Homepage/Despoina Academy: The Girl of Hope/
CHAPTER 10
CARE
Isang nakakasilaw na liwanag ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at puros puti lamang ang aking nakikita. Iginalaw ko ang aking katawan nang maramdam ang kaliwang braso ko na masakit. Nagbaba ako ng tingin dito at nakita kong nakabenda ito. Saglit akong natigilan habang inaalala ang mga nangyari. Unti-unti kong iginala ang aking mga mata sa paligid at napagtanto kong nasa isang maliit na kuwarto ako. Mabilis na hinanap ng aking mga mata ang lalaking tumulong sa akin ngunit mag-isa ko lamang naririto sa kuwartong ito.
“I thought that was a dream,” bulalas ko sa kawalan. I almost die because of those bitches women!
Pagkatapos kong sabihin iyon ay siyang pagbukas ng pintuan. Mabilis akong napatingin dito at isang pamilyar na postura agad ang bumungad sa akin at halos malaglag ang panga ko noong makilala ito.
“Are you okay now, Brielle?” malumanay na tanong ni Kion noong maisara ang pintuan.
Hindi agad ako nakasagot dahil nanatili pa rin akong gulat. Bakit siya nandito?
“Ayos naman na”
“Mabuti kung gano’n,” wika niya at inilapag ang dala niyang prutas sa mesang nasa tabi ko.
Tahimik ko itong pinanood na ayusin ang mga pagkaing ngayon ko lamang napansin. Nagbaba ako ng tingin sa kanyang suot na damit nang mapagtantong hindi ito naka-uniporme.
“Wala kayong pasok ngayon?” gulat kong tanong.
Saglit itong tumingin sa akin bago ibalik sa ginagawa.
“Absent muna ako ngayon,” sagot niya kaya mabilis na nanlaki ang aking mata.
“Bakit?!”
“Babantayan kita?” inosente niyang tanong sa akin.
Napakurap-kurap ako ng ilang minuto bago sunod-sunod na umiling.
“Hindi na, kaya ko na,” mabilis kong tanggi at handa na sanang tumayo noong maramdaman ang binti kong namamanhid.
Mabilis na lumapit sa akin si Kion at inalalayan ako pabalik sa pag-upo noong mapansin niyang nahirapan ako sa pagtayo. Dahan-dahan kong hinawakan ang binti ko at bahagyang minasahe iyon. Argh! Pinuruhan talaga ako ng husto ng mga babaeng iyon! Wait for my revenge!
“Iyan ang kaya na?” mapang-asar niyang tanong kaya mabilis ko itong sinamaan ng tingin.
Pinapaalala niya sa akin si Xanthus sa paraan ng pagtatanong niyang iyon and that heartless guy! I really hate him! I hate him, I hate him! How could he walk away while someone needed his help?! Argh! Isinusumpa ko siya habang-buhay!
“Kumain ka muna, I’m sure gutom ka na. It’s already twelve in the afternoon anyway,” saad niya kaya mabilis na nanlaki ang aking mga mata.
Gano’n katagal akong nakatulog?!
“Where’s Luna?” tanong ko noong nagsimula nang kumain.
“Iyong lalaking tumulong sa akin sino iyon? At sino rin iyong nag-utos sa kanyang tulungan ako?” sunod kong tanong sa kanya.
Binasa nito ang labi at nagdalawang isip kung magsasalita ba o hindi.
“His name is Zee, I ordered him to help you. I had to take Luna here to the clinic because like you, she also sustained wounds and bruises,” paliwanag niya kaya mabilis kong nabitawan ang kutsarang hawak ko at nanlalaking matang tumingin kay Kion.
“Na saan siya ngayon?!” nag-aalala kong tanong. “K-Kailangan ko siyang puntahan,” mabilis kong sabi at handa na sanang tumayo noong pigilan niya ako.
“She’s okay now, Brielle. Binabantayan siya ngayon ni Zee,” sagot niya kaya bahagyang nabawasan ang pag-aalalang nararamdaman ko.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko kahit na nawalan na ako ng gana. Gusto kong gumaling agad upang mapuntahan si Luna, I need to see her. Bakit pa siya dinamay ng mga babaeng iyon kung ako lang ang pakay nila.
“Natalie and her classmates have been suspended for three weeks,” basag ni Kion sa katahimikan kaya gulat akong bumaling ng tingin sa kanya ngunit nanatiling blangko ang kanyang mukha.
“Y-You know?” hindi makapaniwala kong tanong.
He nodded.
“I’m really mad at Natalie, that's how she used to be, but surprisingly, she’s already hurting and it’s only right that they were suspended,” madiing sabi ni Kion.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya hanggang sa matapos akong kumain. Is he close to Natalie so he knows that’s really how that woman behaves?
Buong maghapon ay nakahiga lamang ako sa kama habang si Kion naman ay saglit-saglit na umaalis ng kuwarto kung may kukunin sa labas. He didn’t leave me until the end of the day. He was very kind and he deserved my thank you.
Noong dumating ang gabi ay sinabi ng doktor na pwede na akong lumabas kaya naman hindi ko na sinayang ang pagkakataong ito. I badly wanted to see Luna.
“Are you sure na kaya mo na?” paniniguro ni Kion habang inaalalayan ako sa paglalakad.
“Kaya ko na, Kion,” nakangiti kong sagot.
“Sige, hintayin mo muna ako diyaan saglit. Kukunin ko lang ang mga gamit mo,” paalam niya.
Tinunguan ko ito at hinintay ito sa labas ng clinic. Malamig ang temperatura ngayon kaya naman nakasuot ako ng jacket upang hindi ako lamigin. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan habang hinihintay si Kion. I never thought na ganito ang magiging kahihinatnan ko sa Akademiang ito, ang inaakala ko ay makakapag-aral ako ng maayos dito. Ngunit ilang linggo pa lamang akong naririto ay ilang beses na akong muntikang namatay. Gano’n ba kalapit sa akin si kamatayan?
“Hi girl!” saad ng kung sino.
Mabilis kong ibinaling ang aking tingin dito at isang postura ng lalaki ang palapit sa akin. Kumunot ang aking noo habang inaaninag ang kanyang mukha sa dilim, nakilala ko lamang ito noong tumapat ito sa isa sa mga street lights. Agad ako nitong nginitian noong tuluyan na itong nakalapit sa akin. He’s still wearing his PE uniform, magulo ang buhok at may tagaktak pang pawis sa noo ngunit hindi pa rin nito maitatago ang gwapo niyang mukha. What’s his name again? Zee?
“Where’s Kion ma boy?” nakangiti niyang tanong sa akin habang palinga-linga sa paligid.
“Nasa loob siya,” mahina kong sagot.
Napa “ohh” ito bago sunod-sunod na tumango habang itinuturo ang loob ng clinic.
“Oh, okieee. Thankies!”
Handa na sana itong umalis noong pigilan ko ito.
“Ohhh I forgot to introduce my self to you! My name is Zee, my power is invisibility,” mabilis niyang pakilala sa akin.
“I’m Brielle, it’s nice to meet you.”
“It’s nice to meet you too!” masigla niyang sabi.
Akmang aalis na sana ito nang pigilan ko muli ito.
“Oh! I forgot again! I’m eighteenth years old, anak ako nina Roseta Rodriguez at Daniel Rodriguez, kaya tignan mo naman ang kinalabasan,” nakangiti niyang sabi bago ilagay ang likod ng palad sa kanyang baba. “No jowa because I’m single and ready to mingl—”
“No, no. Hindi iyan ang gusto kong itanong sa iyo,” pagpigil ko sa kanyang sasabihin.
“Hindi ba? Hihi. So ano iyon?” kamot ulo niyang tanong kaya napailing na lamang ako.
How was she?” diretso kong tanong.
Sandaling kumunot ang kanyang noo bago sunod-sunod na tumango, tila nakuha ang aking ipinupunto.
“Nasa dorm niya na siya at nagpapahinga, she’s okay now kasi gwapo ang nag-alaga sa kanya,” he said proudly and I was almost sick of it.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Papasok na sana ito sa loob noong makita nitong palabas na si Kion dala-dala ang ilang mga gamit ko. Nag-usap sila ng ilang minuto bago nauna nang umalis si Zee kaysa sa amin. Inihatid ako ni Kion sa dormitoryo at tahimik lamang kami hanggang sa makarating kami sa harap ng dormitoryo. Tila malalim ang iniisip nito kaya hindi ko na tinangka pang magsalita. Tumingin ako sa entrance ng dormitoryo bago bumaling ng tingin sa kanya na naghihintay lamang sa akin na magsalita.
“Thank you so much, Kion, for all,” nakangiti kong sabi.
Ngumiti ito pabalik sa akin at bahagyang tumango.
“You’re welcome, I always gotcha you, Brielle,” he said that made my heart melted.
Akmang kukunin ko na sana ang hawak niyang gamit ko noong bawiin niya iyon.
“Kaya mo na ba?” may halong pag-aalala sa tono niyang tanong.
I nodded and smile.
“You need to rest too, kaya ko nang umakyat,” sagot ko.
Bumuntong-hininga ito bago tumango. Ibinigay nito ang hawak niyang gamit ko at mabilis ko namang kinuha iyon. I waved my hand at him bago ako tuluyang makapasok. Wala nang mga estudyante sa pasilyo kaya malaya kong natahak ang daan. Bukas ko na dadalawin si Luna upang makapagpahinga ito.
Pagdating ko sa kuwarto ko ay inayos ko muna ang mga gamit ko bago nagbihis ng pantulog. Mahapdi pa rin ang mga sugat ko kaya nahihirapan pa rin akong gumalaw ngayon. Handa na sana akong humiga noong may kumatok sa pinto kaya mabilis na kumunot ang aking noo. Nagdalawang isip pa ako kung pagbubuksan ko ba ang taong iyon ngunit sa huli ay tumayo ako at nagtungo roon. Sino namang tao ang kakatok ng pinto sa oras ng pagtulog?
Pinihit ko ang doorknob at handa na sanang bulyawan ang taong iyon noong makilala ito. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi agad nakapagsalita dahil sa gulat. Blangko ako nitong tinignan bago dahan-dahang pasadahan ng tingin ang kabuoan ko. Ilang minuto nitong tinignan ang nakabenda kong braso bago nito unti-unting pisilin iyon, mabilis akong napakagat sa ibaba kong labi noong magdulot iyon ng kirot sa akin. Mahina lamang iyon ngunit napakasakit iyon para sa akin!
“A-Aray! Bakit mo ba pinisil?!” galit kong tanong sa kanya bago hawakan ang braso ko.
“Does it hurts?” tanong niya kaya sandali akong natigilan dahil sa kalmado ng kanyang boses ngayon.
“Malamang masakit, kung ikaw kaya bugbugin,” sarkastiko kong sabi bago ito irapan.
Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita pagkatapos ng ginawa niyang hindi pagtulong sa akin noong nag-aagaw buhay ako roon.
“What are doing here?” nakataas ang kilay kong tanong, pilit na itinatago ang mabilis na tibok ng aking puso ngayon, tila lalabas ito sa anumang oras dahil sa bilis ng pagtibok nito.
Sinalubong nito ang aking tingin at malinaw kong nakikita ang madilim niyang mukha.
“Nothing,” tipid niyang sagot bago nag-iwas ng tingin.
“‘E wala naman pala ‘e,” saad ko at handa na sana itong sarahan ng pinto noong iharang nito ang isa niyang kamay.
“Ano na naman ba?!”
“Goodnight, Brielle,” he said softly at bago pa man ako makapag-react ay mabilis na itong naglaho sa aking paningin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (72)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so beautiful 😻❤️
05/08
0ganda
12/12/2024
0uwu I think 🧐 is not the only one in the same room as a woman and you can do it 💗 x hunter and you 😜 the other day 😜 the first time in my life 💞 and I have a new year and the kids will be in a good mood for you and I was just about you and you can get it on my phone 📱 I have a new 🆕 for the first one I think I can get it for the same thing for me and you can get it from the first time I was thinking about you sure I can get it from the star of the first one I can do it for the first timef
21/10/2024
0Tingnan Lahat