[ Kathlyn's POV ] "Let's go, excited na ako sa magaganap ngayong gabi." aya ko sa kanila at kanya-kanyang pasok na sa sasakyan. Nakasalalay sa aking mga kamay ang magaganap sa gabing ito, engagement party ko ito at isa itong surpresa sa lahat — ako at si Mr. Saavedra lang ang nakakaalam. Hindi ko pa naririnig ang sagot niya nung sabihin ko ang deal para pumayag ako sa arranged marriage na ito. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkadesperada na maituloy ang pag merged ng dalawang company. Sinabi ko nung una iiwasan ko na si Tobias, pero mas madalas kami pagtagpuin ng madayang tadhana na pilit kaming pinagtatagpo. Pero ngayong gabi may binabalak ako na isiwalat sa lahat at gaya ng sinabi ko aayon si Mr.Saavedra, Sigurado ako kasi nasa mayamang pamilya naman ang tao na gusto ko maging katipan. I mean, Hindi ko siya gusto...ginagawa ko lang ito para paghigantihan sila. Damay lang si Tobias, malas niya. Ayoko naman talaga sa ganitong party, at ayoko rin sa engagement party na gaganapin. Pero nang dahil sa kagustuhan ko na makaganti kay Martina ay kukunin ko ang pinakamahalaga sa buhay niya. Ang lalaking mahal niya. Hindi sila dapat maging masaya, sisiguraduhin ko na walang sasaya sa mga Saavedra. Gaya ng naranasan namin ni mommy. Pinigilan ko maiyak dahil sa isiping nahirapan kami noon dahil sa pag-iwan ng butihin kong ama kuno. "Nandito na tayo, Kath!"Pukaw niya sa atensyon ko. Napalalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa mansyon ng mga Saavedra. Parang nag-aalangan ako ng makababa ako ng sasakyan. Ang lakas ng tibok ng puso ko, dahil siguro sa kaba kaya ganito. Kinakabahan ako sa mga mangyayari sa loob. Naglakad na kami papasok, nasa gitna ako ni Cai at Red. "Ang sexy talaga ng suot mo Kath, naninibago ako sayo." usal niya habang naglalakad kami papasok. Sa halip na sagutin ko siya sa sinabi ay nginitian ko na lamang at saka natatanaw ko na ang kinalalagyan ni Mr. Saavedra. "Kath,Tinatawag ka na ng daddy mo" Napakadaldal talaga ni Red, mabuti pa itong si Cai tahimik lang sa tabi ko. "Red, Cai, maiwan ko muna kayo rito." nilingon ko si Red. "Bantayan mo si Cai, ah" Paalala ko sa kanya. At dahan-dahan ako naglakad sa pwesto ng aking ama. Nakita ko ang nakakunot na noo ni Martina at ng kanyang ina. "Hello everyone!" Bati ko sa kanilang lahat, marami kasi sila sa iisang table. Napansin ko ang titig ng isang pamilyar na lalaki. Si Tobias, nanatili ang titig niya sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin at ibinaling ang atensyon sa aking ama. Sinenyasan ko siyang iannounce na ang sasabihin about sa engagement party. Naupo ako sa tapat ni Tobias at inayos ang sarili bago sumimsim ng alak na nasa aking harapan. Mariin kong pinagmasdan ang aking ama at nakita ko ang kanyang pagtayo. "Gusto ko lang na manood at makinig kayo sa anunsyo ko." Sabi niya sa amin na kasama niya sa lamesa at mabilis na naglakad siya sa harap ng stage. Nang makarating na siya sa unahan ay mabilis na kinuha niya ang atensyon ng lahat. "Magandang gabi sa inyong lahat, ang party na ito ay para sa anak ko na si Kathlyn Saavedra. Iniimbitahan ko ang aking anak na pumarito sa tabi ko at Si Tobias Crimson." Napangisi ako ng marinig ang anunsyo niya sa harapan. Bago ako tumayo ay pinagmasdan ko muna ang reakayon ng mga kasama ko sa table. Nauna ako na lumapit sa aking ama at sumunod naman si Tob. "Ang gabing ito ay para sa dalawang tao na nasa aking tabi. Kath and Tob engagement party." umalingawngaw ang salitang iyon sa buong mansyon. Nakita ko rin ang nanlalaki na mga mata ni Tobias na parang hindi niya ito inaasahan. Ang alam ko ay kinausap na ng aking ama ang father ni Tob. Sino ba naman ang hindi papayag sa merged para mas lumago ang kompanya at sa company na iyon Malaki ang share ni mommy na iniwan niya sa akin. Hindi ko rin lubos na maunawaan kung bakit ako ang gusto nilang ipakasal noon pa naman ay pinipilit na ako ni Mr. Saavedra malalaman ko rin ang sekreto sa likod nito. Sa Ngayon ay ini-enjoy ko lang na makita ang mga Mukha nilang nababaliw sa galit. Kunwari ay wala akong alam sa nangyayari kahit na meron naman. Tinanaw ko ang bulto ni Martina na papalapit sa gawi namin. Kita ko ang nanlilisik nitong mga mata na nakatingin sa akin. Pero bago pa ito makalapit sa akin ay inawat na siya ni Red. Si Red ay mataman akong tinitigan na parang hinuhusgahan ako. Well, i don't care anyway! ***** [ Martina's POV ] "What the hell!! Lolo! You know naman na Mahal ko si Tobias!" Sobrang galit ako sa nangyari sa party na iyon, hindi ko akalain na para pala iyon sa anak niyang bastarda at talagang pati ang lalaking mahal ko ay dinamay niya. This is so unfair! "I need this..." Seryosong sabi niya bago ako iniwan na wala man lang magandang rason. Bakit si Tobias pa?! Kung hindi lang ako pinigilan ni Red ay malamang na sinampal ko na ang babaeng iyon sa harap ng maraming tao. Pinuntahan ko agad si Tobias para itanong kung may alam ba siya sa lahat ng ito. "Love, Huwag kang magpapakasal sa babaeng iyon, ako ang girlfriend mo ako lang dapat." Nawawala ang maangas kong taglish na pananalita kapag ganitong seryoso na ako. Ewan bigla ko na lang masasabi ng tuloy-tuloy na tagalog ang gusto ko sabihin. "Wala akong alam sa engagement party na naganap kanina...kakausapin ko si Dad about this." "Please talk to your father now, and ask him tungkol sa engagement party." ayokong mawala siya sa akin. Handa ako makipagpatayan huwag lang siya maagaw sa akin ng nino man. Umalis siya para kausapin ang daddy niya about sa nangyari. That girl Kath name is so annoying, shes not maganda...I'm better than her. Sisiguraduhin kong Hindi matutuloy ang kasal.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang sarap pala bumasa
15/07/2024
0it's nice
13/07/2024
0❤❤❤❤❤
09/05/2024
0Tingnan Lahat