logo text

Chapter Sixteen

Lorrea‘s POV
Nabigla ba kayo dahil may POV ako sa kwentong ito, well! kasali rin naman ako noh! Actually katabi ko si Ali ngayon ang nag-iisa ko na kaibigan dito.
Nandito kasi kami sa isang sheltered kung saan narito ang mga may sakit, iniiwan dito ang mga katulad ko. Si alli ay nagpupunta lang rito para magluto ng pagkain namin. kapatid siya ni sister Kenzy.
“Oy, may namimiss!” pang-aasar ko sa tahimik na si alli.
“Nakakapanibago lang kasi wala na ang pasaway na lalaking yon!” Kwento niya sa‘kin.
Si Caius ang tinutukoy niya, madalas kasi siyang bisitahin nun sa kusina para tumulong. Sa totoo lang sa kanya lang ganun si Cai, mailap kasi ang lalaki na yon sa‘min e, sa t‘wing nakikita ko siya malungkot lagi ang kanyang mga mata.
“Babalik din siya dito, at sasabihin ko sa kanya na miss mo na siya... Yieee!!!” with giggles effect pa yan para cute ako diba.
Sabay kami natawa dahil sa sinabi at kinilos ko.
“Kath‘s POV”
Sabi sa‘kin ni Rex, magkita raw kami dito sa trinoma! Bakit wala pa siya? Mahigit isang oras na kong naghihintay dito.
Isang text lang ang natanggap ko simula kanina e.
“May aaminin ako.”
Ano kaya ang aaminin niya?
Napatakip ako ng palad sa bibig dahil naiisip ko palang na bakla si Rex ay parang nakakapanlumo sayang lahi niya.
Pero hindi naman siguro yon ang aamin niya!
Erase! Erase! Erase!
Nakita ko ang isang bulto na papalapit sa‘kin at mukhang humahangos!
“Sorry, natagalan ako, ang traffic kasi e.” Si Rex.
“Alam mo naman palang traffic, e bakit ‘di mo inagahan ang pag-alis.”May tampo na sabi ko, nakakabadtrip kasi magdadalawang na oras niya ako pinaghintay.
Ano ba kasi ang aaminin niya?pinapunta niya pa ako dito para makipagkita sa kanya.
“Maglunch na muna tayo, may alam ako na fine restaurant malapit dito.” Aya niya sa‘kin, alangan naman sayo awtor.
“KATH!!!”Sigaw ng isang boses babae.
Paglingon ko, Si Martina ito a. Luh? Feeling close.
kumakaway pa sa‘kin, kung hindi lang siya anak ng step sister ko maayos sana kami.
Nginitian ko siya ng peke, hindi naman niya mahahalata kasi slow siya.
“Kamusta? Hindi ko akalain na nandito rin pala kayo ng pinsan ko.”Kung dati nagulat ako na related sa‘kin si Martina, mas nagulat naman ako sa narinig ko. Magpinsan sila?!
So kay Rex palang kuta na ako sa pag ganti. Malapit rin sa puso niya e. Pero mas bet ko na ang boyfriend niya. Pero mas masasaktan siya kung dalawa ang kukuhanin ko sa kanya.
Mabait ako sa mabait sa‘kin, pero parang unti-unti akong binabago ng dahil sa galit na ipinunla ko dito sa puso ko. Si Red at Cai na lang ang meron ako. Kaya hindi ko hahayaan na pati sila madamay.
Napasulyap ako sa gawi ni Tobias na nahuli ko nakatingin sa‘kin. Nasa iisang table na kami ngayon.
Nagpasyahan ni tob na isama si Rex para umorder ng makakain namin.
Naiwan kami ni Martina dito sa table, walang imikan ayoko rin naman makipagplastikan sa kanya.
“kamakailan kolang nalaman na you and my kinakapid are dating.” pag-uumpisa niya.
baluktot ba talaga dila ng babaeng ‘to?
Saka ano raw? Dating?
“Friends lang kami ni Rex, nothing special.”simpleng sabi ko.
Naikwento niya na sa pagkakaibigan nagsimula ang relasyon nila ng butihin niyang nobyo.
Tinitigan ko siya bago nagsalita, “magkaiba kasi tayo, kapag sinabi ko na kaibigan lang alam ko ang limitasyon ko.”
Napanganga siya sa mga binitawan ko na salita sa kanya.
Inayos ko ang sarili ng makita ang papalapit na bulto ng dalawa. Mabuti naman at hindi na nagsalita pa si Martina.
Kanina pa ako naiinis sa bunganga niya, eh.
Kung makatawag sa pangalan ko, feeling close o sadyang ganyan na siya ka oa.
“Mauuna na pala ako, nagtext kasi si Red masama raw ang pakiramdam ni Caius.” Alibi ko lang yan, ang maniwala ay uto-uto.
Naniwala naman sila sa alibi ko kaya mabilis na nakaalis ako sa kinaroroonan ko kanina. Nag-aabang na lang ako ngayon ng masasakyan pauwi.
Magpapara na ako ng taxi ng biglang may humawak sa braso ko para pigilan sa gagawin.
“Ihahatid na kita.”
Pagkalingon ko si Tobias pala, sinundan ako.
“Hindi na, kaya ko ang sarili ko.”Nagpumiglas ako para maalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.“Pag hindi mo binitiwan ang braso ko, magsisisi ka!”Pagbabanta ko sa kanya ng ayaw niya bitiwan ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya.
“I insist!Hayaan mo lang na ihatid kita.”Malumanay na sabi niya at parang nagsusumamo.
Okay fine, suko na ako kaya pumayag na rin ako sa gusto niya para makauwi na ako.
Nang makasakay na kami ay doon na ako nagtanong, kung bakit ginagawa niya ang lahat ng ito!
Inihinto niya muna sandali ang sasakyan sa gilid at tumingin sa akin ng diretso at walang kurap-kurap.
“Manhid ka ba O nagtatanga-tangahan lang?”Napaiwas soya ng tingin bago muli nagsalita.“Nagpapakamanhid ka lang kasi may girlfriend ako?! Hah? Ganun ba?” Nakita ko kung paano siya ka-frustrated.
Umiwas ako ng tingin sa kanya, dahil tama siya. Pinipili ko na lang magpakamanhid dahil alam kong mali. Kahit sinabi ko na ng ilang beses na gagamitin ko siya para saktan si Martina. Pero,takot ako na masaktan ang lalaking nasa tabi ko ngayon. Iniisip ko, paano kung malaman niyang gagamitin ko siya para pasakitan ang girlfriend niya?!
Willing ba ako isugal ang lahat para sa lalaking ito?
“Kath!” Tawag niya sa pangalan ko.
“Magtataxi na lang ako, mabuti pa bumalik ka na sa kanila mali na iwan mo siya para lang ihatid ako.” Mabilis na bumaba ako sa kotse niya at pumara sa kadadaan lang na taxi.
Gaganti ako sayo Martina pero hindi pa ngayon. Pag-iisipan ko pa kung isasama ko si Tobias sa plano,hanggang ngayon takot parin ako sa magiging consequences ng binabalak ko.
Ewan ko ba! Sa tuwing kaharap ko siya napapaatras ako, gusto kong sabihin sa kanya na iwasan niya ang nararamdaman niya para sa akin.Dahil sa paglapit niya mas lalo lang ako nahihirapan sa gagawin kong desisyon.Kailangan ko pigilan ang damdamin ko para sa kanya.
Iisipin ko na lang na parte na lang siya ng mga plano ko.Para saktan si Martina.
Simula ngayon parte na lang siya ng plano. Wala siyang lugar sa buhay ko.
Kailangan ko na tibayan ang loob ko, patibayin ang pader sa puso ko.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Samantha Sola

    ang sarap pala bumasa

    15/07/2024

      0
  • avatar
    Elly Jaye San Andres

    it's nice

    13/07/2024

      0
  • avatar
    GandaMeann

    ❤❤❤❤❤

    09/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata