Homepage/Despoina Academy: The Girl of Hope/
CHAPTER 19
CONFESSION
“Matagal pa ba tayo, Xanthus?” reklamo ko ulit habang padabog siyang sinusundan.
Inayos ko ang pagkakasuot ko sa jacket niya bago muling padabog na sinundan siya. Ilang oras na kaming naglalakad dito sa gubat, ngunit hanggang ngayon ay nandito pa rin kami at hindi pa nakakaalis.
“Imbes na magreklamo ka diyan, bakit hindi ka tumulong sa akin para makalabas tayo rito?” masungit na tanong ni Xanthus kaya mabilis ko itong inirapan bago itikom ang bibig.
“Gutom na ‘ko,” mahina kong sambit habang hawak-hawak ang aking tyan.
“Hindi lang ikaw ang gutom, Brielle,” narinig kong sabi niya.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong nagtitimpi rin ito sa gutom. Napanguso na lamang ako bago tulungan siyang maghanap ng daan.
“Xanthus ano iyon,” turo ko sa mga kabahayang di-kalayuan sa amin.
Kunot noong lumapit ito sa akin bago tignan ang itinuturo ko.
“It was a small town, I guess,” hindi sigurado niyang sagot kaya naman mabilis akong napaharap sa kanya habang nakakunot ang noo.
“Anong gagawin natin ngayon?”
“Wala na tayong mapagpipilian pa,” sagot niya kaya halos mahilo ako sa pag-irap sa kanya. Simula kahapon, iyon na lang ang lagi kong naririnig na salita mula sa kanya.
Nag-umpisa kaming bumaba mula sa bundok upang magtungo sa maliit na bayang nakita namin. Sigawan agad ang naririnig namin pagdating doon, at ang iba naman ay napapatingin sa amin dahil sa hindi naming pamilyar na mga mukha.
“Xanthus, tama bang pumunta tayo rito?” bulong ko sa katabi ko na nagmamatyag sa paligid namin.
Halos lahat ng tao rito ay natigil sa kanilang mga ginagawa noong dumating kami. Ang kanilang mga tingin ay tila naidikit na sa aming dalawa ng kasama ko.
“Huwag mo na lang silang pansinin,” bulong niya pabalik.
Tumigil kami sa isang maliit na kainan at ang kasama ko ay pasalampak na lamang umupo roon na para bang kanya ang lugat na ito. Mabilis kong sinamaan ito ng tingin noong mausisa siyang tinignan ng tindera.
“Sit now, Brielle,” tapik ni Xanthus sa katabi niyang upuan.
Tumingin ako roon bago dahan-dahang umupo. Iginala ko ang aking tingin sa paligid nang mapansing lahat ng kumakain dito ay natigil sa biglaan naming pagdating. Unti-unti kong iniiwas ang tingin sa kanila at itinuon na lamang ito sa menu na nasa harapan namin ngayon.
“Wala akong dalang pera, Xanthus,” dahil wala naman talaga akong pera.
“Ako nang bahala,” saad niya habang pinapaikot ang basong nasa harapan niya.
Napaayos ako ng upo noong makitang papalapit sa direksyon namin ang tindera ngunit ang kasama ko ay patuloy pa rin sa pag-ikot sa baso kaya mahina kong tinapik ang kamay niyang nasa ilalim ng mesa.
“What?” salubong ang kilay niyang tanong ngunit pinanlakihan ko lamang ito ng mata.
“Ano ang pagkaing napusuan niyo?” magalang na tanong ng tindera.
Mabilis kong kinuha ang menu na nasa mesa at pinasadahan ito ng tingin. “Ito na lang po sa akin,” turo ko sa mga gulay na nakalagay doon.
Mabilis niya iyon inilista bago bumaling sa katabi ko. “Sainyo po Sir?”
“Wala ba kayong chicken nuggets dito? O kaya fish nuggets?”
Gulat akong napatingin kay Xanthus noong marinig ang kanyang sinabi. Inosente itong sinusulyapan ang menu’ng hawak ko habang makikita sa kanyang mukha na hindi ito interesadong kainin ang mga pagkain nila rito. Seriously?! Kahit nasa ibang lugar siya ganito siya kung makaasta?!
Mabilis kong ibinigay ang menu’ng hawak ko sa tindera na tila ba na-offend dahil sa sinabi ni Xanthus. Tsk! Kahit kailan talaga wala siyang matinong nasabi.
“Ganoon na lang din po ang kanya,” saad ko.
Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pagprotesta ni Xanthus sa ginawa ko ngunit hindi ko iyon pinansin.
“Hindi kayo taga-rito ano?” nakangiting tanong ng tindera.
“Taga-Despoina Academy kami,” bored na sagot ni Xanthus sa kanya.
Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya ngunit saglit lamang iyon.
“Kaya pala ganyan makaasta ang kasama mo,” mahina niyang bulong sa akin.
Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa pumasok na siya sa loob. Taka kong sinulyapan si Xanthus ngunit nakadukdok na ang kanyang mukha sa mesa. Tila may ibang kahulugan ang sinabi niya kahit na simpleng salita lamang ang mga iyon.
Ibang tao na ang nagbigay sa amin ng pagkain namin at hindi na ang tinderang nakausap namin kanina kaya naman malaki ang panghihinayang ko noong mapagtantong hindi ko na maitatanong pa ang tungkol doon. Maybe that doesn't make sense.
“Anong sunod nating pupuntahan?” tanong ko kay Xanthus habang pinapanood siyang walang ganang kumakain sa tabi ko.
Nauna akong natapos kaysa sa kanya dahil hindi niya gusto ang pagkain at halos isuka niya ito kung hindi ko lang siya pinaayos.
“Let’s enjoy our freedom,” sagot niya kaya kunot noo akong tumingin sa kanya.
“Saan mo ba gustong pumunta?” tanong niya at ngayon lamang bumaling ng tingin sa akin.
Napaisip ako ng ilang minuto ngunit bago pa man ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.
“Let’s go to the bar,” puno ng saya niyang sabi.
Sa isang iglap, basta niya na lamang akong hinila at hindi pinagbigyang magsalita hanggang sa makarating kami sa labas. “T-Teka, may bar ba rito?” tanong ko habang palinga-linga sa paligid, as usual nakatingin na naman sila sa amin.
“May nakita ako roon,” turo niya sa di-kalayuan.
Hinila niya ulit ako at mabilis kaming nagtungo roon. May mga gwardyang nagbabantay doon ngunit basta na lamang pumasok si Xanthus, dahil nakahawak siya sa pulsuhan ko, mabilis niya akong natangay. Malakas na tugtog agad ang bumungad sa amin at halos mabingi ako roon. Maraming tao ang nagsasayawan sa dance floor habang sinasabayan ang tugtog. Hinila ako ni Xanthus patungo sa bakanteng mesa at mabilis na lumapit sa amin ang isang waiter.
“What’s your order, Ma’am, Sir?”
“Isang whiskey at limang beer,” mabilis na sagot ni Xanthus.
Napataas ang aking isang kilay habang nakatingin kay Xanthus. Naramdaman nito ang mga titig ko sa kanya kaya naman nabaling ang kanyang tingin sa akin.
“What?” nakataas ang kilay niyang tanong.
Umiling ako bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Umiinom pala siya? At limang bote pa ng beer ang in-order niya. Dumating na ang mga alak at mabilis iyon ininom ni Xanthus.
“Try this,” alok niya sa whiskey habang nakapaskil sa kanyang labi ang isang ngisi.
Napairap ako rito bago iyon kunin sa kanya at mabilis na nilagok. Agad na gumuhit iyon sa lalamunan ko at mabilis na napangiwi noong maghalo ang tamis at anghang sa panlasa ko.
“Hindi ako sanay sa ganitong alak,” saad ko habang nakatingin sa baso ko.
“So umiinom ka pala?” tanong ni Xanthus at mabilis na nilagok muli ang beer na hawak niya.
“Oo, pero tatlong beses ko lang nasubukan,” sagot ko at mabilis na napangiti noong maalala si Noah. Siya ang kasama kong umiinom noon.
Hindi ko alam kung nakailang baso na ako noong nakararamdam na ako ng hilo kaya naman itinigil ko muna iyon bago sulyapan ang dance floor. Kusa akong napatingin kay Xanthus na nakakatatlong beer na ngunit hindi pa rin natatamaan. Tibay naman.
“Why?” tanong niya noong mapansing nakatitig ako sa kanya.
Mabilis akong napangiti bago dahan-dahang tumayo kahit na nahihilo na. Kunot noo ako nitong sinundan ng tingin at hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng gulat sa kanyang mga mata noong higitin ko ang kanyang braso.
“Sayaw tayo!” malambing kong aya sa kanya habang hindi inaalis ang kamay sa braso niya.
“O-Okay”
Mabilis ko itong hinila sa dance floor habang nakapaskil sa aking labi ang isang malawak na ngiti. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa simpleng pagpayag niya. Nababaliw na yata ako.
Agad kong ipinulupot ang mga kamay ko sa leeg niya habang dinala naman ang mga kamay niya sa baywang ko. Nakita ko pa ang pagtaas baba ng kanyang adam’s apple ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil nakatuon lahat ng aking atensyon sa mukha niya. Iniangat ko ang aking kamay bago ilakbay ito sa iba’t ibang parte ng mukha niya. Ramdam ko ang paninigas niya ngunit itinuloy ko ang paglakbay ng daliri ko sa mukha niya hanggang sa makarating ito sa labi niya. Mamula-mula ito, at sa tingin ko ay napakalambot kahit na hindi ko pa idinadampi roon ang daliri ko, mas lalo akong napangiti noong lawayan niya iyon. Kahit pala ilang beses ko siyang suntukin at sampalin, mananatili pa ring perpekto ang kanyang mukha.
“Gwapo pa rin,” mahina kong sabi na sigurado akong narinig niya dahil nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
“Gwapo ako?” nakangiti niyang tanong kaya mas lalo akong napatitig sa kanya.
“W-Wala akong sinabi ‘no! Basta magsayaw kah ha!” banta ko sa kanya bago nag-umpisang sumayaw sa dance floor upang maitago ang namumula kong mukha.
“Lasing ka na, Brielle,” natatawa niyang sabi kaya mabilis ko itong sinamaan ng tingin habang nakanguso.
“I’m not!” giit ko.
Nagtuloy ako sa pagsasayaw ngunit ang kasama ko ay inaalalayan lamang ako kung matutumba ba ako o mababangga ng kung sino. Hindi naman siya sumasayaw!
“Hindi kah naman sumasayaw ih!” salubong ang kilay kong sabi sa kanya.
“Sumasayaw kaya ako,” nakangiti niyang sagot ngunit mabilis ko itong inirapan, napadako ang aking tingin sa kanyang mga mata at wala akong makikita roon kundi puros amusement lang.
“Para kang si Noah! Ang sabih ko magsayaaaw! Hindi titigan ako! Para naman ‘tong tanga ih,” saad ko sa kanya kaya mabilis na kumunot ang kanyang noo.
“Who’s Noah?” tanong niya, ngayon ay salubong na ang kilay niya at mas lalo pang lumapit sa akin.
“‘Y-Yung best friend ko, pero ang kaibahan niyo lang ay masungit ka at suplado, siya gentleman, mabait tas etc.” proud na proud kong sabi.
Tinignan ako nito ng ilang minuto bago dahan-dahang bumitaw sa pagkakahawak sa baywang ko. Taka akong tumingin sa kanya ngunit pumihit na ito patalikod kaya naman mabilis akong naalerto.
“Hoy! Akala ko bah magsasayaw tayo!” nakasimangot kong tanong noong nag-umpisa itong maglakad palayo sa akin.
Hindi ako nito sinagot kaya inis akong umalis sa dance floor. Ano kayang problema niya? Kanina patawa-tawa lang siya ngayon parang pinagsakloban na ng langit at lupa. Bahala nga siya!
“Maghahanap na lang ako ng kasayaw ko kung ayaw niya,” bulong ko habang nakanguso.
Hinanap ko ang upuan namin ngunit umiikot na ang paligid ko kaya naman nahirapan ako. Pinilit kong tumayo ng tuwid ngunit tila may kung anong humuhukay sa loob ko at parang may kung anong gustong lumabas sa bunganga ko. Nasusuka ako!
“Asan na ba si Xanthus,” nagkakamot ang ulo kong bulong habang patuloy siyang hinahanap ng mga mata ko.
Iniwan na ata ako. Argh! Nakakainis siya! Bahala siya sa buhay niya!
“Hinahanap mo ba ako miss?” tanong ng kung sino kasabay ng pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko.
Agad akong napalingon dito nagbabakasakaling si Xanthus iyon ngunit unti-unti akong napanguso noong ibang lalaki ito. Na saan na ba kasi siya?!
“Sino ka bah?!” nakataas ang kilay kong tanong sa kanya at tinangkang tanggalin ang kamay niya sa baywang ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan iyon.
“Lasing ka na, mahal. Uwi na tayo,” sagot niya kasabay ng pagguhit ng ngisi sa kanyang labi kaya naman nandidiri ko itong tinignan.
“May iba akong mahal ‘e, at malabong ikaw iyon kase hindi naman kita kilala!” saad ko at tumawa ng malakas at sinabayan pa ng palakpak.
Lasing na talaga ako.
“Sino naman?” nagtatampo ang tono niyang tanong kasabay ng paglapit niya pa sa sarili sa akin kaya naman mahina ko itong itinulak.
“Si Xanthus,” wala sa sarili kong sagot.
Sasagot pa sana siya nang bigla na lamang itong natumba sa sahig. Gulat akong napatingin sa lalaking sumuntok sa kanya na para bang bubuga na ito ng apoy. Tila nawala ang tama ng alak sa akin noong makita ang galit na mukha ni Xanthus na para bang handa na itong pumatay ano mang oras. Nag-aalab ang kanyang mga mata at ang dragong nasa loob niya ay nagwawala.
“Don’t you dare touch her!” galit na sigaw niya habang dinuduro pa ang lalaki.
Susuntukin pa sana niya ito nang mabilis siyang pinigilan ng mga tao rito. Pinilit kong maglakad ng maayos patungo sa kanya at noong nahawakan ko na ang braso niya ay mabilis itong lumingon sa akin. His angry eyes gradually calmed down when he saw me.
“Be thankful because I didn’t turn you to ashes in front of them,” malalim ang boses niyang sambit bago bumaling ng tingin sa akin.
“Let’s go,” saad niya, ramdam na ramdam ko ang lamig ng boses niya at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng takot sa kanya.
“S-Saan ka ba nagpunta?! Akala ko iniwan mo na ‘ko roon!” saad ko sa kanya habang sinusundan siya.
“May ginawa bang masama ang lalaking iyon sayo?” malamig niyang tanong habang patuloy pa rin sa paglalakad kaya naman mabilis ko itong sinundan.
“W-Wala. H-Hinawakan niya lang ako sa baywang,” sagot ko.
“Damn it!”
Nagulat ako noong bigla itong humarap sa akin. Muli kong nakita ang nag-aalab niyang mga mata bago ito sundan ng tingin noong mapagtantong pabalik ito ng bar.
“X-Xanthus uwi na lang tayo,” pigil ko sa kanya. Baka totohanin niya ang sinabi sa lalaki kanina, at posibleng makulong siya kung ginawa niya iyon! Hindi ba siya nag-iisip?!
“Let me, Brielle. Tuturuan ko siya ng leksyon,” madiin niyang sabi at nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga hudyat na galit talaga siya.
“H-Hayaan mo na lang,” saad ko at susundan na muli siya noong makaramdam ako ng hilo.
Pinilit kong tumayo ng tuwid habang pinapakalma ang aking sistema. Ang likuran ni Xanthus ay unti-unti nang lumalabo sa paningin ko at ano mang oras ay mawawalan ako ng balanse sa pagkakatayo.
“Sa tingin mo hahayaan kong magsaya siya dahil nahawakan ka niya sa baywang? Hell no Brielle! He needs to pay!” narinig kong saad ni Xanthus ngunit wala na sa kanya ang atensyon ko sapagkat nahihilo na talaga ako.
“W-Why do you always protecting me? Saving me? Why do you making me feel so special to you?” wala sa sarili kong tanong habang pilit na nilalabanan ang antok na namumuo sa akin.
Nakita ko ang mabilis niyang pagharap sa akin ngunit hindi ko na masyado pang maaninag ang kanyang mukha dahil unti-unti na akong nilalamon ng dilim.
“Because you are,” seryoso niyang sabi ngunit may lambing sa tono nito na nagpadagdag sa aking antok, pakiramdam ko isang kanta iyon na nagpaulit-ulit sa pandinig ko.
“Nahuhulog ako sayo,” mahina kong sabi at hindi ko na kinaya pang tignan ang reaksyon niya at basta na lamang akong nilamon ng dilim.
“Matagal na akong nahulog sayo”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (72)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so beautiful 😻❤️
05/08
0ganda
12/12/2024
0uwu I think 🧐 is not the only one in the same room as a woman and you can do it 💗 x hunter and you 😜 the other day 😜 the first time in my life 💞 and I have a new year and the kids will be in a good mood for you and I was just about you and you can get it on my phone 📱 I have a new 🆕 for the first one I think I can get it for the same thing for me and you can get it from the first time I was thinking about you sure I can get it from the star of the first one I can do it for the first timef
21/10/2024
0Tingnan Lahat