaano kumakain kapag kasama niya ako. "Sasama ako sa'yo bukas," umpisa ko sa usapan namin habang hinihintay ang shake na kinuha ko. "Ang boring kaya rito. Ano namang gagawin ko rito? Ayaw mo naman ako paalisin," sabi ko pa para madagdagan ang dahilan para maisama niya ako sa mga gagawin niya bukas. Nakatingala ako sa kan'ya habang kinakausap siya. "I have a tight schedule tomorrow, but you can come. Sasama ka ba sa meetings ko, o sa opisina ka lang?" Madali naman pa lang kausap. "Office," simpleng sagot ko na tinanguan niya. Ang boring boring siguro ng meeting niya at baka mas lalo lang akong mababagot do'n. Nang makuha ko na ang pagkain ko ay bumalik na kami sa lamesa namin kanina. Isang mango shake lang ang kinuha ko at isang cake. Inubos naman ni Phoenix ang nilagay ko sa plato niya at wala siyang reklamo rito. Nang matapos kami ay hindi na kami nagtagal at umakyat na kami. "Sa'n ka? 'Di ka uuwi?" Tanong ko habang nasa hallway kami. Hindi siya sumagot. 'Yon na lang ang gulat ko nang huminto siya sa tapat na pintuan ng kwart ko at binuksan niya iyon gamit ang keycard. Baliw ba 'to? Bakit niya kailangang maghotel? Kung tutuusin mas malapit ang tinutuluyan niya kaysa sa hotel na 'to. "I'll wait for you tomorrow," huli niyang sabi bago ako pumasok sa kwarto ko. At kagaya nga ng napag-usapan ay sumama ako sa kan'ya. Nasa loob lang ako ng opisina niya maghapon habang siya ay busy sa mga ginagawa niya. Nagpatuloy ang mga araw na gano'n ang nangyayari. Kapag umaga ay pumupunta siya sa kwarto ko para sunduin ako, at maghapon kaming nasa kumpanya niya. Kung minsan ay sinasama niya ako sa iba niyang meeting sa malayong lugar. Hanggang sa hindi ko na namalayang halos mag iilang linggo na pala ang lumilipas simula nang maglayas ako sa bahay namin. Mabuti na lang talaga at nand'yan si Phoenix. Kung wala siya ay hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Bored na nga ako, patapon pa buhay ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Tingnan Lahat