Chapter 37

"Kuya! Nakauwi ka," napayakap siya sa kapatid. Kahit si AC, nagulat sa ginawa niya. Hindi naman kasi sila close.
Pero ang mas nakakabigla, ginantihan din siya ng yakap ni Mark. "Kumusta kayo ni Mama?"
Kumalas si AC sa pagkakayapos at nagpunas ng nangingilid niyang luha. "Okay naman kami, kuya. 'Yung gamot nga pala niya. Kailangan na niyang mainom 'yon."
Iniabot ni Mark ang supot ng mga gamot at pagkatapos dumiretso na siya sa Tito Meng niya para asikasuhin ang namamaga nitong ilong.
"Ayan kasi. Siga pa more," asar ni Mark sa tiyuhing kikislot-kislot habang nililinis ang natuyong dugo sa palibot nito.
Nang matapos sa kanyang Tito Meng, sinilip naman ni Mark sa Mang Berto sa basag na bintana. Humihinga pa naman ito kahit may busal ang bibig. Ang katawan, nililingkisan ng matibay na pisi. Mas kalmado na rin ito kaysa kanina. Ngayon lang din niya napansin ang lapnos na mukha nito.
"Anong nangyari sa mukha niya?"
"Binuhusan ko ng muriatic," anang AC habang inaasiste ang ina sa pag-inom ng gamot.
Ayaw na malaman ni Mark ang kuwento sa likod nito. Saka na. Marami pa namang araw para roon.
"Hindi kaya hinahanap na rin si Mang Berto sa kanila?" Tanong niya ulit. Sa kabila ng mga nangyari, nakuha pa rin niyang mag-alala sa kalagayan ng kanilang kaaway. Alam naman kasi ni Mark na hindi si Mang Berto ang may gawa ng lahat ng kasamaang iyon. Dulot iyon ng mga pollen, ng "dilaw na pulbo".
Hindi inaasahan ni Mark na ang Mama niya ang sasagot. "Mag-isa na lang siya sa buhay. 'Di ba nga namatay na asawa niya tapos iniwan pa siya ng mga anak niya. Ang Papa mo na lang ang meron siya. Siya na lang kasi ang kaibigan niya. Pero sa huli, 'di rin sila nagkasundo. Kung ano man ang pinag-awayan nila, hindi ko rin alam."
Lumapit si Mark sa Mama niya. Lumuhod siya sa harap ng tumba-tumba kung saan ito nakaupo binigyan niya ito ng mahigpit na yakap.
"Ma, Sorry. Sorry sa lahat-lahat ng ginawa ko. Sorry kung nasaktan ko kayo. Babawi ako," iyak ni Mark sa ina. Nagmistula itong paslit habang hinahaplos-haplos ng ina ang kanyang ulo.
"Kalimutan mo na 'yon. Naintidihan ko naman kung bakit. Ang mahalaga sama-sama at ligtas tayo ng kapatid mo dito." Binigyan ng marahang halik sa noo ni Aling Esmie ang kanyang panganay.
Natatawang-naiiyak na pinagmasdan ni AC at Tito Meng ang eksena ng mag-nanay.
"Huy! Mag-sorry ka rin dito kay panget at palagi mo na lang inaaway," udyok ni Tito Meng kay Mark. Pabirong pinalo naman ni AC ang Tiyo sa braso.
"Oo, na. Sorry na panget!" Galit-galitan siya kunwari.
At dito ay tuluyan nang napaluha si AC. "Panget ka rin!"
Napuno ng tawanan ang buong bahay.
+-+-+-+-+-+-
Binuksan ni Mark ang TV para manood ng balita. Napagalaman niyang tuloy-tuloy pa rin at mas pina-igting pa ng gobyerno ang pagpapatupad ng Martial Law pero mukhang wala rin itong epekto dahil ang mga pulis, sundalo at mga barangay tanod - karamihan sa kanila, sila-sila mismo, nagkakagulo at nagpapatayan.
Hindi Martial Law ang solusyon. Ang dapat, wasakin ang mga bulaklak ngayon din para mapigilan ang pagkalat ng mga pollen.
Ikinuwento ni Mark sa pamilya ang teorya niya tungkol sa green crescent paradise flowers. Sinabi niya na base sa mga nakita't naranasan niya, ang mga bulaklak na iyon ang dahilan ng mga kaguluhan.
Noong una, hindi sila makapaniwala. Akala pa nga ng Tito Meng niya, ginu-good time lang sila ng pamangkin niya. Pero noong pakitaan na sila ni Mark ng ebidensya sa mga social media posts ng mga kakilala, kaibigan at mga pinagpasa-pasahang video clips at testimonials na may kapareho niya ring karanasan, unti-unti ay sumang-ayon na rin sila.
"May kasalanan din ako sa nangyari," putol ni Aling Esmie. "Last year, nagbenta rin ako ng mga bulaklak na 'yan. Inaangkat ko pa nga galing Mindanao. Natigil lang noong lumala 'tong diabetes ko at noong mamatay 'yung supplier ko. Siguro narinig niyo na siya. Siya 'yung pinatay ng anak niya sa gubat. Kung 'di lang sana ako nagbenta noon, 'di sana kakalat ang mga bulaklak na 'yan."
"Ma, ano ka ba? Hindi mo naman kasalanan dahil hindi mo naman alam na ganyan pala ang mga bulaklak na 'yan. Wala sa atin ang may alam," ika ni AC.
"Oo nga naman, Esmie. Huwag mo na sisihin 'yang sarili mo at wala naman tayong kapangyarihan para baguhin pa ang mga nangyari. Ang mabuting gawin natin ay maghanap tayo ngayon ng lilikasan dahil delikado tayo dito sa lugar natin. Maraming luko-loko dito," singit naman ni Tito Meng habang ngumingiwi ito sa tuwing ibubuka ang bibig.
+-+-+-+-+-
Bahagyang naikot pa rin ang paligid ni Boyet nang siya ay magkamalay. Napalakas yata si Mark ng pukpok sa kanya sa ulo kaya dumu-doble ang lahat ng kanyang nakikita.
Gumapang siya at pumunta sa may sidewalk para doon magpahinga. Muli niyang ipinikit ang mga mata at naalala ang tinig na narinig noong sagutin nito ang tawag sa telepono ni Mark.
*Kuya?*
Tama, boses nga iyon ni AC. Hindi siya maaaring magkamali. Pero bakit kaya "Kuya" ang tawag nito kay Mark? Magkapatid ba sila? Baka naman tanda lang iyon ng pagalang. Hindi niya alam. Pumipintig-pintig ang ulo niya sa kirot. Pero kung totoong magka-mag-anak nga si Mark at AC, eh pa'no na?. Napapailing na nga lang talaga siya sa mga paandar ng universe.
Subalit kung totoo ngang hahanapin siya ni Mark at ibabalik ang motor na kinuha nito sa kanya, hihingi rin siya ng tawad dito. Oras na rin siguro dahil ilang buwan na rin ang dumaan at nakakaraos din naman siya kahit wala na sa kumpanya. Hindi nga lang galing sa mabuti lahat ng kinikita niya, ang iba galing sa pagnanakaw. Alam niya ring hindi ito tama, pero noong mga oras na iyon, wala na siyang maisip na puwedeng mapagkunan pa ng pera nang mabilisan. Magkano lang ba kasi ang kinikita niya sa pagha-habal.
"I'm sorry din, TL dahil sa inipon kong galit sa puso ko. Akala ko kasi sa ganitong paraan makakaganti ako sa'yo kahit papaano. Pero heto, pareho lang pala tayong matatalo sa huli," sambit ni Boyet sa hangin. Umaasang tatangayin nito papunta Mark ang lahat ng sinabi niya.
Sa isang banda, kung makumpirma nga niya na magkapatid sila ni AC, hihingiin din niya ang kamay nito kay Mark para ito ay pormal na ligawan.
*Sa'yo na ang motor, akin na si AC!*
Pero sa ngayon, kailangan munang umuwi ni Boyet sa kanila. Gusto muna niyang matulog nang matagal na matagal para kahit man lang sa pagtulog mawaglit pansamantala ang mga alalahanin niya sa buhay. Maglalakad na lang siya siguro pauwi dahil nga wala siyang masasakyan at wala na rin masyadong pumapasada na mga public vehicle sa mga lansangan. Martial Law nga 'di ba? Kaya naman niya siguro mula Pasay hanggang Las Piñas. Ang hindi nga lang niya alam ay kung paparaanin siya sa mga checkpoint at barkikada.
Bahala na si batman.
Tutal naman ang dami na niyang problema at harang na nalusutan sa buhay in the past kaya petiks na lang ang mga checkpoint na 'yan.
+-+-+-+-+-
"Ssshhhhh, tahimik kayo at ayan na ang nagbabalita," medyo ngongo na magsalita si Tito Meng. Tumahimik naman ang tatlo niyang kasama at sabay-sabay silang tumutok sa telebisyon.
"Yes, Andy. Kasama natin ngayon si Dr. Mansueto Conde, head doctor of communicable diseases ng Department of Health. May nais ka bang itanong?" Anang babaeng reporter na tila nasa isang opisina. Katabi niya ang lalaki na nasa pagitan ng kuwarenta hanggang singkwenta ang edad at suot ang isang pagkaputi-puting lab coat.
"Salamat Marie," tugon naman ng tagapag balita na nasa studio at dumiretso na ito sa pagtatanong sa eksperto. "Ah doc, totoo po ba 'yung mga kumakalat na bali-balita sa mga social media sites na baka ang dahilan ng mga kaguluhan ngayon sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas ay kagagawan ng isang halaman na kung tawagin ay..." dinobol check muna ni Andy ang papel sa kanyang desk upang masigurong tama ang pangalan ng kanyang bibigkasin. "...green crescent paradise?"
Tumango si doc."Alam niyo po Sir Andy, base rin sa masusi nating mga obserbasyon nitong mga nakalipas na mga oras, parang ganoon nga po ang lumalabas. Na once ma-inhale ng individual 'yung sinasabing pollen or 'yung parang dilaw na pulbo na binubuga ng bulaklak sa hangin, nagkakaroon ito ng different reaction sa katawan ng taong nakasingot. But then again nothing yet is conclusive dahil patuloy pa rin tayo sa pag-aaral nito but we already asked the assistance of experts from Japan and the US to help us look further into this."
Tumikhim si Andy bago nagbigay ng follow up question. "Sabi niyo po na once na masinghot 'yung pollen nagkakaroon ng reaction ang katawan ng tao. Pakilinaw naman po para sa ating mga viewers kung ano po itong mga "reactions" na ito."
"Well, base sa data at initial findings, we found out na oras na pumasok na ang pollen sa katawan ng tao, biglang nagbabago ang mood or emotional state ng affected individual. Nagiging bayolente sila at sobrang agresibo even without provocation or whatsoever. Marami sa kanila nag-iiba rin 'yung vision nila or 'yung paningin. Ang sabi is parang nakatagilid or nakatabingi 'yung mga nakikita nila sa paligid. But then again, hindi lahat ganoon. Marami rin sa atin ang nakakasinghot ng pollen pero wala naman itong masamang epekto sa ating katawan. At least for now. We guess, the effect of the pollen varies from one person to another. But then again, we need further research on this."
"Oh! Kita niyo na. Expert na nagsabi na 'yung bulaklak talaga ang reason. Tama ako!" excited na sabi ni Mark na animo'y jumak-pot siya sa lotto.
Sinaway siya ng tatlo dahil sa ingay. "Sshhhhhhh!"
++-+-+-+-+-
Binunot na ni Mark mula sa saksakan ang TV pagkatapos ng balita at nagsipasok na sa kani-kanilang silid ang mga kasama niya sa bahay. Naiwan siya sa sala. Pagal na pagal siya kaya lang hindi rin siya makatulog kahit tirik na tirik na ang haring araw sa labas. Kaya naman, kinamusta na lang niya ang anak via videocall.
"Hi, baby! Kumusta na baby Angel ko?"
Sa video screen, panay ang hagikgik ng anak niya na mukha namang nasa maayos na kalagayan. Lumitaw ang ex niya sa videocall at siya na ang sumagot. "Yup, okay naman kami rito. We'll be staying in this place for a while or until the situation improves."
Napangiti si Mark. "Good to know."
Minasdan niyang muli ang dating kasintahan. Wala na 'yung dating "pakiramdam", 'yung dating init, na nararamdaman niya rito pero alam niyang sa puso niya, laging niya siyang iingatan. Sila ng anak nila. Napansin naman iyon ng kanyang ex.
"Uy! Makatitig ka naman d'yan. Para mo naman akong hinuhubaran," tukso ni ex sa kanya.
"Baliw!" Nagkatawanan sila. Nagkaroon muna ng awkward silence pagkatapos bago muling humirit si Mark.
"Hey, seriously I would just like to apologize that things didn't work out for the both of us and at the same time, I would just like to say thank you for taking care of our baby," nagka-crack ang boses ni Mark at parang gusto niyang maiyak.
"Hala, drama king yern? Nagkaroon lang ng mga pollen-pollen na 'yan biglang naging John Lloyd na?" Ganyan talaga ex niya, palabiro. "But seriously too, thank you for trying to be the best father that you can be to our baby. In fairness, ramdam naman namin ang effort. 'Di ba baby Angel kuy-kuy-kuy palangga namin. Mwuah! Mwuah! Mwuah!" At pinupog na ng halik ng ex niya ang kanilang anak.
"I love you."
"Anong sabi mo?"
"I mean, I love you 'ka ko sa baby Angel natin."
At muli silang naghalakhakan.

Komento sa Aklat (43)

  • avatar
    Porfyra

    hala! tapos na pala 'yon. i wish i'd be lucky to stumble upon book 2 or the series or the complete version of this story somewhere. this is good! as someone na hindi mahilig sa movies or films or teleserye, i will 100% hype this up if ever it becomes adapted as one.

    13/09

      0
  • avatar
    EVANGELISTAMark Anthony

    jsgdkshdjdjd I send you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you want to you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you want to you in the address is Juan and send it back to me a little more I block someone from seeing your name and then we can come get you if you in a bit when you get a chance can come over and watch a bit when you the link when you the link

    24/10/2024

      0
  • avatar
    Rioer Rtio

    meh 😑😕😕😕😕😕😕😕 hhhbbbhj I think I need a ug Sako I love 😘 Precious I think 🤔 I can help you if I think 🤔 I love it so much that man ko og strain oh well I guess you can help me with the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the union address is eskwela taawa sa google map of the soul of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderfu

    27/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata