Chapter 21: Confused

Kanina pa ako naglalakad pabalik balik sa opisina ni Phoenix. Sandali niya akong iniwan at nang iwan niya ako ay doon ako naghanap ng matutuluyan.
Kahit isang gabi lang talaga, ayos na ako ro'n.
It's really hopeless! Lalo na at si Papa pa talaga ang kinalaban ko. This is the consequences of my actions, and I need to face it.
I did not do anything to Celyn, but in their perspective I'm the bad one.
Ano pa bang bago? Lagi naman silang gan'yan. Hindi ko na talaga aasahan na magbabago pa ang mga ugali nila.
Mabuti na lang talaga at parang wala lang kay Phoenix ang ginawa ko no'ng pumunta kami sa resort nila. I already told him that I'm sorry for acting rude, but he said he didn't mind it.
Bumuntong hininga ako at pabagsak na naupo sa sofa.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..."
Nanghihina ang aking mga boses at nanglalabo na ang aking mga mata.
I'm sick of all of these. Sumosobra na ang ginagawa ni Papa at pagod na pagod na ako sa kakatakbo. Tila sinasarhan ako ng pintuan ng lahat ng mga bagay na nasa mundo.
Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang bumagsak. I pity myself, and my situation. Walang wala akong magawa ngayon. Ni sarili kong mga gamit ay hindi ko maipaglaban. Si Mama ay hindi ko mabisita.
Sinubukan kong punasan ang aking mga luha pero parang mas lalo pa itong bumubuhos. Gustong gusto kong sumigaw pero tila nawawalan ako ng boses.
Basta ang alam ko tama o maling desisyon man ang ginawa kong paglayas at least kontento ako sa nangyari. Wala akong oras sa kanila.
Hindi ko kailan man kailangan linisin ang sarili ko sa harapan nila. Kahit ano naman ang mangyari si Celyn pa rin ang paniniwalaan nila.
Ayoko namang tawagan si Dimitri. Ang alam ko ay nasa ibang bansa siya at ayaw ko nang istorbohin pa siya.
Nililimitahan ko rin ang sarili ko. Ayaw kong umasa sa kahit na sino. Pakiramdam ko lahat ng tulong na nakukuha ko sa ibang tao ay dapat obligado akong palitan at bayaran 'yon sa kanila.
Takot ako, takot ako na masanay na lagi nila akong tinutulungan. Paano kapag dumating ang oras na mag-isa na lang ako? Edi hahanap hanapin ko sila, at hindi ko kayang lagpasan ang problema ko na ako lang kasi nga sanay na ako na may tumutulong sa akin.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko tuluyang mapakalma ang sarili ko. Kasabay din no'n ang pagpasok ni Phoenix sa opisina niya.
I tried everything to avoid his eyes. Nakayuko ako at nakatingin lang ako sa cellphone ko. Trying to find some hotels or Inn. 
"Tapos na 'yung meeting mo?" I started our conversation. Agad naman siyang tumango. Nakayuko pa rin ako ngunit mula sa kinauupuan ko ay nakita ko siyang nagtungo ss lamesa niya. Binuksan niya ang dala ko at agad na kinain ito.
Woah, himala hindi niya tinapon? Parang dati lang hindi niya pinapansin 'yung mga dala kong pagkain.
Ang pinuntahan niya palang meeting kanina ay ang last meeting niya, kaya ngayon ay hindi ako maka-alis. Gusto niyang hintayin ko siya para sabay na raw kaming umuwi.
Eh, saan nga ako uuwi?! Wala naman akong uuwian.
Inirapan ko siya habang pinapanood kung paano niya ayusin ang gamit niya. Himala rin, ang aga niyang uuwi? Baliw ba 'to? Parang no'ng huling punta ko rito ay halos hindi na maalis ang mga mata sa screen ng laptop niya.
"Let's go, ihahatid kita."
I wanna scream so badly when I heard him said that.
Lahat ng nadadaanan namin pababa ay napapahinto ang lahat ng empleyado niya. Bahagya pa silang yumuyuko bago bumati kay Phoenix. Ang ilan ay iwas na iwas ang tingin sa akin.
Nilakihan ko ang hakbang ko nang mapansing nauuna na si Phoenix sa paglalakad. Kumapit ako sa braso niya at bahagyang inilapit ang ulo ko sa kan'yang tainga. Agad niya namang naintindihan ang nais kong gawin kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para makalapit ako sa tainga niya.
"You're really a scary boss," bulong ko sabay hagikhik dahilan para samaan niya ako ng tingin.
Wala akong takot na nakipagtitigan sa kan'ya para lang labanan ang masasama niyang tingin, tila nakalimutan ang namumugto kong mata.
Bakit? Kung hindi naman siya nakakatakot hindi magiging gan'yan 'yung mga empleyado niya.
Ang iba ay napapalihis ng daan para lang maiwasan siya, ang iba naman ay akala mo natuod na sa kinatatayuan at tila natataranta pa kung anong gagawin.
Nang makarating kami sa parking lot ay hindi agad ako sumakay sa sasakyan ko at mapaglaro ko siyang tinitigan.
Mabuti na lang at wala na gaanong tao, hindi gaya noong kanina na sobrang dagsa ang mga reporters sa harap ng kumpanya niya.
"What? Sakay na, I'll follow you until you reach your home-"
"Huh? Hindi na need, 'no! Tsaka, anong gagawin mo? Mag-aaksaya ng gasolina?" Agad kong putol sa kanya.
Gagawin ko talaga ang lahat mapigilan lang siyang ihatid ako. Tsaka sino bang matinong gagawa no'n? Kaya nga kami may kanya kanyang kotse, eh! Less hassle. Lalo na magkaiba ang direksyon namin pauwi!
"Kung ang iniisip mo ang gasolina, I won't mind, I can afford it. Kahit ihatid sundo pa kita. Now get in your car and let me follow you until you got home." Binuksan niya ang sasakyan ko at siya pa mismo ang umalalay sa akin papasok.
Wala akong nagawa dahil tulala pa rin ako hanggang ngayon dahil sa sinabi niya. I didn't expected him to say that. That's so unusual of him.
The Phoenix I know doesn't care about his surroundings. Hindi siya gagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng iba, at higit sa lahat ay mayabang. Mayabang naman siya ngayon, pero nalulugar naman na 'yung kayabangan niya. 
Nang marinig ko ang busina ng sasakyan niya ay wala na akong nagawa at paandarin ang sasakyan ko.
Wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kan'ya ang sitwasyon ko. Natatakot ako kung anong iisipin niya, at malamang makakarating ang nangyari sa mga magulang niya.
Namamawis na ang noo ko habang unti unti na kaming nakakarating sa bahay, ngunit bago pa man 'yon mangyari ay agad kong iniliko ang sasakyan ko.
Bahala na, 'wag lang makabalik sa bahay na 'yon. Bahala na kung anong sasabihin ni Phoenix.
Halos matawa na lang ako nang mapagtantong paikot ikot na lang kami sa iisang lugar. Bumabalik lang kami sa mga nadaanan na naming lugar.
Halatang hindi ko talaga pinag-iisipan yung mga desisyon na ginagawa ko, 'no? Kung ako si Phoenix nairita na ako. Halata naman, nagloloko loko lang ako rito.
Mula sa aking kinauupuan ay kitang kita ko ang pagsunod ng kotse ni Phoenix sa akin.
At nagulat ako na ang haba ng pasensya niya. I tried driving too slow, at sumunod naman siya. Sinubukan ko rin na sobrang bilis at humabol din siya. Sinubukan ko pa ngang mag-overtake sa ibang sasakyan para lang hindi siya makasingit, pero nakakasingit pa rin siya.
Seryoso, kung ako siya titigil na ako sa kakasunod.
Tuluyan ko nang inihinto ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada nang mag-ring ang cellphone ko, at pangalan pa ni Phoenix ang unang bumungad dito.
I'm wasting his time. Problema ko naman 'to bakit dinadamay ko pa siya? Kung una pa lang sinabi ko na para hindi na siya sumunod sunod?
I answered his call and didn't say anything.
"Alliesha, are you playing with me?" Mahinahon ang boses niya ngunit ramdam kong nauubusan na siya ng pasensya.
I laughed awkwardly trying to find my words.
"If you'll gonna play with me just tell me. Baby, I'm willing to get played specially if it's you."
Umawang ang labi ko at mas lalo akong nawalan ng sasabihin dahil sa sinabi niya. Hindi pa man ako nakakabawi ay nakita ko na siya sa labas ng kotse ko. He gave me a sign to open the door, na agad kong ginawa.
Anong ibig sabihin niya ro'n? This is really bad. Is falling for me?! Pero imposible, baka mamaya ay normal niya lang 'tong ginagawa sa iba. Imposible na mahulog 'to sa akin.
Lahat ay laro lang para sa akin. At mukhang gano'n din sa kan'ya. Baka mapahiya na naman ako kapag kinuwestyon ko ang mga galaw at salita niya, na tingin ko ay hindi normal. Mamaya lahat naman pala ng babae niya ay tinuturing niyang ganito gaya sa akin.
"Tell me, what's the matter?" Salubong niya. Hinuli niya ang tingin ko at agad ko namang iniwas iyon.
Napakamot ako ng ulo at napilitang lumabas. Wala pa akong sinasabi ay sumunod na siya sa akin. I opened the trunk of my car. Bumungad naman sa amin ang maleta ko.
"Tatapatin na kita, ha. Kaya ko nga sinasabing huwag mo na akong ihatid kasi wala ka namang paghahatiran sa akin. Naglayas ako, at hanggang ngayon hindi pa ako nakakahanap ng lugar na matutuluyan." Nakakunot ang mga noo niya at ang tingin niya ay diretsong diretso sa mga mata ko.
Binasa ko ang labi ko at kinuha ang cellphone. I dialed the number of one of their hotel.
"Hello! This is Denise Samson, thank you for calling GVR Bliss Hotel And Resort, what can I do for you?"
Nakatayo kaming dalawa ni Phoenix sa gilid ng kalsada. Maingay at maraming mga sasakyan ang dumadaan sa gilid namin, ngunit tila hindi niya iyon inaantala at mas kuryoso pa siya sa mga ginagawa ko.
Naka-loud speaker ang cellphone ko at anumang sabihin ng babae ay pinapakinggan niya.
"I'd like to reserve a room please, for one night," sabi ko sa kabilang linya. As if namang d'yan ako tutuloy. Isang gabi nga hindi ko magawang bayaran, eh.
"Sure, ma'am. Can I have your name, what type of room—"
"It's Alliesha Solemn Saranza." Hindi pa man siya natatapos ay inunahan ko na siya, alam ko na rin naman kung saan 'to patungo.
Natahimik siya at ilang segundong nawala sa linya.
"I'm sorry ma'am. Fully booked na po pala kami."
Inirapan ko si Phoenix kasabay nang pagbaba sa tawag.
"See! No one's accepting me! Imposible namang sa una ay may mga rooms silang available tapos kapag sinabi ko na ang pangalan ko ay biglang nawawalan!" Hindi ko na mapigilan ang pag taas ng tono ko. Padabog akong dumandal sa kotse ko at pinanood ang ginagawa ni Phoenix.
Kagaya ko ay tinawagan din niya ang number na tinawagan ko kanina. Ngunit sa pagkakataon na 'to ay ibang babae ang sumagot.
"Hello! This is Samantha Dela Cruz, thank you for calling GVR Bliss Hotel And Resort, what can I do for you?"
"Can I ask if there's still an available room?" Matigas ang pagkakabigkas ni Phoenix sa mga salitang binibitawan niya.
Kagaya ko ay nawawalan na rin ng pasensya.
"Yes, sir! There's a plenty of room that's still available for tonight. What type of room do you want sir?"
Phoenix clenched his jaw. He ended the call without even finishing it.
"So, you're saying that you don't have a place to stay for tonight?" Nagkibit balikat ako at ngumiwi sa kan'ya, tinatanggap na wala na talaga akong magagawa.
Balak ko nga sa kotse na lang ako matulog, eh.
Nang salubungin ko ang mga tingin ni Phoenix ay doon ko lang napagtantong kanina pa siya tutok na tutok sa akin. Lahat ng galaw ko at ekspresyon ko ay tinitingnan niya at tila naninimbang.
"You can stay on my penthouse, or in our house—"
"Huh? Ayoko nga. Mas gugustuhin ko pang matulog sa kalsada, 'no. Sobrang kapal naman ng mukha ko para makitulog pa sa inyo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sino ba naman ako para makitulog sa kanila?
Lumapit ako sa kan'ya at binuksan na ang pintuan ng kotse ko.
"Alam mo, pwede mo na akong iwan. Kaya ko naman ang sarili ko. Gagawan ko na lang ng paraan. Seryoso ba talaga, Phoenix Guevarra inaaksaya ang oras para sa simpleng bagay na gan'to?" Pinilit kong maging mapagbiro ang tono ko. Nakatingala ako sa kan'ya at kaunting espasyo na lang ang mayroon kami.
Pero mukhang wala namang epekto 'yung sinabi ko at mas mukha pa siyang nagalit. Nakakuyom ang kamao niya at madilim ang tingin sa akin, tila hindi sang-ayon sa gusto kong mangyari.
"At tingin mo iiwan kitang gan'yan? Follow me, and stop questioning my decisions."
Inirapan ko siya bago padabog na sumakay sa sasakyan ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Kung hindi ko naman siya susundan wala rin akong pupuntahan, at paniguradong magagalit lang siya sa akin kapag ginawa ko 'yon.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na papasok sa isang malaking hotel. Mas lalong hindi ko naman kayang makitulog sa ganito!
This is too much for me, and I think I don't deserve it. Ako naman ang may kasalanan, ako ang naglayas kaya dapat lang na harapin ko ang mga consequences nito.
"Baliw ka ba? Tingin mo may pangbayad ako rito?" Nakakapit ako sa braso ni Phoenix para makabulong nang maayos. Ang maleta ko ay bitbit niya.
"At tingin mo pagbabayarin kita?" He asked making me speechless.
Tingnan mo na, wala siyang balak pagbayarin ako, edi ang laki na ng utang ko sa kan'ya?
Tinikom ko na lang ang bibig ko at tahimik akong sumunod sa kan'ya. Lahat ng galaw niya ay pinapanood ko.
Inasikaso niya ang lahat ng kailangan para magkaroon ako ng kwarto. Noong una ay gusto niya pang presidential suite ang ipagamit sa akin, ngunit tinanggihan ko iyon.
Hindi ko naman kailangan no'n. Masyadong malaki 'yon para sa akin. Tsaka presyo pa lang, aayawan ko na talaga.
"Are you sure you'll be fine here?" Tanong niya. Tiningnan ko lang siya at walang nasabi.
Gulat na gulat ako sa mga nagiging kilos niya, at tila hindi ko matanggap kung paano niya ako tratuhin.
Nilibot niya ang kwartong pagtutulugan ko.
Hindi ito kalakihan ngunit hindi rin ito gano'n kaliitan. May isang queen size bed dito, at sa gilid nito ay isang maliit na sofa katapat ng tv. Pumunta siya sa banyo kaya sumunod din ako. May maliit na bathtub dito.
Dirediretso siyang lumabas ng kwarto at akala ko ay titigil na siya ngunit pagbalik niya matapos ang ilang minuto ay may mga dala na siyang mga gamit sa banyo gaya ng sabon at shampoo.
Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng mapanuring tingin. Hindi ba talaga 'to titigil? Kaya ko naman ang sarili ko, ah?
Pakiramdam ko sobrang laki ng kasalan ko sa kan'ya. Ang dami niyang nagagawa sa akin tapos panloloko lang ang maibabalik ko sa kan'ya.
"Phoenix, don't you think it's too much?" Namamaos ako, at hirap na hirap na itanong ang mga 'yon.
Umiling siya. "No. For me this is still not enough. I can give you more than this."
I pouted.
Pero bakit? Bakit niya 'to ginagawa? Ginagawa rin ba niya 'to sa ibang mga babae niya? Or Am I just reacting too much? Am I making this a big deal, na hindi naman dapat?
Nang matapos niyang tingnan ang buong lugar ay humamba siya sa pintuan. Nakataas pa rin ang kilay ko at sinundan siya.
"Now, all I want you to do is rest. You can have your dinner downstairs. I'll be here tomorrow for your breakfast. If you need anything you can call in the front desk."
Malungkot ko siyang nginitian at wala nang nagawa nang isara niya na ang pintuan.
I really want to ask why he's doing all of this. I'm confused to all of his actions. Pero natatakot din ako na marinig ang sagot niya. Takot ako na malamang ganito rin siya sa iba. At lahat ng nararamdaman ko ay hindi dapat. Lumalapit na ang loob ko sa kan'ya at naapektuhan na nito ang nararamdaman ko, na magiging masama kapag tumagal.

Komento sa Aklat (34)

  • avatar
    GozonLiezel

    i love the story❤💚

    05/05/2022

      0
  • avatar
    Adrian Dalit Gajutan

    it's a great story

    12/07/2024

      0
  • avatar
    Arnold Galendez

    The best

    16/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata