Homepage/The Scent Of Madness/
Chapter 38
"Kuya, halika na. Mag-uumpisa na ang padasal," hinila ni AC ang kapatid papunta sa puntod ni Kenzo.
"Aray! Aray! Aray ko! Ingat naman," iyak ni Mark nang maunat ang kanyang braso. Ang pinsala na naidulot ng aksidente dito, hindi na naibalik pa sa dati. Ilang physical therapy na rin ang dinaanan niya subalit lahat 'yon napunta lang sa wala. Sabi ng duktor, habang buhay nang magiging gulay ang kanang balikat niya pababa sa braso at kamay. Hindi na ito kailanman makakaramdam ng kahit na ano. Mabigat man sa kalooban, tinanggap na lang niya ang panibagong hamon na iyon.
"Kanina ka pa nakatitig sa cellphone. Patingin nga," dinagit ni AC ang hawak ng kapatid na agad rin namang nabawi ni Mark.
"Wait lang kasi. Tinitignan ko lang mga pics ni Mang Berto. Mukha namang ayos na lagay niya," ipinasilip ni Mark ang mga litrato ng dating kapitbahay kay AC.
"Tumaba siya ano," iniskrol pa ni AC pataas ang screen para makita ang iba pa nitong larawan.
"Oo nga eh. Buti naman at may kumukop sa kanya. Sabi kasi ni Mama noon 'di ba, wala na siyang kamag-anak." Pinindot ni Mark ang power button ng cellphone at agad na nag-black out ang screen.
Noong kasagsagan ng kaguluhan, nagising na lang sina Mark na wala na si Mang Berto sa poso kung saan nila ito itinali. Hindi nila alam kung nakawala ba ito o may tumulong sa kanya. Basta isang araw, may nag-message na lang sa kanya sa messenger - anak ng pinsan ni Mang Berto. Humihingi ito ng paumanhin sa lahat ng abalang idinulot nito at kung maaari ay patawarin na siya. Agad naman ibinigay iyon ni Mark dahil alam niyang hindi si Mang Berto ang may sala. Kagagawan lahat iyon ng green crescent paradise.
Hanggang ngayon hindi pa rin natutuklasan ng mga siyentipiko at mga dalubhasa ang lunas sa masamang epekto ng mga pollen na nagmumula sa mga bulaklak. Ang magandang balita, hindi rin naman permanente ang bisa nito sa katawan ng mga naapektuhan. Kusa na lang itong nawawala pagkatapos ng tatlong buwan kagaya ng kaso ni Mang Berto at ng lahat ng nabiktima nito na bumalik na sa dati ang katinuan.
Ang nakakalungkot nga lang tinatayang mahigit 400,000 katao ang namatay sa mga kaguluhan at karahasan noong kasagsagan ng "pollen invasion" sa loob lamang ng tatlong buwan. Ang perwisyo naman sa ekonomiya ay humigit 14 na bilyong piso. Kaya naman, simula noon ipinagbawal na rin ng gobyerno ng Pilipinas ang pag-aalaga, pagpaparami at pagtatago ng mga buto't halaman ng green crescent paradise. Ang sinumang lumabag sa batas na ito ay mapaparusahan ng dalawampu hanggang limampung taon sa kulungan nang walang parol.
"Kumusta na 'tong tabachingching na 'to, ha?" Hinawakan ni Mark ang kamay ng inaanak niyang si Misha, ang panganay nila Kenzo at Shan. Nilaro-laro at hinalik-halikan ito ni Mark, pero mukhang hindi yata ito natuwa dahil bigla itong nag-iiyak. Si AC naman ang kinuhang ninang.
"Heto, bugnutin. Init na init na. Kanina pa nagwawala," hindi na alam ni Shan kung pa'no patatahanin ang anak.
Kinuha ng lola ni Shan ang apo at nag-prisintang siya na lang ang magkakarga. "Sindihan niyo na 'yang mga kandila at umpisahan na natin ang rosaryo. Nang makakain na 'tong bugnutin na 'to."
Umusal si Mark ng dasal nang matapos maikot ang rosaryo.
*P're, kung nasaan ka man ngayon sana gabayan mo kaming lahat. Okay naman ang pamilya mo, lalong-lalo na 'tong baby mo. 'Wag kang mag-alala, babantayan ko sila dito. Siya nga pala, happy birthday. Padala ka naman beer d'yan.*
Tahimik na napangiti si Mark na agad namang napansin ni AC. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan, ha?"
"Wala panget," ganting sagot ni Mark.
+-+-+-+-+-+-+-
Pagkatapos ng padasal, bumalik sina Shan kasama ang magkapatid sa bahay nila kung saan may naghihintay na munting salo-salo para sa alaala at kaarawan ni Kenzo. Naabutan nila doon si Aling Esmie at ang iba pa nilang kakilala't kapitbahay na naghihintay
"Ma, hinay-hinay sa mangga. 'Yung blood sugar mo baka biglang tumaas. Isang pisngi lang ang puwede," babala ni Mark sa ina.
"Alam ko. Nainom ko na rin maintenance ko. Siya nga pala bukas na lipad mo papunta Cebu 'di ba?. Na-check mo na lahat ng gamit mo? May tuwalya ka bang dala? May pinamili akong tatlo kahapon sa Baclaran, dalhin mo na," sabay subo ni Aling Esmie sa kapirasong hiwa ng mangga.
"Ma, okay na lahat. Ayos na. Maaga lipad ko bukas mga 9 am. Eh 'kaw Ma, 'wag ka rin pasaway. Sundin mo 'yung payo ng duktor. Bawas-bawasan mo 'yang softdrinks. Saka 'pag pinapainom ka ng gamot ni AC, inumin mo agad. Wala na marami pang sinasabi. Sige ka, 'di kita padadalhan ng danggit. Saka si Tito Meng, sabihan mo bawas-bawasan inom niya sa gabi kasi nakakalimutan niya lagi i-lock yung pinto sa baba. 'Yung sa bills naman, sinabihan ko na si AC.."
"Oo na, anak. Oo na. Kami na bahala. Mag-enjoy ka sa Cebu at sa bago mong trabaho doon. Ikumusta mo na lang ako sa apo ko," putol bigla ni Aling Esmie.
Biglang nag-ring ang telepono ni Mark. Videocall mula sa ex niya. Binuksan niya ito at bumungad ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni baby Angel. "Hi baby! Say hi to lola oh. She's here, sitting beside me right now. Say, "hi po lola!"
"Lo... la," utal at nakabungisngis na sabi ni baby Angel.
Biglang lumitaw sa screen ang ex niya. "Hey, ano oras dating mo dito tomorrow at masundo ka namin ni Rick?"
"Hi, Mark. We prepared a special room for you here in the resort." Sumingit din si Rick sa screen. Tatlo na sila ni ex at ng baby Angel niya na nagsisiksikan dito. Si Rick ang Norwegian boyfriend ni ex at may-ari ng resort na pansamantalang tinuluyan ng mag-ina niya noong kasagsagan ng pollen invasion.
"Hi, Rick. Thank you for your kindness. Can't wait to see your resort." May kumirot nang bahagya kay Mark, pero pinilit muna niya itong lunukin para huwag mahalata.
At binalingan naman niya si ex. "Sabi one a half hour daw ang tagal ng flight. So, I guess mga 10:30 or 11 am to be safe, naka-landing na ako d'yan."
"Okay. See you then. Baby, say bye to Papa and lola. "Bye, Papa! Bye, lola," Nagmistulang puppet ang kamay ni baby Angel sa pagkaway-kaway habang kinokontrol ito ng ina.
Hindi na nakapagpaalam si Aling Esmie dahil abala ito sa paglantak ng alimango.
Nawala ang videocall at bumalik sa home page ang screen ng cellphone niya at kasabay nu'n, nawala din ang mga ngiti ni Mark sa labi. Parang nalaglag ang puso niya sa imburnal.
*Teka, akala ko ba naka move on na ako?*
+-+-+-+-+-+-+-+-+
"Uy! Buti nakarating ka. As usual late ka pa rin," may halong pang-aalaskang sabi ni Shan. "Hey, pinsan ko nga pala, si Boyet. Boyet, si Mark nga pala. Friend ni Kenzo and now ninong ni Misha."
Kinamayan ni Mark ang bagong dating. Nagulat siya nang bahagya dahil hindi niya akalain na magkamag-anak pala si Shan at ang dati niyang ahente. "Kilala ko na, 'to. Actually, kilalang-kilala. Kababalik ko nga lang ng motor nito sa kanya last month."
"Tama 'yun. Ooops! Mamaya na natin pagkuwentuhan 'yan, insan. Sa inuman na. Tsibog muna ako. Tomguts na eh," mabilis na sabi ni Boyet nang makita ang malaking question mark sa mukha ni Shan.
"Oo, wait lang ha. AC, halika. Pinsan ko nga pala, si Boyet." Kinalabit ni Shan si AC na abalang nakikipag-tsismisan sa isa sa mga bagong kakilala sa handaan at sakto namang pagharap nito biglang inawit ng bisitang kapitbahay sa videoke ang *Maybe This Time*.
*Two old friends meet again
Wearin' older faces
And talk about the places they've been
Two old sweethearts who fell apart
Somewhere a long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin'*
Natulala si Boyet. Natulala din si AC. Hindi rin nakakibo sina Mark at Shan. Parang may kakaibang tensyon ang namuo sa paligid. Maya-maya...
"AC. Ako si AC."
"Hi, ako naman si Boyet."
"At ako naman si Jollibee," biglang patawa ni Mark para putulin ang tensyon sa hangin. Sa kasamaang palad walang tumawa kaya tahimik na lang nilang iniwanan ni Shan ang dalawa na para bang walang nangyari.
"Hinanap kita sa mga social media apps, pero wala ka naman. Sabi ko nga, baka fake na pangalan ang sinabi mo sa 'kin noon. Or baka inisip mo uutangan kita kaya ka nag-deactivate. Nag-deactivate ka nga ba? In the first place, pangalan mo ba talaga 'yung sinabi mo sa akin?" Naiinis si AC sa sarili. Ba't para kasi siyang batang nagtatampo sa boses niya. Sinulyapan niya si Shan at Mark at nahuli niya ang mga ito na nakatingin din sa kanila.
"Oo, pangalan ko 'yun. Totoong apelyido ko rin 'yun na magiging last name mo na rin soon 'pag kinasal na tayo," masyado yatang presko, sa isip-isip ni Mark. Pero nasabi na niya. Wala ng bawian.
"Sira!" Ang tanging nasagot lang ni AC dahil nalunok niya yata ang dila at natameme siya bigla.
"Okay, sa'n ba ako magsisimula? Let me explain...." At ikinuwento na ni Boyet ang makulay na nangyari sa kanya noong mga nakalipas na buwan.
Samantala, sa Ninoy Aquino International Airport sa parehong oras din na iyon, papaalis na ang isang opisyal ng gobyerno na mula sa Philippine Research on Biodiversity and Forestry sakay ng isang private jet papuntang Incheon International Airport sa Korea.
Bitbit niya ang isang kahon na naglalaman ng isang espesyal na bagay.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (43)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hala! tapos na pala 'yon. i wish i'd be lucky to stumble upon book 2 or the series or the complete version of this story somewhere. this is good! as someone na hindi mahilig sa movies or films or teleserye, i will 100% hype this up if ever it becomes adapted as one.
13/09
0jsgdkshdjdjd I send you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you want to you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you want to you in the address is Juan and send it back to me a little more I block someone from seeing your name and then we can come get you if you in a bit when you get a chance can come over and watch a bit when you the link when you the link
24/10/2024
0meh 😑😕😕😕😕😕😕😕 hhhbbbhj I think I need a ug Sako I love 😘 Precious I think 🤔 I can help you if I think 🤔 I love it so much that man ko og strain oh well I guess you can help me with the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the union address is eskwela taawa sa google map of the soul of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderfu
27/08/2024
0Tingnan Lahat