PAG-PASOK ni jewel sa studio sinalubong kaagad siya ni lizel bitbit ang isang ponpon nang red roses. kasabay niya si Logan na isa ding model na nakaakbay pa sa kanya. lihim siyang natuwa sa ginawa nitong pag akbay kanina para asarin si axil. kasama si Logan sa rehearsal nila dahil isa ito sa napiling co model na gaganaping photo shots sa subic. Bakit ngaba niya naisip asarin ang lalaki? dahil napakayabang nito.. akala siguro nang mukong na iyon porket nakikipag tagisan na siya nang titig Dito eh magkaka gusto siya sa lalaking iyon. at para lalong maasar ang lalaki nakipag tawanan pa siya kay Logan habang papasok sila nang studio. Umaasa siya. kutkot ng isip niya. "Para sayo.. nakangiting sabi ni lizel na iniabot ang bulaklak. "Kanina galing? asik niya. na tinanggal ang kamay ni Logan sa balikat niya dahil parang wala itong balak tanggalin iyon. at naiinis siya. "Ewan ko.. walang nakalagay kung kanino galing. Mabilis na kinuha ni Logan ang bulaklak mula sa kamay ni lizel at tinapon sa basurahan. "Dont accept any flower from strangers its dangerous. siryosong saad nito bago tumalikod. Pariho sila napatanga ni lizel habang nakasunod ng tingin sa lalaking galit na tumalikod. para itong boyfriend na nag aalala para sa kanya. "Anyare dun?? Nag kibit balikat nalang siya, hindi lang naman iyon ang kauna-unahang pagkakataong naka tanggap siya ng bulaklak mula sa isang secret admirer. marami siyang fans at hindi naiiwasan yun. Nag simula na siyang ayusan ni lizel dahil malapit na ang rehearsal. Saktong eight o'clock naka ready na ang photographer at lahat nang co model niya. Tatlong oras bago natapos ang rehearsal.. diritso siya sa dressings room para magbihis.. kasunod niya ang mga co model. Masaya ang mga itong nag kukwentuhan para sa pag hahanda papuntang subic. Maya-maya pumasok si maneger kim. pumalakpak ito para kunin ang atensyon nilang lahat dahil maingay ang ibang co model niya. strikto ito pagdating sa trabaho kaya lahat nang model ay takot dito. "Girls be ready on Monday may oras pa kayo mag pahinga tomorrow so kailangan insaktong ala sais nang umaga lahat ay nanadito na para sabay-sabay tayong aalis papuntang subic understood? naka taas ang kilay nang matabang babae. "Yes madam kim.. korong sagot nang nila. Pag katapos ng announcement na yun ay lumabas na ito. Balik ingay ang lahat. masayang nag tatawanan at nag kukwentuhan maliban sa kanya na mabilis isinilid sa paper bag ang personal niyang gamit gusto niya nang umuwi,, dahil natutulili siya sa hiyawan nang mga ito, wala ni isa mang gustong kumausap sa kanya sa pagiging mataray niya. may sarili siyang mundo.. ganun man masaya siyang walang friend. "Eh anu kung wala siyang friends hindi naman niya iyon ika gugutom. ayaw niya lang makipag plastikan sa mga ito. "Pauwi kanaba? pag labas niya nang dressings room sumalubong sa kanya si logan. "Uhm yes.. mag aayos ako nang gamit na dadalhin para sa photo shots..why? "Aayain sana kitang mag lunch. nakangiting sabi nito. Tiningnan niya nang deretso si Logan sa mga mata. baka nag take advantage ito nang hinayaan niya kaninang akbayan siya. "Hindi ako nagugutom at naghihintay ang driver ko sa labas. tugon niya. Alam niya ang kasunod nang lunch date na iyon. bibigyan siya nang flower.. manliligaw sa kanya. at pag naging sila aayain siyang pakasal at pahihintuin siya nito sa trabaho.. at iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. nadismaya ito sa narinig mula sa kanya. "Jewel... ahm.. "I have to go.. putol niya sa sasabihin nito. daig pa niya ang hinabol nang magnanakaw sa bilis nang mga hakbang niya palabas sa studio. hindi na nilingon pa ito. Hindi naman sa ayaw niya kay Logan dahil gwapo din naman ito maganda ang katawan may pinag aralan.. pero hindi siya kinikilig dito. Pinag buksan siya nang pinto ni axil habang nakangiti sa kanya. pag dating niya ng parking space, saglit pa muna siyang nakatitig dito habang may naglalaro sa isip niya. para kasing nakay axil ang hinahanap niya sa isang lalaki. pinapakilig kasi siya nito, anu ba ang basihan para hindi ito magustuhan. gwapo, macho, okay lang sa kanya kahit hindi mayaman. "No.. hindi pwedi.. hindi sa lalaking ito.. bulong ng utak niya. "Staring at me that way is a big mistake.. makahulugang sabi nito matapos siya tapunan nang nakakalukong tingin. Na halata nitong kanina pa nakatitig dito. tuloy umusbong nanaman ang kakaibang galit niya sa lalaking may malaking bilib sa sarili. "Mayabang.. hmp! Walang imik na umupo matapos itong tapunan nang masamang tingin na obviously walang talab sa lalaki. pati pagtataray niya wala ding epikto dito. anu bang klaseng tao ito.? Mabilis nitong binuksan ang sterio niya. Halatang mahilig sa music si axil dahil sa tuwing mag babyahe sila hindi ito kontento kapag hindi pinapakialaman ang radyo niya na hinayaan nalang din niya. nakasanayan nalang niya makinig nang music kahit nun paman wala siyang hilig dito besides wala siyang choice. Pag dating sa bahay nagulat siya nang makita ang ama sa mansiyon. maaga pa nun hindi ba ito pumasok sa opisina. "Wala Kang pasok bukas., pero sa Monday maaga tayo i want you to be here at exact five in the morning. okay ba iyon. aniya sa lalaki bago bumaba nang sasakyan. "Yes. babe.. anitong may halong biro. kasalukuyan nitong ipinaparada ang sasakyan at hindi ito nkatingin sa kanya. Paraang lumihis ang kinalalagyan ng puso niya matapos marinig ang sinabi nito. Alam niyang biro iyon nang lalaki Pero bakit parang ang sarap pakinggan. Binalewal nalang iyon saka nag mamadaling lumabas. nag kunwaring walang narinig. sinalubong siya nang ama. "Dad.. why are you here? tanong niya sa ama habang humahalik sa pisnge nito. "Sumama kasi ang pakiramdam ko.. pero okay na ako. niyakap siya nito. "Okay dad mag bibihis lang ako sa room ko.. paalam niya sa ama nang makitang palapit na si axil sa kanila. umiiwas siya. para kasing tambol ang dibdib niya sa munting presinsya nito. naiinis siya sa sarili. Pag dating sa main door nilingon pa niya ang dalawa. mukang seryoso ang pinag uusapan nang mga ito, naka akbay pa ang dad niya kay axil at para bang may importante itong sinasabi sa lalaki. "Anu naman kaya iyon? mukang seryoso. Nag kibit balikat nalang siya saka dumiritso na sa kwarto. 💌💌
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (56)
RegachoRocelyn
owwww ROM com ba to?
05/08/2025
0
Sonia Azucena
thanks writer @ it's nice story at s uulitin 🥰🥰🥰
29/01/2025
0
MangulabnanAr Jay
maganda po nga novehla pwederin po ito makatulong sa mga batng hindi gaanong sanay mag basa at pwede rin nila ito matutunan o mai share
owwww ROM com ba to?
05/08/2025
0thanks writer @ it's nice story at s uulitin 🥰🥰🥰
29/01/2025
0maganda po nga novehla pwederin po ito makatulong sa mga batng hindi gaanong sanay mag basa at pwede rin nila ito matutunan o mai share
26/01/2025
0Tingnan Lahat