logo text

Kabanata 19 - Mutual

HULING linggo na bago mag semester break. Well, I've been praying for this day to happen. I am free after this!
Ngiting-ngiti ako habang tinatahak ang hagdan papuntang building namin. Bago pa makaakyat nang tuluyan ay nakita kong may nakapaskil sa bulletin board. Tiningnan ko 'yon at halloween party 'yon. Napaismid ako.
I have no plans in joining kaya nagmamadali na ako sa pag-akyat.
Nang makarating ng room ay sinalubong agad ako nina Claire at Genelyn. Nakangisi pa sila habang kinukuha ang bag ko sabay dinala ako sa puwesto ko.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko. Mas lalo silang napangisi.
"Nakita mo na ang result ng oral exam?"
Napakunot-noo ako at umiling. Nagkatinginan naman sila.
"Talaga? Akala ko alam mo..."
Umiling ulit ako. "Bakit? Bagsak ba ako?"
Napahalakhak silang dalawa. Umupo pa si Genelyn sa armchair ko sabay humalukipkip.
"Now I am really starting to wonder, totoo bang si Shiela ang gusto ni Evander o ikaw..."
Nanliit ang mga mata ko. "Bakit naman? Obvious na obvious 'yon, ah?"
"Tss! Bagsak 'yon, e. Puro kasi landi..." ismid pa nila sabay tingin sa puwesto ni Shiela na ngayon ay nakatingin din sa banda namin.
Napairap ako.
"Nakapasa kayo?"
Napangisi sila. "Of course! Matalino kami 'no kahit bulakbol! Pero ikaw, Clemmie? Saludo!"
Napaismid ako. "Bakit? Pumasa ba?"
"Rank 3! Buti nakuha mo 'yon! Pero well, no'ng pre-vet mo rin daw, sanay na sanay ka na sa ganito e!"
Umiling ako. That's right. Ganoon kasi ang training ng university na pinasukan ko noong nag pre-vet pa. Medyo sanay na kami sa ganito kasi hands-on at oral talaga.
“Kung sanay sila e bakit bumagsak si Shiela?” tanong ni Gen.
“Matalinong paurong ang development kasi! Ano ka ba!”
Napahalakhak si Genelyn at tumingin sa puwesto ni Shiela. Napailing na lang ako at kinuha ang libro na hiniram ko pa kanina sa library.
Nagulat ako nang padabog na tumayo si Shiela sabay nagpunta sa labas. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa tuluyan nang makalabas. Nakasunod pa sa kan’ya ang alipores niyang kaklase din namin.
"Sus! Nase-sense niya sigurong pinag-uusapan siya. Hiyang hiya siguro sa maliit niyang score!" si Claire habang tumatawa. Narinig 'yon ng mga kaklase namin kaya natawa rin ang mga ito.
"Puro kasi paninira, pero in the end, mali-mali pala isasagot sa oral exam! Kapag feeling superior ka, dapat pati utak sumasabay rin. Kung feeling matalino ka, dapat totohanin mo 'yon!"
"Kumalma na kayo. Walang kabuluhan pag-usapan ang babaeng iyon,” sabi ko.
Marami na kasing pinagsasabi ang mga blockmates ko tungkol kay Shiela.
Nang magdismissal na ay nagmadali akong bumaba para tingnan din ang nasa kabilang bulletin board. Nandoon daw kasi ang result no'n kaya talagang nakakahiya kung hindi ka pumasa.
Tinrace ko ang mga pangalan mula sa baba hanggang sa pinakaunang mga numero. And there, I saw my name on the third spot. Sumunod lang sa kay Lulu.
Well, what can I expect with Louisse Xandra? She's our valedictorian way back in highschool!
Napangiti ako habang tinitingnan 'yon. Pipicturan ko na sana kaso may naramdaman akong lumapit sa akin at tumabi.
"Matalino ka..."
Napalingon ako sa kan’ya at nagulat. "I-Ikaw pala..."
Ngumiti siya agad at kitang-kita do'n ang dimples niya sa magkabilang pisngi.
"Hmm...you're likable kasi matalino ka..."
Kinagat ko ang ibabang labi, pinipigilan na ngumiti. "A-Ah...nakapag-review lang at...napakadali rin ng t-tanong—"
"Still...matalino ka. I couldn’t even answer that."
Ngumiti na lang ako sa kan’ya. "Salamat. Pero that’s the most basic question when you’re studying vet."
Ngumiti rin siya sa akin. “The most basic questions are the ones who are frequently ignored. Kaya minsan ay nakakalimutan. You’re intelligent, dahil hindi mo nakalimutan ang basic.”
Tama rin naman siya.
Naging tahimik kami saglit. Tumikhim ako at kinakabahang tumingin sa kan’ya.
"B-Bakit ka nandito? I mean... Imposible naman na may subject kayong nandito..."
Napangisi siya at sumulyap sa hagdan sa likod ko. "I am actually here for you."
Nanlaki ang mga mata ko sabay kinabahan.
"A-Ako? Bakit ako?"
Nagkamot-ulo siya. "I am just wondering if you can help me..."
Napakunot-noo ako. "H-Help? Anong help?"
Binasa niya muna ang labi bago nagsalita ulit. "I like your friend."
Nanlaki ang mga mata ko. Para akong nanlalambot. Seryoso? Seryoso 'to? Sino sa kanila?
There's something in me falling.
"A-Ah!" Napapekeng ngiti ako kahit nakakunot noo na. Nilunok ko ang nagbabara na kung ano sa lalamunan ko. "S-Sino, Leander?"
Kinagat ko ang ibabang labi bago nag-iwas nang tingin. Ayaw ko na tumingin sa kanya. Ayaw ko!
"Esthere. I like Francesthere. This weekend is the halloween night. That day, I will surprise her..."
Tumango ako kahit halos wala akong naiintindihan.
"O-Okay, Leander! P-Pero hindi kasi ako a-attend..." Pinilig ko ang ulo para hindi makatingin sa kaniya. But there, I saw Evander staring blankly at me. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko kaya wala sa sarili akong tumango. "Sige, Leander."
Nagmadali ako sa paglalakad at agad nang umakyat ulit. Narinig ko pang tinawag niya ako pero mabilis ko ng kinuha ang headset ko at agad na nilagay ito sa tainga ko.
I don't want to hear it. Ayaw ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero nang mabuksan ko na ang pinto sa huling palapag ay sinalubong na ako nang napakalakas na hangin. The whirling wind made my eyes to water. Doon na rin pumatak ang luha ko. Mabilis ko 'yon pinunasan at agad nang naglakad papasok doon. This is a restricted area pero wala akong pakialam.
I don’t even know why I am crying. Attracted ako kay Leander at alam kong wala akong pag-asa sa kaniya kaya ano itong iniiyak iyak ko? Dahil si Esthere ang gusto niya? Ano naman ngayon? Bagay naman silang dalawa!
Umupo ako sa isang upuan doon at agad ng yumuko. Habang nakatuon ang atensyon ko sa langit. Nakikinig ako sa kantang tumutugtog mula sa cellphone ko.
Bago ko man ma-stop ang audio ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Agad akong napalingon. With my tears in my eyes, I glanced at him looking at me intently. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at agad na lumayo sa kan’ya.
"Bakit ka nandito? Hindi ka dapat nandito."
Hindi ko pa rin inalis ang headset sa tainga ko pero rinig na rinig ko ang sinabi niya sa akin.
"Hindi ba sinabi ko sa'yo noon, huwag 'yong kaibigan ko?"
Inis akong tumingin sa kan’ya. Is he blaming me now? Ano bang pakialam niya?
"Ano bang sinasabi mo?"
Nagtiim-bagang siya at hinilot ang sintido. "Damn."
Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ka dapat nandito. Restricted area 'to. Kapag nakita nila na nandito ka—"
"Whatever. Mas importante ang emosyon mo ngayon."
Nilingon ko siya.
"At bakit? Dahil SSG president ka? At responsibilidad mo “kuno” ako? Evander naman! Be sensitive enough. Gusto kong mapag-isa at ayaw kong may ibang nandito—"
"Shut up. Magdrama ka hangga't sa gusto mo. Ipapaintindi ko lalo sa'yo kung bakit hindi dapat ang kaibigan ko."
Mas lalo akong nag-iwas nang tingin. Ano ba 'tong sinasabi niya? Bakit ba siya ganito? Bakit ba siya nandito?
"Baka ‘pag nalaman nila 'to, mapupunta ka sa SAO. SSG president ka pa naman," sarkastikong anas ko. Pero tinitigan niya lang ako. "Bumaba ka na, Evander."
"No."
Napalunok ako. "E ‘di ako ang bababa—"
Mabilis niyang hinigit ang kamay ko. Halos napasandal ako sa kan’ya at nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang kilos.
"Sinabi kong huwag 'yong kaibigan ko dahil masasaktan ka lang," giit niya ulit. Nangatog ang binti ko at halos mangilid ang luha ko ulit.
"Ano bang pakialam mo? Kung magkakagusto man ako, hindi ‘yon sa iba kun ‘di kay Leander lang din!"
Nanliliit ang mga mata niyang tumingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtanong.
"Bakit ka ba ganito? You're acting strange!" Tumigil pa ako saglit bago tiningnan siya nang mariin. "Do you like me, Evander?"
Seryoso siyang tumingin sa akin at umiling.
"Bumaba na tayo, Clementine—"
"No. Sagutin mo ako. Mas mabuting iklaro natin ito. Ako kasi Evander, wala akong gusto sa 'yo. Naiinis ako sa 'yo. Naririndi. So please, stop roaming around me like we are close friends!"
Nagtiim-bagang ulit siya at binitawan ang braso kong hawak niya kanina. Napangisi ako.
"Now, do you like me, Evander?"
Umiling siya at agad na nag-iwas ng tingin.
"No, Clementine,” mahinang boses niyang sagot.
Mabilis akong tumalikod. Muli ay nangilid ang luha ko. "Good. Because our feelings are mutual."

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    B. PeñafuerteRosendo Jr II

    yeah

    30/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata