logo text

Kabanata 15 - Weird

NANLULUMO ako habang tinatahak ang daan papuntang SSG office. Masasapak ko talaga ang lokong 'yon kapag i-a-assign ako sa CR.
He smirked after seeing me. Itinuro pa niya ang upuan sa harap niya. Napairap ako bago umupo.
"Your assignment will be at the Music Room."
Napaisa ang kilay ko. "Bakit doon?"
"Bakit hindi? It's part of the school."
"Nananadya ka ba?" Hindi ko mapigilan ang hindi mainis. Pakiramdam ko kasi, pagkakaisahan ako ngayon ng grupo niya, dahil sinabi kong hindi ko sila type.
Totoo naman! And if ever I will like someone in their group, then maybe it's Leander. Not this guy. Never!
His brows met. "What do you mean?"
Alright. Maybe I'm just the one here over-reacting.
Nakabusangot akong pumunta na janitor's area. Napasulyap ako kay Evander na ngayon ay nakangising nakasunod sa'kin.
Nagngangalit ang kalamnan ko. Lagot ka talaga sa'kin!
Mabilis kong tinapos ang paglilinis. Maraming nakasilip sa music room kaya nakaramdam ako nang pagkailang. Evander's just sitting in the stage while his fingers are playing in his lips. Totoong nakaka-distract 'yon para sa'kin.
Yeah, I'll admit that he's sexy with that.
"May-" ‘Di niya natapos ang sinabi niya nang madulas ako.
Nakita kong papatayo na si Evander but I feel someone's holding my back. Napalingon agad ako rito.
His brows met. His eyes are in me. His face is just two inches away from mine.
Darn. At any angle, we look like kissing!
Napabalikwas ako. Masakit ang puwet ko sa pagbagsak but Leander's hand is like an aid. Parang nawala 'yong sakit.
"D-Di ko n-nakita 'yong mop na nakalagay sa sahig," nauutal kong paliwanag.
Bahagyang natawa si Leander habang tinutulungan akong makatayo nang maayos.
"Next time, mag-ingat ka."
Napatango ako.
Grabe ang paghaharumintado ng kalamnan ko. Parang kinikiliti 'yon.
Natatae ako!
Napasulyap pa ako kay Leander na ngayon ay nakapamulsang naglalakad papunta kay Evander.
I can't hide my smile.
He's nice. He's a gentleman. He's really that pretty-boy type.
Pero natigil ako sa pag-iimagine nang makita kong tumayo na si Evander. Nakita ko pang papalapit ito sa akin, nakatingin din pero walang emosyon.
"H-Hey where are you—"
‘Di ko na natapos ang sinabi ko dahil sa ginawa niyang paglampas sa'kin.
Napalingon agad ako.
"Hey! Evander, where are you going?"
Napatigil siya sa paglalakad at seryosong tumingin sa'kin.
"Your next assignment will be the SSG office—"
"Ano?" singhal ko. He eyed me again using that intimidating look. Naiinis ulit ako sa kan’ya.
"You have eight demerits in total, Miss Torres. Baka nakalimutan mo."
Napamaang ako. "Bakit doon pa?"
"You want to clean in comfort rooms, instead?"
Kinagat ko ang ibabang labi at inis siyang tiningnan. Ano ba talaga ang problema nito?
"Let me help you, Clementine. Kasalanan ko naman—"
"Damn it! Stop playing knight in shining armor, Leander."
Humalakhak si Leander sa gilid at tinapik ang balikat ko. Evander stared at me again bago lumabas. Inis man ay sumunod ako sa kan'ya.
"What's your problem?" mahinahon kong saad. Dire-diretso lang ang lakad niya papuntang SSG office. Napanguso ako at palihim siyang sinusumpa! Sana talaga ay magkabulutong siya sa noo!
"Simulan mo ng maglinis para makauwi na ako."
Napaisa ang kilay ko. "E ‘di umuwi ka. Problema ba 'yon?"
Bumaling siya sa akin. "I am here to help you—"
Humalakhak ako. "Are you kidding? Iwan mo na lang ang susi nitong office at kunin mo na lang sa guard house bukas—"
"Tutulungan kita, Clementine."
Napairap ako. "Tingnan mo `to! Kung gusto mong tumulong, huwag mo akong palinisin at uuwi na tayo pareho."
Napailing lang siya at agad na pumunta sa table niya sabay kuha ng isang notebook. Mas lalo akong napairap.
"Ayaw mong tulungan ako ni Leander. Tapos ngayon, ikaw tutulong sa akin? Oh, gosh—"
"Tss!"
Natigil ako sa pagsasalita. I eyed him the way he eyed me. Naiinis siyang tumingin sa akin.
"Napaisip tuloy ako kung totoo ba 'yong rumors—"
This time, siya naman ang humalakhak. Sarkastiko iyon. Namula ang pisngi ko. Well...
"You're imagining things, Twaila Clementine," walang modo niyang saad.
Nanlaki ang mga mata ko. He smirked at me bago humakbang papuntang pinto. He lock the doors before going near me. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. He get the mop and start the cleaning. Habang ako ay natulala sa ginawa niya.
"Move."
Napabalikwas ako at nakangusong nag-iwas ng tingin. Kinuha ko ang basahan at sinimulan ng punasan ang table niya. Natigil ako nang may nakita akong litrato. That's their young version. Nasaan ba si Leander dito?
Ah, ito!
Napangiti ako habang tini-trace ang mukha niya. He's really handsome and cute at the same time!
"I don't want to see you again with him."
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siya sa harap ko. Napahakbang ako paatras at tumikhim.
"Bakit naman? At saka, anong pakialam mo?"
"Okay, sige. Five demerits again. Public display of affection, huh?"
My eyes widened. "Ano? Ang dumi mo talaga mag-isip! Hindi nga kami nag-PDA. As if your friend will like me back in a snap—
"Tss. Like you back? Bakit? Gusto mo iyon? Mag-crush crush ka ng iba r’yan. Huwag ang kaibigan ko."
Tinitigan ko siya. Lumayo na siya at sinimulan na ulit pagma-mop. Hindi ko maiwasan matawa sa naiisip ko.
"Bakla ka ba?" kyuryuso kong tanong.
Natigil siya at inis na tumingin sa akin.
"Ano?"
"Bakla ka ba?"
"To hell with that! Are you insane!"
Natawa ako. "Uy, that's three points of demerits! You clean this whole office. I am done—"
"Stay, Twaila."
Natigil ako at tumingin sa kan'ya. His lips rise.
"Mag-crush ka ng iba. Huwag si Leander."
Natawa ulit ako. He's desperate to ask me that?!
"Bakit? Takot ka bang maagaw ko si Leander sa'yo?"
"Takot akong ikaw ang maagaw ka niya sa'kin!"
Nanlaki ang mga mata ko at gulat na tumingin sa kan'ya . He looked away and continue doing whatever he's doing.
"Ano?" I almost whispered. Tumingin siya sa akin gamit ang madilim niyang tingin.
"Leave. Leave me, Clementine."
Nakagat ko ang ibabang labi. Dahil sa kaba ay napasunod ako sa utos niya. Mabilis kong binitawan ang basahan at nanginginig na lumabas sa office na iyon.
Nang tuluyan nang makalayo ay lumingon ulit ako roon. But then, I saw someone knocking that door.
And, that's Shiela.
Napabuntong-hininga ako. Baka kaya nagalit si Shiela sa'kin dahil siya naman talaga ang babaeng sinasabi ng lahat at hindi ako 'yon. Baka may kung ano nga sa kanila ni Evander.
I don't know what happened pero may kung anong sumikip sa dibdib ko.
Nagulat ako nang buksan ni Evander and pinto roon. And suddenly, Shiela hugged him.
My face flushed. Nararapat nga sa kan'ya ang maglinis doon.
That's five points of demerits, Mr. President.

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    B. PeñafuerteRosendo Jr II

    yeah

    30/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata