Homepage/Faye The Unloved Wife/
CHAPTER 7
ILANG araw na ang lumipas simula nang dumalaw si Celine sa bahay nila at maging si Grey ay hindi na bumalik nang araw na 'yun. Hinayaan na lang niya tutal ay wala din naman itong pakialam sa kaniya. At saka mas mabuti na rin na hindi niya ito nakikita.
Ngunit may isang bagay siyang napapansin sa sarili. Madalas siyang makaramdam ng hilo, pagsusuka at inaantok. Naging maselan din ang pang-amoy niya. Kapag hindi niya gusto ang naaamoy, nagsusuka siya. Wala naman siyang lagnat. Hindi na lang niya pinapahalata kay Manang dahil baka mag-alala lang ito sa kaniya.
Pababa na siya nang maamoy niya ang niluluto ni Manang. Habang papalapit siya nang papalapit mas naaamoy niya iyon kaya pasama ng pasama ang pakiramdam niya. Nararamdaman niyang masusuka na siya. Napatakip siya ng bibig niya saka nagmamadaling pumunta sa banyo. Dumuwal siya nang dumuwal hanggang sa wala na siyang mailabas.
Hanggang sa maramdaman niya ang paghagod ni Manang sa likod niya. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng ginang. Tumango siya bilang sagot kahit na masama pa rin ang pakiramdam niya. "Huwag mo sanang mamasamain pero hija, buntis ka ba?"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Manang. "P-Po?"
"Madalas kitang makita na nagsusuka. Palagi ding masama ang pakiramdam mo."
Naalala niya ang mga sandaling 'yun. No. She can't be pregnant.
"No... I can't be pregnant." Nangilid ang luha sa pisngi niya. Anong gagawin niya kung sakaling buntis siya?
Para makasiguro nagpabili siya kay Manang ng pregnancy test nang lumabas ito para mag grocery. Kinakabahan siya sa maaaring maging resulta pero kahit ano pang maging resulta tatanggapin niya. Kahit natatakot siya sa maaaring sabihin sa kaniya ni Grey.
Nang makabalik si Manang, agad niyang ginamit ang nasabing pregnancy test. Sinunod niya ang instructions at naghintay ng ilang minuto.
Sana negative. Negative please.
Ngunit gano'n na lang ang panlulumo niya nang makita ang dalawang guhit. It only means one thing. It's positive. She's pregnant.
Anong gagawin niya?
Nabitawan niya ang pregnancy test saka umiiyak na napaupo sa gilid ng kama niya.
"Faye, anong resulta?" tanong agad ni Manang nang makapasok ito sa kuwarto niya.
Wala sa sariling tinuro niya ang pregnancy test sa sahig na kaagad namang kinuha ni Manang.
Napasinghap si Manang sa nakitang resulta. "P-Paano 'to nangyari?"
Hindi nagawang sumagot ni Faye nang maalala ang ginawa sa kaniya ni Grey. Kung paano nabuo ang batang nasa tiyan niya.
"M-Manang..." Napahagulhol siya ng iyak saka mabilis na niyakap si Manang Linda na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.
"Sabihin mo Faye... pinilit ka ba niya?" may galit na tanong nito.
Umiiyak na tumango siya.
Pinakawalan siya nito sa yakap niya saka tinitigan sa mata. "Kailan 'to nangyari Faye? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi mo sinabi."
"Sorry po, natakot lang ako at saka ayokong mag-alala lang kayo sa akin."
"Halika nga rito." Niyakap siya ni Manang para pakalmahin siya.
"Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Natatakot ako." Bulong niya. Pagod na pagod na siya. Pinangako niyang hindi na siya iiyak pero ngayon umiiyak na naman siya.
Hinagod ni Manang Linda ang likod niya. "Huwag kang matakot Faye. Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan."
NAKATULALANG kumakain si Faye ng hapunan at halos hindi niya malasahan ang kinakain. Wala siya sa sarili. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa asawa ang tungkol sa pagbubuntis niya.
"Faye, Kailangan mong kumain," putol ni Manang sa pag-iisip niya.
"Paano naman po ako makakakain Manang, buntis ako sa anak ni Grey. Paano kung ayaw niya, paano kung mas lalo lang niya ako ipagtabuyan," naluluhang sabi niya. Kahapon niya pa iniisip kung paano sasabihin ang kalagayan niya. At hanggang ngayon, hindi niya alam kung paano.
"Faye, makinig ka sa akin, wala siyang magagawa kundi tanggapin ang bata dahil siya ang ama, kung sakali man na hindi niya matanggap ang bata, aba'y hindi siya tunay na lalaki kung gano'n, hindi lang ikaw ang bumuo sa batang 'yan. Kasama siya, kaya kailangan niyang panindigan ang ginawa niya sa 'yo," tila galit na sabi ni Manang.
"Manang..."
"Kasi naman Faye, kung hindi niya tatanggapin ang bata, bakit niya hinayaang may mangyari sa inyo kung hindi niya naman paninindigan ang kalalabasan. Gago siya kung gano'n." Natawa naman siya nang tawagin nitong 'gago' ang asawa niya.
"Tumatawa ka," manghang sabi nito.
"Natawa lang po ako sa sinabi niyo," natatawa pa ring sabi niya.
"Oh siya kumain ka nang marami para healthy ang baby mo," anito.
Nagpatuloy siya sa pagkain ngunit nabitin sa ere ang pagsubo niya nang marinig niya ang isang boses na matagal niyang hinintay na marinig muli.
"Buntis ka?" seryoso at walang emosyong sabi nito.
"G-Grey..." Hindi niya alam ang sasabihin. Tinakasan siya ng lakas nang makita ang masamang tingin nito sa kaniya.
"Grey, huwag kang magkakamaling saktan si Faye, buntis siya. Huwag na huwag mong pasasamain ang loob niya," banta ni Manang.
"Huwag kang mag-alala Manang hindi ko siya sasaktan." Kagaya kanina wala pa rin itong emosyon. Blangko ang mukha nito. "Mag-usap tayo."
Hinigit siya nito sa braso patayo sa kinauupuan niya at marahas na hinila palabas ng dining area.
"Grey, sinasabi ko sa 'yo. 'Wag mong sasaktan si Faye," napatigil sila ni Grey sa paglalakad nang marinig nila ang sinabi ni Manang. Ngunit hindi na ito nilingon ni Grey.
Nang makapasok sila sa silid ng asawa niya, kaagad siya nitong hinila paupo sa kama. Mahigpit na mahigpit ang kapit nito sa braso niya. "Totoo ba?" malakas na tanong nito. Napapikit siya sa sobrang lakas niyon. "Sumagot ka, Faye!"
Nangilid ang luha niya, hindi niya magawang sagutin ang asawa. Ngunit nang mas higpitan pa nito ang kapit sa braso niya ay kusang bumuka ang bibig niya. "O-Oo buntis ako." lumuluhang tugon niya.
"Sinong ama?"
Napatingin siya dito. Bakit nito tinatanong kung sinong ama. Pinagdududahan ba siya nito? Hindi siya makapaniwalang tiningnan ito. Umiiling na tiningnan niya ang asawa. "Pinagdududahan mo ba ako?"
Lumayo ito ng kaunti at nag-iwas ng tingin. "Imposibleng akin 'yan."
"What?" Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Anong ibig mong sabihan, hindi ka naniniwala sa akin? Grey sa 'yo ang batang 'to. Alam mo 'yun sa sarili mo."
Sa inaakto nito ngayon mukhang hindi nito narinig ang buong usapan nila ni Manang. Pero kahit na, alam nitong may nangyari sa kanila. At alam din nitong ito ang una niya. Kaya imposible ang sinasabi nito.
"Bakit naman ako maniniwala sa 'yo? Alam mo, tama ka eh, siguro nga dapat na tayong maghiwalay." malamig na sabi nito. "Marahil ito ang dahilan kung bakit hindi mo ako pinapansin. 'Yun pala ay buntis ka sa ibang lalaki. Si Gab ba ang ama?" anito at bahagyang yumuko sa kaniya.
"What? No!" mabilis niyang tugon.
"Kung sabagay, hindi mo 'yun aaminim, pero okay lang," seryoso pa ring sabi nito. "Dahil pinapalaya na kita."
Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa na magkakaayos pa sila. Oo, gusto niyang makipaghiwalay dahil sobrang sakit na pero may inosenteng buhay ang madadamay. Ayaw niyang mawalan ito ng ama.
"No. Please..." pagmamakaawa niya nang makitang palabas na ito ng pinto. Pinigilan niya ito braso at dahan-dahang lumuhod. "Kailangan kita."
"Maghiwalay na tayo," muling sabi nito.
"No," sigaw niya. "Please don't. Ikaw ang ama nito. Maniwala ka naman sa akin."
Nilingon siya nito. "Really? Akin man 'yan o hindi. I don't want a child with you. Naiintindihan mo. Ayokong magkaanak sa 'yo. Maghiwalay na tayo. Maybe enough reason na 'yan para pagbigyan ang annulment natin."
Napahagulhol siya ng iyak. "No..."
"Stop it, Faye. Kahit umiyak ka ng umiyak, hindi na magbabago ang isip ko. Alam mo kung bakit?" umangat ang tingin niya dito. Puno ng luha ang mga mata. "Dahil kay Celine ko lang gusto magka-anak, hindi sa 'yo. Wala akong pakialam kahit ako pa ang ama ng batang dinadala mo," anito bago tuluyang lumabas ng sariling silid.
"Grey..." Humihikbing lumabas siya ng silid, umaasang maabutan pa ito. Ngunit nahuli na siya. Narinig na niya ang tunog ng sasakyan nito paalis.
Grey, bakit ba ayaw mong maniwala?
Buong maghapong nakatulala si Faye. Pakiramdam niya'y wala na siyang buhay, gayong buhay na buhay naman ang katawan niya. Sobrang sakit ng mga sinabi nito. Hindi kayang tanggapin ng kalooban niya ang lahat ng narinig. Wala pa man ay nakakaramdam na siya ng awa para sa magiging anak niya.
BAKAS ang galit sa mukha na nagtungo si Grey sa condo niya. Talagang hindi niya mapigilan ang sarili kapag galit siya, nasaktan na naman niya si Faye. Nagagalit siya nang hindi niya alam ang dahilan. Hindi niya maintindihan pero nang marinig niyang buntis ito bigla na lang siyang sumabog sa galit. Hindi niya gustong saktan si Faye at sabihin ang masasakit na salita na 'yun dito pero hindi niya napigilan ang sarili. Gulong-gulo siya.
Siya ba talaga ang ama? Minsan na niyang nakita si Faye at Gab na magkasama, at nitong mga nakaraan ay naging malamig sa kaniya si Faye. Malay ba niya kung nagkikita pala ang dalawa ng lingid sa kaalaman niya.
Ngunit may parte sa kaniyang isipan na nagsasabing siya ang ama ng dinadala nito. May nangyari sa kanila at hindi malabong magbunga 'yun. Hindi niya lang matanggap dahil kay Celine. Ano na lang ang iisipin nito sa kaniya? Ayaw niyang masaktan si Celine. Mahal na mahal niya ito.
Hindi gano'n kadaling tanggapin ang lahat. Mahal niya si Celine at hindi niya ito iiwan dahil lang buntis ang asawa niya.
Gulong-gulo na siya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Kapag nalaman 'to ng magulang nila siguradong magagalit ang mga ito sa kaniya.
Nasabunutan niya ang sariling buhok saka inis na pinagsusundok ang pader hanggang sa magdugo ang kamao niya.
"Bwesit!" Sa inis niya, pinagtatapon niya lahat ng bagay na mahawakan niya. Nagmukha tuloy basurahan ang condo niya sa sobrang kalat.
Hindi pa siya nakuntento, kumuha pa siya ng beer sa refrigerator at mag-isang uminom hangang sa malasing siya at hindi na makatayo sa kalasingan.
Natigil lang siya sa pag-inom nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya 'yun nang hindi tinitingnan ang caller.
"Yes," sagot niya.
"Wait— are you drunk?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Wala kang pakialam, sino ka ba, huh?"
"Hey, this is Khenzo. What the hell happened to you? Why are you drinking alone?"
"None of your business."
Napailing ang nasa kabilang linya. "Okay. Wait for me I'll save your ass."
Pagkatapos nitong ibaba ang linya nagpatuloy na siya sa pag-inom niya at wala pang kalahating oras nang dumating si Khenzo.
"Hey, what happened?" tanong nito sabay upo sa harap niya at dahil nakaupo sila sa sahig napansin nito ang mga makalat niya.
"Woah ito na ba ang bagong payatas ngayon?" sarkastikong nitong sabi saka naiiling na kumuha ng beer sa ref niya. "Magkuwento ka na."
"I can't tell you what happened."
"Why not?" kunot noong tanong nito.
"Can't right now, maybe tomorrow."
Sumama ang mukha ni Khenzo. "Tomorrow?"
"Yes, ayoko pang makuwento sa ngayon."
"Okay."
Mabuti na lang at nakinig ito sa kaniya at hindi na siya pinilit. Hindi pa talaga niya kayang malabas ng saloobin niya pero kailangan na niyang nag-desisyon. Kailangan na niyang mamili. Patawarin siya ng kaniyang mga magulang pero pipiliin niya ang alam niya magpapasaya sa kaniya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ganda naman.Worth reading.
12/12/2024
0jovcgocdjpobbbogfxbdyzjczvxjglhkbgivhklpjvffnollgvgtflpj hfdsbplvfsdkobgflonhgkpjhtrmokjhhlpnbhfjplhghibdosdv tepzxbxodhjgfosoejejwueijwueueueueueueeueueueueueueueueueueueueuueueueeueueueueueueueueueueyeueueueujdhdjdhriaosjakdidbsjochdndkdojsjdignensj by nejigusjdhgnK she's Fjjkdjujsjfurjsj cc ejdjxjosojdjeskjm do ixujau see u gf eicudnsnZkfjjxjjdi the wj address shxbnxfnfj wag rjjdjdjdjdjdjxdjjdndkmxnnfnffndbfhdbdhfbdbdbdhdbdhdbbddndndbdjdkchrndhdidindbrmdodjfbdndjtjfnsjuxdjndjrjdjdkrnndppwpemk
07/12/2024
0kkbv
26/10/2024
0Tingnan Lahat