Goodbye - Nang nakarating sa kwarto ay agad kong kinuha ang aking gamit. I scanned it well bago ko ito inilagay pabalik sa aking maleta. Bumukas ang pintuan at agad nagulantang ang dalawa kong kaibigan sa nakita. "Hoy, saan ka pupunta? Bakit ka...nag-iimpake?" Sinubukan kong hindi magsalita. Dahil alam ko, kapag may masabi lang akong isang salita ay bibigay ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "C-Clemmie..." Lumapit si Lulu sa akin at tiningnan ako. Nakasunod sa kaniya si Esthere habang mariin akong tiningnan. "Sinabihan kami ni Evander na sundan ka. Bakit? Anong nangyari—" "Uuwi na ako. Uuwi na ako..." pigil hininga kong sabi. Nanlaki ang mga mata nila habang tiningnan ulit ang maleta ko. "P-Pero-" "You can stay here if you want. Basta ako, uuwi ako. H-Hindi ko kayang manatili rito-" "Clemmie..." "I'm so sorry, Esthere pero uuwi na talaga ako. I might ruin this gathering if ever. Hindi ko talaga kayang pakisamahan si Shiela rito. I'm sorry but I want to go-" "Pero, Clemmie..." "No, I will go home now! I will go home now!" sigaw ko na. Hinawakan ni Esthere ang magkabila kong balikat, pilit akong pinapakalma. "Twaila Clementine!" Napatingin ako sa kan'ya habang nangingilid ang luha. Nanghihina akong umupo sa kama habang sapo ang noo. After that, I cried...hard. Nagkatinginan ang dalawa. Mas lalo akong napapikit. Tumingin ako sa baba, handang ipaalam na sa mga kaibigan ko tungkol sa sariling naramdaman. "Ito 'yon, Esthere! Ito 'yong sinasabi ko! Kaya ayaw kong magkagusto! Ayaw kong magustuhan siya! Ayaw kong maramdaman ang ganito dahil alam kong masasaktan ako! At ngayon-" "Is this Evander?" aniya. Hindi ako sumagot. "Shhh now. Uuwi na tayo..." Umiling ako. "Ako na lang..." Nakita kong nagkatinginan ulit silang dalawa bago sumulyap si Lulu sa akin at hinaplos ang aking pisngi. "No. Uuwi ka. Uuwi rin kami." Napayuko ako habang pinapakalma ang sarili ko. Hindi puwedeng uuwi na rin sila. This is their vacation. Ako lang naman ang may problema rito kaya ako lang ang uuwi! "Ayusin na rin namin ang gamit namin. I'll talk to Leander after we fixed everything." Tumingin siya nang mariin sa akin sabay ngumiti. Tumahimik ako at napatingin lang sa baba. Agad akong inalalayan ni Lulu pahiga sa aming kama. "Sleep now. Gigisingin ka na lang namin..." Tumango ako at sinunod na rin siya. I close my eyes, kahit may luhang pumatak pa sa galing sa kaliwang mata. Nagising ako sa isang tapik. Nakabihis na silang dalawa at agad na akong pinakikilos. Kumuha ako ng damit galing sa maleta at tahimik na nagpunta sa banyo at mabilis na nag-ayos. May narinig akong katok galing sa labas. And after a while, narinig ko ang boses ni Evander. Tumikhim ako at bahagyang inilapit ang sarili sa pinto. "I'm sorry, Esthere..." aniya sa kaibigan ko. "Dude, hayaan mo na muna." Boses ni Leander ang narinig ko. "Puwede ba tayong mag-usap, Evander?" ani Esthere. After that, wala na ulit akong narinig galing sa kanila. Tumahimik na ang labas kaya nang matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng banyo. True enough, wala na ngang tao roon. Nagmadali ako sa pag-aayos ng buhok ko. I didn't make effort to put something on my face. After a while, tinawagan ko na si Mama at binalita sa kan'yang uuwi na kami. Nagulat pa siya at tinanong kung anong nangyari pero sinabi ko na lang na walang naganap na kung ano. Mapapaaga lang talaga ang uwi ko. Alam kong hindi naniniwala si mama at alam kong gigisahin niya ako ng mga tanong pero mas gusto kong sabihin sa kanya 'yon sa bahay at hindi rito sa cellphone. While sashaying myself on their hallway, nakasalubong ko si Shiela. Nakahalukipkip siya at nakangisi sa akin, bagay na kinaiinisan ko nang sobra. "I told you, ako ang gusto ni Evander..." Tumigil pa siya saglit at kunwaring naaawa na tumingin sa akin. "Kaso, ayaw mong maniwala e. Nagpakatanga ka at umasa kaya...iyan! Dapat lang sa'yo 'yan! You leave!" Hinarap ko siya at inis na tiningnan. Ayaw ko man siyang patulan pero sa huling pagkakataon, ayaw kong maging talunan. "Kung gusto mo si Evander, itali mo sa leeg mo para hindi na makaalis," giit ko. Halos manlisik ang kan'yang mga mata sa inis nang dahil sa sinabi ko pero nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi na siya muling nilingon. Nasa sala na ako nang makita ko si Leander. Sa totoo lang ay nahihiya akong magpakita sa kanilang lahat. Their eyes were questioning me, waiting for an answer for my sudden leave. "Salamat sa pagtanggap dito. Uuwi na muna kami," si Lulu habang sinasabihan ang mga kasama namin. Napasulyap ulit ako sa paligid, and I noticed Evander is not here. Kahit si Axtel ay wala rin. Naintindihan siguro nila Leander ang mga tingin ko sa paligid kaya siya na muli ang nagsalita.. "Wala sila rito...may pinuntahan. Hihintayin niyo na lang ba? O aalis na kayo?" "Kailangan pa rin siguro namin na magpaalam sa kan'ya. This is his place after all..." si Lulu. Papaupo na sana ako nang namataan kong may pumasok. My sudden action caused my heart to wreck. Akala ko kasi, si Evander na 'yong pumasok. Kahit may hindi magandang pagtatapos sa aming dalawa ay gusto ko pa rin siya makita, bago umalis. Hindi ako galit. I am sure of that. Nasaktan lang ako. Siguro dahil ang naramdaman ko kay Evander ay lamang kay Leander and what I felt for him is way different from Leander. Pumasok si Axtel at lumapit sa akin. Bago pa siya makalapit ay namataan ko si Evander na papasok pero mas napansin ko ang sugat sa gilid ng kanyang labi. Seryoso ang kan'yang tingin habang umupo bigla sa aking harap. Nagulantang ako nang medyo hinigit niya ang kaliwa kong paa at inayos ang sintas ng aking sapatos. Nakatungo lang ako sa kan'ya at gulat nang bigla siya mag-angat ng tingin. Nagtagpo ang aming tingin at doon ko mas natitigan ang kanyang mata. He had this intimidating yet soulful eyes that wants me to cry right now. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at mabilis na inatras ang aking papa at aligagang kinuha na ang aking maleta. "T-Thank you for letting us stay here. I e-enjoyed. Well...we do." Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakita kong seryoso pa rin ang kan'yang tingin. "Ihatid ko na kayo..." singit ni Axtel. Nginitian ko siya ng tipid bago umiling. "Huwag na...kaya na namin—" "Hindi. Hintayin niyo ako—" "Evander..." tawag ni Lulu. Napabuntong-hininga ito at sumulyap sa akin bago tumalikod at umiling ulit. Nakasunod ang tingin ko sa kan'ya bago ko nakita si Shiela na sumunod din sa kan'ya. Goodbye, Evander Doon ako nag-iwas ng tingin at tinalikuran na sila upang magpaalam sa lahat. The travel was long na halos nakatulog ako. Sa terminal pa lang ay sinalubong na kami ni Alexander habang nakanguso. Kinawayan niya kami at agad na sumenyas sa taxi driver na inarkilahan niya pa ata. "Oh, napaaga kayo?" aniya at sinalubong ako upang kunin ang maleta ko. "Nasaktan ang isa riyan, e!" si Esthere habang inilagay ang kan'yang gamit sa likod. "Sino? Si Clemmie? Tanga pa naman 'to, e! Oh nasaan? Saan 'yong pasa mo?" sarkastikong aniya at tiningnan ang buong katawan ko. Mas lalo akong napanguso at sumunod kay Esthere. "Saan 'yong masakit? E'di rito!" turo ni Lulu sa kan'yang bandang dibdib. Malakas na napahalakhak si Alexander habang dinuro ako. "Kapal ng mukha mong masaktan sa dibdib, wala ka naman no'n!" natatawang saad niya at niyakap ako. Nanliit ang mga mata ko habang pabiro siyang sinuntok sa tiyan. Gago! Pumwesto na kami sa loob. Si Alexander sa front seat samantalang kaming tatlo ay nasa likod. Alexander talked a lot about his conference. Sila Lulu at Esthere ay sumasabay rin sa kan'ya. I tried my best to say something too. Ayaw kong malaman ng bestfriend ko ang nangyari. Kinuha ko ang aking bag at inayos ang aking buhok. Ngayon ang balik eskwela. That means, it's been two weeks since that happened. At saka, I've been believing with the fact na mag-oon the job training na sila kaya probably, hindi ko sila makikita ulit dito sa campus. Maybe once or twice pero hindi palagi. I endured what happened on that day. Wala akong karapatan sa nararamdaman kong ito. Humahanga lang ako pero wala akong karapatan dito. Walang dapat na gawin si Evander sa nararamdaman ko dahil in the first place, hindi ko nga rin ito ginusto at nangyari na lang bigla. Kung ako nga ay nagulat, paano pa kaya siya? I know him for a short time but yet I fell bigtime. Sino bang hindi matatawa o magugulat kung sakaling sasabihan ko siya na gusto ko siya? Pababa na ako nang marinig ang maingay na pag-uusap nila Mama at Louisse Xandra. She waved at me bago inaya akong umupo sa kanyang tabi. "Kumain ka na rin, hija..." ani Mama at pinagpatuloy ang pagtitimpla ng kan'yang kape. Umupo ako sa tabi ni Lulu at pabiro siyang sinamaan ng tingin. "Aga mo, ah?" sabi ko sabay kuha ng kanin at ulam. Tumango siya sabay may kinuha ang cellphone sa akin at ipinakita sa akin ang kan'yang certificate of registration. "Classmate tayo ngayong semester, pumantay 'yong average ko sa'yo!" Ngumiti siya nang malapad bago humalakhak. Natawa ako at umiling. Loko! Bumaba kasi 'yong grade niya sa dalawang subject noon kaya nalipat siya ng block. At ngayon na magkasama ulit kami, then that would be great! "Sabi ni Esthere, sa weekend na lang daw tayo magkita-kita. Sa kabilang city siya na-assign. Sinabi ko naman sa kanya na dito nalang sa malapit, kaso sabi niya mas convenient daw roon kasi malapit sa isang bahay nila. Malapit my ass! Alam kong doon siya dahil doon din si Leander! Hmp!" "Sino nga ulit 'yong Leander?" si Mama ang nagtanong. "Ah, 'yung mala-Jiho 'yong hairstyle, Tita. At saka maputi at mukhang mabait!" Tumango naman si Mama sa akin. Nagpatuloy kami sa pagkain. Lulu still tell me about a lot of things. "Alam mo ba? Si Evander—" "Bilisan mo na riyan, Lulu. Malilate tayo! First day na first day ng second semester!" Ngumuso siya sa 'kin. "Eh kasi—" Kinuha ko na agad ang bag ko at agad siyang tinangay bago nagpaalam kay Mama. I tried my best to forget him. Ayaw kong marinig kahit ang pangalan niya lang o ano. I just wish that in time. I will forget this feelings and when I look back at this time, masasabi kong atleast I've learned. Nang marating ang university ay doon ko naalala na kaklase ko nga pala si Shiela. How I wish her grades was a bit low para hindi kami maging magkaklase! Pero alam kong imposible 'yun. Kahit brat siya ay matalino pa rin naman. Matalino na stupid. Hay nako. "Sure ka na ba talagang ayaw mong malaman, Clemmie?" "Ang tungkol kay Evander? No, Lulu..." Tiningnan ko ang white board sa harap. Patuloy pa rin ang pangungulit niya pero hindi ko pinansin. "Alam mo, mas makakapagmove on ka sa tao kung alam mo ang whereabouts niya..." pangungumbinsi niya pa. "As if I care," masungit kong sabi. Umirap siya at pabiro akong hinampas. "OA mo!" Napangisi ako at humalumbaba gamit ang kaliwang kamay habang ang isang kamay ay ginamit ko sa pagdadrum sa table. "Si Jerome nandito pa rin sa school. Pero sa finance daw. Hindi ko gets. Bahala siya ro'n!" Umismid ako sa kan'ya. "I feel something's fishy—" "Tss...!" Umirap pa siya bago tumili na parang timang. And that only stops when Shiela is coming. Kung hindi ako nagkakamali ay kitang-kita ang pamumugto ng kan'yang mga mata. Wala siyang pinapansin ni isa pero tumingin siya sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin bago umirap. Hay nako, utak nito pang-kindergarten! "Hi, Louisse! Dito ka na pala ulit?" sabi ng isang classmate ko na lumapit pa kay Lulu. "Hehe, oo e! Alam niyo na, nagbabalik ang matalino! Haha!" Lumayo sila sa akin at nag-usap. Nakatingin lang ako sa baba nang biglang may humampas ng aking mesa. Agad akong napatingin, but then, I saw the raging anger of Shiela towards me. "Mag-usap tayo." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayoko. Wala naman tayong dapat pag-usapan di ba?" "You're a flirt!" sigaw niya bigla kaya nakita kong napatingin ang mga classmate namin sa amin. Lulu even shifted on her seat at napatingin na rin sa amin. Tumayo ako para maharap siya nang tuluyan. Walang emosyon ko siyang tiningnan bago nagsalita. "You're lucky enough that he likes you. Ano pa ba ang gusto mong patunayan—" Natigil ako sa pagsasalita nang sinampal niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at galit na tumingin sa kanya. "Kung hindi dahil sa'yo, edi kami pa sana! Kung hindi mo lang siya inahas—" "Nababaliw ka na ba?!" singhal ko. Kung punyal man ang kan'yang mga tingin sa akin ay kanina pa siguro ako naliligo sa sarili kong dugo rito. "Oo! Nababaliw na ako dahil hindi ko na kayang magtimpi pa sa'yo. Noon pa man ay galit na galit ako sa'yo dahil sa pagiging extra mo sa aming dalawa! Inahas mo siya! I-Inahas mo!" Nagulat ako nang bigla siyang humagulgol sa harap ko habang dinuduro ako. "Simula no'ng dumating ka, parang nililimos ko na ang pagmamahal niya! Nang dahil sa'yo 'yon!" How I wish what she said was true. Pero hindi e. Dahil hindi ako ang gusto ni Evander. "You heard what he said the last time I asked him, right? Edi 'yon ang isipin mo. Huwag mo akong andaran ng pagiging eskandalosa mo, dahil hinding-hindi ko papatulan ang utak mong pangkinder." "How dare you!" duro niya ulit sa akin. "Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal kapal ng mukha mo—" "SHIELA!" Sabay kaming nakatingin sa bandang pinto. To my horror, I saw Evander looking directly at me. Bago siya tumingin kay Shiela. "Ngayon mo sabihin, Clementine! Ngayon mo sabihin na hindi mo inahas ang boyfriend ko!" Narinig kong nagsinghapan ang lahat na nakarinig. Malamang! They've been finding who's that vet student who Evander admire! And now, hearing those words from Shiela, ofcourse! They've confirmed that it's her! "Clementine, lumabas tayo..." narinig kong sabi ni Lulu pero hindi ko siya tiningnan. Tinitigan ko si Shiela. You want an assuring answer? You want an answer?! "Sorry, but I don't like your boyfriend, Shiela. I don't even give a damn about Evander. Kung gusto mo siya, bumili kayo ng tali at pagbuhulin niyo sarili niyo." Ngumiti pa ako at tiningnan si Evander na ngayon ay walang ekspresyon na ibinigay sa akin. Ganoon din ako sa kan'ya. Kung hindi siguro ako natangay ni Lulu papunta sa labas ay nananatili akong nakatingin sa mata ni Evander.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
yeah
30/07/2022
0Tingnan Lahat