CHAPTER 21

NAGISING si Faye sa pakiramdam na parang may humahalik sa kaniya. Nakikiliti siya sa pakiramdam na 'yun kaya wala siyang nagawa kundi imulat ang mga mata.
Bumungad sa kaniya ang nakangiting si Samantha. Kay sarap sa pakiramdam na mayroon kang anak na gumigising sa 'yo. Isang anak na alam mong hindi ka iiwan sa oras ng kagipitan. Isang pamilya na makakaramay mo sa lahat ng bagay.
Bigla siyang nalungkot nang maalala ang napag-usapan nila ng magulang. Napabuntong-hininga siya bago kinausap ang anak.
"Good morning, baby!"
"Mommy, wake up na po!"
"Bakit ang aga naman gumising ng baby ko."
"Mommy let's go downstairs we have a visitor," sabi nito at pilit siyang hinila patayo.
"Teka lang anak magbibihis muna si Mommy." May bisita sila tapos nakapantulog lang siya. Nakakahiya naman sa bisita. "Anak, maghihilamos muna si Mommy."
"Okay na po 'yan, Mommy. You still pretty pa rin naman kahit walang hilamos."
Napanguso siya sa sinabi ng anak. "Sino ba itong bisita natin? Tinanong niyo ba ang pangalan?"
"Yes and we know him, Mommy. He's the guy from yesterday."
"Yesterday? You mean Will?" kunot ang noong tanong niya.
"Yes, Mommy. And he wants to talk to you."
Wala na siyang nagawa kundi ang magpahila sa anak. Masyado itong mapilit kaya nagpaubaya na lang siya. Nakasalubong pa nila si Samuel na paakyat sa hagdanan.
"Hi, Mommy. Good morning." Lumapit ito sa kanila at humalik sa pisngi niya. "Mommy our visitor is waiting for you. Nasa garden na po siya. Hindi daw po siya aalis hangga't hindi kayo nag-uusap." After that, umalis na ito at isinama pa si Samantha. Maglalaro na daw sila.
Talagang iniwan na siya ni Samantha. After draging her here, iiwan lang siya. Talagang batang 'yun.
Pero ang nakapagtataka. Bakit gusto siyang makausap ni Will? Anong kailan nito sa kaniya? Bakit ito nandito?
Sino ba kasi si Will?
Kagaya ng sinabi ni Samuel nagpunta siya sa garden kung saan naroon daw ang bisita. Nakita naman niya ang bisitang sinasabi ng anak niya. Nakatayo ito patalikod sa kaniya ngunit kahit gano'n ay tila nakikilala niya ito. Hindi siya maaaring magkamali. Isa lang ang alam niyang may ganoong tindig.
Anong ginagawa nito dito? Ibig bang sabihin, siya si Will na tinutukoy ng mga anak niya.
Magsasalita na sana siya nang humarap sa kaniya ang lalaki at doon nakumpirma ang hinala niya. Kaagad na kumuyom ang kamao niya. Matagal silang nagkatitigan bago magsalita si Grey.
"Faye..." anito ng nakangiti. "I missed you."
Mapakla siyang tumawa. "Huwag na tayong maglokohan dito. Ano ba talagang ginagawa mo dito?"
"Well, tumawag ang dalawang bata sa akin. Gusto daw nila akong ipakilala sa 'yo."
"What?" Pero sa mukha nito mukhang alam na nitong siya ang ina ng kambal.
"But instead of that I want to apologize for everything I did to you. I know it’s all too late but I still want to apologize."
Gustong matawa ni Faye sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Ano bang nakain ng isang 'to at humihingi ng tawad. Sa pagkakaalala niya, ginawa na nito 'yun five years ago pero wala naman itong ginawa at hinayaan pa rin siyang umalis.
"Faye, nandito ako para makipag-ayos."
Kumunot ang noo niya. "Makipag-ayos? Sa pagkakatanda ko kasi matagal na tayong tapos. Hiwalay na tayo, you file an annulment, remember? So ano pang aayusin natin?"
"Yes, but we can start all over again for our children."
For their children? Nakikipag-ayos lang ba ito dahil may anak sila? 'Yun ba ang ibig sabihin nito.
"Ayoko," matigas at may diing aniya. "Umalis ka na."
"Faye..." Hinawakan siya nito sa braso. "Please listen."
Mariing ipinikit ni Faye ang mga mata. "Ayoko sabi. Tigilan mo ako."
Nagpumiglas siya sa hawak nito pero dahil mahina siya, hindi siya makawala. Niyakap siya nito mula sa likuran saka bumulong. "Faye, I'm serious. Gusto kong magsimula tayo ulit. Iyong masayang pamilya kasama ng mga anak natin. Ayaw mo ba silang sumaya?"
Nangilid ang luha sa mata ni Faye. Gusto niyang itong sagutin at sabihing umalis na ito pero mas nangibabaw ang sakit sa dibdib niya kaya umiyak lang siya ng umiyak habang yakap nito.
"Forgive me, Faye. Promise I won't hurt you again. Nagsisisi na ako. Patawarin mo ako." Naramdaman niyang tumulo ang luha nito dahil magkadikit lang ang mga pisngi nila pero hindi siya madadala sa mga luha nito. "Napatawad na ako ng parents mo, ikaw na lang ang hindi. Pero kahit gaano katagal akong maghintay, maghihintay ako. Mapatawad mo lang ako."
Kung gano'n talaga ngang napatawad na ng magulang niya si Grey. Napapikit siya nang maisip na maaaring ito ang dahilan kung bakit sila umuwi ng pilipinas. Kung alam lang niya, hindi siya uuwi.
Ngunit sa kabila ng inis na nararamdaman niya ngayon, nangibabaw pa rin ang emosyon niya. Hindi niya mapigilan ang maluha. Aminim man niya o hindi ito pa rin ang mahal niya. Mahal na mahal pa rin niya ang dating asawa.
"Alam mong sinabi ko sa 'yo noon na nagsisisi na ako. At kahit paulit-ulit kong sabihin sa 'yo na nagsisisi na ako, gagawin ko pa rin. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako."
Pilit niyang pinupunasan ang luhang naglalandas sa pisngi niya ngunit kahit anong gawin niya ay kusa pa rin iyong tumutulo. Bakit ba ini-iyakan niya na naman ang lalaking ito.
Nag-iwas siya ng tingin para hindi nito makita na umiiyak siya ngunit dahil nakayakap ito sa kaniya mabilis nito 'yung nakita. Mula sa likuran hinawakan nito ang pisngi niya at mahigpit na niyakap mula sa likuran.
Napayuko siya. Please stay away.
"Faye," bulong nito. "Hindi mo ako kailangang patawarin ngayon. Gusto ko lang kayong makasama ng mga anak natin. Hindi na kita sasaktan, pangako."
Ang galing lang, noon ayaw na ayaw nito sa anak niya. Ngayon may lakas na ito ng loob na tawaging 'anak' ang anak nila.
Tinulak niya ito palayo sa kaniya bago muling hinarap. "You're confusing me?" Talagang naguguluhan siya. "Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Kung gusto mong makasama ang kambal, fine payag na ako. Pero hanggang doon lang ang kaya kong ibigay."
"I understand pero hindi ako titigil. Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako napapatawad because I want us to be together again."
"What?" Ano bang sinasabi nito? "You have Celine, remember?"
"Hiwalay na kami, matagal na." Mabilis nitong paliwanag.
Nagulat siya sa kaalamang 'yun. Nagsasabi ba ito ng totoo o niloloko na naman siya nito. Ang hirap paniwalaan ng sinasabi nito. Si Celine ang pinag-uusapan nila dito. Ang babaeng kulang na lang ay patayuan nito ng rebolto sa sobrang pagmamahal ni Grey sa babaeng 'yun.
Tumango-tango siya. "Kung gano'n, lumalapit ka lang sa akin dahil wala na kayo ni Celine. Wala ka na bang ibang mahanap bukod sa akin."
"What? No. Of course not."
"Okay," pagsuko niya. "If you say so, pero hindi pa rin ako naniniwala sa 'yo. Hindi kita kayang patawarin."
"I understand, but I can wait. Handa akong maghintay, even if it takes forever, mapatawad mo lang ako. Gusto kong patunayan sa 'yo na nagbago na talaga ako."
"Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Yes," seryosong sabi nito.
"Hindi mo naman siguro balak kunin ang mga anak ko?" Gusto niyang malaman dahil ngayon pa lang natatakot na siyang mawalay sa mga anak niya.
"No, just like what I've said. Gusto kong magkaayos tayo. Gusto kong mabuo ang pamilya natin. Gusto kong gumising sa umaga na kayo ang nakikita."
Umiling siya. Hindi pa rin naniniwala. "No. Huwag mo akong pinagloloko. Alam ko namang ayaw mo sa akin. Pati nga anak ko hindi mo matanggap 'di ba? Kasi gago ka. Iyong sa airport, hindi ako naniniwala do'n. Sa lahat ng sinabi mo, wala akong pinaniwalaan do'n. Sinungaling ka. Huwag mo akong pinapaikot dahil alam kung gusto mo lang kunin ang mga anak ko."
"Hindi ko sila kukunin sa 'yo at kung kukunin ko man sila, sisiguraduhin kong kasama ka. Gusto kong ayusin ang pamilya natin, please maniwala ka naman sa akin."
Hindi daw kukunin. Gago! Alam niyang may iba pa itong plano.
"Umalis ka na." Tumalikod siya at aalis na sana nang pigilan siya nito sa braso.
"Please don't leave me," niyakap na naman siya nito mula sa likuran. "I love you."
Natigilan at nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi nito. Biglang siyang napaharap kay Grey. Ngunit isang pagkakamali na humarap siya dito.
Naglapat ang mga labi nila at tila kinapos siya ng hininga nang maramdaman ang malambot nitong labi na nakalapat sa labi niya. Pinangiliran siya ng luha dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman niya. Parang bumabalik siya sa dati na mahina at walang magawa kundi ang umiyak.
"I love you," bulong nito nang maghiwalay ang mga labi nila. "Mahal kita Faye. Totoo 'yun walang halong biro. Mahal talaga kita. Alam ko hindi kapani-paniwala pero totoo. Alam kong napakagago ko dahil na-realize ko lang na mahal kita kung kailan wala ka na. I'm so sorry, please give me a second chance. Patutunayan ko sa 'yung nagbago na ako. Mahal na mahal kita. Hindi na ako iyong dating nakilala mo. Kaya na kitang panindigan and this time, hindi na kita sasaktan. Just please, give me one more chance." Hinawakan siya nito sa pisngi at wala siyang nagawa upang pigilan ito. Masyado siyang nadadala sa mga sinasabi nito. "Please believe me, hindi ko na uulitin ang ginawa kong pagtataboy sa inyo ng mga anak natin noon. Mahal kita, Faye."
Bakit ngayon lang? Bakit kung kailan tanggap na niyang wala na siyang aasahan dito?
Tuluyan na siyang napa-iyak. Hindi niya mapigilan ang sarili. Naiinis siya dahil kahit anong gawin niya mahal pa rin niya ito.
"B-Bakit ngayon lang ha?" pinagbabayo niya ang dibdib nito habang ito ay nakahawak pa rin sa kaniyang pisngi. "Kung mahal mo ako, bakit ngayon lang? Napakawala mo talagang kwenta!" Nang maubos ang lakas, tumigil na siya sa ginagawa. Niyakap na lang siya nito at hinayaang umiyak sa dibdib nito. "W-Wala kang kwenta." Bulong niya.
"I know and I'm so sorry."
Hindi na siya sumagot. Umiyak na lang siya nang umiyak sa dibdib nito.
"Mommy!"
Agad siyang kumalas sa yakap ni Grey nang marinig niya ang boses ng isa sa kambal. "Mga anak..."
"Why are you crying Mommy?" Lumapit ito sa kanila saka muling nagtanong, "Mom, why are you crying?" Ulit nito.
"Why are you crying Mommy? Inaaway ka po ba ni Tito Will?" tanong naman ni Samantha. "Pina-iyak ka po ba niya?"
"No baby..." Lumayo siya kay Grey at nilapitan ang dalawang anak. "Anak, ano kasi..."
Paano ba niya sasabihin. nahihirapan siya. Dapat na ba niyang sabihin sa dalawa na ito ang kanilang ama. Nagtatalo ang puso't isip niya pero mukhang ito na ang tamang pagkakataon na hinihintay niya. Kailangan na niyang sabihin ang totoo. Nahihirapan na rin siyang itago sa sarili ang buong katotohanan.
"Mga anak..." Huminga siya ng malalim. "Hindi ba nangako si Mommy sa inyo na ipapakilala ko kayo sa Daddy niyo?" aniya na kinagulat ng ng mga anak niya. "Gusto niyo 'yun 'di ba?"
Tumango ang dalawa. "Yes po."
Kahit hirap na hirap pinilit niya ang sariling magsalita at ipagpatuloy ang nasimulan. "Mga anak..." Tiningnan niya si Grey saka ito dahan-dahang itinuro. "Siya..." Turo niya kay Grey. "Siya ang Daddy niyo," nakapikit na sabi niya. "Siya si Willard Grey Dela Vega, ang Daddy niyo."
Nang imulat niya ang mga mata nakita niya ang pagbabago sa mukha ng kambal ngunit hindi iyon tulad ng inaasahan niya. Wala siyang makitang saya sa mukha ng kambal. Bakit? 

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Ramil Ngitngit

    Ganda naman.Worth reading.

    12/12/2024

      0
  • avatar
    Canuel AntolinClarisa

    jovcgocdjpobbbogfxbdyzjczvxjglhkbgivhklpjvffnollgvgtflpj hfdsbplvfsdkobgflonhgkpjhtrmokjhhlpnbhfjplhghibdosdv tepzxbxodhjgfosoejejwueijwueueueueueueeueueueueueueueueueueueueuueueueeueueueueueueueueueueyeueueueujdhdjdhriaosjakdidbsjochdndkdojsjdignensj by nejigusjdhgnK she's Fjjkdjujsjfurjsj cc ejdjxjosojdjeskjm do ixujau see u gf eicudnsnZkfjjxjjdi the wj address shxbnxfnfj wag rjjdjdjdjdjdjxdjjdndkmxnnfnffndbfhdbdhfbdbdbdhdbdhdbbddndndbdjdkchrndhdidindbrmdodjfbdndjtjfnsjuxdjndjrjdjdkrnndppwpemk

    07/12/2024

      0
  • avatar
    Andrea

    kkbv

    26/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata