CHAPTER 20

TUWANG-TUWA ang kambal nang makakain ang mga ito sa paborito nitong fast food. Habang si Grey naman ay nakangiting nakatitig lang sa dalawa. Hindi niya akalain na makakasama niya ang mga anak niya sa araw na 'yun. Hindi man alam ng mga ito na siya ang tatay na hinahanap nila, masaya na rin siya na nakasama niya ang dalawa kahit sandali lang.
Pagkatapos nito hindi niya alam kung kailan niya ulit makakasama at makikita ang dalawa pero sana pagbigyan siya ni Faye na makasama pa ang anak.
"Tito Will, salamat po sa libre ah," puno ang bibig na sabi ni Samuel. Natawa na lang si Grey sa itsura ng anak.
"Wala 'yun," nakangiting aniya. "Kahit anong gusto niyo ibibigay ko." Napatingin ang dalawa sa kaniya na ipinagtaka niya. "Bakit?"
"Ang bait niyo naman po pala," ani Samantha. "Sana kayo na lang po tatay namin pero kung kayo ang tatay namin ibig sabihin ikaw ang nanakit kay Mommy namin."
Natigilan si Grey at hindi nakapagsalita. Guilty siya dahil totoong sinaktan niya ang ina ng mga ito. Pero nagbago na siya. Hindi na niya ulit gagawin 'yun.
Hanggang sa matapos kumain ang dalawa at maisakay niya ang mga ito sa sasakyan niya iyon pa rin ang nasa isip ni Grey.
"Tito Will?" Tawag ni Samantha sa kaniya nang papunta na sana siya sa driver seat.
"Yes, baby?" Baling niya sa dalawang bata.
"Can I hug you po?" ani Samantha na sinundan naman ni Samuel.
"Oo nga po, pwede pa hug."
"Sure. Why not." Binuka niya ang mga braso bago niyakap ang dalawa. At nang mayakap niya ang dalawa nakaramdan siya ng kakaibang saya sa puso niya. Gusto niyang maiyak na tuwa dahil nayayakap na niya ang dalawa. Matagal niyang hinintay na mayakap ang mga ito kaya naman sobrang saya niya.
"Why are you crying, Tito Will?"
Pinahid niya ang basang pisngi saka nakangiting niyakap ulit ang dalawa. "Masaya lang ako dahil kasama ko kayo."
Nagtaka ang dalawang bata kaya muling nagtanong si Samantha. "Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Don't mind me," pilit na ngumiti siya. "Mabuti pa ihatid ko na kayo. Sa susunod na lang natin hanapin ang Daddy niyo."
"Kailan po natin hahanapin si Daddy?" tanong ni Samuel.
"Next time baby. Hapon na kasi. Baka nag-aalala na ang Mommy niyo. But don't worry, you can call me anytime you want so we can look for your Dad." May inabot siyang calling card. "Here's my number. Call me, okay?"
The card is fake. It only show his number but not his full name.
"Okay po." Mabilis na tinago ng dalawa ang card saka nakangiting umayos ng upo.
"Okay. Good. Fasten your seatbelt then we're off to go."
Tumalikod na siya at mabilis na pumunta sa driver seat para ihatid ang dalawa pero bago 'yun tinanong niya muna ang mga ito kung saan niya ito ihahatid dahil baka magtaka ang mga ito na alam niya ang daan kung saan ang bahay ng parents niya.
"Sa bahay po ni Lola, parents ng Daddy namin," ani Samuel saka nito sinabi ang address na alam naman na niya.
"Okay. Let's go."
Tahimik ang dalawa habang nasa biyahe sila pero napapansin niyang panay ang bulungan ng dalawa na hinayaan na lang niya.
Nang makarating sila sa bahay ng magulang niya agad niyang pinag-buksan ng pinto ang dalawa.
"Thank you po," sabi ng dalawa saka mabilis na pumasok sa loob.
Pinanood niya ang dalawa na pumasok pero hindi siya sumunod. Naghintay siya ng ilang minuto bago pumasok dahil may pakiramdam siyang nasa loob ng bahay si Faye. Alam niya sa sarili na matagal na siyang handang makita at makausap ito pero ngayon hindi niya magawang harapin si Faye. Lalo na at nakasama niya ang anak nila. Sigurado siyang magagalit ito sa kaniya.
Naghintay na lang siya sa labas hanggang sa marinig niya ang boses ng kambal na sinalubong ni Faye.
Kumuyom ang kamao niya sa kagustuhang daluhan ang mag-iina niya. Gustong-gusto niya ng ipakilala ang sarili pero kailangan niyang isipin ang mararamdaman ni Faye at ng nga bata. Hindi pwedeng sarili niya lang ang isipin niya.
"Mommy!" sigaw ng dalawa na agad namang niyakap ni Faye nang makalabas ito ng bahay. Kasunod nito ang magulang na nakahinga ng maluwag nang makitang maayos na nakauwi ang kambal.
"Goodness. Saan ba kayo nanggaling? Bakit kayo umalis ng hindi nagpapaalam? Alam niyo ba kung gaano ako nag-alala sa inyo ha?" Maluha-luha si Faye habang sinasabi 'yun sa mga anak na nakatingin lang sa ina na lumuluha.
"Sorry Mommy..." Niyakap ng kambal ang ina saka mahinang hinagod ang likod ng nito. "Hindi na po mauulit."
Humiwalay si Faye sa dalawa saka nagtanong, "Sabihin niyo nga kay Mommy. Bakit ba talaga kayo umalis?"
"Hinanap namin si Daddy," napayuko si Samantha nang sabihin nito 'yun gano'n din si Samuel.
"W-What..." Hindi makapaniwala si Faye sa narinig. Gano'n na ba kagusto ng mga anak niya na magkaroon ng Daddy, para umalis ito ng walang paalam. Hindi na ba siya sapat para sa mga ito. Nagkukulang na ba siya? Saan siya nagkulang? "P-Pero bakit? Bakit niyo siya kailangang hanapin? Ayaw niyo na ba kay Mommy."
"Mommy, no! We love you!" ani Samuel.
"Then why?" Hindi na niya mapigilan magtaas ng boses. Kasi nakakainis eh. Bakit ba palagi na lang si Grey ang bida.
"Mommy galit ka po ba sa amin?" natatakot na tanong ni Samantha. Natauhan naman si Faye sa ginawa niyang pagsigaw.
"No. No baby." Agad na hinawakan ni Faye ang pisngi ng dalawa. "I'm not mad at you. I'm just worried about you two. You've made me worried. That's why I'm mad at myself."
"Hindi po kayo magagalit kung sasabihin naming nakipag-usap kami sa stranger at sumama?"
Nangunot ang noo ni Faye sa sinabi ni Samuel. "You what? You talk to stranger?"
"Yes, Mommy. But don't worry Mommy. He's nice. He even bought us food and drove us home."
"Who is this guy so I could thank him for bringing you here."
"His name is Will Mommy," Samantha cheerfully said while clapping her hands.
"Will, you say?" Mas lalong nagtaka si Faye. Sino ba ang lalaking 'yun? Hindi niya maintindihan ang pakiramdam pero nang mabanggit nito ang pangalang Will si Grey agad ang unang pumasok sa isip niya.
"Yes and I think he's still outside so let's go, Mom. Let's thank him." Hinila ni Samuel ang ina palabas kaya naman hindi na malaman ni Grey ang gagawin nang makitang palabas na ang tatlo.
Kaya bago pa siya makita ng mga ito, umalis na siya. Yes, he left. Sa takot na magkita sila ni Faye, umalis siya.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang makitang malayo na siya. Hindi pa ito ang tamang oras para magkita sila ni Faye. Hindi pa. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kaniya kapag nalaman nito na siya ang naghatid sa mga bata pauwi.
NANG makarating sa may gate nalungkot ang kambal dahil hindi na nila nakita ang lalaking naghatid sa kanila.
"Where is he? I thought he's here."
Yumuko si Faye upang magpantay ang paningin nila ng anak. "It's okay, baby. Maybe he has work to do."
Habang panay ang paliwanag ni Faye kay Samuel si Samantha naman ay matiyagang nakatanaw sa sasakyan na papalayo sa kanila.
"That's his car." Turo ni Samantha sa kotseng papalayo. Tiningnan 'yun ni Faye ngunit hindi na niya iyon nakita.
Ginulo niya ang buhok ng dalawa. "Pasok na tayo sa loob. Don't worry babies sigurado naman akong magkikita pa kayo ulit."
Tumango ang dawala. "Sige po."
Bago tuluyang pumasok, muling nilingon ni Faye ang daan kung saan tinuro ni Samantha ang sasakyan ng lalaking naghatid sa dalawa.
Pinilig niya ang ulo at winaksi sa isip ang lalaking laging laman ng isip niya. Hindi. Hindi si Grey ang lalaking 'yun. Magkaibang tao sila.
Hindi rin sila nagtagal sa bahay ng parents ni Grey. Umuwi din sila agad dahil sa nangyari. Pagkatapos ng nangyari sa anak niya, hindi na niya gugustuhing umalis ito ng hindi siya kasama.
Napabuntong-hininga siya saka tahimik na nahiga sa kama. Ngunit ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya makatulog kaya bumangon siya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Pabalik na siya sa kuwarto nang makita niya ang ina na pababa ng hagdan.
"Mom!" Tawag niya sa ina.
"Oh Faye bakit gising ka pa?"
"I can't sleep," pag-amin niya sa ina saka napabuntong-hininga. "I was so stress lately."
"Stress of what?" nakangising tanong ng kaniyang ina na kina-iling niya.
"Just stress, Mom." Bumuntong-hininga siya. "Habang tumatagal, mas lalong humihirap ang sitwasyon ko. Dahil sa totoo lang, takot na takot akong magkita si Grey at mga anak ko. Iniisip ko pa lang na magkikita sila, natatakot na ako. What if kunin niya sa akin ang mga bata? Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. I know I've been selfish but that's what I'm feeling right now."
Her mother sighed. "Anak, isa lang naman ang solusyon diyan sa problema mo eh. Patawarin mo si Grey and be free to your painful memories."
"Mom. I can't do that. I hate him," mariing aniya.
"You have him? Really?" Umiling ito sa kaniya. "Or you still love him?"
"Mom. I already told you Mom that it doesn't matter anymore. But yes, I still love him but I can't just forgive him."
"I understand." Tumango ang ina niya. "Sorry, anak. I just want you to be happy again."
"But I am happy." Hindi niya maintindihan ang ina. Bakit ba okay na sa mga ito ang nagawang pananakit sa kaniya ni Grey. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang ginawa ni Grey sa kaniya kaya wala silang karapatang sabihin na patawarin niya si Grey dahil hindi mangyayari 'yun. Kahit na kailan.
"Anak..."
Umiling siya rito. "Stop, Mom!"
"Faye, paano ang mga anak mo? Gusto nilang makilala ang tatay nila. Hindi mo ba sila kayang pagbigyan?"
"Kaya ko, kaya kong ibigay ang gusto nila, kaya nga pumayag akong makita nila ang ama nila. Pero hindi ibig sabihin no'n ay napatawad ko na siya. Because I can't forgive him." 
Kailangan niyang maging matigas dahil kung magpapadala na naman siya sa damdamin niya baka masaktan na naman siya. Ayaw na niyang mangyari ulit 'yun. Ayaw na niyang masaktan ulit pero para sa anak niya handa siyang harapin ulit si Grey kahit na mahirap at masakit ang makita ito.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Ramil Ngitngit

    Ganda naman.Worth reading.

    12/12/2024

      0
  • avatar
    Canuel AntolinClarisa

    jovcgocdjpobbbogfxbdyzjczvxjglhkbgivhklpjvffnollgvgtflpj hfdsbplvfsdkobgflonhgkpjhtrmokjhhlpnbhfjplhghibdosdv tepzxbxodhjgfosoejejwueijwueueueueueueeueueueueueueueueueueueueuueueueeueueueueueueueueueueyeueueueujdhdjdhriaosjakdidbsjochdndkdojsjdignensj by nejigusjdhgnK she's Fjjkdjujsjfurjsj cc ejdjxjosojdjeskjm do ixujau see u gf eicudnsnZkfjjxjjdi the wj address shxbnxfnfj wag rjjdjdjdjdjdjxdjjdndkmxnnfnffndbfhdbdhfbdbdbdhdbdhdbbddndndbdjdkchrndhdidindbrmdodjfbdndjtjfnsjuxdjndjrjdjdkrnndppwpemk

    07/12/2024

      0
  • avatar
    Andrea

    kkbv

    26/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata