After Tomorrow

Veronica's Point of View
Two months na pagkatapos ng mga nangyari. Maraming pagbabago ang nangyari sa'kin. Tinulungan kami ng parent's ni Jenny as a payback daw. We accepted it naman kasi wala kaming choice except Ate Shelle, Crimson, and Sherica na kaya naman nang bumangon afterwhat happened.
Ngayon ko lang rin na-realized lahat nang pagbabago sa katawan ko. Inaatake na ako nang gutom, tawag ng kalikasan, at inaantok. Lalo na pala ang pagod. Nagtayo kasi nang Coffee Shop si Tyrus at partner sila ni Sherica. Kaya para magkaron nang pagkakakitaan ay pumasok ako bilang server, mahilig naman kasi akong makipag usap sa mga tao kaya madali na lang siya para sakin. Nang malaman iyon ni Crimson ay nagsuggest siya na bigyan ng trabaho sa coffee shop kahit walang bayad, pumapayag naman si Tyrus dahil si Crimson na mismo ang nagsuggest, malaking tulong rin iyon sa coffee shop lalo na at nagu-umpisa palang. Noong una ay sa cashier inilagay si Crimson kaya lang dahil sa hamak niyang ka-gwapuhan ay nagkakagulo sa counter kaya iinilipat siya ni Tyrus sa kusina, naging chef in pastry and beverage real quick ang manok na pula niyo.
Pero dahil nga sumikat siya sa cofffee shop ay ang dami paring mga tao na hinihintay talaga siyang lumabas ng kusina. Minsan inaamin ko na naiinis ako pero hindi ko ipinapahalata.
Tuwing matatapos din ang shift nakin ay nagpapaiwan kami para magkape muna dito. Actually, hindi naman ako magpapaiwan kung hindi niya ako inaaya.
Kasama ko na rin pala sa bahay si Papa at Mea. Si mama ay medyo malabo pa. Si Mea naman ay madalas ang pagalis-alis nitong mga nakaraang araw. Dati a nagsasabi siya kahit gaano ka-seryoso ang pinupuntahan niya pero ngayon ay hindi na talaga, bigala-bigla na lang siyang nawawala, minsan hindi pa umuuwi. Pero kapag umuuwi nnaman siya ay palaging may dalang pagkain.
Wala na akong alam kung anong ganap sa buhay ng iba. Ang alam ko lang ay inaayos ni Jenny ang relasyon niya sa pamilya niya pati kay Ezra. Matalinong bata si Ezra kaya alam kong maiintindihan niya ang sitwasyon nila.
Kay Ate Shelle naman, focus siya sa dalawa niyang anak. Yes, inampon na ni Ate Shelle si Rachelle. At sa asawa niya? well, hiwalay na sila. It turns out na babaero si Martin. Madalas kaming magkita ni Ate Shelle dahil dito sila madalas tumambay at magalmusal. Ayaw pa nga niya ng libre, eh.
Si Lana at Amilla naman, ewan ko don sa dalawang iyon. Wala akong balita na kahit ano. Ayy meron pala. Huling balita ko pala sa kanila ay last week ay ikakasal na sila. Ang bilis ng panahon, ang ganda nga ng invitation card, eh gawa sa acryclic. Ayan lang at wala na.
Sino pa ba? Si Jane? Hindi ko siya masiyadong maalala pero parang nabanggit siysa sakin ni Jenny nakaraan. Anyway, ang importante ngayon ay maayos na kami at patuloy na umaayos.
I still have a blue hair, wala, umaayon na siya sa katauhan ko tsaka dito talaga ako kumportable. Walang nakakaalam kung anong mangyayari bukas o sa mga susunod pang mga araw pero kahit ano pa man yan ay wala na kaming hindi makakaya.
"Tita!"
Agad na sumilay ang malaking ngiti sa labi ko nang marinig ang boses ni El. Tumakbo siya palapit sakin at niyakap ako, kasama niya si Ate Shelle na abot tainga rin ang ngiti habang buhat si Rachelle na nakangiti rin. Ang saya nila ngayon, ah.
"Kanina pa naga-aya yan dito kaya hindi ko na nahindian," ano Ate Shelle nang makalapit siya samin. "Hindi ba kami nakaka istorbo?"
"Hindi naman. Sobrang aga pa kaya wala pa masyadong tao. Upo na kayo dito. Anong order niyo?" Hinila ko ang isang upuan para makaupo si Ate Shelle habang si El naman ay nagkusa nang umupo.
"Ako na ang kukuha, magkuwentuhan muna kayo," biglang sulpot ni Crimson at pinaghila ako nang upuan then sinenyasan ako na umupo dito na ginawa ko naman.
"Same order pa rin," sagot ni Ate Shelle. Ngumiti si Crimson at tumango bago umalis. Nang makalayo si Crimson ay hinawakan ako ni Ate Shelle sa braso. "So, kayo na ba?"
Wala akong kinakain pero para akong nahirinan sa sinabi niya. "H-hindi po," nauutal na sagot ko dito.
Ngumit si Ate Shelle nang nakakaloko. "Ayy sus," aniya.
"Here's your order, and also. Here." Pagkababa ni Crimson ng mga pagkain sa lamesa ay ibinaba niya sa gilid ni Ate Shelle ang baby chair kaya agad pero maingat na inilagay ni Ate Shelle doon si Rachelle. Si Crimsom naman ay agad na umalis.
"Natutuwa ako sainyong dalawa, lalo na kay Crimson. Napaka disenteng lalaki..." huminto saglit si Ate Shelle para humigop ng kape. "Sana lang hindi siya maging katulad ni Martin," nabigla ako sa sinabi niya at napatingin kay El. Tahimik lang siya habang kumakain. "Ang daming nangyari. Pero isa lang din ang hindi ko makakalimutan. Ayon ay ang nakilala ko kayo."
"Ako rin po!" Sigaw ni Eli sabay taas ng kutsarang hawak niya.
Natawa kami ni Ate Shelle dahil sobrang dungis nito, puro tsukolate ang mukha, hinilamos niya ba iyan?
Magkuwentuhan pa kami ni Ate Shelle about sa iba't ibang bagay lalo na sa kung ano nga bang nangyari o nangyayari ngayon sa lugar na iyon. Ang ilan saamin ay pinili itong ibaon na sa limot pero ako? Hindi ko kaya at mas pinili kong huwag. Core memory iyon, trauma pero malaki ang parte niya sakin. Isa pa, ayaw ko ring kalimutan ang iba na naiwan.
Minsan naiisip ko kung may purpose ba at kami ang napunta doon? Sadya ba siya? O sadyang wala lang siyang ibang mapili? Nacu-curious ako tuwing iniisip ko siya.
Siguro ay dapat mag focus ako sa present, lalo na ngayon na ilang buwan pa lang ang nakakalipas, sariwa pa ang lahat. Alam ko ay dumadaan sa therapy ngayon sina El at Ezra, masyado pa nga naman kasi silang bata.
May parte sa'kin na nami-miss si Tamara, minsan kasi ay napapanaginipan ko siya pero hindi katulad ng Tamara na masungit, nakangiti siya. Para bang ang saya niya sa panaginip ko.
Hayst, sana tapos na talaga. Sana hindi na ito maulit.
"Crimson! Veron!" Naagaw ni Tyrus ang attention ko nang tawagin kami nito kaya agad kaming lumapit. Seryoso ang tingin niya sa flat screen na nandito aa coffee shop. "Look at that," aniya sabay turo sa screen. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat nang makita kung anong tinutukoy nito.
"Oh my--" hindi makapaniwalang alintana ni Ate Shelle na nasa tabi ko na pala at nakatingin rin sa screen.
"I think we need to close the store for now," ani Tyrus. Nagmamadali siyang pumunta sa entrance nitong Coffee Shop at pi lnalitan ang sign ng "Sorry, We're Close", sabay sarado ng pinto at ni-lock pa nga ito mula dito sa loob.
Kahit kalmado ay ramdam ko ang pagkataranta sa kilos ni Crimson habang kinukuha sa bulsa niya ang phone niya at agad na may tinawagan. Isang beses lang itong nag ring ay may sumagot agad mula sa kabilang linya.
"Yes, we did," ani Crimson habang nakatingin sa tv. "Yeah...yeah....A the shop.... Copy...we'll wait, hurry up," aniya sabay baba ng tawag at ibinalik ang phone sa bulsa niya. Hindi niya napapansing nakatitig ako sa kaniya dahil nga siguro ay naka focus siya sa pinapanood niya.
"OPEN!" Gulat akong napatingin sa entrance ng coffee shop nang marinig ang makabasag pinggang boses ni Sherica. Agad na binuksan ni Tyrus ang pinto para papasukin si Sherica at isinarado ulit.
"Let's sit here," aya saamin ni Tyrus habang naglalagag ng mga upuan palibot sa bilog na lamesa. Lumapit ako dito at namili ng puwesto.
Bago ako umupo ay tinignan ko muna si El at Rachelle. "Paano si El at Rachelle?" Tanong ko sa kanila.
"I'll bring them to my office," sagot ni Tyrus. Lumapit siya kina El habang nakangiti at binuhat si Rachelle. "Let's go. Behave lang kayo dito for god's sake..."
Narinig ko pang nagtatanong si El kay Tyrus kung anong nangyayari bago tuluyang mawala ang mga boses nila. Ilang sandali lang ay bumalik na si Tyrus at kinuha ang remote ng tv sabay hina ng volume nito. Lumapit siya sa puwesto namin at umupo sa natitirang upuan. "Where are the others?"
"I can't contact Mea. Jenny said she can't come today because of Amilla and Lana...that's it," sagot ni Sherica sabay patong ng paa niya sa lamesa. Mabuti na lang at nai-alis ko agad ang kamay ko na nakapatong dito, ang lakas pa naman nang pagkakabagsak ng paa niya.
"How about Pa-miel?" Tanong ni Crimson sabay iwas ng tingin sakin.
Oo nga, ano? "Wait, tawagan ko lang." Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa at nag-dial. Naka tatlong ring pa muna ito bago niya sagutin.
["Napanood niyo rin ba?"] Bungad ni Papa sakin mula sa kabilang linya.
"Opo, nandito kaming lahat. Wait lang, loud speaker ko." Binuksan ko ang loud speaker ng phone ko bago inilapag sa lamesa ang phone ko.
"Ako lang ba ang nakakakita nito?" Saad ni Ate Shelle. Bakas sa mga mata niya ang gulat na may halong pagtataka habang nakapako ang atensiyon niya sa telebisyon.
"Is that...is that Victor?" Agad akong napatingin sa telebisyon nang marinig ang sinabi ni Sherica. "Holy shit! That's him? Right?!" Medyo malakas ang pagkakabigkas ni Sherica. Agad niyang ibinaba ang paa niya sa sahig at tumayo mula sa kinauupuan niya.
"What is happening?" Bakas sa boses ni Tyrus ang matinding pagtataka, naramdaman ko ang takot dito.
Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan nang magsalita si Victor mula sa telebisyon.
"Yeah, it was unforgettable..."
Nagkatinginan kaming lahat bago ibalik ang atensiyon sa pinapanood namin.
"Totoo ba ito?" Mahinang tanong ko. Tila nawalan ako nang lakas dahil sa mga nasasaksihan ko ngayon.
"How about you? Your name again?"
"Hadriel"
"Yes, Hadriel..."
"Oh god..." Napatakip si Ate Shelle sa bibig niya sa sobrang gulat. "But...they're d-dead, we saw it." Isa-isa kaming tinignan ni Ate Shelle na may pagtataka sa mga mata niya. "Hindi ba Veronica?" Aniya sabay tingin sakin.
"Y-yes," tumango pa ako dahil hindi ko na marinig ang boses ko. Natutuyo ang lalamunan ko sa sobrang kaba. Hindi naman gano'n kalakas ang aircon dito pero nilalamig ako.
"This show is called-" lahat kami ay tinignan si Tyrus, naghihintay nang sasabihin niya.
"What?!" Iritang tanong ni Sherica dito.
"Zone 198." Binalot na nga kami nang katahimikan. Mariin akong napalunok. Hindi ako makapaniwala, napaka imposible.
"Namatay ba talaga sila? Hindi kaya namatay lang sila sa loob pero hindi sa labas?" Pagputol ni Papa sa katahimikan.
"Negative. I saw the corpses, their corpses," sagot ni Crimson. Nakahalukipkip siya habang nakatingin sa sahig at tila malalim ang iniisip.
"Something is happening," ani Tyrus.
Pinagmasdan namin ang tv na namamatay-matay hanggang sa maging static na lang ito. Sinubukan ni Ate Shelle na hanapin online ang show na pinapalabas kanina kaya ganoon rin ang ginawa ko. Kinuha ko ang phone ko at dumiretso sa social media, palipat-lipat ako ng platforms pero walang lumalabas na kahit ano. Kapag sine-search ko naman sa Google ang pangalan ng show ay nage-error ito.
Naaga ni Tyrus ang atensiyon namin dahil kinakalampag na niya ang tv gamit ang kamay niya. "That's not the problem, idiot," saad dito ni Sherica sabay irap kaya tinigil na ni Tyrus ang pananakit sa tv nitong coffee shop. Sayang iyan kapag nasira, flat screen pa naman.
Inis na tumayo si Sherica at padabog na kinuha ang remote sa kamay ni Tyrus sabay patay ng tv bago ibalik kay Tyrus ang remote at umupo ulit sa inuupuan niya kanina.
Medyo nabawasan ang kabang nararamdaman ko.
["Wala na rin dito,"] ani papa na nasa kabilang linya pa rin pala.
"I'll talk to Jenny and will try to contact Mea about this. See ya! Stay alive!" Lumabas na si Sherica ng shop.
Nagpaalam na si Papa na ibababa na niya ang tawag kaya nagpaalam na rin ako. Pagka patay ng tawag ay doon ako bumuntong hininga. Napansin iyon ang mga tao sa paligid ko pero nagkibit balikat lang ako at ngumiti.
"We will find out what's happening soon," saad ni Crimson. Tumayo siya at dumiretso sa kusina.
Bigla na lang kasing lumabas sa telebisyon ang isang show. May interviewer at may mga ine-interview siya. We saw some familiar faces in the background habang nagro-roll ang camera. Iyon ang umagaw ng atensiyon ni Tyrus, ang iilan sa mga mukha doon ay hindi ko kilala na sa tingin ko ay namumukhaan ni Tyrus. Masyado lang talaga akong mabahala nang marinig ang boses ni Victor dahil siyang-siya talaga.
"Meamitri is calling!" Sigaw ni Crimson habang palapit saamin. Inilapag niya ang phone niya sa lamesa at ni-loud speaker.
["Intriguing indeed. The show is a decoy, don't worry about it."] Saad ni Mea mula sa kabilang linya. Ang ingay nang background niya, nasa kalsada siguro siya dahil rinig na rinig ang ingay ng mga sasakyan at mga tao.
"What did you do?" Tanong dito ni Crimson.
["We stopped the show, just the signal. Nothing to worry about. I already sent the news to Sherica."]
"Okay but wh-" hindi natapos ni Crimson ang sasabihin niya nang patayin na ni Mea ang tawag.
"So, hindi siya totoo?" Tanong ni Ate Shelle dito. Sinisigurado niya kung totoo nga ba talaga ito o hindi.
"No, just a decoy," paguulit ni Crimson sa sinabi ni Mea kanina.
Nakakahinga na talaga ako ng maluwag. Mabuti naman. Akala ko ay problema nanaman, eh.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Angel Marigondon

    hjkk

    06/10/2024

      0
  • avatar
    Nurin Nizam

    GG,WAN 01lljhgggiirdcky8fye25rygghfsgcjvkvbkhokbkgjdhxmfuhdyryTs4yffhtksiteyoxhlhlxdkydhxchxafatkfuhxgmztksdupnfa44ielyruzb😄😅🙊🌔😞🐭🤒😏stktaktw5e5odyysykstksyxmhstkskte7dakteyldudlyxhxxcudlhdylducjzyskyfjzyksylfjxhdhzxzmgsyldylsyldyleoywtkwtjrylryidyfysgfjxhmccbxchdfhlfulfkchkchkcukfukfukfulfulfifumstjchmxmcjcn vjhkxthsykfukrkyflkgilt7ocjlv🐶572eukfdkhgssjkeykdykdmfjdukdykdykruydkudurkykdykdhdgkguio8tlrulruleukruroudhxkhxjmdjmcfjlfulfulfilffhnxxmhcnbbmbmchmdyjgkyyejriuuodulfjkduidlufjxbhmcbb

    27/09/2024

      0
  • avatar
    monzalesThird Mahilum Salvador

    it so nice to read

    31/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata