Homepage/The Scent Of Madness/
Chapter 35
Parami na nang parami ang mga barikada at checkpoints na itinatayo sa mga boundary ng mga lungsod. Pero pasalamat pa rin si Mark dahil kahit papa'no nalulusutan pa rin niya ang mga ito. Nakatulong rin sa kanya ang mga kaguluhan sa daan dahil kapag nalilingat ang mga pulis, doon siya nakakahanap ng tyempo para makapuslit.
Sagabal lang talaga ang makapal na pollen sa hangin. May mga lugar kasi na zero visibility na halos kaya pahinto-hinto siya sa pagmo-motor. At sa mga sandali na kailangan niyang tumigil, kinakamusta niya ang anak sa sa Cebu.
Ayon sa ex niya, okay naman daw sila ng baby nila. Mabuti na lang at mabait ang management ng resort kung saan sila ngayon nagtatago. May short video pa nga itong pinadala. Sa video, makikitang masayang kumakain ng ice cream ang baby Angel nila. Ang damit nito puno na ng mantsa galing sa mga patak.
Nang matapos ang chat niya sa Cebu, kinamusta naman niya ang mga nasa Pasig.
Agad na nagsumbong sa kanya si AC. Sinusundan daw sila ni Mang Berto. Hindi daw niya alam kung paano raw sila nito natunton. Kailan daw ba siya uuwi. Ang Mama nila nanghihina na at kailangan na raw makainom ng gamot.
Marunong siyang mag-motor, pero hindi niya alam kung saan ito paliliparin para mabilis na makauwi sa kanila. Bukod kasi sa buhol-buhol ang trapik sa kalsada, hindi rin naman niya gamay ang bituka ng Metro Manila, hindi gaya ni Boyet.
Gusto na niyang sumuko. Ang init ng sikat ng araw. Para siyang nasa loob ng microwave oven. Ang lala rin ng pollen na palutang-lutang sa hangin na panay ang pasok sa kanyang ilong kahit anong takip pa ang gawin niya rito. May anak siyang malayo sa piling niya. May siraulong gustong patayin ang pamilya niya at may nanay siyang kailangang mabuhay.
"AHHHHHHHHHHHHHH!!!"
Sumigaw siya nang pagkalakas-lakas. Wala na siyang pakialam sa iisipin ng iba. Mistula siyang nauulol na. Nakita niya ang paso ng green crescent paradise sa isang sulok. Dinampot niya ito at inihampas sa semento. Nabasag ang paso at pinagtatapakan niya ang bulaklak na nakatanim hanggang sa magkaluray-luray.
"Itong dapat sa'yo! Bwisit ka! Bakit ka pa napunta rito!" Pinagtitinginan na siya ng mga kapwa niya motorista.
Dahil abala si Mark sa pagsira ng halaman, hindi na niya namalayan na may humahagibis na motorsiklong babangga sa kanya.
Huli na para umiwas. Sumalpok ang motorsiklo kay Mark. Hindi siya napuruhan pero nahagip nito ang kanang bahagi ang kanyang katawan. Halos mapaluha sia sa tripleng sakit na parang kuryenteng gumapang sa kanyang balikat. Tumilapon ang naka-motor at bumagsak sa may steel railing ng kalsada. Hindi alam ni Mark kung naka-survive ba ang driver dahil uunahin pa ba niyang alamin 'yon kaysa sa sarili niyang kalagayan?
Mabilis na umikot ang paligid na tila bang nakasakay siya sa isang fast-forward na ferris wheel. Napaluhod siya sa at walang malay na bumagsak sa maduming semento.
Nagising na lang siyang hinihila ang kanyang braso. Pilit siyang ibinabangon ng mga kamay ng isang estranghero.
"Uy, utoy! Gising! Bilisan mo't gagabihin ka na. Hinihintay ka na sa bahay."
Kahit hirap, sabik na idinilat ni Mark ang mga mata niya. Kilalang-kilala niya ang boses na 'yon.
"Papa?"
"Ano bang ginagawa mo at natutulog ka d'yan, ha? 'Yung Mama mo du'n sa bahay nag-aalala na. Mapapalo ka na naman nu'n pagdating." Nakasuot ng puting t-shirt ang Papa ni Mark na may print sa harap na "Sugar & Spice". Sa pang-ibaba naman ang black short na niregalo niya rito dalawang pasko na ang nakararaan. Ito ang mga huling suot ng Papa niya bago ito pumanaw.
"Ikaw utoy, lagi mong paiinumin 'yang Mama mo sa oras ng gamot. Hindi mo maaasahan 'yan uminom mag-isa dahil makakalimutin. 'Yung panty nga n'yan kung saan-saan niya nilalagay." Humalakhak ang Papa ni Mark na siya namang pagsabay ng kanyang pag-iyak.
"Sorry, Pa." Ang tanging nasambit ni Mark.
"Anong sorry? Bumangon ka na nga d'yan at marami ka pang tatapusin. Mag-sorry ka kung hindi ka uuwi sa atin. Kanina ka pa hinihintay ng Mama at kapatid mo. Tandaan mo daig ng masikap ang hindi nagtu-toothbrush," napangiwi si Mark dahil sa kirot ng balikat noong subukan niyang tumawa sa walang ka-sense-sense na joke ng Papa niya. Ganito kasi ang uri ng humor nito. Sa iba hindi ito mabenta, pero si Mark, nasasakyan niya.
At hinigit siya ng Papa niya patayo.
+-+-+-+-+-+-+-+
Napaigtad si Mark. Pagmulat, wala na ang Papa niya. Mistula itong usok na biglang hinipan ng electric fan. Saan siya nagpunta?
Iginalaw ni Mark ang katawan at halos makagat niya ang labi sa sobrang sakit ng balikat niya sa bandang kanan.
*Wala man lang tumulong? Hayaan mo na. Malayo sa bituka. 'Di bale ng maging komang, 'wag lang comatose.*
Inipon niya ang lakas at saka siya bumangon. Ni wala man lang sa mga nakakitang kapwa niya motorista o mananakay ang umalalay sa kanya. Gano'n din sa lalakeng nakabangga sa kanya. Paika-ikang nilapitan ni Mark ang nakabulagtang lalaki.
"P're, okay ka lang?" Wala itong suot helmet. Lumingon ito sa kanya nang dahan-dahan. Tanaw ni Mark ang putok nitong nguso. Maliban doon, wala na siyang nakitang iba pang pinsala rito pero hindi rin siya nakasisiguro.
"Bakit ka ta..bi..ngi? T-ta... bi...ngi ka?" Utal na tanong sa kanya nito.
Wala na siyang oras sumagot. Nagmamadali siya. Isa pa, wala na rin siyang magagawa dahil mukhang naapektuhan na din ng pollen ang pag-iisip nito. Nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ng dilaw na pulbo.
Bago balikan ang kanyang motor, hinintay muna ni Mark kung may iba pang lalapit sa kanila, kung 'di man para tumulong, kahit para man lang maki-usyoso. Pero walang may pakialam. Gano'n naman siguro talaga kung malapit na mag-End of the World. Abala ang lahat na iligtas ang mga sarili nila. Wala ng pakialamanan. Kanya-kanya na.
"Pasensya na p're, una na 'ko. Hinihintay pa kasi ako sa amin."
At muli siyang bumiyahe pauwi kahit halos lantang gulay na ang kanyang balikat pababa sa kanyang kanang kamay.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (43)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hala! tapos na pala 'yon. i wish i'd be lucky to stumble upon book 2 or the series or the complete version of this story somewhere. this is good! as someone na hindi mahilig sa movies or films or teleserye, i will 100% hype this up if ever it becomes adapted as one.
13/09
0jsgdkshdjdjd I send you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you want to you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you want to you in the address is Juan and send it back to me a little more I block someone from seeing your name and then we can come get you if you in a bit when you get a chance can come over and watch a bit when you the link when you the link
24/10/2024
0meh 😑😕😕😕😕😕😕😕 hhhbbbhj I think I need a ug Sako I love 😘 Precious I think 🤔 I can help you if I think 🤔 I love it so much that man ko og strain oh well I guess you can help me with the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the union address is eskwela taawa sa google map of the soul of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderfu
27/08/2024
0Tingnan Lahat