CHAPTER 18

SAFE
Matamlay akong naglakad patungo sa dormitoryo habang nakasunod sa akin si Xanthus. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko sa kanya dahil sa pagpigil niya sa akin. I almost there, malalapitan ko na si Papa ngunit pinigilan niya ako. I hate him so much.
“Brielle,” narinig ko ang malalim niyang boses.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad noong sumabay ito sa mga hakbang ko. Narinig ko ang malulutong niyang mga mura bago higitin ako sa braso ngunit mabilis ko iyon sinagi.
“Ano ba!” iritado kong sigaw sa kanya pagkaharap ko.
“You are angry because I stopped you?!” matigas niyang tanong.
“Si Papa ‘yun Xanthus! Papa ko ‘yun!” nanginginig ang boses kong sagot.
“Pero siya si Hendro!” galit niyang sigaw din. Wala talagang magpapatalo sa amin kahit kailan.
“Siya pa rin ang Papa ko,” pumiyok ang boses ko.
“Palibhasa hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi naman ikaw ako!” dagdag ko.
Natigilan ito at mabilis na dumapo ang tingin niya sa pagdaosdos ng panibago kong luha. Napalunok siya habang hindi tinatanggal ang tingin doon. Umiwas ako ng tingin at pinahid ang takas kong luha ngunit nagtuloy-tuloy na iyon.
Walang nagsalita sa amin. Ramdam ko ang mga titig niya sa gilid ko ngunit niisang beses ay hindi ako tumingin dito.
“Alam mo ba kung gaano ako kasabik na mayakap siya noong nakita ko siya roon?” basag ang boses kong sabi habang nakatingin pa rin sa kawalan.
“Sabik na sabik akong mayakap siya, sabik na sabik akong makausap siya,” nanginginig kong sabi hudyat ng pagbabanta na naman ng panibago kong mga luha.
Ngayon lang ako tumingin sa kanya. Nakatitig pa rin ito sa akin, wala akong mababakas na emosyon sa mukha niya. Ganito ba siya kawalan ng pake sa nararamdaman ng iba?
“Gusto ko siyang habulin, Xanthus,” naiiyak kong bigkas.
Wala na akong pake kung magmukha na akong tanga sa harap niya. Ang gusto ko lang ay makita si Papa. Durog na durog ako at the same time gulong-gulo sa mga nangyayari. How did Hendro become my Father?
Nagulat ako noong bigla siyang lumapit sa akin kasabay ng pagdampi ng kanyang palad sa mukha ko. Pinunasan niya ang mukha ko habang nakatingin ng diretso sa akin. Nakatingin lamang ako sa mukha niya habang ginagawa niya iyon. My heart beating so fast again.
“You don’t know how hard for me to stop you from your father, but I really have to do it for you too,,” mahina niyang saad bago dahan-dahang alisin ang kamay sa mukha ko.
Bumagsak ang aking tingin sa sahig at mahinang tumango. Akmang magsasalita sana ako noong marinig ang malakas na boses ni Luna at ang mga yapak niyang papalapit sa amin. Agad kong inayos ang sarili ko bago ito tuluyang makarating sa amin.
“Akala ko may nangyari nang masama sayo! Bakit ba bigla kayong nawala roon?!” puno ng pag-aalala niyang tanong habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Xanthus.
Sumulyap ako kay Xanthus na nakapamulsa na ngayon at walang planong sumagot sa tanong ng kaibigan ko.
“S-Sorry,” tanging nasabi ko.
“Wait a minute...” saad niya kaya mabilis kong ibinalik ang aking tingin sa kanya.
Nanliliit ang mata niyang nakatingin sa aming dalawa ni Xanthus at dahil singkit siya, para itong nakapikit sa harap namin ngayon.
“May ginawa kayo ‘no?!” tanong niya sa amin habang pinanlalakihan kami ng mata.
“Anong ginawa?” kunot noong tanong ni Xanthus sa kanya, walang kaideya-ideya sa tanong niya.
“Ano bang sinasabi mo diyan, Luna?” natatawa kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisnge bago sunod-sunod na umiling.
“Gising na pala si Kion”
Awtomatiko akong napalingon sa kanya habang nakaukit sa aking mukha ang gulat. Nauna akong naglakad patungo sa clinic habang nakasunod naman sila sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Gising na siya. Gising na si Kion. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang tinatahak ang daan papunta sa kanya, ngunit may parte pa rin sa akin na malungkot dahil sa nangyari kanina lang. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina, hindi ito maalis-alis sa isipan ko at tila ba nakadikit na iyon doon.
Noong nakarating kami, bumungad agad sa akin si Kion na halos hindi makahinga habang yakap-yakap siya ni Zee ng mahigpit. Agad na nagtama ang paningin namin at nakita ko ang pagdaan ng gulat sa kanyang mga mata ngunit mabilis din iyon napawi at napalitan ng malaking ngiti.
“You’re awake,” saad ko noong tuluyang nakalapit.
“Brielle,” mahina niyang bigkas.
“Hi! Kion!” bati sa kanya ni Luna at agad niya itong tinunguan habang hindi matanggal-tanggal sa kanyang mukha ang malawak na ngiti.
“Zup, bro,” sunod naman si Xanthus.
Nag-high five silang dalawa at nagbiruan pa.
“Akala ko mala-sleeping beauty ka na kailangan pa ng halik ng isang prince charming para magising,” saad ni Xanthus sa kanya at lahat ng kaibigan nila ay malakas na tumawa maging si Kion.
“Kulang pa nga ang tulog ko ‘e,” saad ni Kion na mas lalong nagpatawa sa aming lahat.
Isang linggo na ang nakakalipas matapos magising si Kion. The Academy is back to normal again after Hendro left— Which is my real father. Nasasaktan pa rin ako kung maaalala ko siya, kung sino siya, at kung ano siya. Masama siya. Masama siyang tao. Gulong-gulo ako. Gulong-gulo ang utak ko dahil sa mga sunod-sunod na tanong na pumapasok sa isipan ko. May parte sa aking hindi naniniwalang masama ang sarili kong ama ngunit tuwing maaalala ko ang nangyari kay Kion ay napupuno ng sakit at galit ang dibdib ko. May kung anong nawawasak sa akin tuwing maiisip kong masama siya. Alam kong hindi niya iyon magagawa, hindi siya, hindi si Papa. But what if he changed when he wasn’t by your side, Brielle? What if he just showed you a fake five years ago? Maiisip ko pa lang ang mga ginawa niya sa akin noong bata pa lang ako ay nagbabadya na ang luha ko. Nagtatalo ang utak at puso ko. Hindi ko matanggap, kasi ayokong tanggapin.
“Sinong ka-date mo noong Despoina Ball, Brielle?” tanong ni Kion noong patungo kami sa cafeteria.
Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya na ang kaibigan niya ito ngunit nangibabaw sa akin ang pagsasabi ng totoo. “S-Si Xanthus,” sagot ko.
“Sayang, ako sana,” bulong niya, ngunit malapit ako sa kanya kaya ko iyon narinig.
“Ang tagal mo kasing magising,” natatawa kong sabi.
“Ang sarap matulog ‘e,” saad niya kaya mabilis na napataas ang aking kilay bago sabay na natawa.
Papasok na sana kami sa cafeteria nang makita namin ang mga alagad ni Papa patungo sa direksyon namin. Bakit sila nandito ulit?! Agad na nakipaglaban si Kion sa kanila habang ako ay natulala ng ilang minuto bago pinilit na makipaglaban din. Kailangan kong lumaban, ayokong umasa na lang sa mga kaibigan ko, ayokong may mag-sacrifice na naman para sa akin. This time kailangan ko nang maging malakas.
Hindi ko kinaya ang lakas ng isang nilalang na kinakalaban ko kaya naman napaupo ako sa sahig. Akmang isasaksak niya sa akin ang espadang hawak niya nang nagpagulong-gulong ako upang maiwasan ito. Mabilis akong tumayo nang sinundan niya ako. Kumaripas ako ng takbo upang hindi niya ako maabutan ngunit patuloy pa rin ito sa pagsunod sa akin. Inis kong pinaghahampas ang mga pintong nadaraanan ko upang makapagtago ngunit ang lahat ng iyon ay naka-lock!
“Argh! Anong gagawin ko!” kinakabahan kong sabi nang matanaw ito na tumatakbo patungo sa direksyon ko.
Tumakbo pa ako ng ilang metro nang may mabangga. Mabilis akong napaharap dito nang mapagkamalang isa rin ito sa humahabol sa akin ngunit blangkong mukha agad ang bumungad sa akin pagkaharap ko.
“X-Xanthus!” hinihingal kong sambit at mabilis na nilingon ang humahabol sa akin nang mamataang tumatakbo pa rin ito patungo sa direksyon namin. Argh! Hindi ba talaga siya titigil hangga’t hindi niya ako nasasaksak ng panget niyang espada?!
“Anong nangyayari?” walang ideya niyang tanong.
Napansin ko ang mapupungay niyang mga mata. Natulog ba siya?
“H-Hinahabol ako,” turo ko sa nilalang na palapit nang palapit sa amin.
Lumingon ito sa likuran niya at ang nag-iisang nilalang na humahabol sa akin ay naging lima na! What the hell! Paano nangyari iyon?! Lalo akong nataranta at mabilis na luminga-linga sa paligid habang ang kasama ko naman ay hindi man lang nagulat sa kanila.
“Run,” he muttered.
Mabilis na kumunot ang aking noo habang naguguluhang nakatingin sa kanya. Sumulyap ito saglit sa akin bago ibalik ang tingin sa mga nilalang na malapit nang makarating sa amin.
“Just, run! Faster!” sigaw niya at mabilis na tumakbo.
Dahil sa gulat, tumakbo rin ako at sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung na saang parte na kami ng Akademia at takbo lang kami ng takbo upang hindi kami maabutan. Nang nasa isang lumang pinto kami ay tumigil kami saglit upang maghabol ng hininga.
“N-Na saan na tayo?” hinihingal kong tanong at muli akong sinalakay ng kaba noong hindi pa rin kami tinigilan ng mga alagad ni Papa. Seriously?! Papatayin ba nila kami?!
“Nasa backdoor tayo ng Academy,” saad niya habang tinatanggal ang ilang mga halamang bumalot sa lumang pinto.
Nang sa wakas ay natanggal na niya ang mga iyon, agad niyang hinawakan ang kamay ko at mabilis na tumakbo muli. Rinig na rinig ko ang mga yapak ng mga humahabol sa amin hudyat na malapit na nila kaming maabutan! Geez! Ayoko pang mamatay! Not now!
Takbo lamang kami ng takbo ni Xanthus hanggang sa makarating kami sa isang bangin. Nagkatinginan kami habang parehas na hinahabol ang hininga. Tumingin ako sa mga humahabol sa amin nang malapit na talaga sila sa amin. Shit! Paano na ‘yan?! Tatalon ba talaga kami diyaan?!
“Xanthus anong gagawin natin?!” natataranta kong tanong at hindi na naiwasang yugyogin ang braso niya.
“Wala na tayong mapagpipilian pa, it's like you’re just going to take rides for what we're going to do,” saad niya kaya mabilis kong ibinaling ang tingin sa kanya habang nakakunot ang noo.
Magsasalita pa sana ako noong hapitin nito ang baywang ko palapit sa kanya at sa isang iglap ay naramdaman ko ang paggulong naming dalawa pababa. Mariin akong napapikit habang iniinda ang pagtama ng katawan naming dalawa sa mga ugat ng puno at bato.
Noong tumigil kami sa paggulong ay mabilis akong napahawak sa likuran ko. It hurts like hell! Ngayon ko lamang napagtantong nakayakap sa akin si Xanthus noong alisin nito ang mga bisig sa akin. Dahan-dahan akong tumayo habang paika-ikang naglakad patungo sa trunk ng puno upang sumandal doon. Ganito pala ang pakiramdam na gusto mo na lang mamatay dahil sa sakit. Ang sakit! Ang sakit-sakit talaga!
Galit akong tumingin kay Xanthus at parang hindi man lang tinablan ng mga bato’t ugat ang likuran niya dahil kalmadong-kalmado pa rin ito habang lumilinga-linga sa paligid. Sinadya niya ba ‘to! Argh! Damn him!
“What the hell! Ano iyon!” galit kong wika kaya ngayon ko lang naagaw ang atensyon niya.
Nagtaas ito ng kilay sa akin hudyat na hindi niya nakuha ang ipinupunto ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang pinapakalma ang aking sistema. Pakiramdam ko maha-high blood ako ngayon dahil sa kanya!
“Sana sinabihan mo man lang ako para makapaghanda ako!” singhal ko sa kanya kaya mabilis na nagsalubong ang kilay niya.
“Sinabihan naman kita at hindi ko naman alam na mabagal ka pa lang makaintindi kaya ginawa ko na, Kaysa mamatay tayo roon!” depensa niya ngunit mabilis ko itong inirapan bago tumayo.
Paika-ika akong naglakad patungo sa kung saan bago inis na lumingon sa kanya nang mapagtanto ang isang bagay.
“Na saan tayo?” mataray kong tanong.
Inilibot din nito ang kanyang tingin sa paligid bago dahan-dahang nagkibit balikat. “Ewan ko din ‘e”
“WHAT?” malakas kong sigaw.
Sinapo ko ang noo kong punong-puno ng pawis habang palinga-linga sa paligid. Naliligaw na ata kami, at sa kagubatan pa!
“Anong gagawin natin niyan?” tanong ko habang nakatingin sa kalangitan. Magdidilim na. Pero nandito pa rin kami ngayon sa gitna ng walang katapusang gubat.
“Magpalipas muna tayo ng gabi rito,” sagot niya kaya gulat akong napatingin sa kanya bago sunod-sunod na umiling.
“Paano kung may tigre rito at kainin tayo? O kung ano pang mga hayop?!” nanlalaki ang mga kong tanong. Naiisip ko pa lang na kinakain ako ng tigre, nagtataasan na ang mga balahibo ko.
“Sa puno tayo,” maikli niyang sagot kaya lalong dumoble ang panlalaki ng mga mata ko.
“Paano kung may ahas doon?!” galit kong sigaw. Masakit makagat ng aso, pero mas masakit makagat ng ahas!
“Sasama ka ba sa akin o hindi?” nauubusan na ang pasensya niyang tanong.
Agad kong inayos ang sarili ko bago ito irapan.
“Wala akong sinabi. Tara na!” saad ko at nauna na sa paglalakad kahit na paika-ika.
Sumunod ito sa akin habang marahang hinahawakan ako sa braso kung matatapilok ako dahil sa mga malalaking ugat na nalalagpasan namin. Naghanap kami ng punong matibay upang doon kami magpapalipas ng gabi.
“Doon tayo,” saad niya habang nakatingin sa isang matayog na puno, sinundan ko ang kanyang tinitignan at base sa tanya ko isa itong matanda nang puno.
“Teka!” saad ko noong nagtangka itong umakyat.
“What?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“Hindi ako marunong umakyat!” saad ko habang salubong ang kilay.
Humugot ito ng malalim na hininga bago tinapik ang kanyang likuran. Taka akong tumingin sa kanya.
“Sakay,” tapik niya sa balikat.
Agad akong natigilan at kung hindi lang ito nagsalita muli ay nakatulala pa rin ako sa kanyang likuran. Dahan-dahan kong niyakap ang leeg niya maging ang mga paa ko sa baywang niya.
“Ready?” tanong niya, tumango ako.
Umakyat na ito sa puno habang nasa likuran niya ako. Mahigpit ang hawak ko sa kanya dahil sa oras na bitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya ay maaari akong mahulog. Tumingin ako sa ibaba nang makitang nasa mataas na bahagi na kami.
“Don’t look down if you are afraid of the high ones,” saad niya kaya mabilis kong ibinalik ang aking tingin sa harap.
Noong nakarating na kami sa itaas ay dahan-dahan akong umalis sa kanya at agad na pumwesto sa isang sanga habang siya naman ay sa isa pang malaking sanga. Tumingin ako sa araw nang makitang papalubog na ito. Kumusta na kaya sila Luna roon?
“Hindi ka ba tatabi sa akin?” narinig kong tanong ni Xanthus kaya naman kunot noo akong bumaling ng tingin sa kanya.
“At bakit naman ako tatabi sayo?” nakataas ang kilay kong tanong.
Inayos nito ang pagkakasandal sa sanga ng puno bago ito sumagot.
“Ayokong naiistorbo ako sa pagtulog. Kung mahulog ka diyan habang tulog, bahala ka hindi kita tutulungan, hahayaan kitang kainin ng kung ano mang hayop diyaan sa ibaba,” sagot niya kaya mabilis na nanlaki ang aking mga mata kasabay pa ng pag-awang ng aking labi.
“How could you,” bulong ko habang masama ang tingin sa kanya.
“Kung tatabi ka sa akin at matutulog sa dibdib ko, at least iyon mahahawakan kita ‘di ba?” saad niya muli, hindi pinapansin ang masasamang tinging ipinupukol ko sa kanya at patuloy lang ito sa pagtanggal sa jacket niya.
Pero may punto siya. Argh!
Padabog akong nagtungo sa pwesto niya bago dahan-dahang sumandal sa dibdib niya. Umiwas ako ng tingin noong malanghap ko ang pabango niya. I don’t know why I’m following him now. When it comes to him, he always makes me obey him effortlessly.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago niya ilapag ang jacket niya sa katawan ko. Napasinghap ako noong ikulong niya ako sa mga bisig niya at marahang inilapit pa lalo sa kanya, hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya, at mabilis din ito gaya ng sa akin. Para kaming magkasintahang nagyayakapan sa itaas ng puno. At bakit ko iyon naisip?! What the hell! I quickly erased it from my mind and slowly close my eyes.
“K-Kailan tayo makakaalis dito?” tanong ko upang basagin ang namuong katahimikan.
“Hindi ko pa alam kung kailan. Pero sigurado akong maghahanap ng paraan sila Kion para hanapin tayo,” sagot niya.
Naramdaman ko ang pag-amoy niya sa buhok ko at halos magtaasan lahat ng balahibo ko dahil sa ginawa niya.
“You smell good,” komento niya kaya bahagya kong hinampas ang dibdib niya.
“Tumigil ka, lalaki,” matigas kong sabi ngunit tumawa lamang ito.
Muli kaming natahimik bago ko muling marinig ang malalim niyang boses.
“Sleep now,” he muttered.
“H-Hindi ako makatulog,” sagot ko habang hindi pa rin gumagalaw sa pwesto ko. Tila nakadikit na ako sa kanya.
“Hindi tayo maaabot ng mga mababangis na hayop kung iyon ang iniisip mo,” natatawa niyang sabi kaya mabilis akong napairap.
Hindi iyon ang iniisip ko, ang mga kamay mong nakapulupot sa akin ang iniisip ko!
“Babantayan kita, magiging ligtas ka ngayong gabing ito, ipinapangako ko iyon.” he softly whispered giving life to the butterfly in my stomach.
Muli akong napalunok bago dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata. He’s the most dangerous in the Academy, but when he embraced his arms around me, I felt fully safe.

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    Euri Ann Mendez

    so beautiful 😻❤️

    05/08

      0
  • avatar
    NapodNennia

    ganda

    12/12/2024

      0
  • avatar
    Jhon Jhon Dave Guerra

    uwu I think 🧐 is not the only one in the same room as a woman and you can do it 💗 x hunter and you 😜 the other day 😜 the first time in my life 💞 and I have a new year and the kids will be in a good mood for you and I was just about you and you can get it on my phone 📱 I have a new 🆕 for the first one I think I can get it for the same thing for me and you can get it from the first time I was thinking about you sure I can get it from the star of the first one I can do it for the first timef

    21/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata