Chapter 19: Sorry

"What the fuck Jadaza?!" Malakas kaming napahalakhak nang marinig namin ang galit na galit na sigaw ni Phoenix. Nakita kong susunod pa sana siya pero hinatak siya pabalik ni Von sa lamesa.
Hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Simula nang makabalik kami ni Phoenix ay panay na ang asar ng dalawa sa kan'ya, at ito namang si Phoenix ay iritadong iritado na sa pinanggagawa nila.
Gaya ng usapan ay sinundo ako ni Phoenix at sinamahan niya ako hanggang makarating kami kung saan gaganapin ang night party. Pagkarating na pagkarating naman namin ay hindi kami tinigilan ng dalawa, lalong lalo na si Jadaza! Simula ata nang magkita kami nito ay hindi na siya humiwalay sa akin.
Masaya naman siyang kasama, kaya wala akong problema. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin dahil kahit na ang daming umaagaw ng atensyon niya ay nananatili pa rin siya sa tabi ko. Hindi ba siya nabobored? 
Hindi pa ako gaanong sanay sa presensya nila ni Von, kaya tahimik lang ako at nakikinig lang sa mga pinag-uusapan nila. Kaya nakakapagtaka na gusto akong kasama ni Jadaza dahil halos hindi na ako magsalita sa tabi niya.  
Ang aking mga katawan ay nasumasabay sa malakas na musika na nanggagaling sa stage sa harapan, at gano'n din si Jadaza. Nakalingkis ang kamay niya sa braso ko kaya kahit maraming tao na nakapalibot sa amin ay hindi kami naghihiwalay dalawa. 
Madilim at tanging disco lights lang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng lugar. Sa ilang parte ng venue ay mga mga fairy lights, ngunit hindi dapat 'yon para masilayan nang maayos ang lugar.
Mula sa pwesto ko ay amoy na amoy ko ang mga alak at ang sigarilyo, ngunit wala naman akong reklamo ro'n. Of course what will I expect? This is a party, hindi mawawala ang mga 'yon. 
Simpleng tube top at denim shorts lang ang aking suot na pinatungan ko ng oversized white polo. Nakabukas ang mga butones ng polo dahilan para tumambad ang aking leeg at tyan.
Wala na akong nakita sa maleta ko. Paano ba naman ang mga laman nito ay hindi naman mukhang pang-party!
"Pwede ka naman sigurong uminom, 'no? Lagot talaga ako nito kay Phoenix." Tinawanan ko siya at tinanguan. Maski si Jadaza ay napahalakhak nang kinuha ko ang inumin na inaabot niya at mabilis na nilagok iyon. Ang init na galing dito ay humagod sa aking lalamunan, at hindi ko na napigilang mapangiwi. 
Hindi ko inakalang gano'n pala kapait 'yon! umiinom ako pero 'yung mga may halo, 'no. Masyadong mapait 'yung binigay sa akin ni Jadaza, pero alam kong masasanay naman ako. 
Sa tinagal namin sa dance floor ay hindi na namin namamalayan ang oras, ngunit pansin kong nag-iiba na ang mga kilos ng tao rito. May iilan ay halos mabangga na kami dahil pasuray-suray na itong maglakad. Maski ang aking paningin ay tila umaalon na rin at nanlalabo, kung hindi pa nakahawak si Jadaza sa braso ko ay paniguradong kung saan saan na ako nakarating. 
Wala na ako sa katinuan nang maramdaman ko ang brasong pumulupot sa aking bewang, at tuluyan na akong napalingon dito nang marahan niyang ini-angat ang tube ko na bahagyang nahuhulog dahil pag-indayog ko sa katawan ko. 
"Patay ka Jadaza Mhae! Ginagalit mo talaga, huh! Kung magkaka-girlfriend man ako hindi ko talaga papasamahin sa'yo!"
"Bobo, can't you see I'm still alive! Tsaka pake ko sa magiging girlfriend mo? As if namang gusto ko siyang makasama!"
Kahit saan talaga parating nag-aaway 'tong dalawang 'to!
Tila nabingi ako sa aking paligid nang magtama ang mga mata namin ni Phoenix. Ang magulong lugar kanina ay tila naging kalmado. Hindi ko alam kung dala ba ito ng alak o ano. 
Naputol lang ang aming mga tingin nang isinubsob niya ang mukha niya sa aking leeg habang nasa likuran ko pa rin siya. Ang init ng kaniyang dibdib at mga braso ay tila dumadaloy papunta sa aking katawan. 
"Let's go back to our suite, hmm?" Nakaramdam ako ng kiliti sa aking leeg nang tumama ang kaniyang hininga rito.
Ano bang ginagawa niya? This is the first time I saw him this clingy, nakakapanibago. 
Hindi agad ako nakasagot. Lilingunin ko muli sana siya kaso nang igalaw ko ang ulo ko papunta sa direksyon niya ay hindi ko inaasahang sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin, dahilan para tumama ang labi ko sa pisnge niya. 
"S-sorry..." Malumanay ang aking mga boses at tila hindi man lang nagulat sa nangyari at hindi man lang natakot sa magiging reaksyon niya.
Siguro nga ay dala 'to ng alak, dahil kung wala ito ay paniguradong nagpapanic na ako sa aking kinatatayuan.
Namumungay ang kaniyang mga mata nang ibaling ko ang buong atensyon ko sa kaniya. Ramdam ko na rin ang pagbigat ng aking mga talukap at tila nalulunod ako sa mga titig niya. 
"Why are you apologizing, hmm?"Maski ang boses niya ay kalmadong kalmado.
"I brushed my lips to your—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdamang lumapat ang labi niya sa akin. Kinagat niya ang labi ko dahilan para umawang ito. Lasang lasa ko ang pait ng alak na nanggagaling sa loob ng bibig niya at alam kong ganoon din siya.
Hindi ko alam kung dahil sa alak ba ito ngunit hinayaan ko ang sarili kong madala sa kan'ya. Habang mas tumatagal ang halik niya ay mas lalo niyang hinihigpitan ang pagkapulupot ng kaniyang braso sa aking katawan, tila inaangkin kung ano ang sa kaniya. 
Hindi ko na mapigilang mapa-ungol nang mas lumalim ang halik niya at halos kapusin na ako ng hininga.
"You're drunk, we really should go back." Namumungay ang kaniyang mga mata at namumula ang mukha niya nang maabutan ko siya pagkatapos niyang putulin ang halik. 
I gasped for air. Hinila na ako ni Phoenix paalis sa dance floor at kung hindi siya naka-alalay sa akin ay panigurado sumalampak na ako sa sahig. Hindi pa man kami nakakalayo ng tuluyan ay naramdaman kong umangat ako sa aking kinatatayuan, at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa mga bisig ni Phoenix, buhat buhat niya. 
My lips parted as I watched his expression while walking.
Maingat at mabagal ang mga hakbang na ginagawa niya. Unti unti na kaming nakakalayo at hindi na rin namin gaano rinig ang ingay galing sa party. Pumikit ako at mas isiniksik ko pa ang aking sarili kay Phoenix. 
Komportable at payapa, iyan ang aking nararamdaman habang nasa bisig niya na kahit kailan man ay hindi ko na muling naramdaman simula nang maaksidente si Mama. Ngayon na lang at sa mga bisig pa ng lalaking binabalak kong lokohin. 
Mabibigat na ang talukap ng aking mga mata kaya hinayaan ko na ang sarili ko na makatulog.
Sinag ng araw ang unang bumungad sa akin nang buksan ko ang mga mata ko. Sumabay pa ang sakit ng aking katawan at ulo. Sinapo ko ang ulo ko at marahang bumangon mula sa pagkakahiga. 
Woah, sinulit sulit ko talaga kahapon, ah? Oh, ngayon? Edi uuwi akong masakit ang katawan. 
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong napatakip sa aking bibig nang maalala ang lahat ng ginawa ko!
What the hell did I do?! Maling desisyon talaga na uminom ako nang gano'n karami! 
Mabilis akong mapatingin sa suot ko at mas lalo akong natigilan nang makitang iba na ito sa suot ko kagabi. Sinapo ko ang ulo ko at nagpagulong-gulong sa kama nang bigla akong matigilan dahil bumalik sa ala-ala ko ang lahat ng nangyari kagabi.
"I just want to sleep. Ayaw ko niyan!" I whined like a kid. Pinagsisipa ko ang mga damit na hawak ni Phoenix at mas kinuha ko pa ang kumot para itaklob sa katawan ko. 
"Alliesha, you can't sleep like that. Hindi ka magiging komportable sa pagtulog kung hindi ka magpapalit ng damit mo."  Sino ba siya? Akala mo naman ay parang nanay na nanenermon ng anak, eh!
Malakas akong nagtitili nang kinuha niya ang kumot mula sa akin at walang sabing binuhat ako papasok sa bathroom. Tumigil na lamang ako nang maramdamang nabasa na ako.
Oo, na! May magagawa pa ba ako? Syempre wala. 
Iniwan niya na ako sa loob nang masigurado niyang kaya ko na ang sarili ko. May inilagay pa nga siya sa paa ko para lang hindi ako madulas. 
Nakapikit ang mga mata ko habang nililinis ang katawan ko. I just really want to sleep, kaya sinunod ko na lang ang mga sinasabi niya. 
"Hindi ka natutulog d'yan, Alliesha, ha." I groaned to answer him. Malumanay at punong puno ang pasensya niya hanggang sa matapos ako sa paglilinis sa katawan ko.
Hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa dahil nang makalabas ako sa banyo ay maayos na maayos ako at malinis na malinis na. Maayos ko ring nasuot ang mga damit na inaabot ni Phoenix nang matapos ako. Inihanda niya iyon para ipapasok ko na lang ang katawan ko sa pagsuot.
Naabutan ko siyang nakasandal sa may pintuan ng bathroom at nilagpasan ko lang siya. Dumiretso ako sa kama at hinayaan kong bumagsak ang katawan ko ro'n, ngunit ang aking mga paa ay nanatili sa sahig. 
I heard his footstep. At bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman kong inayos niya ako sa pagkakahiga at kinumutan pa.
Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto ko. Patakbo akong pumunta sa banyo at maingat na isinara iyon. Sumandal ako sa pintuan habang hinahabol ang hininga ko.
Fuck! Ano bang pinanggagawa ko sa buhay ko? Gustong gusto ko talagang pinapahiya ang sarili ko sa harap niya, ha! Pang-ilang beses na 'tong napahiya ako sa harap ni Phoenix!
Tsaka bakit gano'n?! Kay Dim naman kapag nalalasing ako ay hindi ako gan'yan umasta, sa kanya lang talaga.
And oh! The fucking kiss! Pero hindi ko na kasalanan 'yon, ah! Siya naman ang humalik sa akin. Kaso nga lang ginantihan ko rin! Ano bang pumasok sa utak ko para gantihan 'yung halik niya?!
Gamit ang kamay ay pinukpok ko ang ulo ko, na agad ding napatigil nang marinig ko ang boses ni Phoenix. 
"Yes, I'm really sorry for that..."
Mas itinapat ko pa ang tainga ko sa pintuan para marinig ang sinasabi niya. 
"Hindi kami naka abot sa flight namin kanina at gusto kong ikaw ang sumundo sa amin dito sa hotel, para mabilis kaming makabalik sa Maynila..."
Doon ko lang napagtanto na kanina pa dapat ang alis namin, pero magtatanghalian na ngayon. Eh, bakit walang gumising sa akin? Lalo na ngayong mukhang nagmamadali siya.
Hays, ang laking perwisyo ko naman kay Phoenix. Parang lahat ata ng gagawin niya ay naperwisyo ko, ah?
"I'll just call you whenever my fiancée wants to leave..."
Doon na ako tuluyang napa atras sa pintuan. Imbis na makinig ay mas minabuti kong ipagpatuloy na lang aking ginagawa. Mabuti na lang talaga at amy mga damit akong nilagay sa loob ng banyo. 
Tsaka anong pinagsasabi niya? Umaasa akong hindi siya papayag sa kasal na 'yon, tapos ngayon ay halos ipaglandakan niyang fiancée niya ako?
Dobleng bilis ang ginawa ko para lang matapos ako sa pag-aayos sa sarili ko. Gusto ko siyang harapin ngunit natatakot ako at parang gusto ko rin siyang takbuhan.
"Good morning! Pinadala ko na ang pagkain natin dito para hindi na tayo bumaba." I pinched myself when I heard his voice.
Pwede bang mag-back out? Balik na lang pala ako sa banyo para magkulong.
"Uhm... t-thanks," tanging sagot ko at hindi man lang siya matingnan nang maayos. Bumuntong hininga ako bago tanggapin na wala na akong ibang magagawa kung hindi ang harapin lang siya. 
Maingat akong umupo sa upuang nasa harapan niya, at tila takot na takot na makagawa ng mali.
"How's your feeling? Do you feel better now—"
Agad kong pinutol ang sasabihin niya at hindi ko na siya hinayaang makapag-umpisa ng usapan. What? Is he going to act like I did not do any embarrassment yesterday? Hindi ba parang mas nakakahiya naman sa part ko kung gano'n din ang gagawin ko. Hindi man lang ako nakahingi ng paumanhin sa perwisyong nadulot ko sa kan'ya.
"Look, I'm really really sorry about what happened yesterday. Wala ako sa katinuan kaya pagpasensyahan mo na lahat ng kahihiyang ginawa ko," diretsang paliwanag ko at wala nang paligoy ligoy pa. 
Mas lalong hindi ko naman kakayanin na iwasan lang siya at magpapanggap na walang nangyari. Ang mas inaalala ko ay kung paano ako nakaperwisyo sa kaniya. Masyado akong naging makulit base sa pagkakaalala ko. Nagawa ko pa talaga siyang pagsisipain kahit na ang ginawa lang naman niya ay tulungan ako!
"Are you referring the kiss?" Nangunot ang noo ko at nagawa ko na siyang tingnan dahil sa sinabi niya. 
I'm not! I don't know why I don't feel sorry about the kiss, maybe part of me also want that to happen?
"Don't worry its not a big deal," simpleng sagot niya bago ipagpatuloy ang ginagawa sa cellphone. Napailing ako at napangisi ng mapait, ang mga emosyon sa aking mga mata ay nawala.
"Right..."
Oo nga naman! Para sa kan'ya walang halaga 'yon. Sa dinami dami ba naman ng mga babaeng nahalikan niya? Ako lang naman 'tong umaasang may halaga 'yon sa kaniya.
I clenched my jaw before facing the food. Tahimik akong kumain at hindi man lang siya binigyan ng pansin. Habang kinakain ang mga nasa harapan ko ay hindi ko mapigilang makaramdam ng pagbabara sa aking lalamunan kaya panay din ang pag-inom ko ng tubig. Panay ang pagbaling niya at nagpapanggap akong hindi ko iyon napapansin. 
Nakakawalang gana.
Gusto ko na lang sampalin ang sarili ko para matauhan. Ano ba 'tong ginagawa ko? Masyado na akong nalilibang. Akala ko ba ay ayaw ko sa kaniya? Kasi nga pinaglalaruan niya lang ang mga babaeng naghahabol sa kaniya? At sinabi ko pang hindi ako gagaya sa mga babaeng humahabol sa kaniya? 
Eh, ano 'tong nangyayari ngayon?
Kaya nang matapos akong kumain ay tumayo na ako at iniwan siya sa hapag para ayusin ang mga gamit ko. Mas lalo akong nainis sa sarili ko nang makita ko ang pinaghubaran ko kagabi sa lababo. Sa pagkakaalala ko ay basta hinubad ko na lang ang mga ito kagabi at hinayaan sa lapag, ngunit ngayon ay basa ito at tila binanlawan. 
Did he washed my clothes? Para saan? Hindi niya naman responsibilidad 'yon.
"I'll just fix my things. Aalis na tayo mayamaya. Hintayin mo ako rito." Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay doon lang ako tuluyang kumalma. Mabilis ang tibok ng puso ko at maski ang paghinga ko parang hinahabol.
Mas lalo kong binilisan ang pag-aayos ng gamit ko para lang maiwasan siya. Nang maayos ko ang gamit ko ay bumaba na agad ako sa lobby at doon ako naghintay. 
Wala ng mga tao at tanging mga staffs na lang ang naabutan ako. Bumabati ang iba ngunit dahil sa nararamdaman ko ay hindi ko magawang bumati pabalik.
Hindi ko alam kung saan ako naiirita. Sa sarili ko ba o sa kaniya. Pero alam kong may mali rin ako, pero siya rin naman 'no! Ano, kung maka asta siya ay parang nahalikan niya na ang lahat ng babae, ah?
"Bakit mo ako iniwan?" salubong niya nang makababa na siya. Dala dala niya na ang gamit niya, ngunit pansin kong hindi pa siya tapos mag-ayos. Magulo pa ang buhok niya at ang babang butones ng polo niya ay hindi pa nabubutones nang maayos. 
"Ang tagal mo, eh," tanging sagot ko bago maunang maglakad. Wala naman siyang reklamo sa likuran ko. At kahit na hindi ko alam ang dadaanan ay ang lakas pa rin ng loob kong manguna. 
May sumundo sa aming helicopter, 'yon siguro ang kausap niya kanina. Tahimik ako buong byahe ngunit pansin ko ang mga titig ni Phoenix. Sunod sunod din ang pagbitaw niya ng malalalim na buntong hininga. Pinikit ko ang mata ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.
Ano bang problema niya? Woah, hindi ko na talaga alam. Parang kanina lang ang chill niya pa, ang yabang pa nga, eh! Ngayon akala mo sobrang laki ng problema at parang pasan na pasan ang buong mundo?! What the fuck? Bahala nga siya sa buhay niya!

Komento sa Aklat (34)

  • avatar
    GozonLiezel

    i love the story❤💚

    05/05/2022

      0
  • avatar
    Adrian Dalit Gajutan

    it's a great story

    12/07/2024

      0
  • avatar
    Arnold Galendez

    The best

    16/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata