logo text

My Internet Love Part 3(of part 1)

"Ito naman hindi ko pa nga tapos kausapin 'yong tao e," may inis niyang sabi sa akin.
Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Cristala. Tinaboy ko muna siya sa loob ng aking silid at kinandado ang pinto upang hindi siya makapasok.
"Pagpasensyahan mo na ang kapilyuhan ng aking pinsan, ganun talaga iyon. Galing kasing Maynila," sabi ko kay Doni sa kabilang linya.
"Haha! Ayos nga siya e, hindi ka ma bored kung kausap mo siya," nakangiti niyang sagot sa akin.
"Sabagay," mapaklang ngiti ang binigay ko sa kanya.
Mukhang sa susunod sila na ni Cristala ang magka chat, paano na ako?
"Ang lalim yata ng iniisip mo ah!"
"Ah, huwag mong intindihin iyon. Ubusin mo muna ang iyong lomi at kanina pa yata malamig iyan. Ba bye na!" Mabilis kong pinatay ang call button ng messenger at bumuntonghininga.
Hindi ko na muna sinagot ang tawag niyang iyon dahil may kung anong bagay ang naramdaman ko na hindi ko pa mawari.
Lumabas ako ng aking silid at palihim kong tinungo ang silid ni Cristala. May kung anong ingay na naririnig ako sa loob ng kwarto niya.
"Ang pogi mo pala ano!"
"Hindi naman masyado," sagot ng lalaking hindi ko mabosesan.
"Basta chat ka lang or video call kapag kailangan mo ng kausap. Lalo na kung nalulungkot ka," may panunukso na sambit pa ng aking pinsan.
"Sige, sige salamat sa oras mo!"
Iyon ang huli kong nadinig at nilisan ko na ang pintuan ng kanyang silid.
Hindi mawala sa isip ko kung sino ang lalaking kausap ni Cristala. Binuksan ko ang aking facebook at sinearch ang pangalan ni Doni.
Nakita ko na friends na sila ni Cristala at may mga komento ang pinsan niya sa isang picture nito.
"Ang pogi mo riyan lods!"
Sumagot naman ito sa komento ng aking pinsan.
"Salamat lods, matagal ko ng alam na pogi ako. Haha!"
Muli namang bumanat ang aking pinsan sa sinabing iyon ni Doni.
"Feeling ko magiging crush kita!"
Pinusuan lamang ni Doni ang komento nito.
Nakaramdam ako ng inis na ngayon ko lang naramdaman. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nainis nang ganito pero ngayon ay may kung anong damdamin ang umusbong at ako'y nagkakaganito.
"Nariyan ka pala ate," maang na sambit sa akin ni Cristala.
"Kanina pa," walang ganang sagot ko rito.
"May dinaramdam ka ba ate? Parang ang tamlay mo ngayon?" concern niyang tanong sa akin at aakmang lalapitan ako.
Ngunit mabilis akong tumayo at tinungo ang lababo.
"Siya nga pala ate fb friends na kami ni Kuya Doni," pagbibigay alam niya sa akin.
"That's Good." Humarap ako rito at ngumiti nang pilit.
"Ang pogi niya ate!" ang hindi mapigilang bulalas ni Cristala sa akin.
"Parang hindi naman," salungat ko sa kanya.
"Weh? Hindi ka napopogian kay Doni Lan?" pagtatanong muli niya na parang hindi naniniwala sa akin.
Hindi ko na sinagot ang pagtatanong niyang iyon. Umalis ako ng hapag kainan na nakasimangot.
Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa aking pangalan.
Pagpasok ko sa silid ay padapa akong nahiga, hindi ko talaga maiwasang mainis at mag-isip. Maya-maya ay muling nagparamdam sa akin si Doni.
Doni wants to call you.
Doni wants to call you.
Subalit inignore ko muna ang tawag niya at mamaya ko na lamang sasagutin.
Hindi pa ako nagtatagal na nakadapa sa kama ko nang pumanhik si Cristala. Ipinasya kong magtulog-tulugan ng mga sandaling iyon.
"Tulog yata ang ate, Kuya Doni."
"Ah sige sabihin mo na hihintayin ko ang tawag niya pag nagising,"
"Sige Kuya Doni. Siya nga pala ang pogi mo sa suot mo ngayon at ang macho mo pala!" pagbibigay puri niya kay Doni na kinaiinisan ko.
"Haha quota ka na sa pagsasabing pogi ako. Salamat ng marami, ikaw nga riyan napaka seksi. Siguro marami kang manliligaw?"
"Oo kuya marami, pwede kang mag apply sa akin. Tiyak pasok ka kaagad sa kweba ko este sa puso ko!" maharot na sabi ni Cristala na lalong nagpapakulo sa dugo ko.
Hindi ko na kayang marinig ang mga harutan nilang dalawa kaya tumayo ako. Nagulat naman ni Cristala sa biglang pagtayo ko.
"G-Gising na si ate!" Iniharap niya sa akin ang kanyang selpon.
"Sa wakas gising ka na," dagdag pa ni Doni na halatang nagpapa kyut sa akin.
"Anong meron?" seryoso kong tanong sa mga ito.
"Hindi mo kasi sinasagot ang calls ko, kaya nag decide ako na tumawag sa pinsan mo," sagot na iyon ni Doni sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa nararamdaman kong iyon para kay Doni.
"Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Sige labas muna ako at naalala kong may inuutos pala si mama na gagawin ko," pagbibigay dahilan ko kay Doni.
"Sige, sige mamaya ha. Chat tayo" sabi pa ni Doni na tila naglalambing sa akin.
Tumango lamang ako sa kanya at lumabas na ng kwarto. Narinig ko pa ang pagbibirong iyon ni Cristala kay Doni.
"May dalaw yata si ate kaya parang mainit ang ulo, haha!"
"I see."
Mabilis lumipas ang araw hindi ko na mamalayan na one month ko na pa lang kaibigan si Doni. Hindi ko mawari ang nilalaman ng puso ko para rito? Ayaw ko mang aminin subalit tila higit pa sa kaibigan ang damdamin ko sa kanya. Ngunit alam kong dapat na pigilin ang nadarama kong ito.
"Alam mo ba Clara, may isang taong gustong-gusto ko," bungad niya sa akin ng gabing kausap siya.
"S-Sino naman siya? Napaka swerte niya sa iyo!" para akong naiinggit ng sabihin niya ito sa akin habang kami'y magka video call.
"I-Ikaw!" sagot niya sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa sinabi niya kaya inulit ko ito.
"A-Ako?" paninigurado ko.
"Oo ikaw ang gustong-gusto ko!" masaya niyang pahayag na lalong nagpalakas ng kabog sa aking dibdib.
"Ngayon ko lang narinig ang bagay na 'yan, hindi ko akalain na—"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng sumingit siya habang ako ay nagsasalita.
"Gusto kitang maging bespren ko! Sa iyo ko kasi na feel na totoo ang bawat sinasabi mo. You are very special to my heart!" punong-puno ng pagmamahal na sabi ni Doni sa akin.
Iyong inaakala ko na gusto ako higit pa sa pagkakaibigan, 'yon pala as a best friend lang, saklap!
"A-Ah… Salamat kung ganun," tila maiiyak kong sagot at hindi ko na nga mapigilang mapaiyak habang kausap ko siya.
"Hala! Bakit ka umiiyak?" naalarma niyang tanong sa akin.
"W-Wala…"Umiiling kong sagot habang pinupunasan ang mga luhang pumatak sa aking pisngi.
"Weh? Bakit nga?" pangungulit niyang iyon sa akin.
"Kwan… Ngayon ko lang kasi na feel na mahalaga ako, na gusto ako, na mahal ako…. Bilang isang kaibigan, bilang isang bespren!" napahagulhol ako habang sinasabi ko ito sa kanya.
Bakit ba parang hindi ako ganun kasaya? Bespren na niya ako, pero bakit hindi ko tanggap na hanggang doon lang?
"Balang araw makikita mo rin ang lalaking magmamahal sa iyo higit pa sa pagmamahal ng isang kaibigan. Kaya huwag silang magkakamaling saktan ka, kundi yari sila sa akin!" sabay flex niya sa kanyang muscle.
"Haha! Salamat," sagot ko na lang sa kanya. Pero sa loob-loob at kaibuturan ng aking puso, unti-unti akong nasasaktan.
Natapos ang usapan namin ni Doni na mag-aala una na. Laging madaling araw ang tapos ng aming pag-uusap.
Lahat na yata ng topic, problema at pangarap ay napag-usapan na namin.
Madali siyang mahalin kasi malambing siya! Humahanga ako sa kanyang kabaitan. Kaya nga siguro napamahal ako sa kanya dahil sa kanya ko nadama ang maging mahalaga at napatunayan ko sa aking sariling may nagmamahal sa akin kahit na old fashion ang style ko.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Ginawa ko na ang lahat ng pinapagawa sa akin ni mama at papa.
Nakita ko si Cristala na bihis na bihis, mukhang may lakad.
"Saan ang punta mo?" pag-uusisa ko sa kanya.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Bhas Jheyy Saratal

    Ganda ng history

    14/10/2024

      0
  • avatar
    Kimberly Bautista

    bshaah

    05/08/2024

      0
  • avatar
    Amino B Maba

    I love you

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata