Chapter 37

Chapter 37
MAAGANG umuwi si axil dahil di naman ganon kadami ang costumer sa shop. hindi tulad nuong nag daang araw na pagud na pagud siya sa dami ng rush at na pinainit ng husto ang ulo niya sa delivery ng sparepart na ang tagal dumating mula sa supplier kung kilan kailangang kailangan niya.
Dagdagan pang kapag umuuwi siya ng bahay hindi maayos niyang nadadatnan ang anak.. kayat si jewel ang napag bubuntunan niya ng Init ng ulo. di niya mapigilang ang sariling magalit pag dating sa anak nila kaya nasaktan niya ang damdamin ng asawa. nadadala niya sa bahay ang pressure ng trabaho sa luob ng bahay.
Alam niyang sumama ang luob nito sa kanya ng minsan niya itong nasigawan. nag kataon lang na mainit ang ulo niya at pagud na pagud siya.
Matapos ihabilin sa mga tao ang gagawin ay sumakay na siya ng kotse. dumaan muna siya nang flower shop upang bumili nang pinaka magandang bulaklak, bumili din siya ng isang box ng chocolate bilang peace offering para sa asawa. susuyuin niya ito at hihingi siya ng tawad, sana lang mapatawad siya nito.
Pag dating sa bahay napansin niyang tahimik ang buong paligid. kinabahan na siya nang hindi makita ang anak. ganun nalang ang pan lulumo nang makitang wala ang ibang gamit ni reig.. nilayasan nanaman ba siya ni jewel.?
Mabilis niyang kinuha ang phone at kinuntak si jewel subalit sinadya itong mag patay nang cellphone. ayaw siya nitong maka usap.
"Jewel..!!bulong niya na tinungo ang nakaparadang sasakyan. saka pinaharorot iyon. Alam niyang nasa bahay ito ng mga byenan niya kayat duon siya dimiritso upang sunduin ito, hihinge siya ng tawad kung kinakailangan.
Na traffic pa Siya nang halos dalawang oras kaya hapon na siya naka rating sa bahay nang byenan.Â
"Axil.. gulat si adel ng mapag buksan siya.
"Si jewel? tanong niya.
"Nasa kwarto po nag papahinga… anu bang nangyari? pag uusisa nito.
Hindi niya ito pinansin na tuloy tuloy sa loob na tinungo kung saan naroon ang kwarto ng anak. tulog si reig at wala duon ang asawa.
Pinag masdan niya ang anak at napansin niyang wala na ang bukol nito sa nuo maging ang pamamantal sa balat kaya nakahinga siya ng maluwang.
Lumabas siya sa kwarto ni reig saka tinungo ang kwarto ng asawa. tulog na tulog din ito na hindi namalayan ang pag pasok niya, nakalatag ang magandang katawan nito sa ibabaw ng Kama. marahan siyang lumapit dito saka umupo sa tabi nito. kinuha niya ang kamay nang asawa saka dinala iyon sa labi niya.
Napansin niyang may mga munting sugat ang maninipis nitong daliri marahil dahil sa mga Gawain sa bahay kaya naikuyom niya ang mga kamao. Alam niyang hindi ito sanay ganun man wala siyang naririnig na reklamo mula dito. kayat naiinis siya sa sarili kung bakit nagagawa niya pa itong pasakitan at pasamain ang luob.
"Im sorry babe.. bulong niya na hindi napigilan ang sariling yakapin ito. dahilan para magising ang asawa niyA.
"Axil.. kita niya kaagad ang takot na rumihistro sa mata ng asawa. daig pa nito ang nakakita nang mabangis na hayop sa gubat.
"Im sorry babe hindi ko sinasadyAng saktan ka. aniya sa asawa.
Tumulo ang luha nito sa sinabi niya dahil minsan na siyang nangakong hindi na sasaktan pero hindi niya iyon napa nindigan kung may pinaka masakit man siyang ginawa dito iyon ay ang masakit niyang sinabi. Alam niya sa sariling hindi nito pinabayaan ang anak nila. isa itong mabuting asawa na pilit ginagampanan ang tungkulin sa kanyaÂ
at mabuting ina na ginagampanan ang tungkulin kay reig.
"Umalis kana axil dahil hindi kita kailangan. namuhay Kami ni reig nang dalawang taong wala ka.. kakayanin namin sa marami pang taon. pero bago ka umalis itatak mo sa isip mo na kilan man diko pinabayaan ang anak ko, humahagolgol nitong saad na damang dama niya ang matinding sama ng luob.
"Babe naman diko sinasadya. mahal na mahal ko kayo nang anak ko. Alam mo yan. pag susumamo niya. hindi siya sigurado kung mapapatawad siya nito.
"Hindi pagmamahal ang nakikita ko sayo axil. kaya umalis kana. please lang. anitong nanatiling umiiyak.
Di makapaniwalang tinitigan niya ang asawa habang nasa ganung ayos.
"Anong ginawa niya? panu niya nasaktan nang ganto ang asawa niya.? ang Sama niya. bulong ng utak niya.
Nang di maka tiis ay niyakap ito.
"Sorry na babe..please. hindi ako uuwi hanggat diko kayo kasama ni reig. pangako dina to mauulit. maiinit lang talaga ang ulo ko pero di ako galit sayo kundi galit ako sa nangyari. please jewel. aniyang pinahid ang luha nito habang nag papaliwanag.
Ndi ito tumugon kundi nanatili itong umiiyak. dama niyang masama parin ang luob nito sa kanya.
"Jewel sumama na kayo sakin ni reig.. promise dina talaga to mauulit cross my heart. aniyang masuyo itong kinabig upang sa muli ay ikulong sa mga bisig niya..
Alam niyang lahat nang gustuhin niya mula sa asawa ay walang kahirap hirap niyang nakukuha na dinadaan lahat sa halik at dahas lalo nat alam niya ang kahinaan nito kaya siguro nasanay siyang pasamain ang luob ni jewel dahil mabilis siya nitong napapatawad.
"I love you babe..usal niya na nginitian ito,.
Pero sa pagkakataong iyon gusto niyang irespeto ang magiging desisyon ni jewel. ayaw niya itong pilitin katulad nuong mga nakaraan. gusto niyang mag karoon ng kalayaang mag disisyon ang asawa kung gusto paba siya nitong makasama.
Marahil kaya siya ganito dahil sa dami nang kasalanan niya dito ay hindi niya iyon napagsisihan at kahit na sapilitan niyang inangkin ang puri nito. naging masama siya sa subrang pag mamahal niya dito kayat gusto niyang baguhin ang sarili kung sa muli ay ipag kakaluob nitong kusa ang kapatawarang hinihiling niya.
"Patawarin mo ako axil pero hindi kita mapapatawad sa ngayon. walang anumang sabi nito sa matigas na boses.
Laylay ang balikat na tinungo ang sasakyan upang lisanin ang bahay nang byenan. tulad nang ipinangako niyang irerespeto ito sa desisyon ni jewel ay gagawin niya. pero araw araw siyang hihinge ng tawad dito.
Pinipili niyang pagurin ang sarili sa shop upang pag dating sa bahay ay hindi siya balutin nang matinding kalungkutan. mas madaling siyang makakatulog kung pagud siya at hindi na maaalala pa ang kanyang mag ina. or minsan nilulunod niya sa sarili sa alak.
Habang lumilipas ang araw na hindi niya nakukuha ang kapatawaran ni jewel ay para bang gusto nanamang bumalik ang dati niyang ugali nang madatnan sa bahay ng byenan si Marky habang kalaro ang anak niya.
Larawan ng isang masayang pamilya ang nakikita niya sa mga ito. ramdam niya ang pag sulak ng dugo niya at para bang gusto niyang pumat*y nang tao. nahigit niya ang manebela habang kinakalma ang sarili.
Isa iyon sa gusto niyang baguhin sa sarili niya ang pagiging seloso. kaya niya pinag resign si jewel dahil kadalasan sa trabaho nito ay di nito maiwasang mag bilad ng katawan. mas gusto niya itong maghapong nakakulong sa bahay. nagiging makasarili siya.
Minabuti niyang umalis nalang dahil hindi niya kayang panuurin nalang ang masayang tagpong iyon. pag dating sa bahay ginumon siya nang matinding kalungkutan sa katahimikan sa luob nang bahay. alak ang Alam niyang sagot sa lahat para saglit siyang makalimot. hindi niya naiwasan ang pag patak nang mga luha niya sa subrang pangungulila sa kanyang mag ina.
Nag tiis na siya nang halos dalawang taong wala si jewel sa buhay niya at pakiramdam niya hindi niya kakayanin nang kahit isa pang taon na wala ito mababaliw siya kung mag papatuloy pa ang pangyayaring iyon. halos pinabayaan niya na ang sarili. ni hindi na siya halos makakain, ni hindi siya makapag isip ng maayos.
Lasing na lasing siyang tumayo na tinungo ang sasakyan. mas gugustuhin nalang niyang mamatay kesa hindi makasama ang asawat anak. hindi niya na kayang mag isa pa at magbilang nang marami pang taon na wala ang mga ito sa buhay niya. habang hinihintay niya ang kapatawaran nito na malabong mangyari Lalo pat parang masaya na ito sa piling ni marky. mabilis niyang pinaharorot ang sasakyan. tinudo niya ang bilis nito na 160 to 180 kmh saka niya ito ibinangga sa poste ng meralco
"Paalam jewel..patawad anak.. bulong niya.
💝💝💝

Komento sa Aklat (56)

  • avatar
    RegachoRocelyn

    owwww ROM com ba to?

    05/08/2025

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks writer @ it's nice story at s uulitin 🥰🥰🥰

    29/01/2025

      0
  • avatar
    MangulabnanAr Jay

    maganda po nga novehla pwederin po ito makatulong sa mga batng hindi gaanong sanay mag basa at pwede rin nila ito matutunan o mai share

    26/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata