GALIT tuloy ako buong araw dahil sa lalaking iyon. Hah! Bakit? Tingin niya gusto ko siya kaya siya namemeste sa akin? Luh! Asa siya! Nakatanggap ako ng tawag. Napasulyap ako roon. And there I saw my best friend's name. "Hello, Esthere?" I tried my best not to stutter. Nakarinig ako ng hagikgik sa kabilang linya. "Hi, Clemmie! Puwede ka bang pumunta rito sa building namin? May sasabihin kasi ako!" Natigilan ako. Sinabi na ba ni Leander sa kan’ya? How come? Ang bilis naman? Akala ko sa party pa? "Clemmie? Still there?" Tumikhim ako. "Papunta na." "Okay! See you! Nandito na rin sila. Ikaw na lang ang kulang." Pagkababa niya ng tawag ay agad akong nag-ayos. Naglagay ako nang kaonting lipstick at concealer sa ilalim ng mata. Knowing my best friends, alam na alam nila kung kailan malungkot ako. Alangan naman sasabihin ko ang tungkol kay Leander? Namataan ko sila sa plant circle. Ngumiti ako at kumaway. Esthere's face lit up after seeing me. Nakabusangot naman sila Alexander at Lulu. "Ikaw nga kumausap nito, Clementine! Kaurat 'tong babaeng 'to!" si Lulu habang nakaismid kay Esthere. Umirap lang ito sabay naglahad ng kan’yang camera sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kan’ya. “Ayos lang kaya mag-confess?” bungad niya sa akin. “Oo, ‘no! Uso kaya ‘yan ngayon!” si Alexander habang kumakain ng chichirya sa gilid. Nang makita niyang nakatingin ako ay agad niyang inabot sa akin iyon pero mabilis akong umiling. “Uso nga at iyon ang gusto ninyong mga lalaki kasi oportunista kayo!” ismid ni Lulu sabay nagpapaypay pa sa sarili gamit ang kaniyang kamay. “Luh, bitter nito. Hindi ka lang jinowa ni Jerome-” “Iyang bibig mo talaga ipapakain ko ‘tong sapatos ko sa ‘yo.” “Ano ba! Ano ba!” awat ko sa kanilang dalawa. “Anong mayroon?” “Nag-first move si Lulu kay Jerome kaso naunahan na siya no’ng taga ibang department kaya init ng ulo niyan-” “Hindi hinihingi ang opinyon ng mga feeling relevant!” Napairap ako at pinagkukurot silang dalawa. “Huwag kayong maangas sa harap ko ngayon. Mainit din ang ulo ko. O ano, Esthere? Pinaggagawa mo sa buhay? Hindi puwedeng ikaw ang mag-confess, magiging single tayo habambuhay. Next question.” “Bitter talaga nito.” Masamang tingin ang ipinukol ko kay Alexander. Agad naman siyang tumikhim at nagpatuloy sa pagkain ng chichirya. “Ano ba! Umayos nga kayong lahat! Ano nga! Anong gagawin ko!” ani Esthere at inangkla pa ang braso niya sa braso ko. “Sino ba kasi iyan?” tanong ko. “E sino pa ba?” si Lulu. Napaisa ang kilay ko. “Sino nga?” “Walang ibang lalaki na kinahuhumalingan iyan kaya sino pa ba ang gusto niyan! E ‘di si Leander!” Gulat akong tumingin kay Esthere. Nakangiti lang siya habang namumula. "Help me, Clemmie..." Natigilan ako. Is there more any painful than this? Puwede ko na lang ba sabihin sa kan’ya ang totoo nang matapos na itong kahibangan na ito? She likes Leander. Leander likes her too. Ano pa ba ang dapat gawin bukod sa maging sila na lang? Paano ko nga nakalimutan ang katotohanan na iyon? That Esthere always admire Leander from afar. They both like each other and I don't have any choice but to be happy. But, how? "What's the matter, Clementine?" Hindi ko na namalayan na matagal pala akong hindi nakakapagsalita ulit. I fakely laughed and tap my friend’s shoulder. "Masaya lang! Ano ka ba?” Plastik ko pang tawa. “Sure! Sure! Tutulungan kita!" Ngumiti pa siya sa 'kin bago tumili. "Talaga, Clementine? I love you bigtime!" Peke ulit akong ngumiti. "O-Oo naman! B-Bagay...kayo." Tumili ulit siya. Si Lulu ay nakaismid lang kay Esthere pero si Alexander ang titig na titig sa akin. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Huwag kang pahalata, Twaila Clementine! Huwag! Sinabi na ni Esthere ang plano niya. Pilit akong nakinig at hinambing sa isip ang plano rin ni Leander. Sinubukan kong isipin nang mabuti at intindihin 'yon kahit ayaw kong makinig. "Love life, love life pa kasi! Tapos nandadamay!" ismid ni Lulu sabay sumulyap sa akin. "Oh, ikaw? Nabalitaan kong nagkasagutan daw kayo ni Shiela kanina? Dahil kay Evander?" Umiling ako. Nainis na naman nang marinig ang pangalan ni Evander "Bakit naman tungkol sa kan’ya?" Nagkibit balikat pa siya sa'kin. Nagulat ako nang akbayan ako ni Esthere habang hinawakan ang kamay ko gamit ang isa niya pang kamay. "Come on, Twaila Clementine! We're turning 22 next year in case you aren't aware." Napairap ako. "So what?" "Maghanap na tayo ng boyfriend, no! Baka malipasan tayo ng panahon, we will be single forever. Ayaw namin na maging malungkot in our entire life." “Nakaka-proud pa kaya maging NBSB sa edad na ‘to, ano?” depensa ko. “Oo, tapos next year kakabahan ka na dahil forever ka na talaga walang jowa!” sabat ni Lulu. Napailing ako. "I can live without boys. They will only give me headaches. Boys are boys. Sakit sa bulsa at sakit sa ulo. Dagdag stress pa. I better be in a relationship with animals than with manloloko boys." “Jowain mo kambing namin. Game?” Sinamaan ko ng tingin si Lulu. "You will not be in a relationship with boys, you'll have a relationship with a man," giit ni Esthere. Napairap ako. "Think of this, boys and men are somewhat the same, but in reality, they're really different. Really different...because boys will hurt you and will never chase while man will hurt you but they will chase you until his last breath," dagdag pa niya. “Sus! Ano ba kayo! Hello! Mag-asawa na lang kayo nang maaga tapos rich ninang na lang ako ganoon.” Natawa sila sa sinabi ko. "Pero, it's okay not to have a relationship for now, Clementine. But don't let yourself be trapped with fear and with that mindset. You're afraid. You're just afraid of commitment. You are afraid of the possible feelings that will happen. You are afraid of the consequences," ani Alexander. “Alam niyo kasi ang love, suwerte suwerte lang iyan e. Kung sa iba, suwerte. Sa iba naman ay malas. Like, ikaw, Lulu. Naunahan ka ‘di ba? So, hindi mo suwerte. Si Esthere, may chance pa na maging sila ni Leander-“ “Talaga?” ngisi ni Esthere. “Luh, umaasa na ang isa riyan. Alis na ako! Bye! Namemersonal kayo ng example, che!” padabog na saad ni Lulu at kinuha ang kaniyang bag. Natawa ako. “Totoo naman ang sinabi ko, ah. Love is something for those who accept it. Love itself is a broad emotion. And, it is scary if it's too much.” “Wala namang masama kung susubukan mong buksan iyang puso mo sa mga taong gusto ka rin.” Nanlaki ang mga mata ko. “At talagang may magkakagusto sa akin? Saan! Saan! Bigyan natin ng pera! Nasaan? Patawa talaga ito. Alis na nga rin ako.” “Ano ba! Seryoso ba talaga kayo riyan sa paalis alis ninyo? Hindi niyo ako hihintayin?” sigaw ni Esthere. Inisa ko na lang ang kamay ko sa ere para magpaalam. At nang tuluyan na akong makalabas ng university ay nawala na ang ngiti ko sa labi at muli na naman itong napalitan ng lungkot.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
yeah
30/07/2022
0Tingnan Lahat