Chapter 33

Chapter 33
Nakailang suot na ng eskinita si Boyet para iwasan ang mga barikadang unti-unti nang itinatayo sa mga lansangan ng bawat siyudad sa Metro Manila. Nakailang beses na rin siyang muntik nang masagasaan ng mga humahagibis na mga trak ng bumbero at ambulansya para rumesponde sa mga kaliwa't kanang tawag ng saklolo. Sandamakmak na rin ng mura ang inabot niya sa mga biyaherong nagmamadaling makauwi sa mga bahay nila bago pa sila maabutan ng lockdown.
Pakiramdam niya sasabog na ang buong Metro Manila at hanggang ngayon wala pa rin siyang ideya kung ano ba talaga ang totoong nangyayari.
Dagdag pahirap pa ang kapal ng mga pollen sa hangin na pumupuwing sa kanya habang niraratsada niya ang kalsada. Sa sobrang bilis niya magpa-andar pumapasok na ang mga pollen sa loob ng kanyang helmet.
Habang naghihintay na mag-green ang stop light sa may intersection sa Makati, may nasulyapan siyang pamilyar na mukha sa sidewalk. Si Mark, ang dati niyang TL. Mukhang nag-aabang ng masasakyan.
*Siya na naman?*
Hindi alam ni Boyet kung babatiin pa ba niya ang dating boss gayong halos hindi naman siya maalala o makilala nito kahapon lang. First time niyang makita ang dati niyang boss na mahilig pumorma, naka-pambahay na lang ngayon.
*Hmmm... Bakit pakalat-kalat 'to dito?*
"TL! TL! Boyet 'to. Tanda mo pa ako? Nagkita tayo kahapon sa may terminal. Ako 'yung dati mong agent." Nagtanggal ng helmet si Boyet para ipakita ang kanyang mukha.
Naningkit muna ang mga mata ni Mark nang makita si Boyet. Hinahagilap pa kasi ng utak niya si Boyet sa kabinet ng kanyang mga alaala.
"Ah, yes... yes... Boyet. Right, naalala ko na. 'Yung dati kong ahente sa call center," ika ni Mark. Hindi siya talaga nakatingin kay Boyet habang nagsasalita. Nagmamasid kasi siya kung may jeep na ba o bus na padating. Lagi rin nitong sinisilip ang hawak na cellphone. Hindi alam ni Boyet kung tinitignan nito ang oras o may inaabangang text message. "I'm sorry, Boyet. Nagmamdali kasi ako. But nice meeting you again."
Nag-green na ang ilaw sa stop light. Nagsimula nang umugong ang mga sasakyan sa harap at likod ni Boyet. "TL, saan ba sa inyo? Kung gusto mo angkas ka na lang sa akin."
Hindi alam ni Boyet kung anong hangin ang biglang umihip sa kanya at naisipan niyang tulungan ang taong kinaiinisan niya. Pero, wala nang bawian. Nabitawan na niya ang alok. Ayaw naman niyang magmukha siyang masama sa harap nito. Sa isip-isip ni Boyet, kung papakitaan niya siguro ng kabutihan 'tong TL niya sa kabila ng kagaguhang ginawa sa kanya, baka magsisi at humingi pa ito ng sorry sa kanya pagkatapos.
"Talaga? Are you sure? Sa may Ortigas lang ako. Don't worry, babayaran kita kahit magkano. Kailangan ko lang talaga makauwi sa amin." Bakas ang ngiti at nabura ang alalahanin sa mukha ni Mark.
Iginilid muna ni Boyet ang motorsiklo para maka-abante ang mga sasakyan sa likod niya at saka inabot kay Mark ang ekstrang helmet. Pagkasuot, dali-dali nang umangkas si Mark sa likod at saka sila humarurot.
Habang binabaybay ang mga kalsadang nilusutan niya kanina para iwasan ang mga checkpoint, nag-usap ang dalawa. Maiksing kumustahan lang, walang seryoso at hindi rin malalim. "Hi-hello" lang kumbaga.
Hanggang sa nakarating sila sa may bandang Taguig. Doon naabutan nilang may nakatayo ng harang sa kalsadang dadaanan sana nila. Kaya lumiko si Boyet para maghanap sana ng panibagong malulusutan. Bigla, naalala ni Boyet si Nathan.
Ito ang naging malapit niyang kaibigan doon sa dating call center nila. Nawalan sila ng komunikasyon noong siya ay masisante, pero naaalala pa ni Boyet ang masasaya nilang inuman at outing sa probinsya kasama ang iba pa nilang ka-team. Ito rin ang madalas niyang utangan kapag siya ay walang-wala.
"TL, si Nathan kumusta na du'n? Na-promote na ba bago ka umalis?" Pabirong tanong ni Boyet sa naka-angkas sa kanya. Balik ulit ang biyahe nila pa-Makati.
"Sinong Nathan?" tanong ni Mark.
"'Yung ka-teamate ko. Ahente mo rin 'yun. 'Yung payat na may salamin tapos maraming pimple sa mukha. Tapos lagi siyang naka-jacket na pula na parang hindi niya nilalabhan." Nakangiti si Boyet habang ipinapaliwanag ang itsura ni Nathan. Inside joke kasi nilang dalawa 'yun. Kaya hindi raw nagpapalit si Nathan ng jacket kasi hindi rin naman daw ito naliligo. Pero, isang linggo bago siya mawala sa kumpanya, ipinagtapat sa kanya ni Nathan na kaya niya laging suot ang jacket ay dahil ito raw ang huling bagay na ibinigay sa kanya ng ina bago ito matabunan sa isang landslide sa kanilang probinsya.
"Ah, si Nathan. Wala na sa kumpanya 'yun. Nasisante rin. NCNS. Parang ikaw," kaswal na sabi Mark. "Hindi man lang din kasi tumawag nung umabsent. Eh, alam mo naman du'n sa company natin dati. Mahigpit talaga sila sa attendance ng mga empleyado."
May kung anong kumulo sa kaibuturan ni Boyet. May sumilakbong init sa kanyang dibdib. Muling nanumbalik sa kanya ang mga alaala ng mga karanasang dinanas niya sa dating kumpanya at sa mamang nakasakay sa likod niya.
Bakit kaya may mga taong gano'n na lang kung magdesisyon nang hindi man iniisip ang magiging epekto nito sa buhay ng iba. Noong mga sandaling iyon, sigurado si Boyet, isang-daang porsyento, na may kinalaman din si Mark sa pagkakatanggal ni Nathan sa kumpanya. Na kagaya niya, hindi rin nito naipagtanggol ang kaibigan sa mga nasa itaas.
"Ah, ganu'n ba? Sige..." pabulong na sabi ni Boyet at saka niya iniliko muli ang sinasakyan nilang motor.
"Anong sabi mo? Teka.. bakit tayo naliko. 'Di ba papunta tayong Ortigas? Bakit parang iba 'yung direksyon natin?" Banaag sa boses ni Mark ang pagkalito. Ayon sa nadaanan nilang road sign, papunta sila ng direksyon ng isang sikat na mall. "Wait lang p're. Bakit tayo pupunta sa mall? Ang usapan sa Ortigas tayo."
Hindi siya sinasagot ni Boyet. Nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho ng motorsiklo. Hanggang sa natanaw na ni Mark ang sikat na globo na simbulo ng mall, pero hindi sila doon dumiretso. Sa halip, lumiko pa sila ng daanan papunta sa kung saan. Sa lugar malapit doon na hindi pa nade-develop at wala pang masyadong gusali at establisyemento. Puro damo at halaman lang. Walang katao-tao. Buti na lang wala ring mga barikada at checkpoint.
Bahagyang binagalan ni Boyet ang takbo. "Akin na 'yang cellphone mo."
"Ano? Bakit kukunin mo ang cellphone ko?" Lalong hinigpitan ni Mark ang hawak sa telepono.
"Akin na sabi. Akin na 'yan. Akin na!" Hinablot ni Boyet ang telepono at nagpumiglas naman si Mark. Nag-aagawan sila ng telepono habang naandar ang sasakyan.
Sa isip ni Boyet, kulang pa ang cellphone ni Mark pambayad sa lahat ng pinagdaanan niyang hirap noong mawala siya sa kumpanya. Puwede niya itong isangla o ibenta kapag hindi na siya maka-biyahe.
Kahit man lang dito, makabawi-bawi siya sa dati niyang amo.
*Para sa amin ni Nathan*

Komento sa Aklat (43)

  • avatar
    Porfyra

    hala! tapos na pala 'yon. i wish i'd be lucky to stumble upon book 2 or the series or the complete version of this story somewhere. this is good! as someone na hindi mahilig sa movies or films or teleserye, i will 100% hype this up if ever it becomes adapted as one.

    13/09

      0
  • avatar
    EVANGELISTAMark Anthony

    jsgdkshdjdjd I send you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you want to you in a bit when I get home from work now and then I can come get you if you want to you in the address is Juan and send it back to me a little more I block someone from seeing your name and then we can come get you if you in a bit when you get a chance can come over and watch a bit when you the link when you the link

    24/10/2024

      0
  • avatar
    Rioer Rtio

    meh 😑😕😕😕😕😕😕😕 hhhbbbhj I think I need a ug Sako I love 😘 Precious I think 🤔 I can help you if I think 🤔 I love it so much that man ko og strain oh well I guess you can help me with the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the union address is eskwela taawa sa google map of the soul of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderful whites of west Virginia state of the wild and wonderfu

    27/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata