Kabanata 14

Solana
Hindi ako kumilos para lingunin si Dark. Napatigil lang ako sa paghakbang at mas natigilan pa nang maramdaman ko ang paglapit niya. Ngayon ay nasa likuran ko na s'ya.
"You are trespassing, detective."
Napalunok ako nang maramdaman ang hininga niyang tumatama sa may tainga ko.
"Huwag mong sabihing wala kang nararamdam?"
Humarap ako kay Dark, ngumisi ako at tiningnan ang walang kwenta niyang mukha. At katulad lang ng una, mukhang hindi niya inasahan ang ikinilos ko. Bahagyang nagsulubong ang makapal niyang kilay. Tsk!
"Maraming imposible sa mundo, Sullivan, at isa na ako sa lahat ng mga imposible," sabi kong hindi nagbababa ng tingin.
"Katulad ng una, mayabang ka pa rin, detective."
Nag 'tsk' lang ako.
Humakbang si Dark palapit pero hindi ako kumilos. Ngayon ay isang dangkal na lamang ang layo namin sa isa't isa. Naamoy ko na rin ang sabong gamit niya.
Walang emosyon ko s'yang tiningala at kitang-kita ko ang dilim sa kaniyang emosyon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, wala naman akong nasabing ikagagalit niya.
Nai-kuyom ko ang pareho kong palad nang makitang bumababa ang mukha niya, at naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa baiwang ko. At ang katahimikan niya ay nagpapakaba sa akin.
Bwisit.
"Wala akong laban sa mga oras na 'to," panghahamon ko para insultuhin s'ya at tumigil sa ginagawa. Hindi ko alam ang magiging dating no'n sa kaniya pero ang mainsulto s'ya ang intensyon ko. "Hindi magiging pantay ang laban kung itutuloy mo ang binabalak mo."
Hingkay akong napahakbang pahuli nang humakbang s'ya pauna. Mahigpit niyang kinapitan ang magkabila kong pulso at ilapat iyon sa dingding sa magkabilang gilid ng ulo ko.
Walang kwenta ko pa rin s'yang tiningnan. Hindi ako nagpadala sa kabang nararamdaman ko. Ayaw kong makaramdam s'ya ng pagkapanalo nang dahil lang sa nagpakita ako ng takot.
"Mas nagiging kaakit-akit ang katahimikan mo, detective."
Hindi ako kumbensido sa sinabi niya dahil kita ko ang pagka-insulto sa kaniyang mga mata.
"Gawin mo ang gusto mo, gamitin mo ang katawan ko kung kailan mo gusto, wala na akong pakialam simula nang kunin mo ang pagkababae ko."
Kita ko ang pagtiim ng kaniyang bagang, kasunod no'n ay binitawan niya ang kamay ko at humakbang palayo sa akin sabay talikod.
"Umalis ka na.".
Tsk!
Kumilos ako palapit sa pintuan at saka lumabas. Agad akong napasandal sa dingding at doon huminga ng maluwag. Bwisit.
Ilang segundo akong nasa gano'ng pwesto bago ako umalis at bumalik sa kwarto. Humiga ako ulit, pakiramdam ko ay bumalik ang lagnat ko.
*-*-*-*-*
Wade
Nagising ako ng madaling araw, bumangon ako at lumapit sa pinto. Lumabas ako pero agad natigilan nang makita si Winter na nakasandal sa malamig na dingding, natutulog.
'Tss... masyadong matigas ang ulo.'
Hindi ko s'ya pinansin, lumakad na ako at bumaba. At habang pababa ng hagdan ay mas naririnig ko ang isang rock na tugtog na nagmumula sa kwarto sa ibaba.
Binilisan ko ang pagbaba at tinahak ang daan papunta sa kwarto. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang disco light na pinupuno ang kabuuan ng kwarto.
"Crimson." Sa sofa ay nakita ko ang bunso naming kapatid. Lumingon ito sa akin.
"Wade." Tumayo ito at pinatay ang tugtog. Sinuklay pa nito ang buhok palikod gamit ang mga daliri at lumapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Nagkibit-balikat si Crimson. "Bakit? Hindi na ba ako p'wede dito?"
"Nagkita na kayo ni Reed?"
"Hmmm..." mukhang nag-isip ito sabay higa sa kama at inunan ang mga braso. "I guess?"
Pinag-aralan ko ang mukha niya. Sa mga lumipas na taon na wala s'ya dito sa Pilipinas, masasabi kong madami na ang nagbago sa kaniya. Ang inosenteng Crimson ay biglang nag-mature. Alam kong dahil iyon sa sitwasyon naming magkakapatid, pinalayo kami ni Reed, tumira ako sa US, si Crimson ay sa Canada.
"Hindi ka niya binanggit sa'kin," sabi ko.
"Why a celebrity is here in the mansion? You're girlfriend? Why is she sleeping outside your door. You two had a fight?"
"She' not a girlfriend."
"Alright." Tumigilid ito. "Good night."
Bigla akong nanibago kay Crimson, kung paano s'ya magsalita at gumalaw ay malayong-malayo na sa Crimson noon na bunso naming kapatid.
Tumalikod na ako para lumabas, bumalik na ako sa taas. Naroon pa rin si Winter at halos humiga na sa sahig.
Nilapitan ko ang babae at mahinang inugoy para gisingin.
"Hmmm... stop," wakli nito sa kamay ko.
"Tss." Tumayo na lang ako at pumasok na sa kwarto.
Noong araw na dalhin ko sa mansion si Winter, naroon din ako para sa babaeng bigla na lamang sumuntok sa akin. Pina-imbistigahan ko si Solana at nalaman kong may kakambal pala ito. At no'ng araw na 'yon nakita kong may mga lalaking nagmamasid sa di kalayuan sa kotse kaya't bigla akong kinutuban. Sa uri ng buhay na mayroon si Reed, may duda na ako kung ano ang nangyayari.
Sinundan ko si Winter, alam kong nakasunod din sa akin ang mga lalaki. Hindi ko alam kung tauhan ba sila ni Reed o tauhan ng mga kaaway nito.
Dinala ko si Winter sa mansion dahil ayaw kong may madamay na namang isang buhay na inosente ng dahil kay Reed.
.
.
.
Bumaba na ako matapos mag-shower. Nasa hagdan pa lang ako nang marinig ko ang mga tawa na nagmumula sa kusina. At pagkapasok ko ay nakita ko si Winter at Crimson. Nang batiin ako ng maid ay napatingin din ang dalawa sa akin.
"Morning brother," si Crimson. Sinamaan lang naman ako ng tingin ni Winter.
Umupo na lang ako dalawang bangko ang pagitan kay Winter.
"So I was talking about me walking in my sleep nakey while drinking a cold coffee in the middle of the snow."
Napatingin ako kay Winter na natawa sa sinabi ni Crimson. Tss, ano naman ang nakakatawa do'n?
"So how's life abroad?" singit ko.
"Not bad but not good at all," kibit-balikat nitong sagot.
"Kailan ka babalik sa Canada?"
"I'm not sure now that there's a gorgeous woman in front of me." Ngumiti ito kay Winter. Natawa lang naman ang babae.
Niyuko ko na lang ang pagkain ko at agad ng tinapos. Tumayo ako at walang pasabing umalis at nakapamulsang naglakad papunta sa gym.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Paulyn Gabion Gacos

    100

    22/09/2024

      1
  • avatar
    DumaPrincess Marry Joy

    argh bitin naman autor huhu😭

    20/06/2024

      0
  • avatar
    Kg Cabotaje

    okay

    28/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata