[ Kathlyn's POV ] Gigising na naman ako para lumaban sa mundo,nakakapagod na mabuhay.Nakakapagod na sa lahat. Parang kailan lang nasa ayos pa ang lahat. “Nakapag-isip ka na ba?” Tanong sa akin ni Red. Tinatanong niya kung napag-isipan ko na ba ang engagement party na inihanda ni Mr.Saavedra, dati pa naman ito ang cheap lang at sobrang makaluma na para dito. Engagement party?! Kakaumay ang ganitong sistema. Dati hindi ako sang-ayon, pero may naisip ako na alam ko hindi siya makahihindi sa gusto ko. Papayag lang ako pero may kondinsyon, Hindi siya makakahindi sa gusto ko. Ganyan naman ang lalaking yon basta para sa pag merged ng company papayag siya maski kaligayahan ng apo niya na si Martina. “Bakit ka papayag?” Gulat na sigaw ni Red, sinabi ko sa kanya ang naging pasya ko. “Ang akala ko ba, ayaw mo na pinasusunod ka ng ama mo?” Parang mas affected pa siya kaysa sa akin na ipinagkasundo. Ngumiti ako bago sumagot. “May plano ako, manood ka lang at tingnan ang reaksyon ng lahat.”Tumatawa ako papunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulo, pagkatapos ko kumuha ng maiinom pumanhik na ako sa kwarto. Hindi niya na gugustuhin pang mabuhay sa mundong ibabaw dahil sa gagawin ko. Humanda ka sa akin Martina. [ Red’s POV ] Hanggang ngayon, isang malaking katanungan parin sa akin ang mga sinabi ni Kath. Ano kaya ang ibig niyang sabihin do‘n? “Red!” Lumabas ako ng bahay dahil gusto ko mapag-isa tapos susulpot ang isang ‘to kasama pa si Esteran. “Kakapuksa ko lang sa mga garapata,akala ko napatay ko na sila.” Tinarayan ko siya bago talikuran ang mokong. Hindi pa ako nakapapasok sa loob ng bigla siyang magsalita. “Ano konek ko sa mga garapatang pinatay mo?” Nagtatakang tanong ni Jinx club. Hinarap ko siya ng nakapameywang.“Kauri mo kasi sila.”Sinamaan ko siya ng tingin bago tuluyang pumasok ng bahay. “Anong mukha yan?”Tanong sa akin ni Caius ng makasalubong ko siya. “Wala”Saka ako pumasok ng kwarto, nakakainit talaga ng dugo yang Jinx club at kasama pa talaga niya ang babaeng yon. Nagtalukbong na lamang ako ng kumot sa aking mukha para pigilin ang inis ko sa kanila. Perfect couple naman sila, e. Martina's calling... “Hello, martina!” napakawrong timing naman. “Nararamdaman ko, may iba na siya!” Siguro boring siya kaya bawat kilos ng boyfriend niya ay pinagdududahan niya. Magkakapimples ako dahil sa sobrang stressed sa kanila. Bente anyos palang ako pero stressed na ako. “Hayaan mo na lang ang boyfriend mo, huwag mo bantayan at baka talaga maisip niya iwan ka dahil diyan sa ginagawa mo” Paalala ko sa kanya, ganun kasi ang mga lalaki. Marami ako kilala na ganyan, kapag nasasakal na sila sa girlfriend nila iiwan na lang bigla. “Hindi makapapayag, akin lang si Tobias.” Nagpaalam na ako sa kanya dahil marami pa ako gagawin. Gaya na lang ng pag-iisip kung paano makagaganti sa jinx club na yon. “Bakit ganyan ka makatitig sa akin.” “Oy, Kath! Sumakto lang na lumabas ka ng kwarto pero hindi ikaw ang iniisip ko, ah! Promise!” Nakataas pa ang kamay ko na parang nanunumpa talaga. Tinitigan niya ako, blanko ang expression. “Sino naman iniisip mo? Boyfriend mo?” “Wala ako boyfriend, isang lalaki na nagpabadtrip ng umaga ko. Tapos dumagdag pa si Martina, problema na naman niya kay Tob.” Mahabang rant ko habang nakatitig sa cellphone. Pati ako naiistress sa pinaggagawa nila, pinapakalma ko ang sarili para hindi ako sumabog dahil kapag ako sumabog na parang bomba... Baka lahat sila masabugan ko. “Ah, wala ba, akala ko kasi may kasintahan ka na kaya nagkakaganyan ka” Nagpaalam na ako sa kanya na papasok muna sa kwarto para makapag-isip ng plano para makaganti sa Jinx club na iyon. - Nag-aayos na kaming tatlo para sa gaganapin na party sa mansyon ng mga Saavedra. “Kath, nakahanda na kami ni Caius, ikaw na lang ang hinihintay namin r‘yan.” Sabi ko habang kinakatok ang kwarto niya. “Sandali na lang ito!” si Kath. Sinabi ko sa kanya na sa labas na lang kami maghihintay ni Caius, mukhang matatagalan pa kasi siya. “Nako, yang ate mo Kath mo talaga Cai, napakatagal kumilos” “Baka pinaghandaan ni ate ng bongga ang party, di ba para sa kanya ang party na ito?” Si Cai. Oo nga noh! Bakit ngayon ko lang naisip na nagpapaganda siguro si Kath ng sobra. Aba, may naamoy ako na hindi kanais-nais. Bakit parang amoy utot dito sa Van?! Tiningnan ko si Cai, na nakapeace sign at alam ko na siya ang may kasalanan kaya literal na may naaamoy ako na hindi kanais-nais. “Sorry ate, hindi ko napigilan,e!” Ano pa nga ba? Hindi naman napipigilan ang sama ng loob. Nakita ko ang paglabas ni Kath ng bahay, pinagmasdan namin siya ng matagal. Kamangha-mangha ng kanyang kasuotan. Napakasimple pero kaakit-akit ang datingan. “Wow, ang ganda ni ate Kath!” Lumabas siya ng Van para salubungin si Kath. Sumunod na rin ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang kasuotan ni Kath, off shoulder ang kanyang suot sa pang-itaas at sa pang-ibaba ay skirt na kulay black. “Kath, hindi halata na pinaghandaan mo ang party, ang sexy ng OOTD mo!” “Let's go, excited na ako sa magaganap ngayong gabi.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang sarap pala bumasa
15/07/2024
0it's nice
13/07/2024
0❤❤❤❤❤
09/05/2024
0Tingnan Lahat