CHAPTER 20

HIS RETURN
Hindi ko alam kung kailan kami nakabalik ni Xanthus ng Academy. Naalimpungatan na lamang ako noong nasa pamilyar na kuwarto na ako. Paano ako nakarating dito?
Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaksi ito sa isipan ko. Wala na akong natatandaan pang nangyari maliban sa nagtungo kami sa maliit na bayan ni Xanthus at kumain doon pagkatapos ay pumunta sa bar. Ang lahat ng nangyari roon ay blangko na sa isipan ko. Nagtungo ako sa banyo at mabilis na natigilan noong makita ang damit ko ngayon. Ito pa rin ang suot ko noong nakalabas kami ng Academy ni Xanthus. Agad na naman akong dinagsa ng mga tanong hanggang sa nakapagbihis na ako.
Iyon pa rin ang nasa isip ko hanggang sa makarating ako sa klase ko. Halos mabangga ko na ang mga nakakasulubong ko sa hallway dahil sa sobrang okupado ng utak ko. Amoy alak ang damit ko noong tinanggal ko ito, ibig sabihin uminom ako?!
Mabilis akong sinalakay ng kaba habang pilit na inaalala kung ano ang nangyari noong nasa labas kami ng Academy ni Xanthus. Kung uminom ako, posibleng nalasing ako?! Argh shit!
Naaalala ko pa lang ang nangyari sa akin noong nalasing ako, gusto ko na lang lamunin ng lupa ngayon sa kinauupuan ko. Geez! Paano na lang kung ganoon ang ginawa ko noong nalasing ako kasama si Xanthus?! Argh! Nakakahiya! Sobrang nakakahiya!!!
Mariin kong sinabunutan ang sarili kong buhok bago sunod-sunod na umiling. Noong natapos ang klase ay mabilis akong bumalik sa dorm upang hanapin si Luna. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw na ito. Noong nakarating ako sa kuwarto niya ay mabilis kong kinatok ang pintuan. Nakatatlong katok pa ako noong tuluyan itong bumukas at iniluwa nito ang kaibigan ko.
“Brielle!” she exclaimed.
“Kailan kami nakabalik dito?” bungad kong tanong.
Saglit na kumunot ang kanyang noo bago ito sumagot.
“Sa pagkakaalam ko, sinundo kayo ni Kion noong madaling araw, pagkatapos ay pumunta si Kion sa kuwarto ko para asikasuhin kita. Bakit?” sagot niya kaya mabilis na kumabog ang dibdib ko.
“L-Lasing ba ako non?”
Napaisip ito ng ilang minuto. Napalunok ako habang pinapanood siyang inaalala ang mga nangyari. “Hindi naman, lasing na lasing lang,” sagot niya kaya halos mawalan ako ng balanse sa pagkakatayo. I knew it! What the hell, Brielle!
“Teka, ano pa lang nangyari sainyo?” narinig kong tanong niya.
“H-Hinabol kaming dalawa ng mga alagad ni H-Hendro, hanggang sa nakarating kami sa backdoor ng Academy,” sagot ko habang inaalala ang mga nangyari kahapon.
“Kayo? Ayos lang kayo?” tanong ko pabalik.
“Yeah, we’re okay,” sagot niya kaya naman napawi ang kabang nararamdaman ko.
“Bakit sila pumunta ulit dito?” kunot noo kong tanong, nakakapagtaka dahil hindi nila kasama si Papa. O baka nandito rin siya kahapon?
“H-Hindi ko din alam ‘e. The students here have been traumatized because of Hendro. Napakasama niya,” umiiling na sabi ni Luna.
Bahagya akong napalunok dahil tila may kung anong bumara sa lalamunan ko. “N-Nandito rin ba siya kahapon?” pinilit kong itago ang interes sa mukha ko.
Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo kaya naman mabilis kong sinundan ang sinabi ko.
“P-Para kasing nakita ko siya ‘e,” pagsisinungaling ko.
“Wala siya kahapon. Abala iyon sa pagpapalakas niya para magtagumpay siya sa plano niya at hindi na sumablay pa,” sagot ni Luna kaya napatango-tango ako bago punasan ang tagaktak kong pawis sa noo. I felt uncomfortable when he’s our topic.
“Alis na ako ha? May class pa ako kay Mr. West. See you later, Brielle!” kaway niya.
“Bye, Luna! Good luck!” nakangiti kong paalam sa kanya.
Tuluyan na itong bumaba ng hagdan kaya naman dahan-dahan kong ibinaba ang nakaangat kong kamay kasabay ng pagdalaw sa akin ng kalungkutan.
The students here have been traumatized because of Hendro.
Mariin akong napapikit noong nagpaulit-ulit sa aking pandinig ang sinabi ni Luna. Maraming namatay dahil sa kanya. Ang mga tao ay walang puso niyang kinontrol sa mga kamay niya. Dahil kay Papa, nagkagulo-gulo lahat. Dahil sa kasamaan niya.
Patungo na sana ako sa susunod ko pang klase nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na postura ng lalaki habang diretsong nakatingin sa akin. Agad akong dinaga ng kaba bago nagpalinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling makahanap ng matataguan. Ayoko pa siyang harapin ngayon dahil sigurado akong sasabihin niya ang mga ginawa ko roon! Geez! Not now please! Masyado pang nakakahiya!
Noong mag-iiba na sana ako ng direksyon ng pupuntahan ay mabilis niya akong tinawag. Mariin akong napapikit at humugot ng malalim na hininga bago ito harapin. I have no choice to face this dangerous man.
Bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Xanthus habang nakapaskil sa kanyang labi ang isang ngisi. Napataas ang aking isang kilay noong makitang bagong gupit ito na nagpadagdag pa lalo sa kagwapuhan niya. Naka-uniporme rin ito, hindi gaya dati na minsan-minsan lang ito nagsusuot ng uniporme. Pakiramdam ko tuloy ibang Xanthus ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ako sanay sa itsura niya ngayon, para siyang anghel na bumaba mula sa langit.
“Sa’n lakad mo?” umakto akong normal sa harapan niya.
“Is it bad to change outfits?” nakataas ang kilay niyang tanong kaya mabilis na naningikit ang mga mata ko.
“Wala naman akong sinabing masama,” saad ko bago ito irapan.
Narinig ko ang halakhak niya kaya naman mabilis kong ibinalik ang tingin sa kanya. Tinawag niya lang ba ako para inisin? Aba ang kapal.
“By the way, are you free tonight?” tanong niya bago pasadahan ng daliri ang kanyang buhok.
“Bakit?”
“Are you free tonight?” tanong niya ulit kaya mabilis na nagsalubong ang dalawa kong kilay.
“Bakit nga!”
“Are you free tonight?”
“Oo! Kaya bakit nga?!” nauubusan na ng pasensya kong tanong.
The side of his lips rose. “Good, I just pick you up from your dorm,” hindi niya sinasagot ang tanong ko.
“Bakit nga? Anong meron?” ubos na talaga ang pasensya kong tanong.
“Just follow. Have a great day ahead, Brielle,” nakangiti niyang sabi at handa na sanang talikuran ako noong mabilis kong hinila ang kanyang braso.
“May tanong lang ako saglit,” pahabol ko sa kanya.
Hindi ko na ito kailangan pang pigilan dahil siya na mismo ang bumalik sa kinatatayuan niya kanina. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa bago basain ang labi.
“So what’s your question?”
Kinagat ko ang ibaba kong labi bago huminga ng malalim. “A-Anong ginawa ko sa bar?”
Saglit itong nag-isip bago ko marinig ang malalim niyang boses.
“Ano bang ginagawa sa bar?” tanong niya rin kaya mabilis na nagsalubong ang dalawa kong kilay.
“Umiinom?”
“Oh! Edi iyon ang ginawa mo,” sagot niya kaya blangko ko itong tinignan.
“Seryosohin mo kasi!” galit kong singhal sa kanya.
Nakita ko ang pagkurba ng gilid ng kanyang labi bago sumeryoso ang mukha.
“Iyon nga ang ginawa mo roon,” sagot niya kaya pumihit na ako patalikod.
Wala akong makukuhang matinong sagot sa kanya kung nagtagal pa ako roon. Argh! Bakit ko pa kasi tinanong!
Dire-diretso akong naglakad patungo sa susunod kong klase habang pinapakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.
He is the only one who makes my heart beat so fast, there is no one else, but him.
Noong sumapit ang gabi ay ganoon na lamang ang gulat ko noong isang sulat ang natanggap ko noong nasa dormitoryo na ako. At mas lalong nagwala ang puso ko noong makilala kung sino ang taong nagpadala ng sulat na iyon sa akin.
“Go to the garden, at nine o’clock.”
X.D.V.
At nine o’clock? Ginagamit niya ba ang isip niya? Curfew na ang mga oras na iyon! Anong tingin niya sa akin? May kapangyarihang invisibility? Na hindi makikita ng mga gwardya kung lalabas ng dormitoryo? What the hell him!
Sa inis, padabog kong nilukot ang papel bago iyon ibato sa kung saan. Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang ceiling. Should I go or not? At ano naman ang gagawin namin doon? Magbabangayan?
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko noong marinig ang mahinang pagkatok ng pintuan. Kusa iyon bumukas at mabilis nitong iniluwa si Luna na mababahiran sa kanyang mukha ang pag-aalala.
“Oh bakit?” tanong ko at bumangon.
“Girl! Siguro hindi mo alam ang balita!” tili niya kaya napataas ang isa kong kilay.
“Anong balita?”
“Sabi na ‘e! So ito nga...” panimula niya at inayos muna ang pagkakaupo sa kama bago ito muling magsalita.
“Ang balita ko, may ordinaryong tao raw ang napuntirya ni Hendro kanina lang— I mean ordinary talaga like sa mga kaibigan mo sa ordinary world,” sagot niya kaya mabilis akong natigilan kasabay ng pagkabog ng aking dibdib.
Ganoon na ba talaga ka-sama si Papa? Pati mga inosente idadamay niya?
“A-Ano raw ang nangyari roon sa napuntirya niya?” nanginginig kong tanong. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin kung may masamang nangyari sa kanya dahil kay Papa.
“Nasa clinic siya ngayon. Okay na rin ang lagay niya ayon sa sabi-sabi. Tapos ang gwapo niya raw!” pahabol niya kaya mabilis akong napangiwi.
Kahit papano nabawasan ang kabang nararamdaman ko.
“Anong mangyayari roon sa lalaki kung maayos na siya?” tanong ko at nagsimulang ayusin ang magulo kong buhok.
“Don’t worry, maaalis ang Academy sa alaala niya,” sagot niya kaya napatango-tango ako.
“Saan ka pupunta?” narinig kong tanong niya habang pinapanood akong mag-ayos.
Nagsuot lang ako ng jacket at ipinusod ang buhok ko upang hindi ito magulo. “Diyaan lang sa labas,” sagot ko bago nakangiting humarap sa kanya.
“Pero magcu-curfew na ah?” kunot noo niyang tanong kaya nagpilit akong ngumiti rito. Kasalanan mo ‘to Xanthus.
“Mabilis lang ako. Bye, Luna!” nakangiti kong paalam at hindi na hinintay pa ang kanyang sasabihin at basta na lamang lumabas ng kuwarto.
Tinakbo ko ang hallway at noong nasa labas na ako ng dormitoryo ay mabilis akong sinalubong ng malamig na hangin. Mariin kong inilagay ang mga kamay ko sa bulsa bago nagtungo sa direksyon ng garden.
“Ang tagal mo naman,” bungad agad ni Xanthus noong nakarating ako.
“Ano bang gagawin natin dito?” taka kong tanong bago tignan ang paligid namin, may ilan pang estudyanteng nandito sa garden gaya namin.
“May meteor shower mamaya,” sagot niya kaya nabalik muli ang aking tingin sa kanya.
“E ano naman kung meron?” walang ideya kong tanong.
Nakita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay bago nag-iwas ng tingin sa akin.
“Hindi ka ba mahilig doon?” mababahid sa tono niya ang pagkadismaya.
Mahina akong napalunok bago sumagot. “Mahilig ako roon, kadalasan inaabangan ko rin sila noon,” sagot ko. It’s not a lie, mahilig na ako kahit pa noong nasa ordinaryong mundo pa lamang ako, kasama si Noah, inaabangan namin iyon.
“P-Pero paano kung mahuli tayo rito? Di ba curfew na?” mahina kong tanong para basagin ang katahimikan.
“Akong bahala,” sagot niya at ngayon lamang humarap sa akin. Mabilis na nagtama ang aming mga mata at kitang-kita ko ang mga bituwing kumikislap-kislap sa mga mata niya maging ang maliwanag na buwan na nagbibigay ng ilaw sa amin.
Agad akong nag-iwas ng tingin at bahagyang tumingin sa mga kasama namin dito na kanina pa nag-uusap tungkol sa nangyari kanina.
“Alam mo ba ang pangalan nung lalaki?” tanong ng isa sa kaibigan.
“Hindi ko sure pero alam ko ay Noah ang pangalan niya”
Hindi ko alam kung bakit ako mabilis na sinalakay ng kaba noong marinig ang pangalan ni Noah. Hindi naman siguro siya iyon hindi ba? Maraming Noah sa mundo at malabong siya iyon. Tama, hindi siya iyon.
“Oo ‘yun nga ang pangalan niya, Noah,” sang-ayon ng isa.
Pasimple akong sumulyap kay Xanthus na nakatingin lamang sa madilim na kalangitan. Sigurado akong naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga babae sapagkat malapit lamang sila sa amin.
“Grabe ang gwapo niya raw,” tili ng isa sa kanila.
Hindi ako nakatiis at wala sa sarili akong lumapit sa kanila. Naramdaman ni Xanthus ang ginawa ko ngunit nagtuloy-tuloy lamang ako sa direksyon ng mga babae. Agad nila akong napansin kaya naman natigil sila sa pag-uusap.
“Pwede ko bang malaman kung ano ang buong pangalan ng lalaking pinag-uusapan niyo?” nakangiti kong tanong sa kanila.
Ramdam ko ang titig ni Xanthus sa likuran ko ngunit hindi talaga ako mapakali hangga’t hindi ko nalalaman ang buong pangalan ng lalaking iyon.
“Sa narinig namin miss, Noah Villanueva ang pangalan niya,” sagot ng isa.
Kusang nanlambot ang mga tuhod ko matapos marinig ang kanyang sinabi. Nagpaulit-ulit iyon sa aking pandinig hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko. Noah is here because of my father. He’s here, my best friend is here in the Academy.
“Hala, okay ka lang miss?” tanong ng isa noong mapansin ang pagtulo ng luha ko.
Dali-dali kong pinunasan ang luhang kumuwala sa akin bago nagpilit na ngiti sa kanila. Mabilis akong pumihit patungo sa clinic at natigil lamang noong maramdaman ang pagsunod ni Xanthus sa akin.
“Saan ka pupunta?” tanong niya at sinabayan ako sa paglalakad.
“P-Pupuntahan ko siya,” mahina kong saad habang pinipigilan ang luha kong dumaosdos muli.
“How about the meteor shower?” tumitigas na ang boses niya, at ramdam ko ang pagkairita sa boses niya.
Please not now, Xanthus.
“H-Hindi na kita masasamahan,” sagot ko.
Natigil ako sa paglalakad noong higitin niya ako sa braso ng sobrang higpit.
“Xanthus bitawan mo ‘ko,” mahina kong sabi ngunit hindi niya iyon ginawa na para bang walang narinig. “Kailangan kong pumunta kay Noah, Xanthus!” galit kong sigaw sa kanya kasabay ng pagtulo muli ng luha ko. I feel so frustrated.
Natigilan ito sa biglaan kong pagsigaw. Pinilit kong bawiin ang kamay ko sa kanya ngunit mas lalo lamang niya iyon hinigpitan.
“Bitawan mo na ‘ko, please. Kailangan kong pumunta sa kanya!” galit kong wika ngunit hindi niya pa rin iyon sinusunod.
“No, stay with me,” matigas niyang sabi kaya mabilis na nagsalubong ang dalawa kong kilay.
“It’s just a meteor shower, Xanthus! My best friend needs me right now! He needs me, Xanthus!” pumiyok ang boses ko. Hindi ko alam kung bakit hindi niya iyon maintindihan.
Mabilis na dumilim ang kanyang mukha na tila ba may nagawa akong isang pagkakamali sa kanya. “It’s fucking not just a meteor shower, Brielle! That’s very important to me because we will watch it together!” basag ang boses niyang sigaw na nagpatigil sa akin.
“Pero kailangan ako ni Noah, Xanthus,” nanghihina kong sabi kasabay ng pag-iling.
“I’m your master, sa akin ka dapat sumunod!” galit na sigaw niya ngunit umiling muli ako.
“He’s my best friend, Xanthus. Mas nauna siya kaysa sayo, siya ang una kong nakilala kaysa sayo. Kaya siya ang uunahin ko rin ngayon,” hirap na hirap akong sabihin ang mga katagang iyon sapagkat nasasaktan ako sa bawat pagbitiw ko sa mga salitang iyon.
“Pinipili mo siya kaysa sa akin?” garalgal ang boses niyang tanong. Oh please, huwag mo na akong pahirapan pa Xanthus.
“Hindi naman sa ganoon—”
“Then be with me tonight,” walang emosyon niyang sabi.
Mariin akong napakagat sa ibaba kong labi bago sunod-sunod na umiling.
“I’cant. H-He needs me Xanthus, my best friend needs me right now. I-I’m sorry.”
Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata ngunit bago pa man ako makapagsalita muli ay mabilis na itong pumihit patalikod sa akin.
“Then go to him,” wala akong mababakas na emosyon sa boses niya.
“X-Xanthus,” nanginginig kong sabi at tinangkang abutin ang kanyang kamay ngunit mabilis itong humakbang paalis.
“I command you to go to him, and you can do nothing but follow me.”
Dahan-dahang nagbagsakan ang mga luha ko habang inaaninag ang kanyang likuran. Bakit ba hirap na hirap akong iwan siya? Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Bakit siya ang pinipili ng puso ko?
“Go!”
Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw. Nakakatakot, at nakakapangilabot na hindi mo gugustuhin pang magsalita ulit siya.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa clinic nang walang Xanthus na pumipigil sa akin.

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    Euri Ann Mendez

    so beautiful 😻❤️

    05/08

      0
  • avatar
    NapodNennia

    ganda

    12/12/2024

      0
  • avatar
    Jhon Jhon Dave Guerra

    uwu I think 🧐 is not the only one in the same room as a woman and you can do it 💗 x hunter and you 😜 the other day 😜 the first time in my life 💞 and I have a new year and the kids will be in a good mood for you and I was just about you and you can get it on my phone 📱 I have a new 🆕 for the first one I think I can get it for the same thing for me and you can get it from the first time I was thinking about you sure I can get it from the star of the first one I can do it for the first timef

    21/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo