Dark "Good morning, President Reed." Nginitian ko ang empleyadong bumati sa akin. Katatapos lamang ng board meeting kaya ngayon ay palabas na ako ng kompanya. Nagtuloy-tuloy na ako sa paglabas at sumakay na sa kotse at minaneho iyon papunta sa mansion. Pagkadating ko ay natigilan ako nang may makita akong babae pababa ng hagdan. Natigilan din ito. Napatingin ako sa itaas at nakita ko doon si Wade kaya naman napatiim-bagang ako. "Dito na muna s'ya." "H-Hello." Siguradong ito si Winter, ang kambal ni Solana. Nilagpasan ko ang babae at hinarap si Wade at sinabing sumunod ito sa akin. "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" "Hindi ko hahayaang pati ang mga inosenteng tao ay idadamay mo. Alam mo bang dahil sa'yo ay muntik ng mapahamak ang babaeng 'yon?" Tinanggal ko ang coat ko at isinampay 'yon sa upuan. "Wala akong pakialam. Paalisin mo s'ya." "Hindi." Nilingon ko si Wade. "Hindi ko sinabing makialam ka. Ang sabi ko ay bumalik ka na sa Amerika." "Hindi ako babalik do'n hangga't hindi ka tumitigil sa ginagawa mo." Nakipagsukatan s'ya ng tingin sa akin at nangangalit din ang kaniyang mga mata. "Huwag mong pakialaman ang ginagawa ko." "Kung gano'n ay h'wag mo ring pakialaman ang desisyon ko." Nagtitimpi akong nag-iwas ng tingin. "Huwag mong idamay ang sarili mo sa gulo." "Sana ay naririnig mo iyang sinasabi mo Reed. Sa una pa lang ay damay na tayo sa gulo ng mga magulang natin, at ngayon naman ay ikaw na mismo ang naglalagay sa atin sa alanganin. Alam kong naiintidihan mo ang sinasabi ko kaya nakikiusap akong tigilan mo na 'to." "Hindi mo ako naiintindihan," madiin kong saad. Hindi ako titigil. Sobra ang nararamdaman kong pagkasuklam kay Simon at sa mga taong kasama nitong kumitil sa buhay ni Sofia. Hindi ko magagawang hayaan na lamang ang mga taong 'yon. Lahat ng sangkot sa pagkamatay niya ay ibabagsak ko. "Naiintindihan ko na gusto mong ipaghiganti si Sofia, pero sa nangyayari ay hindi lang ikaw ang mapapahamak. Lahat tayo, pati ang mga inosenteng tao. Tumigil ka na, Reed." Tumayo ako at tiningnan ko si Wade sa nakikiusap nitong mga mata. "Sa ayaw at sa gusto mo ay babalik ka sa Amerika, hindi ka na babalik dito. Putulin mo na ang koneksyon mo sa'kin dahil hindi ko sasayangin ang nasimulan ko na, naiintindihan mo ba?" Kahit pa makulong ako sa huli o kung mamatay man, wala akong pakialam at wala akong pagsisisihan. Nilagpasan ko si Wade at lumabas na. Bumaba ako ulit at nakita ko doon si Winter. Mukhang natakot ito at napayuko na lang. Nagtuloy na ako sa paglabas at sumakay sa kotse. Minaneho ko iyon papunta sa White House. Pagkadating ko ay agad akong sinalubong ni Tyler. "Anong nangyari?" walang emosyon kong tanong. "Lahat ng tauhan maging si Wesley ay hindi nakaligtas sa pasabog." Bwisit na Simon. Alam kong s'ya ang may kagagawan nito. "Si Dante?" "Narito ako." Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Dante na naglalakad palapit. "Alamin mo kung sinong isda ang ka-transaksyon ni Simon mamayang gabi." Yumuko naman si Dante bilang pagsunod. 'Hwag kang mag-alala Simon. Kahit ano pang gawin mo, sa aking mga kamay ka pa rin babagsak kaya't maghintay ka.' Umakyat na ako sa taas at pinuntahan si Solana. Wala ito sa kwarto kaya agad kong tinanong si Tyler. Bumaba ulit ako at pumasok kung saan naglalaro ang mga tauhan ko. Pumasok akong hindi nila namamalayan. Umupo ako sa kabilang gilid para manood ng mga nagbubuno. "Bwisit," dinig kong bulalas ni Solana nang maibagsak nito ang lalaking kabuno at humihingal na tinapakan ito sa dibdib. "Oh," react ng mga tauhan ko. Pumalakpak naman ako kaya't napalingon sila sa'kin kabilang na si Solana. Sininghalan lang naman ako ni babae, mayabang talaga. Maya-maya'y lumapit ito sa'kin. "Tara," mayabang na ani nito. "Hinahamon mo ba ako?" "Ikaw ang sunod." Napangisi ako. "Mali ka ng hinahamon, detective." "Wala akong pakialam." Lumakad ito at tumuntong ulit sa rubber mat. Tumayo ako at nakapamulsang sumunod. "Hindi ka ba napapagod? Mukhang pagod ka na, baka hindi mo kayanin ang isa pa." "Tsk." Mabilis s'yang lumapit pero nasangga ko ang kamao niya gamit ang kanan kong kamay. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na nagkamali ka ng desisyon sa oras na 'to," ngisi ko at malakas na tinabig ang braso niya. "Bwisit." Wala manlang sakit na bumalatay sa mga mata niya. Imbis ay mabilis na naman s'yang sumugod. Akala ko ay susuntukin niya ako pero isang malakas na sipa pala ang ibibigay niya sa binti ko. Masakit pero hindi ko ininda. "Iyan lang ba ang kaya mo, detective?" Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata at mukhang hinahamon ako na ako naman ngayon ang sumugod. Sige, pagbibigyan kita. Tiningnan ko ang mga tauhan ko at sumenyas na lumabas muna silang lahat. Agad namang sumunod ang mga ito kaya't muli kong nilingon si Solana habang nakangisi. Marahan akong lumakad papalapit at kitang-kita ko ang paglunok niya. "Alam mo bang hindi ako nananakit ng mga matatapang na babae?" "Wala akong pakialam." Mabilis na naman s'yang sumugod pero hindi sapat 'yon para masaktan ako. Hinuli ko s'ya at agad ibinagsak sa rubber mat at pinangubabawan. Hawak ko ang magkabila niyang pulso na nakalapat sa mat at ipit ko ang kaniyang mga binti. Humihingal s'yang nakatingin sa akin. Pawis na pawis na s'ya pero hindi no'n nasira ang ganda niya, mas lalo pa s'yang naging kaakit-akit. Napangisi ako dahilan para mapalunok s'ya. "Mukhang nakakalimutan mo na yata kung bakit narito ka, detective?" Umirap si Solana at tumingin sa kabilang gilid. Binitawan ko naman s'ya at saka tumayo. Hindi pa rin ito kumilos. Nakahiga pa rin ito doon at humihingal. "Ihanda mo ang sarili mo. May pupuntahan tayo mamayang gabi," malamig kong turan at walang pasabing tumalikod.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
100
22/09/2024
1argh bitin naman autor huhu😭
20/06/2024
0okay
28/10/2023
0Tingnan Lahat