logo text

Chapter Twelve

[ Caius POV ]
Hello my name is Caius Buenavista, Ang pinaka gwapo sa orphanage. Nandito ako sa tinitirhan ni ate Kath, isinama niya kasi ako dahil lagi akong nalulungkot sa dati kong tirahan.
“Ate Red, si ate Kath nasan po?” Tanong ko. Kilala ko na siya dahil naikwento na siya ni ate Kath sakin.
“May pinuntahan lang kanina pero siguro pauwi na yon.” Sagot niya sakin.
Kaya nagpasya na lang akong bumalik sa silid ko. Naglaro na lang ako sa cellphone ko ng Temple run.
Kamusta na kaya si Alli? Hingiin ko kaya kay sister Kenzy ang number niya... Kaso ano naman sasabihin ko kapag nagtanonf siya.
Hayst! 'wag na nga lang... Nahiga na lang ako sa kama ko. Ang sarap matulog.
[ Martina's POV ]
Nung gabi na umuwi si Tob, napansin ko ang pananahimik niya at palaging malalim ang iniisip. Ano kaya ang nasa isip niya?
Gusto ko malaman ang dahilan ng pagiging cold niya sakin. Kung may kapalit na ba ako sa puso niya!
Minsan napapansin ko may tinatawagan siya pero hindi siya sinasagot nito. Babae niya kaya yung tinatawagan niya palagi?
Malalaman ko rin ang totoo tob, kapag nalaman kong niloloko mo ako, humanda saken yang babae mo...sisiguraduhin ko hindi kayo magiging masaya sa piling ng isa't-isa.
“Good afternoon babe!” Bungad ko sa kanya
Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.
“Oh, babe, anong ginagawa mo dito?”Bungad niya sakin.
Pinuntahan ko kasi siya sa opisina niya. Siya muna ang pansamantalang papalit sa daddy niya for two months.
“Hinatid ko lang ito.” Lunch niya. “Sige uwi na ako.” Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.
Umalis na rin ako pagkatapos, hindi muna ako uuwi dadaan ako sa tinitirhan ni Red ang matalik ko kaibigan.
Nagpahatid na ako sa driver at sinabi ko ang address.
Pagkarating namin ay may isang babaeng pumasok sa bahay kung saan nakatira si Red. Hindi ko natitigan ng maayos kasi nakapasok na siya.
Hanggang sa makalabas ako sa sasakyan ay sinusundan ko parin siya gamit ang titig.
Umingos ako then i'm bumaba na sa kotse at nagdoorbell. Ang tagal naman buksan.
Why so tagal naman buksan ang pinto?
Its so mainit na here!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
“Martina is that you?” Tanong niya saken.
“No. It's my litrato lang. Duh! Red, your so bulag na bakit kasi isa lang ang open eyes mo? What to your mata ba?” Mataray tone ang gamit ko always.
“Hindi ka parin nagbabago, baluktot parin yang dila mo!” Natatawa niyang sinabi saken.
“Hindi mo ba ako aayain sa loob? My head is so naiinitan na!” Reklamo ko.
Binuksan niya ng malaki ang pinto. Bakit kasi hindi sila naglagay ng gate outside para class tingnan.
I'm so natutuwa lang magtaglish. I'm so maganda kaya bagay sakin ang salitang ito.
Nakita ko ang paglabas ng isang babae, yung nakita ko kanina na pumasok bago ako.
“Who is she?” I ask her.
“Si Kathlyn, kaibigan ko.” Sagot niya. So kaibigan rin pala niya ang girlalu na ito!?
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang pa! She's pretty.
[ Kath's POV ]
Kakauwi ko lang tas may baluktot ang dila na kasunod ko rin. She's so nakakainiss! Takteng yan ayoko magaya sa language niya. Ang sakit sa bangs.
Naglahad siya ng palad saakin.“Hi, Kathlyn! I'm Red's bestfriend, My name is Martina Reyes.” Pagpapakilala niya.
Tinitigan ko lang ang palad niyang nakalahad parin. “Kathlyn Soberano.” Sagot ko. Hindi ko tinanggap ang palad niya. Hindi ako sanay makipagshakehands.
Nagpaalam na ako sa,kanila ni Red.
Pumasok na lang ako sa kwarto, pero kaasar naririnig ko parin boses niya.
Nakikinig ako sa usapan nila.
Dinikit ko ang kaliwang tenga ko sa may pinto, jusko dakilang chismosa na ako ng taon.
“He's so nagbago since umalis siya para sa program na yon!” Naiiyak niyang sinabi pero ang arte parin. Kaya slight natatawa ako.
Bahala na nga sila ayoko na makichismis, mag-aayos nalang ako para sa part time job ko mamaya. 7pm ang work time ko, 3hrs lang ako roon kasi nakiusap ako dahil kinabukasan ay may pasok ako. Twice a week lang ang pasok namin kaya nakakapagtrabaho ako kung saan saan.
Umalis na kaya yung bisita ni Red? Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Caius.
“Cai, nandiyan pa ba yung bisita ni Red?” Tanong ko.
Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. “Hindi ko alam ate, kalalabas ko lang po ng kwarto e.” Sagot niya.
Napabaling ang tingin ko sa kabila dahil narinig ko ang boses ng bisita niya.
Sumilip ako sa bintana nasa labas pala sila. Mukhang pauwi na si girl.
Nawala ang atensyon ko sa kanila dahil nag alarm na yung cellphone ko. Time na para magready. Bumalik na ako sa kwarto at nag-ayos.
*******
Coffee shop
Habang naghahatid ako ng coffee sa costumer ay may naramdaman akong umakbay sa balikat ko. Paglingon ko hindi ko inaasahan ang pagtatagpong ito.
“I got you!”
“Totobi?” Mahinang usal ko.
Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya saken. Pero dahan dahan dahil baka makahalata yung manager namin.
Iniwan ko siya doon at bumalik na sa pwesto kung saan ako nakastand by.
[ Tobias POV ]
Ayoko muna umuwi dahil mag-aaway nanaman kami ni Martina, kaya napagpasyahan ko muna dumaan sa isang coffee shop para makapagrelax.
Papasok palang ako ng makita ko si Kath, nagtatrabaho siya rito? Masaya ako na makita siya. Kaya mabilis na pumasok at inakbayan siya.
“I got you!” Nakangiting sabi ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Siya talaga ito hindi ako nagkakamali.
“Totobi?”
Confirm siya at si Cai lang ang tumatawag saken ng ganyan. Iniwan niya ako para bumalik sa pwesto niya.
Nilapitan ko siya at nginitian. Ang sama ng tingin niya saken.
“Kung hindi ka oorder pwede ka na umalis, mahalaga ang oras ko kaya 'wag mo akong istorbohin.” Seryoso niyang sabi.
Kaya sinabi ko na yung orders ko at umupo na malapit sa kanya sa may bandang unahan.
Nakita ko hinahanda niya ang orders ko kaya umayos ako ng upo nang makita ang paglapit niya dala ang foods.
Inilapag niya lang ang orders ko saka umalis na sa harap ko.
Nakatanaw lang ako sa kanya hihintayin ko siya umuwi. Gusto ko siyang makausap kung bakit 'di siya sumasagot sa mga tawag ko. I miss her so much!
Ngayong nakita ko na siya hindi na ako papayag na malayo pa sa kanya.
[ Dos POV ]
Hi! My name is Kudos Esprerro, Kaibigan ako ni Red, Tropa na rin.
Nagpasama kasi siya sakin na magmall mag gogrocery raw siya kasi paubos na stocks nila.
“Ang dami mo namang pinamili?” Puna ko.
“Syempre pang isang linggo rin yan, saka need ko rin ng snacks!” Sagot niya.
Napatingin ako sa relo ko, its 8pm!? Kung kelan gabi saka naisipang mag grocery. Langya talaga itong babaeng ito.
“Tapos ka na?” Tanong ko mukha kasing hindi pa siya tapos.
Ngumisi siya ng nakatingin saken. Alam ko yang ngisi na ganyan!
“Ano...kasi—naiwan ko pala yung wallet.” Napapakamot niyang sabi saken.“Bayaran na lang kita pag-uwi!”
Sinasabi ko na nga e, makakalimutan talaga siya. Napailing na lang ako kasi hindi parin siya nagbabago. Gaya parin siya ng dati. Mabuti na lang at nandito ako sa palagi sa tabi niya.
Inilabas ko ang wallet at naglabas ng credit card. Yun ang ibinigay ko sa kanya.
“Wala ka bang cash?” Nahihiyang tanong niya.
“Hindi na ako nagdadala ng cash. Yan na ang gamitin mo.” Sabi ko sa kanya at saka siya inakbayan papuntang counter. Aysuss papahatid pa ang tanda na e.
“Ahm, hintayin mo na lang ako sa labas.”
Naglakad na ako palabas sa parking lot don ko na lang siya hihintayin.
*********
Nakita ko na siya naglalakad may dalang mga pinamili niya. Ang dami pala anim na plastik na malaki.
Kinuha ko yung apat para magaan na lang ang bubuhatin niya saka ko inilagay sa compartment ng sasakyan ko.
“Salamat.”
Kinuha ko na uli yung iba niya pang dala pagkatapos ko ilagay ay isinara ko na ang compartment ng saksakyan.
(♥ω♥*) ( ˘ ³˘)♥ (๑ơ ₃ ơ)♥  (๑♡∀♡๑)
You Are Everything
The moment when you asked me if I could be yours,
Is a moment that I can never forget even in years.
'Coz that is that time when my life changed forever,
You and I, my darling, came together.
I never ever want to lose you, now that you are mine,
You are everything my dear, my strength and my pride.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Samantha Sola

    ang sarap pala bumasa

    15/07/2024

      0
  • avatar
    Elly Jaye San Andres

    it's nice

    13/07/2024

      0
  • avatar
    GandaMeann

    ❤❤❤❤❤

    09/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata