Nakita kong lumabas na siya, sa aking inis ay agad ko siyang tinalikuran at hinarap na ang malawak na field imbes na salubungin pa siya. Narinig ko na ang kaniyang mga yapak kaya mas lalo akong nagmatigas na hindi siya tingnan. "About what you did—" "Demerit ba, sir?" diretso kong tanong. I even emphasized the last word. Napapikit pa siya nang mariin bago siya naglakad papuntang gilid ko at hinarap na rin ang malawak na field. Ilang segundo pa siyang tahimik bago siya nagsalitang muli. "Palagi ba talaga...kayong nag-aaway?" Hindi ako sumagot. Napabuntong hininga naman siya. "Hmm...alright. I'm sorry..." Napaisa ang kilay ko. In behalf of Shiela? Nagsosorry siya? Bakit? Wala bang bibig ang babaeng 'yon! Teka, ganoon niya ba talaga ito kagusto? Edi magsama silang dalawa! "Ayos lang." Hindi ko na maiwasan ang pait sa boses ko at inangat ang tingin sa kaniya. Sakto din 'yon dahil nakatingin na din siya sa akin. "How are you?" Hindi ulit ako sumagot sa tanong na 'yon. Napalunok ako at tiningnan siya ulit. "Kung may demerit man ako dahil sa nangyari kanina at no'ng huli, okay tatanggapin ko, Sir." Pumikit siya nang mariin bago seryosong tumingin sa akin. "Hindi na kailangan 'yon...at hindi mo na rin ako dapat tawagin na sir." Napangisi ako. "No'ng sumilip lang ako noon kay Leander, may demerit ako. Noong nagmura ako sa harap mo, may demerit ako. Pero ngayon na napaaway ako, hindi mo ako bibigyan ng demerit?" Hindi ko naman gustong magkademerit. Ang sa akin lang ay naguguluhan ako dahil bakit hindi niya ako bibigyan ngayon? Dahil ba ayaw niyang madamay si Shiela? Hmm, I get it kaya mas lalo akong napangisi kahit muli ay may namuong luha sa akin. Kung bibigyan niya ako ng demerit, alam kong damay si Shiela. Kung hindi niya ako bibigyan, ofcourse, hindi madadamay ang minamahal niya. I get it. Kahit hindi niya sinasabi. "Bakit mo ako pinatawag kung ganoon?" "Sana sinabi mo sa akin na ganito pala kalala ang ginagawa niya sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya at kalaunan ay sarkastikong natawa. "You are not blind, Evander. You saw it countless times. I got a fight with your goddamn girlfriend at ngayon sasabihin mo lang iyan sa akin—" "First of all, she's not my girlfriend." Masama akong tumingin sa kaniya. "Then sabihin mo sa kaniya nang magising siya sa pag-iilusyon niya!" Napalunok siya at tiningnan pabalik ang room. Nakita kong sumusulyap ang mga classmates ko sa akin. No'ng nakita nilang nakatingin kami ni Evander sa loob ay agad silang nag-iwas ng tingin, kunwari walang nakita sa labas. "Alright, I'll tell her again. Pumasok na muna tayo..." Napalunok ako at tumango na. Nang maupo na ako ay palihim na hinampas ni Lulu. "Anong sinabi ni Evander sa'yo?" Hindi ko siya sinagot dahil pati ako ay naguguluhan din sa kan'ya. O baka ako lang talaga 'tong nag-iisip nang kung ano-ano. Teka nga! Bakit ba ako nag-iisip ng tungkol sa kan'ya? Gaya nga ng sabi, ginagawa niya lang 'to dahil gusto niyang protektahan ang record ni Shiela! Pero- Bakit niya ako kinakamusta? Teka! Ayan ka na naman, Clementine! Ano naman ngayon kung kinakamusta ka niya? Does it mean he likes you? Haha! Nagpapatawa ata talaga ako. Hindi niya ako gusto! Bakit niya naman ako magugustuhan, 'di ba? Isang masungit na babae na hindi naman kagandahan. Kaaway ng girlfriend niya't higit sa lahat, isang babae na napakaassuming at overthinker! Magugustuhan niya ako? Ha! Joke 'yon! Scam 'yon! "Clemmie..." Tss, why am I thinking much about this? Ano bang pakialam ko! E 'di sila na nga! Bakit nga ba nila ako ginugulo? Hindi ba nila nararamdaman 'yon? Ginugulo nila ako! "Psst, Clemmie, tawag ka ni Evander..." Sinamaan ko ng tingin si Lulu dahil panay siyang nangungulit sa akin. Nag-iisip 'yong tao e, tapos ginugulo pa! "Ano ba?" giit ko sa kan'ya. Napanguso siya at itinuro ang harap. Nakita ko si Evander na nakatingin nang diretso sa akin. Walang emosyon at naka-cross arms pa! "You're spacing out in our subject, Twaila Clementine...stand up," mababang boses niyang utos. Napapikit ako nang mariin bago ko naramdaman ang puso ko na ngayon ay malakas ang kabog. Narinig ko ang pigil tawa ni Lulu sa gilid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Are you listening?" Kinagat ko ang ibabang labi bago nagdalawang-isip na tumango. Hindi ako makatingin sa kan'ya nang diretso. "Okay, can you enumerate the things that I've discussed?" Muli akong napalunok. Kinurot ko pa ang braso ni Lulu para malaman niyang kailangan ko ng tulong niya. "Kinds of veterinary..." Hindi ko halos marinig ang sinabi ni Lulu kaya napasinghap ako at tiningnan muli si Lulu. "Kinds. Of. Veterinary. Practice," muli niyang bulong, mas malinaw na ngayon. "Stop whispering to her Louisse Xandra," striktong saad ni Evander. Napanguso at sinamaan ng tingin si Evander. Anong trip niya ha?! Matapos niyang guluhin ang isip ko, ngayon ay magpaka-terror siyang teacher sa amin?! Ha! Sige! As if that makes you attractive! Screw you! Akala mo ba hindi ko alam 'yang tinatanong mo? Hmm?! "You don't know?" muli niyang tanong. Tss! Itong lalaking ito! Feeling niya siguro alam niya na ang lahat! As far as I know, hindi nga ito ang field niya! Gusto ko siyang singhalan pero nakita ko ang mga tingin ng mga kaklase ko kaya umayos ako sa pagtayo. "T-There are different kinds of veterinary practices. B-But before that, veterinary practices are the standard which ensures that services provided by the veterinary profession are consistently produced and controlled to the quality standards." Tumingin ako kay Evander at nakita ko siyang tumango tango. Nakatitig pa siya sa akin na parang dinidistract ako. Hay nako, Clementine! Tigilan mo nga muna 'yang utak mo kakaisip kay Evander! Huwag kang papayag na ipahiya ka nito sa harap ng mga kaklase mo! Lalo na sa harap ng pinakamamahal niyang Shiela! "And there are different kinds of veterinary practices types such as: small animal practice, large animal practice, beyond the small & large animal practice...." Nagpatuloy pa ako sa pagsasalita. Nakikinig naman siya nang maigi sa akin. Nang matapos na ay agad siyang nagtawag ng iba naming kaklase at inulit lang din ang tanong niya sa akin. Naramdaman ko ang pagdunggol ni Lulu sa gilid ko kaya napatingin ako sa kan'ya. "Buti at nag-advance reading ka. Hindi halata ang pagiging lutang mo kanina!" Napabuntong hininga ako. "Buti nga lang rin kun'di baka ipahiya niya pa ako." Tinampal niya nang mahina ang kamay ko gamit ang ballpen niya. "Hindi ka niya ipapahiya. Ikaw pa! Kahit anong tanong ang ibibigay mo kay Twaila Clementine, masasagot niya 'yan!" Hagikgik niya pa. Ngumuso ako at kinurot siya sa braso. Ganoon palagi ang cycle namin sa loob ng classroom. Kapag papasok si Evander ay palagi niya akong tinatawag para magbigay ng mga photocopy sa ididiscuss niya sa araw na 'yon. Kun'di ay kapag sa recitation ay ako rin ang tatawagin niya kaya nga mas lalo kong pinag-igihan ang pag-aadvance reading para hindi naman ako magmukhang bobo sa harap niya. Ang sabi ay si Evander daw talaga muna ang magsu-substitute prof sa amin habang wala pang pamalit. Ang ibang instructor kasi ay overloaded na kaya kaya si Evander na lang daw dahil running for latin honors naman ito. Sabi pa ng Prof namin ay may tiwala naman siya kay Evander kaya niya ibinigay rito ang mga gagawin. He will only be gone once the final schedule for his on-the-job training will be settled. And I am not against this pero hindi naman sa nagiging judgemental ako pero anong alam ni Evander sa Veterinary Medicine? "Uy, anong iniisip mo? Si SIR Evander na naman ba?" Tawang-tawa na sabi ni Lulu habang nilalapag ang mga libro sa desk ng library. Napasulyap ang mga classmates ko sa akin. Nangingiti ang iba. Ang iba naman ay nagtataka. Sinamaan ko tuloy ng tingin si Lulu. Natawa naman siya pero kalaunan ay umismid na lang dahil wala na akong ibang ipinakitang reaksyon kun'di ang iritasyon. Nasa library kami ngayon dahil may exam na naman kami bukas para sa subject ng aking pinakamamahal na sir Evander! Hay nako! Mark the sarcasm! "Bakit kaya hindi si Leander ang nandito 'no?" Agad siyang lumapit sa akin at kinotongan ako. "Gaga! Nagdududa ka ba sa kakayahan ni Evander? Magaling naman siya magturo, ah? For sure, magaling siyang teacher kapag nasa field na talaga." Umismid ako at inisip ang sinabi niya. I agree to that too. Magaling nga siya. Pero... "Bakit? Sinong di-discuss-an niya sa field? Mga semento?" Agad naman humalakhak si Lulu. "Gaga 'to! Narinig ko kay Jerome noon na may plano rin iyan si Evander magpursue ng Veterinary Medicine! Pati Education! Ah, pati Psychology rin pala!" Isinarado ko ang libro at inisahan ng kilay si Lulu. "Baka gusto niya rin maging Astronaut? O maging piloto?" "OO, gurl! Tapos ikaw ang sasakyan niya-" Agad kong tinapon sa kaniya ang libro na hawak ko. Mas lalo naman siyang tumawa ulit. "Hay nako, Twaila Clementine! Huwag ka ng mag-isip nang kung anu-ano. Ang importante, isang buwan lang nandito si Evander at babalik na 'yan sa on-the-job training niya! Swerte ka nga at nandito 'yang crush mo!" Hagikgik niya pa kaya kinurot ko. "Ibang klase ka talaga mag-isip. Tigilan mo 'ko!" "Oo naman, madam! Eto na, mags-study na ako. Mabuting estudyante ako e at ini-aim ko talaga ang high grade. Hindi katulad ng iba dyan na puro daydream at crush niya lang ng iniisip all the time!" Binalingan ko siya. "I am not thinking about him all the time!" "Ay? Natamaan ka, girl? Hindi ikaw sinasabihan ko, ha?" Kunwari gulat niyang aniya. Nagkunwari pa siyang naoffend dahil sa sinabi ko. Ngumuso na lang ako at tumayo na para kumuha ng panibagong libro.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
yeah
30/07/2022
0Tingnan Lahat