Chapter 34

Chapter 34
SI AXIL ang tipo nang lalaking hindi madalas mag sabi ng saloobin. mas gusto nitong pinaparamdam ang pagmamahal na mayron ito. pero sa side niya mas gusto niyang marinig iyon mula sa lalaki kung meron man. pakiramdam niya tuloy binalikan lamang siya ni axil dahil sa anak nila. at yung nangyari sa kanilang dalawa wala lang yun.
Wala itong sinabi sa kanya na kahit anu bagay na ikinasasama ng luob niya, dalawang taon silang hindi nag usap matapos silang mag hiwalay ng hindi nag kaka ayos pero mag pa hanggang ngayon wala itong binabanggit sa kanya. ni hindi niya narinig ang pag hinge nito ng tawad. at kung bakit nangyari lahat sa kanila ang mga bagay na iyon, at marahil hindi niya na iyon kilangan alamin pa, 
Sapat ng maging masaya ang anak niya sa piling ng ama dahil ayaw niya itong ipag Kait pa kay reig, suguro tama si adel darating ang araw na hahanapin ni reig ang ama nito balang araw kaya gusto niyang ngayun palang maramdaman nitong may ama itong nag mamahal dito. 
Pag katapos nang nangyari hindi na sila hinayaan ni axil na umuwi kahit nga mga gamit nilang dalawa ng anak ay ipinakuha nalang nito. 
"Huminto kana sa trabaho mo.. isang gabi habang kumakain sila ay narinig niya mula dito. seryoso itong naka tingin sa kanya. katabi nito ang anak na siyang nag susubo dito. 
"Axil baka naman pwedi natin tong pag usapan kababalik ko lang…. 
"Alam mo namang simula't sapol ayaw ko sa trabaho mo diba? bantayan mo nalang ang anak natin at ako ang mag tatrabaho. kung naiinip ka dito pwedi kayo sumama sa shop mas okay yun.. putol nito sa sasabihin niya. 
Naiinis niyang tiningnan ito at hindi na muling umimik pa, Alam niyang mangyayari ang bagay na yun matapos itong bumalik sa buhay niya. nun paman minamanipula na siya nito. 
Masama ang luob na nag ligpit siya nang mesa pag tapos nilang kumain. dinala nito sa kwarto si reig pag katapos nilang kumain. 
Sinilip niya ang anak sa kwarto matapos hugasan ang pinag kainan nila, nilalaro pa ito ni axil, tuwang tuwa ang anak niya habang nag lalaro ng bola ang dalawa. hindi niya maiwasang mapangiti habang naririnig ang matinis na sigaw ng anak niya na sinasabayan ni axil ng tawa. 
Makikitang sabik na sabik ito sa bata kaya hinayaan nalang muna niya mag bonding ang dalawa. 
KINABUKASAN nag file siya ng resignation letter at ibinigay kay manager kim..kasama niya si reig dahil nasa shop ang ama nito.
Napapailing nalang si manager kim habang tinitingnan ang resignation letter niya. 
"Si axil nanaman ba ang dahilan? tanong nito. batid ni manager Kim ang pag kakabalikan nila ng dating asawa. 
Tumango siya bilang tugon. 
"Jewel baka naman pwedi mong kausapin ang asawa mo tungkol dito. halos kababalik mo lang. may kuntrata Kang pinirmahan sakin. naiinis ang tuno ni manager kim. parang gusto nitong lamukusin ang resignation letter niya. 
Hindi niya mapigilang umiyak sa harapan nito. mahal niya ang trabaho pero hindi niya kayang suwayin ang asawa. alam niyang araw araw nilang pag aawayan yun kung hindi niya ito susundin, sana pala hindi na siya bumalik sa dating trabaho kung mag dudulot iyon ng matinding Sama ng luob sa kanya. 
Nauunawaang niyakap nalang siya ni manager kim. para bang wala na itong mgagawa kundi sa muli ay bitiwan siya. 
Dumaan muna sila ng anak sa upisina ng ama tutal maaga pa. sabik na niyakap ng kanyang lolo ang apo. 
"Ang gwapo talaga ng apo ko manang mana sa lolo.. humahalakhak nitong sabi habang pinupugpug ng halik ang anak niya na humahagikhik na parang nakikiliti. 
Naaliw niya lang pinag mamasdan ang dalawa. alam niyang na miss nito si reig. apo nito agad ang hinahanap kapag nadating ito ng bahay nuon. 
"Kumusta na kayo ni axil ija? may maganda na bang update? mag kakaroon naba ako ng pangalawang apo? pag kuway tanung sa kanya. 
iiiripan niya ang ama. 
"Actually dad pinag resign ako ng magaling mong manugang. 
Sa pag kagulat natawa ito. 
"Tama ang disisyon ni axil ija. at sundin mo nalang siya. para din naman sa ikabubuti mo yan. kayang kaya naman kayong buhayin ni axil. 
"Hindi yun ang point ko dad.. masamang luob niyang sabi. gusto niyang mag marakolyo dahil ni minsan hindi siya kinampihan nito. para bang lahat nalang nang gawin ni axil bilib na bilib ang ama niya. 
Mabilis siyang tumayo at kinuha ang anak mula sa lolo nito. 
"Uuwi na kami dad.. aniya dito. 
"Okay ija, dumalaw naman kayo sa bahay at na mimis ko itong apo ko.. bilis bilisan niyo pang gumawa ng isa. okay.. natatawang pahabol nito sa kanya na hindi napansin ang inis niya kanina. Lalo tuloy nalukot ang mukha niya sa sinabi nito. 
Naiiling nalang siya. 
Karga ang anak na tinungo ang elevator. pag lapag nila nang ground floor nakita sila ni marky. 
"Jewel.. nakangiting lumapit ito sa kanya. mabilis na hinawakan ang kamay nang anak niya." so cute.. puna nito na parang naaaliw. 
Alam ni marky ang nangyari sa kanila ni axil dahil naging close sila. ngalang hindi ito maka porma sa kanya matapos niyang tapatin na si axil lang ang mahal niya. 
"Lauwi na Kami dinalaw ko lang si dad.. 
"Ihahatid ko na kayo pauwi narin ako. anitong tiningnan ang suot na relo. 
"Salamat pero mag tataxi nalang kami.. aniya sa lalaki. 
"I insist please.. pangungulit nito. 
"Sige salamat..napipilitan niyang tugon. wala naman sugurong masama kung ihahatid sila nito. tutal kaibigan naman niya si marky. 
Masayang inalalayan siya nitong sumakay nang kotse. 
Agad din namang nag paalam ang lalaki pag kahatid sa kanila matapos halikan ang baby niya. 
Kinuha niya ang susi upang buksan ang pinto pero kusa iyong bumukas at madilim na mukha ni axil ang tumambad sa kanya. 
Masama parin ang luob niya sa asawa dahil pinilit siya nitong mag resign, hindi niya ito pinansin at tuloy tuloy sa kwarto ni baby reig upang patulugin ito.
"Tinatawagan kita dika sumasagot yun pala kasama mo si marky. galit ang tuno nito saka sinundan siya sa kwarto ng anak. 
Masamang tingin ang ipinukol niya sa asawa. inisip niyang Mali ang desisyong makipag balikan dito. nadala lang siya sa damdamin niya at nag patalo sa mga halik nito kahit dipa nila naayos ang gusot na ginawa nito noon.
at hanggang hindi naipapaliwanag iyon ni axil nang maayos impossibleng mag kaayos silang dalawa.
"Galing Kami kay manager kim at nag resign na ako diba yun naman ang gusto mo? madiin niyang sabi. 
"Eh anu Yung masayang tagpong nakita ko sa inyo ni marky? nasa tuno nito ang pag seselos.
Hindi niya ito pinansin.. inilapag niya ang anak sa crib at pina tulog. isa pang problema niya ang pagiging seleso nito ng walang sa lugar. 
"Jewel kinakausap kita.. hinila siya nito palabas ng kwarto ni reig para dun sila mag ingay sa labas dahil nakita nitong inaantok na ang anak. 
Pahablot niyang binawi ang kamay na hawak nito pag kalabas nila ng kwarto, bakit siya pa tong lumalabas na masama. sinunud lang naman niya ang gusto nito. lahat nalang ng bagay na gawin niya parang mali sa asawa. 
Gusto niyang umiyak sa harapan nito. pero pinilit niyang tatagan ang luob. 
Tumitig siya sa mga mata ng asawa na sinalubong din nito. 
"Axil mahal mo paba ako? nangingilid ang luha niyang tanong. hindi niya na kasi maramdaman iyon kay axil. 
Naglaho ang galit na naka rehestro sa mukha nito kanina. ayaw na sana niyang itanung iyon pero mas makabubuting mag hiwalay nalang sila ulit kung sakaling hindi na siya nito mahal. 
Humakbang ito palapit sa kanya saka kinabig siya upang yakapin. 
Walang sagot mula rito. 
"Pwedi ba sagutin mo naman Akon axil.. naiinis niyang sabi dito na binayo ang likod nito. 
Sa halip na sumagot ay siniil siya nito nang nag aalab na halik sa labi. mag papatangay nanaman ba siya.? anung gagawin niya? 
Pinilit niya itong itulak pero malakas ang lalaki. mas humugpit pa nga ang yakap nito sa kanya. damang dama niya na ang matitigas nitong braso na nag papahina ng mga kalamnan niya. at nag papaliyab ng pakiramdam niya. 
Naramdaman niyang marahan nitong kinagat ang pang ibaba niyang labi dahilan para mapa ung*l siya. inis na inis siya sa lalaki dahil dinadaan siya nito sa ganun para matangay siya, nakalimutan niya na tuloy ang paliwanag na gusto niyang marinig mula sa asawa. maging sama nang luob niya nag laho narin. pikit matang tinutugon niya na ang nag aalab nitong mga halik.. tuluyan na siyang nag patangay. 
Nakapangunyapit na siya sa leeg nito nang gumapang ang isa nitong kamay sa likod niya upang tangalin ang zipper ng suot niya. humakbang ito upang dalhin siya sa kwarto. 
Hindi niya na Alam ang sunod na nangyari tanging halinghing nalang ang naririnig niya mula sa sarili matapos mag tagumpay ang asawa niya na tangayin siya sa lugar na paraiso. 
Bahala na bukas.. 
💌💌💌

Komento sa Aklat (56)

  • avatar
    RegachoRocelyn

    owwww ROM com ba to?

    05/08/2025

      0
  • avatar
    Sonia Azucena

    thanks writer @ it's nice story at s uulitin 🥰🥰🥰

    29/01/2025

      0
  • avatar
    MangulabnanAr Jay

    maganda po nga novehla pwederin po ito makatulong sa mga batng hindi gaanong sanay mag basa at pwede rin nila ito matutunan o mai share

    26/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata