logo text

Kabanata 31 - Cousin

At iyon nga ang nangyari. Nagpa-long exam si Evander. At least madali naman ito.
Bago pa matapos ang oras ay natapos ko ang lahat ng tanong. Tiningnan ko ang mga kaklase ko, 'yong iba nahihirapan. Halata iyon sa mukha. Good thing for me, lahat ng itinanong ni Evander sa akin sa mga recitation ay puro lumabas sa kan'yang exam. If you listened, masasagot mo ang mga tanong niya. Ganoon kadali 'yon.
Mahirap ang subject pero dahil siguro na si Evander ang nagturo ay parang naging madali ito.
Tiningnan ko siya sa harap. Naka-longsleeve siyang kulay puti na itinupi niya naman hanggang siko at nakaitim na pants. All I can say, it suits him.
Napatitig din ako sa kan'ya. Swerte siguro ng magiging anak nito. May guwapo silang tatay. Tss.
Napanguso ako bago ni-review ang papel. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Hindi ko alam kung bakit. It's like my lips became an involuntary muscle. Hindi ko makontrol ang pagngiti.
Nag-angat ako nang tingin. Sakto 'yon para magtagpo ang tingin naming dalawa. Napaisa ang kilay niya, nagtataka ata na tumingin ako. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at kinagat ang ibabang labi dahil sa kaba.
Ano ba, Clementine! Huwag ka ngang pahalata riyan! Kaya tayo hinbdi nakakamove on e, napakarupok mo ! Ano ba!
I decided to just lean on my desk. Kaysa naman sa tumingin ako kay Evander. Mas lalo niyang malaman na guwapong guwapo ako sa kan'ya ngayon! Ay hindi!
Kung sa ibang sitwasyon siguro, masasabi kong sobrang guwapo niya ngayon kaysa sa ibang araw. Kaso, bitter ako sa kan'ya recently pati ngayon kaya hindi ko siya pupurihin nang sobra. Hmm, sakto lang. Saktong guwapo lang.
"Are you done?"
Muli akong napatingin sa harap. Busy si Evander na mangolekta ng mga answer sheet sa mga nasa harap kaya malaya ko siyang tinitigan. Nang mapatingin siya sa banda ko ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Pero kalaunan ay ibinalik ko na ang tingin sa kan'ya. Nasa banda siya ni Shiela nang makita ko ang ngiti niya.
Napanguso na lang ako.
Nang matapos siya sa pangongolekta ay inayos ko na ang bag ko. Nagsimula ng magpaalam ang mga kaklase ko kaya aalis na rin sana ako nang tinawag niya ako.
"Teka, Clemmie..."
Tiningnan ko siya. Nag-ayos siya nang gamit kaya napatunganga lang ako sa kanya.
"B-Bakit, sir?"
"Please help me with these stuff. Nauna na kasing makaalis si Pete. Nakalimutan kong sabihan kanina."
Kung iba lang ang sitwasyon, iisipin kong nagpapatulong siya sa akin kunwari para makasama niya ako. Pero dahil iba nga ang sitwasyon, iisipin ko na lang na ginawa niya ito para inisin ako.
"Okay, sir."
Napaisa ang kilay niya nang mag-angat siya nang tingin sa akin. Aligaga kong kinuha ang mga answer sheets. Siya naman ang may dala sa kanyang laptop, projector at questionnaire.
"When the class is done, huwag mo na akong tawaging sir. After all, we are friends, Clemmie," mahinang aniya.
Napaiwas lang ako ng tingin at hindi siya sinagot.
"Tara na."
Tumango ako.
Nasa likod niya lang ako kaya malaya ko siyang matitigan. Marami ang bumabati sa kan'ya kaya bahagya akong napanatag na mapatitig sa kan'yang tindig.
He really look so professional. May something sa kan'ya na parang maiisip mo talaga na superior siya.
Napalunok na lang akong muli. Ano bang nangyayari sa'yo, Clementine!
"Ayos ka lang ba?" tanong niya bigla kaya gulat akong napatingala sa kan'ya.
"A-Ah...oo! Hmm, oo."
Ngumiti siya sa akin. Inayos niya ang questionnaire dahil bahagya itong nalihis. Parang kinurot ang puso ko sa nakita.
"Puwede naman na ako na lang magdala sa testpapers, sir."
His lips protruded. Napangisi din siya kalaunan.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kaka-sir mo sa akin?"
Hilaw akong ngumiti. "Ano ba dapat? Substitute prof naman kita, 'di ba?"
Matunog siyang napangisi.
"Tss! Magkaibigan tayo, Clementine..."
Natigilan ako at napatingin sa kan'ya.
"A-Ahh..." peke pa akong natawa at hindi na muling nagsalita.
Medyo malayo ang faculty kaya mas awkward kung mas matagal kaming magkasama.
"Madali lang ba ang exam?" biglang aniya.
Tumango naman ako. "Siguro. Hindi naman pang-out of the world ang questions mo, e!"
Matunog ulit siyang napangisi.
"Good to know that."
Tumango ako at tumahimik ulit.
"Bakit hindi si Shiela ang pinasama mo?"
This time, lumingon siya sa akin. Makikitaan ng multo na ngiti ang labi. Matagal pa siya makasagot. May sumalubong kasing estudyante rin sa amin.
"Hmm, ikaw ang gusto ko, e," sagot niya habang kumindat sa akin.
Halos mabilaukan ako sa sinagot niya. Muntikan ko pang magusot ang mga papel na hawak ko.
"H-Huh?" wala sa sariling saad ko.
Malakas siyang natawa bago inilipat ang hawak na laptop sa kabilang kamay para lang mapitik ang noo ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Slow."
Pinandilatan ko siya. "Hindi ako slow!" Napanguso pa ako at diretso ang tingin sa harap. "Ikaw lang talaga 'tong iba ang iniisip."
Tumango tango pa siya kunwari at sinulyapan ako bago muling nginisihan.
Ano bang problema ng lalaking 'to!
"Dalawang linggo niyo pa lang akong substitute prof pero parang gusto ko na manatili na lang..."
This time, nang-aasar ang tingin ko sa kan'ya.
"Bakit? Dahil ba gusto mong makita palagi ang girlfriend mo?"
Tumingin din siya sa akin. Nakangisi pa rin.
"Hmm, gusto kong makita palagi ang girlfriend ko."
Napanguso ako dahil parang may dumaan na palaso sa puso ko.
Oh, 'di ba, Clementine? Joke mo? Hurt ka rin! Ayan napapala mo sa kakornihan mo!
Nakanguso ako sa buong oras na magkasama kami hanggang sa faculty. Halos isampal ko pa sa kan'ya ang buong answer sheet na hawak ko sa mukha niya. Kaso may ibang prof dito tsaka baka makita nilang nag-LQ kami. Hello? Di kaya kami magjowa!
Well, sana kung ganoon nga para at least kung masasabihan, may label naman. Ah! May label! One sided!
"Hindi nga pala ako makakapasok sa lunes."
"Bakit?" agad kong tanong.
Napaisa ang kilay niya bago ibinaling ang atensyon sa laptop niya.
"May seminar akong aattend-an. Parte ng SSG."
Napaisip ako. So, walang prof?
"May mags-sub..."
Ibinalik ko ang paningin sa kan'ya.
"Sino?"
Umismid pa siya bago ako sinagot.
"Si Leander..."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na napangiti. "Talaga?"
Nagtagpo ang mga kilay niya at agad na nag-iwas nang tingin.
"Oo."
Napangiti ulit ako. Well, I am not attracted to him anymore, obviously. Dahil dito sa manhid na lalaking 'to. Pero masaya lang talaga ako na ngayon ay makikita ko siya ulit.
"Masaya ka, ah?" masungit niyang sabi.
Umismid tuloy ako. Bago mapaglarong ngumiti.
"Oh? Bakit naman, sir?" asar ko.
Mas lalong kumunot ang noo niya at pinitik ako.
"Nananakit ka, ah? Isumbong kita sa mga prof dito."
Mapang-asar niya akong tingnan.
"Subukan mo."
Umirap na lang ako at ngumuso kalaunan ay ngumiti rin. Nagtataka ang tingin niya bago sumimangot.
"Oh sige, sir. Alis na ako. Baka nandoon na ang prof namin, e."
Muli siyang tumingin sa akin. "Teka..."
Umismid ako at napacrossed arms.
"Bakit na naman?"
May inabot siyang papel sa akin kaya tiningnan ko ang nakasulat.
"Ano 'to? Uutusan mo akong i-load ka? Wala ka bang plan? Hay nako! Ang yaman yaman mo tapos nagtitiis ka sa tig fifty seventy ninety na load!"
"Grabe, ang slow talaga. Number ko 'yan. I-text mo 'ko tungkol sa mga updates."
Napapekeng tawa agad ako dahil sa hiya. "Si Shiela na lang mag-update -"
"Ikaw nga ang gusto ko, Clemmie."
Tinitigan ko ang papel na ibinigay niya. Teka, parang hinihele yata ako ahil sa huling sinabi niya.
Narinig ko pa ang matunog niyang ngisi nang tumalikod na ako. Mabilis kong tinakpan ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Ano bang pinaggagawa ko sa araw na 'to. Tsk!
Bakit ba siya ngumingiti sa akin nang paulit ulit! Hello! Nagmomove-on ako sa iyo kaya 'wag kang pacute dyan!
Kinabukasan, sinabihan ako ni Mama na pumunta ng airport. Sabi niya kasi, ngayon uuwi ang tito ko kasama si Michelle, pinsan ko.
Actually, kami lang ni Michelle ang talagang magpinsan kasi nag-iisa rin siyang anak ni Tito Vico. Si Tito Cris kasi ay tumandang walang asawa at kasalukuyang nasa America para ipagpatuloy ang pet shop niya roon. Magkalapit lang ang bahay nila roon. Recently, bumili na rin si Papa ng lupa malapit lang din sa kanila para kung sakaling magbabakasyon kami roon ay pwedeng pwede na.
Kaya nga rin ako kumuha ng vet, hindi lang dahil kay Mama kundi pati na rin kay Tito Cris. Ang sabi niya sa akin ay kukunin niya akong vet sa pet shop niya. Kami sana ni Mich kaso iba ang hilig niya sa hilig namin kaya hindi na siya pinilit pa ni Tito. Kasalukuyan ay nag-iipon siya para pambili ng lupa dito sa Pilipinas dahil plano niyang umuwi na rin dito.
Huli kong nakita ang pamilya ni tito Vico, seven years ago? As what I've remembered, highschool pa lang ako no'n. Pumunta sila ng America dahil na rin sa may problema si Michelle dito. I don't really know what's that pero ang sabi lang ni Mama sa akin ay depressed daw ang pinsan kong iyon. Tuwing tinatanong ko naman siya ay tinatawanan niya lang ako pero hindi niya sinasabi. I respect that though.
"Clementine?!"
Agad akong napalingon at napangiti nang makita na ang pinsan ko. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Kasunod niya si Tito Vico at Tita Margaret. Mabilis ko rin silang niyakap bago muling bumaling sa pinsan ko.
"Gutom na ba kayo? Nag-prepare si Mama sa bahay."
Ngumiti si Mich at mabilis na inangkla ang kanyang braso sa akin.
"Na-miss kita, couz! How are you? Musta ang vet?"
"Hmm, ayos lang naman. Lumalaban pa rin!"
Natawa siya. "Ang hirap talaga niyan no? Kaya nga mas bet ko ang HRM."
Ngumiti ako sa kan'ya. "And you're good at it."
She grin. "Well..." Nagkibit balikat pa siya.
We talked a lot of things habang nasa byahe pauwi. Nagtanong din sila Tito tungkol sa studies. Natuwa naman sila sa mga isinagot ko.
"Wait, Clemmie. May boyfriend ka na ba? May pimple ka na, oh!"
Umismid ako sa kan'ya. "Nakakainis naman ang tanong na 'yan. Pwedeng change question?"
Humagikgik siya sa sinabi ko.
"Bakit? As in, never ka talaga nagka-boyfriend? Baka walang nanliligaw?"
Ngumuso ako. "Walang nangahas."
Nagtawanan ulit kami. "Hay nako! Kung kasing ganda mo ako, sure akong marami kang boyfriend ngayon!"
Bahagya akong natahimik sa joke na 'yon. Well, Michelle has this porcelain skin and pretty face that every guy wished for.
Hilaw na lang akong tumawa sa kan'ya at iniliko ang topic.
Nang nasa bahay na ay naging mas maingay ang batian. Nagulat pa ako nang nakita ko si Alexander na nakaupo sa sala. Mabilis ko siyang pinuntahan at niyakap.
"Kailan ka pa nandito? Kanina pa?"
Napakamot ulo siya. "Kararating ko lang. Hindi ko alam na may bisita pala kayo. Ngayon lang din kasi ang day-off ko."
Ngumiti ako at kiniliti siya sa gilid.
"Sus. Na-miss mo lang ako, e! Ayaw mo pang aminin."
Agad niya akong sininghalan.
"Assume ka pa! Kaya ka nasasaktan, e."
Pinandilatan ko siya. "Namemersonal ka ah?!"
Natawa siya at inakbayan ako.
"Hi! Are you Clemmie's boyfriend?" singit ni Mich. Hindi ko na siya napansin kanina dahil magkausap sila ni Mama nang dumating kami.
Mabilis akong umiling at tiningnan si Alexander na natatawang tumingin sa akin.
"Ah, hindi! He's Alexander. Bestfriend ko. By the way, Alex, si Mich...pinsan ko."
Napatango tango naman si Mich.
"Oohhh! Bestfriends! You know what? Someone will end up hurting if your bestfriend is opposite sex of yours."
Nagkatinginan naman kami ni Alexander. Nauna siyang umiling. Sumunod din ako.
"We can't like each other that way, Mich. As what I've said, magbestfriends kami," natatawa kong sagot.
Tumango naman si Alexander sa pinsan ko.
"Oh? Is that so? Hmm..." Nag-isip pa siya bago ngumiti sa bestfriend ko.
Marami siyang tinanong kay Alexander. Like his education and 'girlfriends'. Sinagot naman 'yon lahat ni Alexander. Napailing nalang ako at iniwan muna silang dalawa sa sala.

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    B. PeñafuerteRosendo Jr II

    yeah

    30/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo