CHAPTER 24

NANG mawala si Grey sa paningin ni Faye saka pa lang niya pinakawalan ang luhang kanina pa niya gustong kumawala sa mga mata niya.
Akala yata ng Grey na 'yun hindi niya nakita ang ginawa nito. Ang kapal talaga ng mukha.
Nang makita niya itong kayakap si Celine, gusto na niyang lumabas at sabunutan ito pero hindi niya ginawa dahil alam naman niyang wala siyang laban dito. Dating asawa lang siya nito. Wala siyang laban sa first love ni Grey. Talong-talo na siya kaya para saan pa ang paglaban kung alam mong talo ka na.
Nagpanggap na lang siyang tulog hanggang sa mawala ang magulang niya sa kaniyang kuwarto ngunit hindi siya nakatiis. Hindi niya napigilan ang sarili na sigawan si Grey. Galit na galit siya rito.
Kahit nahihilo at masama ang pakiramdam, bumangon siya upang mag-banyo. Humawak siya sa pader upang suportahan ang sarili ngunit bago pa siya makapasok sa loob ng banyo, natumba na siya.
Napasigaw siya sa sakit. "Ahhh!"
Nakapikit na tumayo siya pero hindi niya talaga kaya. Pipikit na ang mata niya dahil sa antok pero kailangan niyang mag-banyo. Gusto niyang mag-banyo.
"Faye!" Mabilis na pumasok si Grey sa kuwarto ni Faye nang marinig nito ang sigaw ng asawa. "Are you okay?"
Hindi nagawang magsalita ni Faye dahil hilong-hilo na siya kaya hinayaan na lang niya itong alalayan siya papasok sa banyo.
Nang matapos siyang mag-banyo hindi niya inaasahang makikita pa rin niya si Grey sa labas ng pinto.
"Why are you still doing here?" sinamaan niya ito ng tingin. "Lumabas ka na!"
"Faye, I just want to help you."
"I don't need your help. Just leave me alone!" sigaw na naman niya sabay higa sa kama at talukbong ng kumot. "Leave!"
Bumuntong-hininga si Grey bago lumabas pero nanatiling itong nakatayo sa labas ng pinto. Ilang minuto din siyang nakatayo doon hanggang sa mangalay siya. Naupo siya at hindi namalayang nakatulog sa sahig. Nagising na lang siya ay umaga na. Agad siyang napatingin sa pinto ng silid ni Faye.
"Is she awake now?" Napabuntong-hininga siya saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Bahala na kung magagalit ito sa kaniya. Kailangan niyang masiguro na okay lang ito. Ngunit bago pa niya mabuksan ang pinto tinawag na siya ng kambal.
"Daddy!" sigaw ng dalawa.
"Daddy, dito ka po natulog?" tanong ni Samantha matapos siya nitong halikan sa pisngi.
"Yes, baby. Kailangan kasing bantayan ni Daddy si Mommy."
Kumunot ang noo ni Samuel. "Bakit po?"
"Basta baby," ginulo niya ang buhok nito saka inakay pababa ang dalawa. "Let's go downstairs and make Mommy breakfast in bed."
"Yey! Sige po!"
Napangiti siya dahil isang ngiti lang ng dalawa gumagaan na ang pakiramdam niya at habang naghahanda siya ng almusal ni Faye pumasok ang ina nito na may ngiti sa labi.
"Para kay Faye ba 'yan?" tanong nito.
"Opo sana," mahinang aniya.
"Oh bakit parang malungkot ka?" seryosong tanong nito.
"Wala naman po." Nahihiya siyang umamin dito. Alam naman niyang napatawad na siya ng mga ito pero sa tuwing maaalala niya ang ginawa sa anak nito, nalulungkot siya. Hindi niya maiwasang paulit-ulit na sisihin ang sarili.
"Grey..." Tila nahihinuha na nito ang problema niya. "Alam kong nagbago ka na at nagsisisi ka na sa ginawa mo sa anak ko pero sana huwag kang sumuko na suyuin ang anak kong si Faye. Ganyan lang 'yan ngayon pero alam ko na sa bandang huli kayo pa rin ang magkakatuluyang dalawa."
Ngumiti si Grey sa biyanan. "Sana nga po."
"I know it will."
"Yeah and don't worry about me. I can handle myself just fine."
"Okay. If you say so." Tumingin na lang ito sa dalawang bata na tahimik na nakamasid sa kanila. "Kayong dalawa, anong gusto niyong breakfast? Hindi kayo maaasikaso ng Mommy niyo ngayon dahil siguradong masakit ang ulo no'n."
"Eggs and hotdogs po," mabilis na tugon ng dalawa.
"Okay, got it." Pagkatapos no'n ay inumpisahan na nitong magluto para sa kambal habang siya naman ay pinag-patuloy na ang almusal na ginagawa para kay Faye.
Nang matapos siya sa paghahanda nagpaalam na siya sa ina ni Faye at sa kambal.
"Dalhin ko lang 'to kay Mommy babies ha."
Sabay na tumango ang dalawa. "Okay po."
Nang makitang okay na ang dalawa, dumiretso na siya sa kuwarto ni Faye. Nakita niya itong natutulog pa kaya naman nilapag niya muna ang dalang mga pagkain para dito.
Napatingin siya sa maamo at magandang mukha ni Faye na hanggang ngayon ay hindi niya maiwasang isipin kung gaano siya katanga para iwanan ito at ipagpalit. Hindi lang ito basta maganda. Mabait at mapagmahal din ito lalo na sa pamilya nito na siyang hindi niya nakita noon. Naging bulag siya sa pagmamahal niya kay Celine na akala niya ay totoo na ngunit hindi pala.
Sa kakatitig niya kay Faye, hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha sa mata niya. Pinunasan niya 'yun at ng muli niyang tingnan ang asawa, gising na ito.
"What are you doing here?"
Pinakalma ni Grey ang sarili saka tumayo at inabot ang mga dalang pagkain. "Here. I made you some breakfast in bed."
Napatingin si Faye sa mga pagkain at hindi makapaniwalang tiningnan si Grey. "Ano 'to? Peace offering?"
"Yes." Seryosong tumitig si Grey kay Faye. "I know you hate me but I'm not planning on letting you go this time."
Nag-iwas ng tingin si Faye. "Okay. Just leave it there."
"R-Really...?" hindi makapaniwalang tugon ni Grey. "Okay. Eat well."
Mabilis na lumabas ng silid si Grey habang si Faye naman ay hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Grey.
Bumuntong-hininga si Faye saka maingat na bumangon para maligo at ng mahimasmasan siya. Medyo nahihilo pa rin siya at masama ang pakiramdam pero mas maayos na siya ngayon kaysa kagabi.
Kahit ayaw ni Faye, kinain pa rin niya ang hinanda ni Grey dahil nagugutom na siya. Tinatamad siyang bumaba kaya wala siyang choice kundi ang kainin 'yun.
Habang kumakain maraming senaryo ang pumapasok sa isip niya. Paano nga kaya kung patawarin niya si Grey? Magiging masaya ba siya? Mabubuo na ba ang pamilya na matagal niyang pina-pangarap.
Hindi naman lingid sa kaalaman niyang nagbago na ito dahil nakikita naman niya 'yun. Pero 'yung nakita niya kagabi ang siyang nagpapa-gulo sa isip niya. Ang totoo gusto na niya itong bigyan ng second chance dahil gusto niyang sumaya ang mga anak niya pero sa tuwing maiisip niya na si Celine pa rin nag mahal nito, nasasaktan na siya. Kahit pa sabihin nitong wala na sila ni Celine, hindi pa rin siya nakakampante. Natatakot pa rin siyang sumugal. Hindi na niya kayang masaktan pa ulit sa ikalawang pagkakataon. Kailangan niya munang makasiguro na siya na talaga ang mahal ni Grey. Ayaw niyang maging second option lang nito dahil may anak sila.
Nang matapos kumain saka pa lang siya bumaba para kamustahin ang mga anak na hindi na niya naasikaso dahil tinanghali na siya ng gising.
Ngunit agad din siyang natigilan nang makita ang mga anak at si Grey na masayang naglalaro sa labas ng bahay. Hindi niya maiwasang mapangiti sa nakikita dahil ito 'yung pangarap niya para sa mga anak. Ang maramdaman na mga ito na may tatay sila.
"Maganda ba ang tanawin, anak?"
Napalingon si Faye sa kaniyang ina na siyang nagsalita. "Mom..."
"Anak, wala na ba talagang pag-asa na magkaayos kayo ni Grey?"
Nagbaba ng tingin si Faye saka pabuntong-hiningang tiningnan muli ang mga anak na naglalaro kasama ng ama nito.
"I don't know, Mom. I'm scared. Paano kung ginagawa niya lang 'to dahil gusto niyang makuha sa akin ang mga anak ko? Mom, ayokong mangyari 'yun."
Huminga ng malalim si Sabina, ina ni Faye. "Anak, kung ganon nga sana noon pa niya 'yun ginawa." Hinawakan siya ng ina sa magkabilang-balikat. "Kung talagang ang anak niyo lang ang habol niya, sana hindi na siya naghintay ng maraming taon. Faye, limang taon siyang naghintay. Limang taon siyang nagsisi at hanggang ngayon ay patuloy na nagsisisi sa mga kasalanang nagawa niya."
"But I still don't believe him," aniya saka nag-iwas ng tingin.
"Faye, kung wala siyang nararamdaman sa 'yo noon hindi siya magseselos ng gano'n kay Gab."
Nangunot ang noo ni Faye sa sinabi ng ina. "What? Nagseselos? That's impossible!"
"Trust me. He is."
"No."
Umiling ang ina ni Faye. "Kung gano'n paano mo ipapaliwanag sa akin ang nangyari sa inyo ni Grey. Hindi ba't may nangyari sa inyo dahil nagalit siya ng makita niya kayong magkasama ni Gab. Sa tingin mo, gagawin ba 'yun ni Grey kung wala siyang nararamdamang pagmamahal para sa 'yo? Alam ko, iniiisip mo na mali ang ginawa ni Grey sa 'yo dahil pinilit ka niya pero hindi 'yun mangyayari kung wala siyang nararamdaman."
"Mom..." Hindi na niya malaman ang sasabihin. "He was drunk that night—"
"And you're not." Putol nito sa sasabihin niya. "You let him touch you in any way."
Natigilan si Faye. "B-Because I..."
Napangiti si Sabina. "Because you love him. Even if you don't like it you let him."
Kumuyom ang kamao ni Faye. "Then what should I do?" aniya sabay tingin sa ina. "I'm confused, Mom. I don't know what to do."
"Let your heart decide." Hinawakan nito ang dibdib niya kung saan naroon ang puso niya. "Kung anong tinitibok nito, kung anong nilalaman ng puso't isip mo, 'yun lang ang susundin mo. Wala ng iba."
Kanina pa sila nakapag-usap ng Mommy niya pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin si Faye. Iniisip ang mga napag-usapan nila ng ina. Naguguluhan pa rin kasi siya at hindi siya makapag-isip ng tama. Pero sa totoo lang, itong puso niya malapit ng bumigay. Masyado siyang marupok pagdating kay Grey. Alam niya 'yun sa sarili.
"Faye..."
Napalingon si Faye at doon nakita niya ang pawisang si Grey na papalapit sa kaniya.
"Sorry... I need to go." Mabilis na tumakbo siya palayo habang hawak ang dibdib na sobrang bilis ng tibok. Bigla siyang kinabahan ng makita itong papalapit sa kaniya. Talagang kahit matagal na silang hindi magkasama malakas pa rin ang epekto nito sa kaniya. Amoy pa lang ay naaakit na siya. Siguro nga tama ang ina niya. Walang mangyayari sa kanila kung walang pagmamahal na involved.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Ramil Ngitngit

    Ganda naman.Worth reading.

    12/12/2024

      0
  • avatar
    Canuel AntolinClarisa

    jovcgocdjpobbbogfxbdyzjczvxjglhkbgivhklpjvffnollgvgtflpj hfdsbplvfsdkobgflonhgkpjhtrmokjhhlpnbhfjplhghibdosdv tepzxbxodhjgfosoejejwueijwueueueueueueeueueueueueueueueueueueueuueueueeueueueueueueueueueueyeueueueujdhdjdhriaosjakdidbsjochdndkdojsjdignensj by nejigusjdhgnK she's Fjjkdjujsjfurjsj cc ejdjxjosojdjeskjm do ixujau see u gf eicudnsnZkfjjxjjdi the wj address shxbnxfnfj wag rjjdjdjdjdjdjxdjjdndkmxnnfnffndbfhdbdhfbdbdbdhdbdhdbbddndndbdjdkchrndhdidindbrmdodjfbdndjtjfnsjuxdjndjrjdjdkrnndppwpemk

    07/12/2024

      0
  • avatar
    Andrea

    kkbv

    26/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata